Chapter 12

Matapos kong sabihin 'yon kay Savannah, ngumiti lang siya sa akin at tumayo, tsaka inaya akong kumain sa labas. Doon na rin niya ako pinatulog no'ng gabing 'yon at kinabukasan nang umaga, umuwi ako sa condo.

Isang linggo na lang, tapos na ang buwan ng August. I went to her house again. Gumagawa siya ng painting niya sa studio. Masayang-masaya siya palagi at ngiting-ngiti sa tuwing titingin sa labas ng bintana dahil nakikita niya ro'n ang ulan.

Kinuhanan ko siya ng litrato nang makitang nakangiti siya habang nagpipinta. Ang tanga ko nga lang na hindi ko pala nai-off ang shutter sound!

"Hoy!"

Natatawa akong itinago ang cellphone ko nang bitiwan niya ang brush niya at lumapit sa akin sa couch.

"Wala! Binura ko na!" natatawang sabi ko.

Tumawa siya nang malakas bago tuluyan nang lumapit sa akin at sinubukang kuhanin sa likod ko ang cellphone.

"Akin na 'yan! Ang pangit no'n! Burahin mo!"

"Binura ko na nga!"

Naitulak niya na ako sa couch pahiga habang pilit niya pa rin na kinukuha sa akin ang cellphone. Tawa siya nang tawa hanggang sa makuha na niya ang cellphone sa likod ko. Ngayon ko lang napansin na parang nakaupo na siya sa tiyan ko.

Napatigil siya sa pagbukas ng cellphone ko nang mapansin niya ang posisyon niya. Aalis na sana siya nang hinawakan ko ang likod niya para panatiliin siya ro'n.

Her face is so red which made me laugh. She laughed along with me while slapping my chest with her small hands.

"Buwisit ka talaga, eh, wala kang magawang matino!" she said, laughing.

Nang humupa na ang pagtawa niya, hinawakan ko ang mga kamay niya para pigilan siya sa paghampas sa akin. Doon ko lang din nakita na natatanggal na pala ang buhok niya sa pagkaka-bun nito sa ulo niya.

Hahawakan ko sana ang buhok niya para ayusin pero tuluyan na niyang tinanggal ang pagkakaipit ng buhok niya mula sa manipis na ipit na madalas kong nakikita sa braso niya. Bumagsak sa kaliwang gilid niya ang mahaba niyang buhok, at sa sandaling 'yon, pakiramdam ko, bumagal ang oras.

I gulped as I saw her lips slightly parted, while her eyes are fixated on my lips as well. That moment, I almost heard my heart's beating along with the sound of the pouring rain.

She gulped repeatedly before she started talking. "H-Hindi na lang din kita . . . gusto."

I never thought that my heart could beat even faster than it did a while ago. After hearing what she said, I couldn't stop myself from smiling before I pulled her gently, closer to me, to kiss her lips. I know she's been waiting for my lips too—I can feel it.

I felt her hands on my face before she kissed me back, deeper, giving me the same intensity and energy I'm giving to her.

Fuck, Connor. Baliw ka na sa kan'ya!

You cannot turn your back anymore! And I don't even plan to.

Hinawakan ko ang likod niya at mas lalong inilapit sa akin. Ilang segundo pa ang nagdaan bago namin binitiwan ang labi ng isa't isa, parehong hinihingal. Nagtawanan pa kaming dalawa sa naging itsura naming dalawa.

"Gusto mo na ba ng sagot ko?" tanong niya.

Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. "Okay lang naman kahit kailan, hindi naman ako nagmamadali."

She laughed. "Hindi mo pa ako girlfriend pero dalawang beses na tayong naghahalikan."

I laughed before pulling her closer so I can hug her tight.

"I'm sorry. Last na 'yon. Saka na lang ulit kapag girlfriend na talaga kita."

Tumawa siya bago kinurot ang tagiliran ko, dahilan para mapadaing ako. Ilang sandali lang, naramdaman kong yumakap na siya pabalik sa akin.

"Okay lang, ginusto ko rin naman."

Niyakap ko lang siya nang mas mahigpit bilang tugon, at nanatili sa ganoong posisyon nang ilang minuto pa, dahil malamig din naman. Baka kailangan namin ang yakap ng isa't isa.

Wow, Connor. Nice one, nailusot mo pa.

