Chapter 10

Isang linggo na ang nagdaan, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yung kababalaghang nangyari sa akin no'ng gabing 'yon. Hindi ko na nabanggit pa sa kan'ya dahil ayaw kong isipin niya na pino-problema ko ang mga gano'ng bagay. Normal lang naman na pangyayari 'yon sa buhay ng isang tao, sabi niya, dahil kahit sa kan'ya, nangyari na 'yon.

Hindi ko nga lang matandaan 'yong salitang binanggit niya noon, pero hindi 'yon déjà vu, eh. Iba rin, pero sa pagkakatanda ko, malapit lang sa mga salitang 'yon.

"Ano 'yan, 'tol?"

Mabilis kong isinarado ang laptop ko nang marinig ang boses ni Terrence sa likod ko. Ngayon pa lang sana ako magre-research tungkol doon, kung anong dahilan at bakit ko nararanasan 'yon, pero bigla namang sumulpot ang putang inang 'to.

"Ano, pota, walang pinto?" irita kong tanong bago kinuha ang laptop at dinala sa kama.

Humagalpak siya ng tawa. "Bobo! Kanina pa ako kumakatok, tanga!"

Tumingin ako nang masama sa kan'ya tsaka siya sinipa nang makitang naglakad siya papalapit sa akin.

"Ang arte, titingnan ko lang, eh!" Humagalpak ulit siya ng tawa kaya lalo na akong nairita. "Ano? Porn 'yan, 'no? Ayiee, Sali ako!"

"Tang ina mo, gumagawa ako ng research!"

"Utut! Sinungaling!" umakyat siya sa kama at lumapit sa akin. "Dali na, sali ako!"

"Tang ina mo, hindi nga ako nanonood ng porn! Huwag mo nga akong itulad sa 'yo!" bulyaw ko sa kan'ya.

Naiirita na talaga ako, putek. Sumasakit na naman ulo ko.

Humagalpak ulit siya ng tawa bago ipinakita sa akin ang cellphone niya. "Baka nakakalimutan mong may GC dito at ikaw pa paminsan-minsan ang nagsi-send? Gusto mo i-screenshot ko tapos send ko sa crush mo?"

Napabuga na lang ako ng buntonghininga bago inipit ang leeg niya sa pagitan ng kaliwang braso ko habang kinukutusan siya.

"Aray ko, putang ina mo!" sabi niya habang tumatawa.

"Lumabas ka rito kung gusto mo pang mabuhay, gago!"

"Oo na, putang ina!"

Tawa lang siya nang tawa ngayong kitang-kita niyang naiirita na ako. Tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan. Ilang sandali pa, huminto siya sa paglalakad. Babatuhin ko na sana ng kung anong makuha ko nang magsalita siya.

"Sungit mo! Ma-busted ka sana!"

Matapos niyang sabihin 'yon, isinarado na niya ang pintuan habang tumatawa nang malakas bago pa tumama sa kan'ya ang remote ng TV na ibabato ko sana. Tumayo ako at ini-lock ang pintuan, bago binuksan ulit ang laptop. Itinuloy ko ang pagre-research tungkol sa tuwing kailan at paano nangyayari sa isang tao ang déjà vu.

Maraming resulta ang lumabas. Marami akong nabasa, pero isa ito sa mga nakakuha ng atens'yon ko.

If you've been skimping on sleep and are having more experiences of déjà vu than is normal for you, your brain is likely telling you to get more shut eye. Stress, exhaustion, and traveling a lot can all trigger more frequent experiences of déjà vu, according to Penn Medicine.

This sounds legit.

Baka nga dahil lagi akong puyat sa plates at ibang paper works sa eskuwelahan kaya nararanasan ko 'yon? Pero gano'n din naman si Jin. Pareho naman kaming nagpapaligsahan sa pagpupuyat dahil mahirap din ang course niya at mas detalyado ang plates niya. Bakit hindi niya naman nasasabi sa akin na may nararanasan siyang ganito?

Ibinaba ko muna pansamantala sa kama ang laptop at lumabas ng k'warto. Hinanap ko si Jin at nakitang dalawa lang si Aldrin at Terrence sa living room na naglalaro ng Xbox. Lumapit ako sa kanila.

"Si Ocampo?" tanong ko.

"Kapal ng mukha nitong magtanong," sabi ni Terrence bago umismid. "Wala! Tulog! Umalis!"

Humagalpak ng tawa si Aldrin sa pagsusungit sa akin ni Terrence pero hindi ko 'yon pinansin.

"Nasaan sabi, huhugutin ko 'yan sa saksakan!" bulyaw ko.

Tumingin nang masama sa akin si Terrence. "Nasa study room, hayop ka!"

Pinagtawanan lang kami ni Aldrin bago ko sila iniwan sa living room at umakyat para pumunta sa study room. Hindi naman dapat 'yon study room. Guest room dapat 'yon kaya lang ginawa na lang naming study room dahil hindi rin naman nagagamit. Sa k'warto nila natutulog ang mga nagiging bisita nila.

