Chapter 09
Nang pinatay na ni Savannah ang tawag, tiningnan ko ang weather forecast sa cellphone ko para bukas. Nakita ko nga na may malaking chance ng pag-ulan mamaya bago mag-ala una nang madaling araw. Napangiti ako nang dahil doon.
I saw that it's almost only 9 PM. I finished some of my plates even though the deadline is still far from today. Pampalipas lang ng oras. Hindi ko alam kung bakit wala na akong ganang maglaro ngayon.
Nang mag-a-alas dose na, naligo na ako't nagbihis. Sinigurado ko pa sa sarili ko na maayos ang itsura ko—na guwapo ako kahit na alam kong hindi naman na 'yon maipagkakaila pa kahit wala akong gawing ayos sa sarili ko.
Nang makitang 12:20 AM na, lumabas na ako ng kuwarto dala ang susi ng sasakyan at cellphone. Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa loob pero masiyado pang maaga para umuwi silang lahat. Alas dos hanggang alas tres ang kadalasang uwi namin sa tuwing nagba-bar kami kaya imposibleng uuwi sila kaagad.
Mabuti na lang talaga at makakaalis ako nang mapayapa.
Nang makasakay sa elevator, at makababa sa underground parking lot, patakbo kong tinungo ang sasakyan ko bago pinatunog ang car alarm nito. Mabilis ako nag-drive papunta sa bahay nila Savvy. At dahil madaling-araw na, hindi gaanong traffic kaya naman wala pang 30 minutes, nakarating ako sa harap ng bahay niya.
Habang nasa loob ng sasakya, lumipat ako sa shotgun seat para mas makita siya nang mabuti. Sumilip ako sa gate niya. Nakita ko ang garden na bukas ang ilaw ng poste, habang nakaupo siya sa bench, nakapatong ang braso sa table nito habang ang kamay ay may hawak na cellphone. Nakapangalumbaba siya habang mukhang may binabasa.
Napangiti ako bago kinuha ang cellphone. Sinubukan ko siyang kuhanan ng picture mula sa loob ng sasakyan. Kung anu-ano pa ang ginawa ko para makakuha ng mas malinaw na litrato. Sa huli, nakakuha rin ako kaya lang naka-zoom at medyo pixelated dahil malayo nga siya sa akin.
Tiningnan ko 'yon nang mabuti. Maganda naman ang shot ko sa kan'ya. Para na akong baliw sa loob na natatawa nang mag-isa ngayong tinititigan ko ang picture niya sa screen ng cellphone ko. Isa pang parang baliw 'yung puso ko na parang nagmamadali sa pagtibok. Para akong tumakbo at nakipaghabulan.
Ilang minuto ko pa siyang pinanood hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nakita ko na lang ang mga patak ng tubig sa bintana ng sasakyan ko, kung saan ko siya pinanonood. Inilipat ko ang tingin ko sa kan'ya at nakita ko siyang nakatayo na, iniwan ang cellphone sa bench habang masayang naliligo sa papalakas nang ulan.
Kinuhanan ko pa siya nang kinuhanan ng litrato habang hindi mapakali ang labi ko sa pagngiti at pagngisi sa tuwa dahil ang sarap niyang panoorin ngayon.
Ang saya niya. Mas maganda siya kapag masaya siya.
Hanggang sa lumabas na rin ako ng sasakyan at tuluyan nang lumapit sa gate. Hindi ko na kayang maghintay pa roon at panoorin lang siya sa malayo.
Gusto ko siyang makasamang maglaro sa ulan . . . sa ganitong oras na malamig ang simoy ng hangin at maging ang tubig na bumabagsak mula sa kalangitan.
Nakita ko siyang tumingin sa akin at lalong ngumiti nang makita ako ngayon. Tumakbo siya papalapit sa akin at pinagbuksan ako ng gate.
"Bakit nagpunta ka pa?" tanong niya nang makapasok na ako sa loob, pareho na kaming basa.
Ngayon ko lang napansin ang suot niyang may manipis na strap top na kulay brown at ang short niyang sobrang ikli na kulay itim. Napaiwas ako ng tingin bago sumagot.
"Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko? Sabi ko noong nakaraan, gusto kitang kasama sa unang pagpatak ng ulan sa August."
