Chapter 19
I wanted to follow her to the unit but I know that there's no use. I need a break from all these haunted pasts I have. Baka hindi ko rin maayos ang tampo sa akin ni Savannah kung pipilitin ko.
Nang maubos ko ang ikatlong stick ko simula nang umalis si Savannah, bumalik na ako sa unit. Nandoon pa rin ang mga damit na nagkalat sa living room, at hindi ako sigurado kung kaninong mga damit 'yon at kung kaninong babae naman 'yung nandito ngayon, base sa mga damit na nagkalat. Hindi ko na lang din pinansin pa at dumiretso na sa k'warto.
Nakita ko si Savannah doon na natutulog at nakatalikod sa gawi ko. Nakahinga ako nang maluwag nang dahil doon. Ibig sabihin, hindi siya masiyadong galit o nagtatampo sa akin dahil hindi siya umalis. Hindi niya ako iniwan.
Lumapit ako sa higaan at nahiga sa tabi niya, tsaka siya niyakap. I felt her stiffened. I buried my face on her nape and hugged her tighter.
"I love you, Sav. I'm sorry . . ."
I felt her hand held mine. And so, we went back to sleep.
***
We spent the whole summer vacation by going on a road trip until the sun rises again. It was one of the best things I love doing with Savannah. Midnight rendezvous became a pretty big thing to me, especially that it was her that I am with.
She sighed after drinking the beer from the can she's holding.
"Malapit na naman ang enrol-an."
Nakahiga kami ngayon sa hood ng kotse ko habang nasa Tagaytay, para hintaying muli ang pagsikat ng araw, bago kami tumulak pauwi sa sari-sarili naming bahay. It became a tradition to us, that every weekend, we'll be spending our nights like this, waiting until the sun kisses its sky again.
I pulled her closer to me. "Bitin ba, babe?" I laughed. "Okay lang 'yan, we can go on a roadtrip like this even after all our busy scheds."
She scoffed. "Magshi-shift nga ako sa Interior Designing kaya mas magiging busy ako. Marami akong hahabulin."
Napanguso ako sa sinabi niya, kasabay ng pagtitig sa madilim na langit na may mga bituin. Oo nga pala, nakapag-desisyon na siya ro'n. Sayang 'yung ilang taon ng inaral at inilaan niya sa Multimedia Arts, pero may punto rin naman siya.
"Are you really sure about that?" I asked.
She nodded before taking a sip on her beer in can. "Yup. Sure na."
I sighed. "Okay, then. I'll wait for you until you graduate, then we'll make our family of our own."
She chuckled before facing me to claim my lips. I smiled before pulling her head back to kiss her more, thoroughly this time. I pulled her closer so she can be on top of me, as I put all of her dancing hair through the wind on her back.
Seconds later, she broke the kiss. I cupped her face and planted a kiss on her nose.
"Malapit na sumikat ang araw," she said with a genuine smile on her face. "New start for all the people who failed yesterday, and continuation for all the people who are on their journey of life."
I caressed her cheek. "Tulad natin?"
"Tulad natin." She chuckled.
I laughed. "Magkasama naman tayo sa journey. Always. Hindi maghihiwalay."
She smiled. "Hinding-hindi."
Bumalik na siya sa pagkakahiga niya sa tabi ko at hinintay na lumiwanag ang kalangitan. Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. Nakita ko na diretso lang ang tingin niya sa langit.
"Sa tingin mo, ano nang nangyari kay Grace?"
Napalunok ako sa tanong niya. Ang tagal na naming hindi napag-uusapan si Grace. Huling beses na 'yung nasa rooftop kami. Bakit niya kaya naitanong ngayon? Kinabahan ako bigla.
"Hindi ko rin alam. Bakit mo naitanong?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala."
Lumunok ako bago muling nag tanong. "Nag-aalala ka sa kan'ya?"
She chuckled before looking at me. "Hindi ko naman mapipigilang mag-alala sa kan'ya. Lalo na't alam ko 'yung nakaraan niya."
May kumirot sa puso ko nang dahil sa pagpapaalala niyang 'yon tungkol kay Grace. Kung mayroon talagang bagay na ayaw kong balikan, 'yun ay 'yung katotohanan na may binalewala ako sa kan'ya.
Okay lang kaya siya? Ano kaya ang course na kinuha niya? May boyfriend na ba siya? Asawa? Kung hindi naman . . . anak?
Buhay pa kaya siya?
Muntik ko nang sampalin ang sarili ko nang pumasok sa isip ko ang tanong na 'yon. Tangina, siyempre, buhay! Bakit naman mamamatay 'yon?!
