Chapter 16

Mahigpit ang yakap ko kay Savannah habang magkatabi kaming nakahiga sa couch, ngayong alam kong sa akin na siya ngayon. Ganoon din siya sa akin, nakayakap nang mahaigpit habang nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko.

"Ang bilis ng tibok ng puso mo," she said before chuckling.

"Sa 'yo lang gan'yan 'yan."

"Kay Grace?"

I chuckled. "We were young back then, Savannah. I admit that I loved her, but I never loved this way, Savvy. "I've never fallen in love while hallucinating."

Nag-angat siya ng tingin sa akin na para bang hindi naintindihan ang sinasabi ko. "What?"

I shrugged. "I always saw your face everywhere. It feels like hallucination. I missed you so bad."

She smiled. "I just can't risk myself on loving you back when I found out that you're not yet over with your ex."

I scoffed. "Not yet over," I mimicked her. "It's been years, Sav. I've really moved on. Kahit na makaharap ko kayong dalawa, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko."

She smiled. "Really?" I nodded. "What if the reason she left you was very deep . . . that the only solution for that was for the both of you to part ways?"

Napakunot ang noo ko at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba. "What do you mean? Do you know her?"

Umiling siya. "Nope. I'm just wondering."

Tumango ako bago siya pinakatan ng halik sa labi. "Don't wonder about the past. It's you and me now, and we'll never part ways like that."

She smiled as she hugged me tighter. "I wanted to but dreams made me realize that the world is not only all about you and me—it's you and me and the people around us."

Umiling ako at hinila siya paibabaw sa akin. I gave her light kisses repeatedly while cupping her face.

"For me, it's only about you and me. Nothing matters the most."

***

Weeks and months went by, I introduced Savannah to my family. They were happy now that after years, I introduced a woman again to them. Akala rin nila, habang buhay na akong lugmok sa pag-iwan sa akin ni Grace, pero hindi. Hindi gano'n 'yon.

I probably won't move on forever if Savannah was the one who'll do that to me.

"Who are you texting?" I asked Savannah while we're walking towards the parking lot.

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti. "Your mom. She wants to eat dinner with me again and go shopping."

I rolled my eyes at what she told me. "Seriously, who are you in a relationship with?"

She laughed. "Ano ka ba, we saw each other everyday. Hindi naman kami araw-araw na nagkikita ng Mommy mo," she smiled as she walked in front of me and closed the distance by planting a soft kiss on my lips. "At ayaw mo ba no'n? Mahal din ako ng mga taong nagmamahal sa 'yo."

I sighed before claiming her lips. She kissed me back for a while before breaking the kiss.

"Where are you meeting her?"

She told me the place and then we entered my car. I drove her to the restaurant so that I'll see Mom too. Malapad ang ngiti ni Mama nang makita ako.

"Oh, hijo! You're here too! I wanted you to join us but I want the two of us to bond."

I kissed her cheek. "Okay lang, 'Ma. I have plates to finish."

Tumingin ako kay Savannah. She's smiling beautifully while watching me and mom. I crouched to plant a kiss on her lips, but before I could even stand up, she whispered something in my ears.

"I'll go to your place after."

Buong buhay ko, hindi pa ako kinabahan nang ganito dahil lang may pupuntang babae sa condo naming magkakaibigan. Habang nagdi-drive tuloy ako, isa-isa kong tinawagan sina Aldrin, Terrence at Jin para sabihan na kung uuwi sila, huwag manggulo dahil pupunta si Savannah.

This is the first time that Savannah will go to my place as my girlfriend. I always invited her inside but she always refused. Lagi siyang busy at masiyado niyang mahal ang bahay niya para iwanan 'yon kahit na isang gabi lang.

Nang makarating ako sa condo, nakita ko si Aldrin at Terrence na nasa living room at naglalaro ng Xbox. Ang iingay pa!

"Hoy, umayos kayong dalawa, ah?"

"Oo, tangina mo, wala kaming pakialam kahit mag-sex kayo!" bulyaw ni Terrence sa akin tsaka sila nagtawanan dahil napatay siya ni Aldrin.

Umiling na lang ako at inikot ang kabuuan ng condo para tingnan kung may mga kalat ba o kaduda-dudang gamit dahil kung mayroon, nasa tatlo lang ang may-ari no'n. Malabo na ako.

Nang masiguradong okay naman, dumiretso na ako sa k'warto ko at naglinis. Itinago ang ilang mga kalat na hindi na dapat pang makita ni Savannah, kung sakali mang bibisitahin niya ang k'warto ko. Ang dami-dami na kaagad pumapasok sa isip ko na mangyari, pero siyempre, hindi ko gagawin 'yun kung ayaw niya.

