Chapter 13
Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang pagbukas lalo ng pintuan. Nakita ko si Savannah na kagigising lang, nakatingin sa mga painting na hawak ko ngayon.
"Uhm, bakit?" tanong niya na nakapag-palunok sa akin dahil sa kaba. "Bakit mo ginalaw 'yan?"
Nakaramdam ako ng sobrang kaba sa sobrang seryoso ng mukha at boses niya. Para bang nagawa ko ang isa sa pinakaayaw niyang gawin ko. Niligpit ko 'yon at ibinalik sa loob ng closet, tsaka ito isinaradong mabuti bago tumayo at hinarap siya.
"N-Niligpit ko lang ang mga pinaggamitan mo."
She smiled a little. "Hindi ko naman ginamit kanina 'yan, bakit niligpit mo rin?"
Napaawang ang bibig ko.
Fuck, Connor! Pakialamero ka kasi.
Hindi ko magawang sumagot dahil ano pa bang dapat kong sabihin? Totoo naman, 'di ba? Pinakialaman ko ang gamit niya. Magso-sorry na sana ako nang magsalita siya.
"Nasusunog na yata 'yung niluluto mo sa baba."
Puro kamalasan talaga!
Tumango ako at nagpaalam na sa kan'yang bababa na muna para ayusin ang mga niluluto. Nakita ko ang adobo na hindi pa naman gaanong sunog pero naging black na ang ibang parte ng manok. Pinatay ko na ang kalan at isinalin ang mga niluto sa bowl.
Narinig ko ang mga hakbang ni Savannah pababa sa hagdanan, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. Nakita ko ang seryoso niya pa rin na mukha na para bang hindi niya talaga nagustuhan ang nakita niyang ginawa ko.
Connor, you moron!
"K-Kumain ka na..."
Naglagay ako ng dalawang plato sa lamesa at kutsara't tinidor. Kumuha na rin ako ng tubig na nakalagay sa pitsel mula sa loob ng ref niya, tsaka inilagay 'yon sa table. Naupo siya sa upuan sa harap ko, kaya naman ganoon na rin ang ginawa ko.
Nagsandok na siya ng pagkain niya sa plato nang hindi ako tinitingnan. Lalo akong kinabahan ngayong magkaharap kaming dalawa.
Sa buong oras na kumakain kami, wala akong ibang naririnig kung hindi ang tunog lang ng kutsara at ang bawat paghinga ko. Sa sobrang tahimik nga, pakiramdam ko, naririnig na rin niya ang malakas na tibok ng puso ko.
Nang matapos kaming kumain, nagligpit na ako.
"Iwan mo na 'yan, ako na d'yan," sabi niya tsaka kinuha ang mga niligpit kong plato at dumiretso sa sink. "Pwede ka nang umalis, Connor. Salamat."
Pagkatapos no'n, binuksan na niya ang faucet kaya hindi na ulit ako nakapagsalita pa. Para akong nauupos na kandila habang pinanonood ang likod niya na ngayon, naghuhugas na ng pinagkainan namin.
"Savvy . . ." I sighed.
"Just go."
Napalunok na lang ako at napayuko nang bahagya nang maramdaman ang lamig at galit niya sa akin. Napabuntonghininga na lang ako bago kinuha ang gamit ko sa living room at ang susi ng sasakyan ko. Babalik sana ako sa kusina para magpaalam sa kan'ya pero sa nakita kong kaseryosohan ng mukha niya, napabuntonghininga na lang ako bago lumabas ng bahay niya.
The fuck did you do, Connor? Sa lahat naman ng gagawin mo, bakit ang makialam pa ng gamit niya ang napili mo?
Argh!
Pumasok na ako ng sasakyan at nag-drive pauwi sa condo. Gusto ko sanang bumalik at mag-sorry kay Savannah, pero masiyadong iba ang expression ng mukha ngayon. Parang ang hirap kulitin.
Nang makarating ako sa condo, nakita ko na nag-iinuman ang tatlo sa living room, kasama ang mga girlfriend nila.
"Nag-text ako kanina, ah?" sabi ni Terrence nang makita ako. "Sabi ko isama mo si Savannah."
Naibagsak ko na lang ang dalawang balikat ko bago lumapit sa kanila at nakiinom. "Galit."
Naupo ako sa tabi ni Aldrin tsaka nakiinom na.
"Bakit?" tanong ni Jin.
"Itagay mo 'yan, pare! Smile ka na!" sabi ni Aldrin tsaka ako muling binigyan ng panibagong shot.
Nakikinig lang sa amin ang mga girlfriend nila na para bang interesado rin sila sa buhay ko kahit na hindi ko naman talaga sila kilala.
At isa pa, bakit ba hanggang ngayon, hindi pa rin maghanap ng stable na girlfriend itong mga 'to? Ayaw ba nilang gumaya sa akin? Tsk, tsk.
"Pinakialaman ko 'yong gamit, eh."
Sumimangot silang lahat sa sinabi ko.
"Badtrip ka naman, pare, bakit mo naman ginawa 'yon!?" dismayadong sabi ni Terrence.