Pero kung aalalahanin ko 'yung kondisyon niya noon, baka nga dapat lang na isipin ko ang bagay na 'to, hindi ba?
"Sana okay lang siya."
Muli akong napalingon kay Savannah nang sabihin niya 'yon. Ramdam ko ang concern niya para kay Grace at hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil doon.
"Sana okay na siya," dagdag niya.
Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. "Sana nga."
She smiled. "Hindi ko sinasabing maniwala ka sa pinaniniwalaan ko, pero, kung may parallel universe nga, ano kaya tayo ro'n?"
Parallel universe . . .
Kung totoo ngang mayroon no'n, kung talagang mayroon nga no'n, ano kaya ang ginagawa ko ngayon sa mundo na 'yon? Sino kaya ang girlfriend ko sa mundo na 'yon? Sana naman, si Savannah pa rin.
"Masaya?" I laughed. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Hindi ba sabi ko sa 'yo, nangyayari sa mundong 'yon ang hindi pwedeng mangyari sa mundo natin?" I nodded. "Bakit sila magiging masaya doon, kung masaya naman tayo rito?"
Parang natuyo ang lalamunan ko sa itinanong niyang 'yon. Nakaramdam ako ng kaba. Bakit ba ganito na naman reaks'yon ko? Ahhhh, this is really the perks of having a girlfriend with interests about the things I don't have interests with.
"Hindi ka ba masaya?"
Napakunot ako ng noo sa naging tanong niya. Naupo siya mula sa pagkakahiga sa hood ng sasakyan ko, kaya naman ganoon din ako. Niyakap niya ang dalawang binti niya habang ang patuloy pa rin ang mga buhok niya sa pagsayaw dahil sa ihip ng hangin.
"Masaya ako, Savannah. Sobra. Bakit mo naman naitanong 'yan?"
Diretso lang ang tingin niya sa harap, at doon, nakita ko, unti-unti na ngang lumilitaw ang araw. Lumingon siya sa akin kaya naman naibalik ang tingin ko sa kan'ya.
"Kasi nangyayari doon ang hindi pwedeng mangyari dito."
I sighed. "Hindi naman dahil sinabi ko na baka masaya tayo sa mundo nila, hindi na ako masaya dito. Savvy, hindi naman lahat ng nangyayari dito, hindi na pwedeng mangyari doon. Napatunayan ko na 'yan. At dapat, noon pa lang, naniniwala na ako sa sinasabi mong parallel universe."
Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya, dahilan para mapangiti ako nang maalala ko ang isang pangyayari sa aming dalawa na kahit kailan yata, hindi ko na makakalimutan pa.
"Anong sinasabi mo?"
Bahagya akong tumawa bago ko kinuha ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin.
"The kiss under the August rainfall."
Nakita ko na lalong nagbago ang itsura niya, na para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Unti-unti nang lumiliwanag, kaya naman unti-unti ko na ring nakikita ang kakaibang mga mata niya.
Muli akong ngumiti bago hinalikan ang kamay niyang hawak ko.
"There was a slight glitch that happened at that exact time."
Umawang ang bibig niya, bahagyang nangingilid ng mga luha niya.
"While it's happening here, it's also happening there, I guess? Hindi 'yon déjà vu na nangyari na sa akin noon, na naulit lang noong gabing 'yon. I don't know if it's the past lives or the parallel universe that you're saying, but there is definitely something else."
Nag-iwas siya ng tingin, dahilan para mapakunot ako ng noo.
"Sav?" I called her.
She looked at me with her slightly wet eyes. "Who did you see in that few seconds of mystery?"
And that's when I realized, I probably did something wrong in telling her that. There is one detail that made me realize that I forgot about, and it's exactly what she's asking from me.
"Sino?"
Ibinaling ko ang mga tingin ko sa araw na ngayon, tuluyan nang sumikat, dahilan para mabigyan kami ng sapat na liwanag. Tulad na lang ng kaonting kaliwanagan sa mga nangyayari sa isip ko ngayon.
I looked at her again before answering her question.
"Si Grace."
After I said that, she looked down like a very defeated person, unable to come up with the words to tell me, so her tears fall instead. Her eyes talked to me, in place of her mouth—unable to come up with something to say.
___
"The term describes when someone remembers his or her past differently, often due to conflicting memories. This is more commonly referred to today as the . One of the most common examples of this phenomenon would have to be the spelling of the popular nationwide children's TV show, "The Berenstain Bears" — wait ... wasn't it Berenstein?" — collegiatetimes.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top