Nang makitang maaliwalas na ang k'warto, kinuha ko na ang t'walya ko at lumabas para maligo sa common bathroom. Nakita ko na sarado ito kaya naman kinatok ko 'yon nang sunud-sunod.

"Ano ba?!" malakas na sabi ni Jin.

"Bilisan mo!"

"Tumatae ako, gago!"

Napapailing na lang ako bago tinungo ang second floor. Doon na ako naligo pa.

Nilinis ko nang mabuti ang katawan ko at siniguradong wala siyang maipipintas sa akin. Tang ina, hindi naman ako sigurado kung mangyayari nga ba ang naiisip ko, pero bakit ba ganito ako ka-conscious ngayon???

"Napakatagal mong maligo, tang ina, babae ka ba?!" bulyaw ni Aldrin matapos kumatok nang kumatok.

Hindi ko na 'yon pa pinansin at itinuloy na lang ang pagligo nang mabuti.

Nang matapos akong maligo, pinunasan ko na ang katawan ko, tsaka iniikot ang twalya sa baywang ko. Lumabas na ako ng CR at nagmamadaling bumaba. Lalo akong nagmadali nang marinig ko ang tunog ng doorbell at nakitang pinagbuksan na ni Terrence ang kung sino mang nasa labas.

"Sandali!"

Pero huli na ang lahat.

Nakita ako ni Savannah na walang suot na pang-itaas, basang-basa pa ang buhok, at nakatapis lang ng tuwalya ang baywang.

Tang ina, ang bilis niya naman? Akala ko mamaya pa! Kung alam ko lang, dinala ko na sana ang bathrobe ko!

"S-Sandali lang!" sabi ko matapos ko siyang makita na nag-iwas ng tingin sa akin kasabay ng pamumula ng mukha niya.

Mabilis kong tinungo ang k'warto ko para magbihis. Nag-spray na rin ako ng pabango. Sigurado ako na ang pabangong 'to 'yung amoy na gustong-gusto niya sa akin. Pagkatapos no'n, sumulyap pa ako nang huling beses sa salamin bago lumabas ng k'warto. Pinuntahan ko siya sa living room at nakita ko siyang nakaupo sa long couch, mag-isa.

Nasaan na 'yung mga naglalaro ng Xbox?

"Ahh . . .nasaan sila?"

Lumingon sa akin si Savannah tsaka nagkibit-balikat. "Umalis silang tatlo. May pupuntahan daw. Baka raw bukas na sila umuwi, pinapasabi nila sa 'yo."

Tumango ako bago naupo sa tabi niya. "Okay na 'yung painting mo?" tanong ko bago siya hinila papalapit sa akin.

Bahagya siyang tumawa at tumango. "Oo, okay na. Ipapasa ko na bukas."

I smiled at her. "May maitutulong pa ba ako sa iba?"

Tumawa siya. "Okay nang naging model kita."

Nag-init na naman ang mukha ko nang maalala kung paano niya ako ginawang model sa painting niya. Nakakahiya dahil sa sobrang galing na magpinta ni Savannah, siguradong kuhang-kuha niya ang itsura ko. Baka mamukhaan pa ako ng ilang makakakita no'n.

Pero okay lang. Kaysa iba ang ipinta niya. Ha! Ako lang dapat.

"Salamat," she smiled before cupping my face to kiss my lips. "Thank you talaga," she said after breaking the kiss. "Do you want to see the final painting?"

Mabilis akong umiling sa sinabi niyang 'yon. "No. Hindi na."

Tumawa siya nang malakas. "Maganda!"

Umiling ako. "Alam kong magaling ka magpinta, pero ayaw ko pa rin makita."

Muli siyang tumawa nang tumawa habang nagsu-swipe sa cellphone niya. Ilang sandali pa, sapilitan niyang ipinakita sa akin ang picture ng painting niya. Kitang-kita ko ang itsura ko doon, nakahubad habang nakahiga sa couch ng bahay niya. Nakasuot naman ako ng boxer no'n pero sa sobrang tagal kong gano'n, nahihiya ako.

I'll never forget how we kissed after that.

"Come on, you're too handsome here."

"I know, babe, I'm handsome."

Hinampas niya ang hita ko kasabay ng malakas niyang tawa.

"Bibigyan pa naman kita ng reward kasi requirements 'yun sa finals."

Mabilis akong lumingon sa kan'ya sa sinabi niyang 'yon pero hindi na siya nakatingin sa akin. Nagpipigil pa rin siya ng ngiti ngayon habang ibinabalik sa bag ang cellphone.

"Anong reward?"

Tumingin siya sa akin at umiling. "Expired na ang painting mo."

I sighed in frustration as I wrapped my arms around her waist. "Come on, babe. I want a reward. What kind of reward?"

She smirked. "Second base."

And for the second time tonight, I felt so fucking nervous, I couldn't even talk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top