At kapag sinabi kong bisita . . . babae 'yon.

Nang makarating ako sa harap ng study room, kumatok lang ako nang sandali bago binuksan ang pintuan. Pumasok ako at isinarado ulit ito. Nakita ko si Jin na tapak-tapak ang T-Square niya habang gumagawa ng plates. Pinagtawanan ko kaagad ang itsura niyang hirap na hirap ngayon.

"Tang ina, nice one. Flexible naman pala ng pare ko na 'to," pang-aasar ko bago ko ibinagsak ang katawan ko sa couch.

"Tang ina mo, lumayas ka rito! Nakakailang ulit na ako dito, ha?"

Itinuloy na niya ang ginagawa niya sa kabila ng pagtawa ko sa itsura niya ngayon. Nang humupa ang pagtawa ko, nagbuga ako ng malalim na buntonghininga, dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Problema mo? Busted? Buti nga."

"Tang ina mo."

Siya naman ngayon ang tumatawa bago itinabi ang T-Square at naupo sa upuan sa study table at humarap sa akin.

"Ano? Bakit ka nandito?"

Nagkibit-balikat ako. "May gusto sana akong itanong."

"Ano?" uminom siya ng tubig sa mineral bottle niya bago dinugtungan ang sinasabi. "Kung mangungutang ka, nagkakamali ka ng pinagtanungan."

"Kapal ng mukha ng taga-UST na 'to."

"Ano na nga 'yong tanong, pota, may ginagawa ako, 'di ba?" Umirap pa siya, parang babae amputa.

"Hindi ba lagi ka rin puyat?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin na para bang isang insulto ang itinanong ko. Sabi ko na, eh. Alam kong nagpapaligsahan kami sa puyatan nito tuwing deadline ng plates at mga project namin, eh.

"Natural! Ikaw pa talaga ang nagtanong niyan? Alam mong tayong dalawa lang ang naiiwanang mulat dito habang 'yung dalawa, naghihilik na sa mga kuwarto nila!"

Tumawa ako nang bahagya sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang mga inggit na naramdaman ko no'n.

"Sa course ko, pare, alam mong normal pumasok nang walang tulog."

Tumatawa akong tumango-tango bago muling nagtanong.

"Naisip ko lang kasi. Nag-Google ako tungkol sa déjà vu. Sabi kasi ni Savannah, déjà vu raw talaga 'yong nangyari sa akin noong gabi sa bar na nagkita kami."

Tumango siya bago ipinatong ang paa sa isa pang upuan.

"Oh, normal lang naman 'yon, ah?"

Napalunok ako nang muli kong naalala 'yung nasa alaala ko na 'yon.

"Pero kung normal lang naman, dapat, 'di ba, siya pa rin 'yung babae sa alaala ko na alam kong hindi talaga sa akin? Tsaka bakit ang dalas? At bakit sa kan'ya lang?" Tumawa siya bago ako hinampas ng canister niyang nasa lamesa. "Aray ko, puta, nagtatanong lang ako!"

Muli ay tumawa siya bago ibinalik 'yon sa lamesa. "Anong alam ko d'yan, putang ina mo, mukha bang Psychology ang course kong gago ka?" Humagalpak ulit siya ng tawa.

Nagbuga ako ng malalim na hininga. "Hindi naman kasi 'yun ang tanong ko. Itatanong ko sana kung nararanasan mo rin ba 'yon? Kasi nabasa ko kanina na minsan nangyayari 'yon sa sobrang pagpupuyat."

Umismid siya. "Nagsisimula pa lang ang sem no'n, anong pagpupuyatan mo? Introduction ng mga kaklase natin? Huwag ka ngang basta naniniwala sa binabasa mo! Mamaya, lumabas sa Google, may cancer ka na!"

Humagalpak siya nang tawa na para bang nakakatawa ang ginawa ko kanina. Nagbuntonghininga ako bago bumangon sa pagkakahiga. Umayos ako ng upo bago nagsalita.

"Hindi lang naman 'yon 'yung nabasa ko. Marami pa. Isa lang 'yon. Naisip ko lang namang itanong sa 'yo kung naranasan mo na kasi puyat ka! Tsaka nabasa ko na minsan, kapag madalas mag-travel, o kung hindi pa naka-adjust ang katawan sa oras kapag may jetlag."

Ilang sandali siyang natahimik at humawak sa baba na parang nag-isip, habang magkasalubong ang mga kilay.

"Bigla kong naisip nga," panimula niya. "Naalala mo noong galing akong London?" tanong niya bago inilipat ang tingin sa akin. "May nangyari sa akin na para akong nagka-amnesia sa loob ng isang minuto." He laughed. "Puta, pare, akala ko mababaliw ako no'n."

