Chapter 11

Friday night came, I picked up Savannah to aplace where she and her groupmates are having a meeting for their project. Iwaited outside the gate.

Me:

I'm outside, Sav...

Savannah:

Mabilis na lang 'to, wait for me more, please?

I chuckled with her cute reply. Of course, woman. Why won't I?

Me:

Of course... :)

Nanood na lang ako ng kung anu-anong video sa Facebook habang naghihintay sa kan'ya sa loob ng sasakyan. Nakakainip naman kung wala akong gagawin.

It took her half an hour to reply.

Savannah:

We're done! Palabas na! :D

Muli akong natawa sa cute na emoticon ng text niya, bago ko siya ni-reply-an.

Me:

Okay ♥

Seconds later, I saw the gate opened. May dalawang babae at dalawang lalaki ang lumabas do'n. Lalabas na sana ako ng sasakyan para sana salubungin siya nang makita ko na humalik sa pisngi niya 'yung isang lalaki bago siya kumaway dito.

Napahawak ako nang mahigpit sa manibela habang hinihigit ang paghinga. Ano 'to? Bakit ganito? Bakit sumisikip ang dibdib ko?

Napalingon ako sa bintana nang kumatok siya. May ngiti siya sa labi habang kumakaway sa akin. And then I realized . . .

Why do I still feel happy just by seeing her while I am also hurting at the same time? Bakit ang babaw ng kaligayahan ko pagdating sa kan'ya?

Binuksan ko na ang pintuan nang sa gano'n, makapasok niya.

"Salamat!" sabi niya bago sumakay sa shotgun seat. Siya na ang nagsarado ng pintuan. "Sorry, natagalan."

Inilagay niya sa backseat ang bag na dala niya. Hindi ako makapagsalita dahil ramdam ko pa rin ang sikip sa dibdib ko dahil sa nakita ko kanina. Bakit siya hinalikan sa pisngi ng lalaki? Imposibleng beso 'yon dahil alam ko ang pinagkaiba ng beso sa hinalikan talaga.

"Hindi pa tayo aalis?" tanong niya.

I heaved a deep sigh before starting the engine and drove away. I can feel her stares at me as I drive but I can't face her. I'm fucking upset.

Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung ginawa ng lalaki kanina. Bakit siya hinalikan no'n sa pisngi?! Alam kong hindi pa niya ako boyfriend, pero tama bang . . . hayaan niyang may humahalik sa kan'ya kahit na hindi niya boyfriend?

Tang ina, Connor. Parang hindi mo ginawa 'yon sa kan'ya, ah?

"Ano bang problema mo?"

I ignored her. Itinuon ko lang ang atens'yon sa daanan, lalo na ngayong kinakabahan ako. Nakakahiyang sabihing nagseselos nga ako, eh hindi pa naman niya ako sinasagot.

"Hindi ka magsasalita?"

Napalunok ako sa kaba ngayong nararamdaman kong naiirita na siya sa pagiging tahimik ko. Pero anong sasabihin ko? Na nagseselos ako? Fuck, no!

"Ibaba mo na ako."

I looked at her because of that. I saw her unbuckling her seatbelt. Fuck, anong ginawa ko?

"Savvy," kinakabahan kong tawag sa kan'ya habang pinipigilan ang panginginig ng kamay ko sa kaba ngayong nakikita kong nagagalit na siya sa akin.

"Stop the car," she said before taking her bag from the backseat.

Napaawang ang bibig ko bago sumulyap ulit sa kan'ya. "No, please. I'm sorry . . ."

Sumusulyap-sulyap ako sa daan habang tinitingnan ko siya ngayong masama na ang tingin sa akin. Para akong isang kriminal na guilty sa isang krimen ngayong oras na 'to sa sobrang takot at kaba ko.

"Ihihinto mo o lalabas ako rito nang umaandar ang sasakyan?"

Lalong sumikip ang dibdib ko sa itinanong niya. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko malaman kung ano ang unang dapat sabihin.

"No . . ."

She took a deep breath before opening the door, making me stop driving on the sideway. She quickly went out of my car and I followed her immediately.

"Sav, sorry . . ." I said as soon as I went in front of her.