Ilang sandali lang, bumangon na siya pero hinila ko siya pabalik at mas hinigpitan ang yakap. Tumawa siya kasabay ng pagkurot sa akin.

"Ano ba, nabibigatan ka na."

I shook my head, laughing. "Ang liit-liit mo, sa tingin mo mabibigatan ako sa 'yo?"

Humagalpak siya ng tawa bago pinaghahampas ang braso ko. Natawa na lang din ako pero hindi ko siya pinakawalan. Nang humupa na ang tawa niya, nanatili na siya sa ibabaw ko at hindi na gumalaw pa. Hinayaan na niya ang sariling maging kumportable sa mga bisig ko.

Aahhh . . . fuck, Connor. Akalain mo nga naman 'yon, mababaliw ka na naman sa isang babae makalipas ang ilang taon?

Ilang sandali pa, naramdaman ko na hindi na talaga siya gumagalaw. Sinilip ko ang mukha niya—tulog na siya. I chuckled before looking outside the window. Damn, the sound of the pouring rain is, indeed, beautiful.

Talaga namang nakakaantok ang panahon.

Ilang sandali ko pang pinalipas ang minuto bago siya marahang binuhat at dinala sa k'warto niya para makatulog siya nang maayos. Ipagluluto ko na rin siya ng hapunan para kung sakaling magising siya, may makakain siya.

Binalutan ko siya ng kumot bago naupo sa gilid ng kama. I smiled as I watched her face, sleeping peacefully. Hinawi ko ang buhok niya bago siya pinatakan ng halik ang noo. Matapos kong gawin 'yon, lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kusina sa ibaba para ipagluto siya ng pagkain, kung sakali man na magutom siya kapag nagising siya.

Wow, Connor. Ulirang manliligaw? Ha!

Binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng iluto ro'n. Marami namang laman ang ref niya palagi sa ilang linggo ng pagpunta ko rito. Kaya lang, hindi naman ako gaanong marunong magluto. Limitado lang din. Hmm . . .

Kumuha ako ng manok sa chiller niya at napagdesisyunang magluto na lang ng adobo. Tutal, 'yon naman ang pinakamadali at pinakaalam ko. Mahirap nang magkamali dahil ngayon ko pa lang siya ipagluluto.

Hinugasan ko ang manok at hiniwa sa saktong laki lang, bago muli itong hinugasan at nilagyan ng ingredients. Napatigil pa ako sandali nang may makalimutan.

Nilalagyan nga ba ng paminta 'yon?

Sige na nga, lagyan na nga.

Nang maisalang ko 'yon sa stove, nagsaing na rin ako. Nang maisalang pareho, naupo na muna ako sa couch sa living room niya habang tinitingnan ang mga painting na nasa dingding. Ang gaganda talaga. Sigurado akong mabibili ito nang malaking halaga kung sakaling ilalagay niya sa mga exhibit.

Habang hinihintay na kumulo ang niluluto, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at kinuhanan ng picture ang living room tsaka inilagay sa IG story ko. Sa ganito man lang, maipagmalaki kong nasa bahay ako ni Savannah.

Ha! Kaya ba nila 'yon?

Naglagay ako ng caption sa picture ng living room, kasama ang ilang painting sa dingding.

masterpieces by a masterpiece itself ♥

Napangiti pa ako nang makita na maganda ang kuha. Hindi ko na siya m-in-ention dahil hindi rin naman siya mahilig sa Instagram o kahit na anong social media. Mas mahilig pa yata ako sa kan'ya.

Minsan, iniisip ko, masiyado siyang tago. Sobrang mysterious niya. Kahit na nakapag-kuwento na siya, pakiramdam ko, sobrang dami ko pang dapat malaman; na sobrang dami ko pang kailangang malaman tungkol sa kan'ya.

If I'd compare it to something, what I know about her was just the tip of an iceberg. And I'm willing to dive deeper in the deep and cold water just to know more about her.

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago nanood na lang ng kung anu-ano sa Instagram. Nag-like ng mga picture ng kaibigan ko, at nagco-comment para mang-asar. Akala mo matitino, eh.

Ilang sandali pa, binalikan ko na ang niluluto ko. They are all almost done, especially the rice. I went to her room to check on Savannah since it's been almost an hour since she fell asleep. I don't want to leave her here without bidding goodbye.

