Chapter 15

Tuwing umaga, sinusundo ko si Savannah sa bahay niya pero lagi siyang wala ro'n at nakaalis na. Sinusundo ko rin siya sa department nila para ihatid siya sa bahay niya, pero lagi niyang sinasabi na may pupuntahan at may gagawin pa siya.

Mahigit dalawang linggo na niya akong iniiwasan. Hindi ko na kaya.

Linggo nang umaga, pinuntahan ko siya sa bahay niya. Alam kong nandoon siya dahil nandoon pa ang sasakyan niya. Alam ko rin na hindi pa siya tapos diligan ang mga halaman niya dahil ang hose na pinandidilig niya ay nandoon pa sa garden niya at hindi nakatabi sa lagayan nito.

"Savannah!" malakas na tawag ko sa kan'ya habang paulit-ulit na pinipindot ang door bell. "Savannah!"

Hindi ako tumigil sa pagpindot sa doorbell at pagtawag sa kan'ya, hanggang sa lumabas na siya, suot ang usual na pambahay niya. Walang mababakas na emos'yon sa mukha niya, kaya hindi ko masabi kung ano ba ang nararamdaman niya ngayong nakita niya ako. Naglakad siya papalapit sa akin pero hindi niya ako pinagbuksan.

"Bakit?" malamig na tanong niya sa akin.

Napalunok ako. "Let's talk . . ."

Umiling siya. "May ginagawa ako. Huwag mo akong abalahin."

Tatalikod na sana siya pero mabilis kong ipinasok ang kamay ko sa fence gate at hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Tumingin siya ro'n bago muling ibinalik ang mga tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot sa lamig ng tingin ng mga mata niya.

Para akong ibinalik sa nakaraan, noong si Grace ang tumingin sa akin nang ganoong paraan.

"I told you not to disturb me now that I am busy."

Napalunok ako bago binitiwan ang braso niya, kasabay ng kaba na naramdaman ko. Sa mabilis na segundo, parang nakita ko ang mukha ni Grace sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit, at kung paano, pero sigurado akong hindi guni-guni 'yon.

O isang alaala na naman? Pero bakit naging malinaw na ang mukha sa alaala ko?

"Grace."

Nakuha niya ang atens'yon ko kaya naman mabilis akong napatingin sa kan'ya.

"Grace ang pangalan niya," she smirked before opening the gate for me. "Pumasok ka na."

Iniwan niya ang gate na nakabukas kaya naman nang makapasok na ako ay ako na ang nag-lock ulit, tsaka sumunod sa kan'ya sa loob ng bahay niya. Nakita ko na nagpi-paint siya sa living room pero nasa kusina siya ngayon, nagtitimpla ng kape.

Sumunod ako sa kan'ya at lumapit pero lumayo lang siya sa akin. Iniabot ang isang tasa na ngayon ay may black coffee nang nakatimpla.

"What do you want to talk about?" she asked before blowing her coffee to make it cooler.

Napalunok ako bago ibinaba sa countertop ang tasa na ibinigay niya. "What's the problem with us?" I asked.

"Wala."

"Then why are you ignoring me?"

She pursed her lips before looking directly at my eyes. "Ayaw kong magpaligaw sa mga taong hindi pa nakaka-move on sa ex nila."

Napaawang ang bibig ko. Bakit niya naman naisip 'yon?

"Savvy—"

"I don't need a man in my life, so, if you're not yet moved on from her, go and win her back. It doesn't matter to me."

Tumalikod siyang muli pero pinigilan ko siya sa pag-alis. Hinawakan ko ang braso niya at hinila para mas lumapit sa akin.

"Hindi ko na siya mahal."

She smirked before looking away. "Don't tell bullshits on me. Hindi ako tanga."

"Savannah, ang tagal na no'n."

She smirked. "'Yun na nga, eh. Ang tagal na, hindi ka pa rin maayos. Connor, I don't want to be in a relationship with someone who was deeply scarred from someone in his past, more so, someone he loved more than anyone else."

I couldn't answer her because I don't know where she got those things she said. How could she say that? She talks like she knows everything . . . does she know Grace?

"Hindi ko kilala si Grace kung 'yun ang iniisip mo. Nabanggit mo lang sa akin noong nakaraan ang pangalan, pero hindi ko naman inisip na siya nga 'yon. At hindi ko kailangang malaman ang lahat, Connor, para masabi 'to. Sapat na ang reaks'yon mo para masabi ko lahat 'to."

Kinalas ni Savannah ang pagkakahawak ko sa braso niya, pagkatapos, iniwan na ako sa kusina. Naupo ulit siya sa harap ng ginagawa niyang painting matapos ibaba sa gilid ang kape niyang itinimpla, tsaka itinuloy ang ginagawa.