"Kaya nga. 'Yan ang ayaw namin, 'yung pinakikialaman ang gamit namin," sabi ng girlfriend ni Jin.
Napabuntonghininga na lang ako bago sinalinan ang baso ng alak.
"Hindi ko naman sinasadya," ini-straight ko 'yon bago nagpaliwanag. "Aayusin ko lang sana."
"Kahit na, pare. Sensitive ang mga babae sa gamit nila, kaya hindi mo sana ginawa 'yon," seryosong sabi ni Aldrin.
"Tama. Huwag mo na lang ulitin."
Tumango ako at nagpaalam nang matutulog. Nang makarating sa k'warto ko, sinubukan kong tawagan si Savannah, pero hindi siya sumasagot. Hindi rin siya nagre-reply sa mga text ko, kaya mas lalo akong nababahala.
Hindi naman na ako apektado kay Grace. Wala na talaga akong nararamdaman para sa kan'ya, matagal na. Ang ipinagtataka ko lang, bakit kilala siya ni Savannah . . . at bakit niya siya dino-drawing?
Bakit mayroon siya noong painting ng alaalang unang nakita ko na alam kong hindi naman sa akin?
Wala akong maintindihan. Dumami lang ang tanong sa isip ko, at wala akong nasasagot doon, kahit na isa.
***
Kinabukasan, sinundo ko si Savannah sa bahay niya para sabay na sana kaming pumasok. Ilang beses kong pinindot ang doorbell, umaasang pagbubuksan niya ako, pero wala.
Walang nagbukas ng gate para sa akin.
Sobrang galit ba siya sa akin? Handa naman akong pagbayaran ang lahat ng 'yon, huwag lang siyang ganito sa akin. Alam ko naman na handa ako kung sakaling ma-busted, pero ayaw ko na sa ganitong dahilan siya mawawala sa akin.
Napabuntonghininga ako bago sumakay na ng sasakyan at nag-drive papunta sa university. Nang makarating at makapag-park, pumunta ako sa department nila dahil sigurado akong pumasok na siya. Mamaya pa naman ang klase niya kaya alam kong makakapag-usap kami, kung sakaling nandito na siya.
Nang makarating, nakita ko ang ilang pamilyar na classmates niya, kaya naman nagtanong ako sa kanila.
"Si Savannah?"
Nagkatinginan ang dalawang babae na sa paningin ko, parang kambal, pero hindi naman gaanong magkamukha.
"Nasa studio siya. Why?"
"Ahh, sige. Thanks."
Ngumiti ang isa sa kanila habang ang sumagot naman ay poker face lang na para bang walang pakialam sa akin. Mabilis kong tinungo ang art studio sa third floor ng department nila. Inisa-isa ko pa ang mga studio na naro'n. Ang iba, walang tao habang ang iba naman, may mga nagpi-paint habang may model sa gitna.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Pakiramdam ko tuloy, tinataguan niya ako.
Nang makarating ako sa huling studio, nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa harap ng isang canvass na naka-frame, nagpi-paint. Naka-bun ang buhok niya, katulad ng ginagawa niya, habang nakatalikod sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang kaba ko nang makita ko siya ulit. Para na naman akong tanga rito na hindi mapakali.
Bakit ko nga ba siya pinuntahan? Para mag-sorry? Pero ano naman ang sasabihin ko?
Argh! Tang ina.
Hindi ko pa man hinahawakan ang door knob ng pinto nang makita ko siyang lumingon sa akin. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, lalo na ngayong nagtama ang mga paningin namin.
Ang mga mata niya. Halatang-halata ang pagka-blue ngayong natatamaan siya ng liwanag mula sa araw.
Kinalimutan ko na ang takot at hiya ko pagdating sa kan'ya at binuksan ang pintuan, tsaka lumapit sa kan'ya. Tinanggal niya ang apron nang hindi tumitingin sa akin. Sa paglapit kong 'yon, nakita ko ang bahid ng paint na nasa mukha niya ngayon. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at idinampi 'yon sa pisngi niya, dahilan para mapatigil siya sa pag-alis ng apron niya.
"Savvy . . ."
Hindi siya lumilingon sa akin hanggang ngayon.
"Savannah . . . I'm sorry."
Lumingon siya sa akin at nakita ko ngayon ang mga luhang nakaipon sa gilid ng mga mata niya. Sumikip ang dibdib ko sa nakita.
Sa unang pagkakataon, hiniling ko na sana, hindi ko na lang nakita ang painting na 'yon ni Grace. Sana, hindi ko na lang siya kilala, kung ganito lang din naman kasakit ang makikita ko kay Savannah.
"Kilala mo ba siya?"
Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang itanong sa akin 'yon gamit ang napapaos na boses.
"Yung babae sa painting. Kilala mo siya?"
__
The Hologram theory suggests that déjà vu is experienced when we enter a new environment and one of the stimuli like smell or sound matches with the past event. Our brain, simultaneously, connects to the past experience and makes a hologram of the memory, making us feel that we are reliving the same situation. — www.medlife.com
Dedicated to onshethereal! Thank you for reading and supporting my stories! Thank you for reading and commenting on earlier chapters of Deja Vu. I hope you'll enjoy this story. ♥
🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top