Napakunot ako ng noo. Parang kabaliktaran naman ng nangyari sa akin 'yon. Kung wala siyang naaalala sa lahat, ako naman, naaalala ang ilan na parang naulit.

Parang hindi tugma, pero alam mong konektado.

Pinagkrus niya ang dalawang braso niya at tumawa, bago itinuloy ang sinasabi. "Alam mo 'yung parang nakalutang 'yung isip mo, hindi mo kilala sarili mo, hindi mo alam kung nasaan ka, anong lenggwahe mo, ano ang mga sinasabi ng mga tao sa 'yo. Parang . . . total black out pare." Tumawa siya tsaka umiling. "First year pa lang tayo noon, pero hinding-hindi ko makakalimutan 'yon kahit dalawang taon na ang nakakaraan."

Pumangalumbaba ako at mas nilaliman pa ang pag-iisip. Kung may kinalaman 'yon sa oras at sa pagpupuyat, kung 'yun nga ang dahilan ng napapadalas na déjà vu ko at ng kung anong tawag sa nangyari kay Jin, posible kaya ang sinasabi ni Savannah?

"Ilang beses nang nangyari sa 'yo 'yan?" tanong ko.

"Isa pa lang."

Tumango ako bago umayos muli sa pagkakaupo tsaka sumandal. "Naniniwala ka ba sa parallel universe?"

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko. "Tang ina, ang corny n'yan, ah!"

"Nagtatanong lang! Tang ina!"

"Hindi! Bobo, kung mayro'n no'n, doon na lang ako! At kung mayroong parallel universe at hindi ako p'wedeng tumawid doon, sana okay lang ang aking other self doon."

Matapos niyang sabihin 'yon, tumawa ulit siya nang tumawa. Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya pero kahit naman ako, hindi pa naniniwala. Nagiging interesado ako sa tuwing nagku-kuwento sa akin si Savannah, pero parang masiyado kasing mahiwaga 'yon para paniwalaan.

"May nabasa rin kasi ako," panimula ko, dahilan para humupa nang unti-unti ang pagtawa niya. "Tuning fork phenomenon."

Kumunot ang noo niya. "Anong kaputanginahan na naman 'yan?"

"Kung naniniwala ka raw na may parallel universe, at nagkaroon ka ng déjà vu, at ang alaala na 'yon ay alam mong hindi sa 'yo, baka raw pansamantalang nag-match 'yong frequency ng isip mo at frequency ng isip ng isang tao sa parallel universe. P'wede raw 'yon . . . baka nagkapalit kami ng alaala sa mga oras na 'yon?"

Tumatawa siyang nagkibit-balikat sa akin bago sumagot. "Ewan ko, putang ina ka. Pero alam mo, dahil sa mga sinasabi mo, hinihiling ko na sana hindi architect ang kurso ko sa mundong 'yon."

"Ako rin, sana hindi siya nag-engineering."

Nagtawanan na lang kaming dalawa at nag-usap pa ng tungkol sa mga bagay na nabasa ko sa internet. Mukha lang talagang walang modo si Jin pero marunong naman siyang makinig at paminsan-minsan, may naiaambag na matino sa usapan.

"Mukhang matalino 'yang si Savvy, ah?" sabi niya matapos kong ikuwento ang mga bagay na kinukwento sa akin ni Savvy na tungkol sa parallel universe at past life.

Umismid ako sa kan'ya at nagyabang. "Puro kasi pambababae ang inaatupag n'yo, hindi n'yo tuloy mahanap 'yung tamang tao para sa inyo."

Tumawa siya nang peke bago ako minura. "Tang ina mo, kaysa naman sa 'yo, nababaliw kaiisip kung anong nangyayari sa tuwing kasama mo 'yan!"

Bahagya akong napangiti. Parang wala namang masama ang mabaliw kung tungkol naman sa kan'ya.

"Ang galing nga, eh. Parang may hiwaga."

"Ugok! Sana magkita kayo ng ex mo noong high school tayo!" Humagalpak siya ng tawa. "Si Grace!"

I scoffed. "Mukha bang may pakialam pa ako? Bata pa kami no'n. Hindi naman seryoso ang mga relas'yon kapag bata pa."

"Tss. Tingnan lang natin, Connor. Baka kainin mo mga sinasabi mo."

Pinanood ko na lang siyang ituloy ang paggawa ng plates niya habang iniisip pa rin ang dahilan ng mga bagay na nangyayari sa akin ngayon.

May connection ba 'to kay Savannah?

Bakit kapag siya ang kasama ko, tsaka lang nangyayari ang mga 'yon?

At kung tama nga ako, bakit kaya si Savannah?

_____

Déjà vu is suggested to be some sort of "mix-up" between sensory input and memory-recalling output. This vague theory, however, does not explain why the episode we experience is not necessarily from a true past event. as though we're drawing upon some memory from our distant pastpennlive.con

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top