Well . . . ayaw ko rin namang umalis. I chuckled at the thought.

Nakita ko siya sa k'warto na nag-iba na ng posisyon. Nakatagilid na siya ngayon at nakaharap sa pintuan ng k'warto. Lumapit ako ro'n at naupo sa gilid ng kama niya. Idinikit ko ang likod ng palad ko sa pisngi niya.

Ahh . . . ang ganda talaga.

Sobrang payapa. Ayaw kong gisingin. Ang sarap niyang panoorin na natutulog.

Tumayo na ulit ako at bahagya ko siyang nagalaw nang dahil doon. Bahagya rin siyang gumalaw pero hindi naman nagising. Lumabas na ako ng k'warto niya para balikan ang niluluto.

Pababa na sana ako ng hagdanan nang makita kong nakabukas nang bahagya ang pintuan ng studio niya. Nakita ko rin doon ang ilang gamit na nakakalat kaya naman pumasok ako ro'n para ligpitin ang mga pinaggamitan niya. Binabad ko sa tubig ang mga brush na pinaggamitan niya at pagkatapos, inilagay 'yon sa pinaglalagyan ng mga ito. Pati ang mga pintura niya, itinabi ko na rin sa designated places ng mga 'to.

Paalis na sana ako sa studio nang makita ang isang closet na bahagya ring nakabukas. Lumapit ako ro'n at nakaramdam ng kaba nang makita na mga painting din ang nandoon.

P'wede ko kaya 'yon makita? Hindi naman siguro bawal, tutal ay mga painting lang naman. Marami na rin naman akong nakita.

Maybe . . . seeing more won't matter to her.

Binuksan ko ang closet at kinuha ang ilang painting doon na nakalagay pa sa frame na kahoy. Hindi ako magaling sa arts pero alam ko naman ang pinagkaiba ng oil painting, acrylics at watercolor. Lahat ng 'yon, nandito sa mga naka-frame niyang painting.

Nakita ko pa ang mga date ng painting niya, pati ang pirma na hindi nagbabago—lalo lang gumaganda. Ang ilan, sobrang tagal na at ang iba, mukhang senior high school siya noong ginawa niya, hanggang sa first year college, base sa taon.

Pero ang nakakuha ng atens'yon ko ay ang oil painting ng isang scenario kung saan makikita nang malinaw ang makalumang eswelahan sa background nito. Sa isang gilid, magkatabi ang babae at lalaki sa isang waiting shed, at ang lalaki ay may subong sigarilyo.

Napapikit ako nang mariin sa sakit ng ulo na naramdaman ko nang muli kong maalala ang gabing 'yon na unang beses kong naranasan ang sinasabi ni Savannah na déjà vu.

Sobrang linaw ng painting . . . sobrang totoo kung iisipin. At hindi 'yon malayo sa nasa isip ko noon!

Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang date ng painting. 'Yun din mismo 'yung araw na nagkita kami.

Tang ina, ano 'to?

Napalunok ako kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari . . . tang ina, ano ba talaga 'to?

Sumunod na tiningnan ko ay ang isang charcoal drawing na naka-picture frame sa A4 size.

Noong una, hindi ko pa makilala ang nasa drawing, pero nang tinitigan ko ang mga 'yon nang mabuti, lalo ko na itong nakilala.

It was a student, based on the uniform that the woman is wearing on the painting. She's not smiling too.

Hindi . . .

Hindi ako p'wedeng magkamali. This maybe a painting only but, because of how good Savannah is, she drew her perfectly! Kilalang-kilala ko ang babaeng nasa painting na 'to kaya hindi ako magkakamali.

Grace? Kilala niya si Grace? Bakit d-in-rawing niya si Grace?

Lalo akong kinakabahan sa dami ng pumapasok sa isip ko. Alam kong hindi naman na ako dapat maapektuhan pa kung sakaling magkakilala nga sila ni Grace, pero bakit iba ang nararamdaman ko?

Ano ba 'to? Fuck, bakit lalong dumarami ang mga tanong?

___

According to the team, who believe that their findings could help clarify some of the confusing details of quantum mechanics, and who just published their findings in the top-end journal , parallel universes influence each other via the subtle force of repulsion. ultraculture.org on "Is Déjà Vu Caused by Parallel Universe Versions of You Influencing Your Life?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top