"Alis," she said, glaring at me.

"Sorry." I took her hand but she's shoving mine away repeatedly. "I'm sorry, I'm just trying to figure out something."

"Figure out what?" she asked, irritated, with her death glares. "Kung galit ka, sabihin mo! Hindi 'yung para akong tanga na nagsasalitang mag-isa d'yan, at ikaw, parang bingi na walang naririnig!"

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga. "I'm just pissed. I'm sorry, please." Umamba ako na hahawakan ulit ang kamay niya pero tinabig niya lang ulit 'yon. "Savvy . . ."

Humalukipkip siya at tumingin sa akin nang masama. "Bakit? Okay ka naman kanina noong magka-text tayo, ah?" iritang tanong niya.

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin sa kan'ya, tsaka nagbuga ng malalim na buntonghininga. Tumingin ulit ako sa kan'ya.

"Hinalikan ka noong lalaki."

Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng bibig niya bago siya tumawa nang mahina. "Nakikipag-beso lang 'yung tao!"

"Alam ko ang pinagkaiba ng beso sa hinalikan ka talaga, Savannah!"

Argh, fuck. Hindi ko na naman napigilan ang sumigaw. Magso-sorry sana ako nang makita ko ang pangingilid ng mga luha niya bago siya nagsalita.

"At ako, hindi?"

Napalunok ako bago kinuha ang kamay niya. Hindi niya na inalis ang kamay ko ngayon. "I'm sorry."

"Bitiwan mo ako."

Nahigit ko ang hininga ko sa takot na naramdaman ko sa tono ng pananalita niya. Lumapit ako sa kan'ya.

"Savvy, I'm sorry. Please, hindi ko sinasadya. I'm sorry, I'm just jealous."

Umirap siya bago inialis ang kamay niya sa pagkakahawak ko tsaka tumingin sa akin nang masama. "Ano? Tuwing magseselos ka, gan'yan ka? Hindi mo pa ako girlfriend, Connor. Gusto ko lang sabihin sa 'yo."

I nodded slightly. "Yes. I'm sorry. I'm sorry, hindi na mauulit. Don't do this please," I begged.

Hindi ko rin alam kung bakit . . . bakit ganito ako ka Savannah.

Sobra na 'to . . . alam kong hindi lang pagkakagusto 'to.

"Connor, gusto mong malaman kung anong hindi kagusto-gusto sa akin?" tanong niya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Tumango ako nang paulit-ulit. "Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa 'yo."

Bahagya siyang ngumisi pero kita pa rin sa mga mata niya ang tapang na para bang alam niyang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.

"Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Hindi kita kailangan. Kaya kung gan'yan lang din naman ang magiging pakikitungo mo sa akin, pwede ka nang umalis at tumigil sa ginagawa mong panliligaw sa akin."

Napaawang ang bibig ko, kasabay ng pagtigil niya sa pagsasalita. Nagbuga siya ng buntonghininga at kinagat ang ibabang labi, bago itinuloy ang sinasabi.

"Alam kong hindi ako nagkulang sa pagpaparamdam sa 'yo na . . . gusto rin kita. Pero hindi magiging dahilan 'tong nararamdaman ko sa 'yo para ibaba ko ang pagkatao ko at kailanganin kita sa buong buhay ko. Kasi hindi . . . hindi ko talaga kailangan ng kahit na sino sa buhay ko. Sanay na ako. Kaya ngayon pa lang, tumigil ka na lang siguro."

Umiling ako nang umiling sa sinabi niya bago siya hinila at tuluyan nang niyakap. Narinig ko siyang suminghot, dahilan para mas higpitan ko ang pagyakap sa kan'ya.

"Ako. Ako, kailangan kita. Hayaan mo akong kailanganin kita."

Sa oras na sabihin ko 'yon, naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko, kasabay ng pagpasok ng isa na namang alaala sa isip ko.

"Hayaan mo akong kailanganin kita."

Nakaramdam ako ng hilo, dahilan para mas bumigat ang katawan kong nakayakap kay Savannah.

"Uy?" tanong niya. "What happened?"

Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko na lang ang malamig na pawis ko at takot sa puso ko.