Tumawa siya bago kami naglakad papunta sa garden kung nasaan siya kanina. "Akala ko nagbibiro ka lang noon."
Umiling ako sa sinabi niya.
Parang ibang Savannah na naman ang nasa harap ko ngayon. Alam kong siya pa rin 'to pero ngayong nakikita ko siyang basang-basa, parang iba na naman 'yung nararamdam.
Kinakabahan na naman ako.
"Hindi ko na rin inasahan kasi madaling-araw. Sinong tanga ang sasama sa aking maglaro sa ulan nang ganitong oras?" natatawang tanong niya.
Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya. "Ako."
Ngumiti siya sa akin at nagsimula nang tumakbo sa loob ng garden. Pati ako, tumakbo na, dahil ayaw kong bitiwan ang kamay niya.
Sobrang lamig sa pakiramdam lalo na at malamig ang tubig na pumapatak sa amin. Sa kabila ng limitadong ilaw na ibinibigay ng poste sa amin, kitang-kita ko pa rin ang ganda ng mukha niya ngayong basang-basa kami.
Kitang-kita ko rin kung paano kuminang ang mga mata niya sa saya.
Hindi na lang triple ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Alam kong iba na ito.
Ilang sandali pa, tumatawa siyang huminto sa pagtakbo bago yumuko at ipinatong ang kamay sa tuhod, humingal nang humingal. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Malakas pa rin ito at kahit giniginaw, ayaw kong umalis.
Kung ganitong saya ang makikita ko sa kan'ya , pipiliin kong manatili sa ulan kasama siya. At kung ganitong saya ang mararamdaman ko ngayon, hindi ako mag-aalinlangang magpaulan nang magpaulan kasama siya.
"Savannah . . ."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang medyo blue niyang mga mata na nakatitig sa akin, basa ang mahahaba at nakakurbang pilik-mata.
"Connor . . ." pagtawag niya sa akin pabalik habang humihingal.
Ngumiti ako at hinawakan ang braso niya para itayo siya nang maayos. Pareho kaming hinihingal pero hindi ko na isisip 'yon. Nakita ko rin naman sa kan'ya na unti-unti nang kumakalma ang paghingal niya, ganoon din ako.
"Gusto kita. Gustong-gusto..."
Nakita ko ang pag-awang ng mga labi niya at sa mga oras na 'yon, mabilis na pumasok sa isip ko ang minsan kong pinangarap—to kiss her the first time under the rain.
"Savannah, I know that you still doubt all the good things I always tell you. I won't force you to believe me, but this time, please do. I really like you. A lot. If only I can tell you all the things I always felt whenever I am with you, I will. This is my truest words, Savannah. I like you . . . sobra."
Bahagya siyang nag-iwas ng tingin, pero mabilis din 'yon na ibinalik sa akin. Ramdam ko pa rin ang lamig sa bawat patak ng ulan sa amin, pero hindi ko na 'yon pinansin. Sapat na sa akin kung paano niya ako titigan ngayon para mawala sa isip kong giniginaw ako.
"Uhm . . ." muli siyang nag-iwas ng tingin. "Ano, uhh, s-sabi ko naman sa 'yo, hindi bawal sa akin ang usok ng sigarilyo, C-Connor."
Right after she said that, I smiled as my heart started beating faster than it did. When I couldn't stop myself from these feelings I have now, I cupped her face and kissed her lips as we close our eyes.
I felt her lips smile before holding on to my shoulders and kissed me back. The moment she did that, I knew that there's no way that I'd turn my back on her.
I've fallen too hard—too deep. And this is the best feeling I've ever had with her.
When our lips parted, she smiled. "Hindi mo pa ako girlfriend."
Tumakbo ulit siya palayo sa akin at nakipaghabulan sa gitna ng ulan. Pareho kaming tawa nang tawa, hanggang sa makaramdam ng pagod. Nakita ko siyang ibinagsak ang katawan sa basang-basang damuhan, hinihingal. Humiga ako sa tabi niya at mas dinama ang ulan na unti-unti nang humihina.