Napabuga ako ng malalim na buntonghininga bago hinipan ang kape na tinimpla niya sa akin, tsaka 'yon ininom. Pagkatapos no'n, dumiretso ako sa living room, kung nasaan siya. Hindi siya lumingon sa akin at hindi man lang nag-react na parang wala lang ako. Nahiga ako sa couch niya, at pinag-krus ang mga braso ko.

"Hindi ako aalis dito."

Hindi siya lumingon sa akin—parang walang narinig na ipinagpatuloy ang pagpipinta. Kinuha ko ang cellphone at kinuhanan siya ng picture. Lumingon siya sa akin nang may masamang tingin.

"Burahin mo 'yan."

Umiling ako at itinago ang cellphone ko. "No."

"Burahin mo sabi," she said again, glaring at me.

Umiling ulit ako at hinawakang mabuti ang cellphone sa likod ko.

"No."

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago tumayo at sinampal ako nang malakas, dahilan para magulat ako.

Tang ina, ang sakit.

"Hindi ako nakikipag-biruan. Kapag sinabi kong burahin mo, burahin mo, Connor!"

Napabuga ako ng buntonghininga bago iniabot ang cellphone ko sa kan'ya. Sobrang naiinis ako, pero alam kong may kasalanan ako. Kaya nga nandito ako, kasi ayaw ko siyang mawala at gusto kong patunayan na hindi totoo 'yung sinasabi niya.

Pero sapat na dahilan ba 'yon para sampalin niya ako nang ganoon?

Lalampasan ko na sana siya nang makita ko siyang yumuko, hawak ang cellphone ko, hanggang sa narinig ko na lang ang paghikbi niya.

"Nahihirapan na kasi akong pigilan, Connor. Hindi ko naman ginusto 'to. eh."

Hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya at yumuko, hinanap ang mga mata niya. Nakita ko 'yon na basang-basa na ng luha, dahilan para kumirot ang dibdib ko.

"Savannah . . ."

"Hindi ko naman siya ginustong makilala. Hindi ko rin pinlanong gustuhin ka. Hindi . . . hindi ko na nga ginugustong matulog minsan, para hindi ko siya makita. Kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko siya sa panaginip ko. Kasi alam kong mahal na mahal mo siya. Kasi alam ko . . . hanggang ngayon, mahal na mahal mo pa siya."

Sunud-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig niya matapos sabihin 'yon. Marahan ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap. Lalong lumakas ang iyak niya nang ginawa ko 'yon. Paulit-ulit kong hinagod nang marahan ang buhok niya para pakalmahin siya, kasabay ng pagbuga ko ng malalim na paghinga.

"Hindi ko na mahal si Grace."

Gumalaw siya, siguro ay para umalma sa sinabi ko, pero hindi ko na siya hinayaan pa.

"Gusto ko lang malaman kung bakit niya ako iniwanan nang walang sapat na dahilan at kung saan siya nagpunta pagkatapos no'n. Pero wala na, Savannah. Hindi ko na mahal si Grace."

Humikbi siyang muli. Niyakap ko siya nang mas mahigpit.

"Alam kong hindi siya okay noon. May pinagdadaanan siya, hindi ko alam kung saan kasi maayos naman ang pamilya niya. Pero alam kong may pinagdadaanan siya. 'yon na ang rason na tinanggap ko sa mga nagdaang taon, Savannah. Hindi ko na siya mahal."

Mahabang katahimikan ang pumagitan sa amin at tanging mga hikbi lang ni Savannah ang maririnig sa amin. Hindi na gaanong malakas ang pag-iyak niya dahil pakiramdam ko, alam na niya ang susunod na sasabihin ko.

"Ikaw na ang mahal ko."

Hindi siya gumalaw. Pakiramdam ko, pati ang paghikbi, napigilan na niya nang dahil sa sinabi ko.

"Ikaw na ang mahal ko, Savannah."

Kumalas siya sa yakap at tiningnan niya ako gamit ang mga mata niyang basang-basang luha. Ngumiti ako nang bahagya bago pinunasan ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko.

"Are you even sure about that?" she asked with her cute and broken voice. "Are you even . . . sure about me?"

I smiled at her and planted a soft kiss on her lips that made her mouth parted. "With you, nothing's hazy."

She smiled before she tiptoed in front of me, wrapped her arms around my nape, and claimed my lips. I closed my eyes before wrapping my arms around her waist and kissed her back.

After a while, she broke the kiss, and then gave me a smile.

"I missed you," I said.

She smiled and kissed me again in response. She broke the kiss after few seconds before talking.

"Girlfriend mo na ako."

I thought I've been the happiest before with Grace.

I never thought I'd be happier now that I am with Savannah.

__

A moment of déjà vu can be easy to ignore and brush aside, but from a spiritual perspective, it is a key indicator that you are on the right path and are meant to be where you currently stand. — foreverconscious.com

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top