Humigpit ang yakap ko nang muli kong makita ang sarili kong sinasabi ang mga salitang 'yon sa alaalang . . . hindi sa akin.

"Hayaan mo akong kailanganin kita . . ."

"Oh my God, Connor, nilalagnat ka!"

***

Hindi ko na alam kung anong nangyari. Nakita ko na lang ang sarili kong natutulog sa isang k'warto na hindi pamilyar sa akin. Tiningnan ko kung anong oras na sa relo ko at nakitang mahigit 10 PM pa lang.

Bumangon ako at inialis ang kumot sa akin. Sakto naman na bumukas ang pintuan, at nakita ko si Savannah ro'n na may dalang tray na may lamang tubig at gamot. Tumayo ako at lumapit sa kan'ya dahil naalala ko 'yung nangyari kanina.

"Savvy . . ."

Ngumiti siya sa akin at sinenyasan akong maupo sa kama. Nag-aalangan man, naupo na lang ako sa gilid. Sumunod siya sa akin at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang gamot at basong may lamang tubig, tsaka iniabot sa akin.

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko lahat ng sinabi niya kanina.

"Savvy—"

"Shh!" She smiled. "Inumin mo na 'to." Nagbuntonghininga ako bago kinuha 'yon at sinunod na siya. "Okay lang naman inumin 'yan nang hindi kumakain, pero nagluto ako sa baba."

Napalunok ako nang tumitig siya sa akin. Matapos kong inumin 'yon, ibinaba ko ang baso sa side table at hinawakan ang kamay niya.

"Savannah, sorry. Sorry talaga sa kanina."

Ngumiti siya at hinawakan din ang kamay ko. "Okay na. Nabigla lang din ako kanina. Sorry. Ayaw ko lang talaga nang hindi ako kinakausap lalo na kung may problema."

I heaved a deep sigh before pulling her closer to hug her. "I'm sorry. Sorry pa rin. Hindi na mauulit. Pangako."

Bahagya siyang tumawa bago ko naramdaman ang pagyakap niya pabalik.

"Hindi ako magso-sorry sa lahat ng sinabi ko, kasi 'yun ang totoo."

Napalunok ako bago siya niyakap nang mas mahigpit.

"Hindi ko talaga kailangan ng makakasama sa buhay. 'Yun ang totoo."

Tumango ako bago kumalas sa yakap. Hinawakan ko ang mukha niya. Ngumiti siya bago hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. Ngumiti rin ako sa kan'ya kasabay ng muling pagkabog ng dibdib ko sa hindi ko na maintindihan pang dahilan.

"Savvy . . ."

"Hmmm?" Ngumisi siya, dahilan para bahagya akong matawa.

"P'wede mo akong kailanganin . . . kahit kailan . . . kahit saan. P'wede mo akong kailanganin sa kahit na anong bagay."

She nodded slightly. "Pero okay lang ako."

Umiling ako bago ibinaba ang kamay ko sa magkabilang dulo ng balikat niya, habang ang mga kamay niya ay nananatili rin na nakahawak sa kamay ko.

"Basta... kung dumating ang araw na kailangan mo ng taong kakailanganin... please... ako na lang, Savvy. Ako na lang ang kailanganin mo. Kasi kailangang-kailangan kita..."

Bahagya siyang ngumiti bago yumuko, kasabay ng pagbitiw niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kung anong kaba dahil doon, lalo na noong tumingin siya sa akin nang mas may seryosong mga mata.

"Bakit mo ako kailangan? Bakit mo ako kailangang... kailangan?"

Napalunok ako, at mas lalo kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Hindi... hindi masakit, eh. Hindi dahil sa kape ito o dahil kulang na kulang ako sa tulog.

Napalunok ako bago sumagot, dahilan para mas makumpirma ko kung ano talaga ang nararamdaman ko.

"Hindi na lang kita gusto."

_____

Memory explanations make the assumption that some detail of the new experience is familiar but the source of this familiarity has been forgotten. The premise of this explanation is that people encounter countless things during the course of a day but don't pay attention to all of the information. Later reprocessing of the information may occasionally induce familiarity and déjà vu. psychologytoday.com

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top