Tumingin ako sa kan'ya nang humihingal; ganoon din ang ginawa niya. Nagtawanan pa kaming dalawa nang makita ang itsura namin. Muling bumaba ang paningin ko sa mga labi niya. Bahagya akong lumapit sa kan'ya at muli siyang siniil ng halik.
Connor . . . hindi mo pa siya girlfriend.
Narinig ko ang pagtawa niya bago ako bahagyang hinila para umibabaw sa kan'ya. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at mas pinalalim ang halik nang maramdaman ko ang mga daliri niyang naglalaro sa basa kong buhok.
"Hindi mo pa ako girlfriend . . ." tumatawang sabi niya, pero muli akong hinalikan pabalik.
Sa bawat pagganti niya sa paghalik ko sa kan'ya, may kakaibang alaala na naman ang pumasok sa isip ko.
Nagtatawanan habang naghahalikan, sa ilalim ng malakas na ulan. Sa isang magandang garden... nakahiga ang babae at hinahalikan siya ng lalaki sa ibabaw.
"Hindi mo pa ako girlfriend," natatawang sabi ng babae.
Napabitaw ako sa halik nang makita sa alaalang ibang babae 'yon, at hindi si Savannah 'yon. Nakita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, habang ang mga labing nakangiti ay basa, namumula, dahil sa ginawa naming dalawa.
Bumangon na siya mula sa pagkakahiga. Ganoon din ang ginawa ko. Magkatabi kaming nakaupo sa damuhan habang dinarama ang humihina nang ulan at ang lamig ng simoy ng hangin. Parehong nakayakap ang mga braso sa sarili naming mga binti.
"That would be better if it was my first kiss." Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Kaso hindi."
Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. Tumawa siya.
"Okay lang, pangarap ko naman ang natupad."
Tumawa siya na para bang biro ang sinabi kong 'yon. "Anong pangarap?"
Ngumiti ako sa kan'ya. "Ang halikan ka sa unang pagkakataon, sa ilalim ng ulan."
Napatango siya nang may ngiti sa labi. "Kaya pala ayaw mo akong halikan noong tinanong kita. Halata naman sa 'yo na gusto mo akong halikan."
Napangiti na lang ako at muling naalala ang naisip kanina. Akala ko, hindi na mangyayari 'yon sa akin, pero naulit na naman.
Déjà vu . . . bakit ba nangyayari 'yon sa akin? Napapadalas na yata.
"Salamat."
Lumingon ako sa kan'ya. "Saan?"
Nagkibit-balikat siya. "Sa pagpunta. At sa pagsama sa ka-weird-uhan ko," She laughed. "Ikaw lang ang gumawa sa akin nito."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang 'yon. Ibig sabihin . . . ako lang talaga? Ako pa lang? Magandang balita ba 'yon?
"Bakit? 'Yung iba?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya bago tumingin ulit sa akin at ngumiti. "Ayaw nila. Pambata raw." She rolled her eyes. "Ang aarte nila."
Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon. Ibig sabihin, gusto niya 'tong ginawa ko. Hindi ko inasahan. Akala ko, iisipin niyang nakikisali ako sa trip niya, baka hindi niya rin gusto 'yon.
"Savannah . . ."
She looked at me with a small smile. "Hmmm?"
"Liligawan kita. Sabi mo kanina, hindi pa kita girlfriend, 'di ba?"
Nakita ko ang mga titig niya sa akin na para bang bago ako sa paningin niya.
"Grabe. Ang unpredictable mo." She laughed. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Buong akala ko, sasabihin mo ngayon sa akin na girlfriend mo na ako."
Ngumiti ako bago hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Ngayon lang. Ngayong gabi lang. Pagkatapos nito, lilimitahan ko na ang kilos ko sa kan'ya . . . tutal, hindi pa naman kami.
"I want to court you."
She smiled. "Gusto ko rin."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, hinila niya ako patayo para maligo na at makapagpalit ng damit sa loob ng bahay niya.
___
Historically, the earliest account of déjà vu-like experience is referred to Saint Augustine in 400 AD, who named it as "falsae memoriae". The term déjà vu was first used by Emile Boirac in 1876 in his Revue Philosophique, wherein he mentioned "le sensation du déjà vu" to recall this experience in his letter to the editor. — brainblogger.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top