Chapter 03

chapter three
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"Ano bang ginagawa mo Candy? Parang kang natatanga." Inis kong palo sa kamay niyang panay ang ikot sa akin.

Lumukot ang mukha niya at nag-cross arm sa harapan ko. Naniningkit pa ang mga mata sa akin.

Kadadating ko lang. Wala kaming practice ngayon kaya naman medyo late akong dumating—hindi pala medyo, late talaga ako.

Wala pa rin namang klase ngayon, pero dahil sa aksidente na nangyari kahapon, ay ipinatigil na muna ang preparation sa program. Ginamit na rin ang bakanteng araw na 'to ng mga teacher's namin para magpa-take ng quiz para hindi na raw namin kailangang maghabol.

'Yong unang subject namin ay hindi ko napasukan. Ang ending tuloy hindi ako nakapag-take ng quiz kanina. Twenty items lang naman pero malaki rin ang puntos no'n. Pupuntahan ko na lang ang teacher ko mamaya at hihingi ng consideration para makapag-take ako ng quiz.

"Bakit ngayon ka lang? Isang oras at kalahati kang late, Abigail. Huwag mo sabihing inuna mo pang dumayo sa building nila Troy kaysa ang mag-take ng quiz na'tin?" Namimilog ang mata niyang tanong.

"May pinapa-review din si Ms. Vivian para sa last subject, may quiz din tayo sa kaniya ngayon. Ikaw, na-inform naman na tayo kahapon."

Umiling ako at bahagya siyang hinawi para naman makapasok na ako sa room. Wala kaming teacher sa second subject, actually sa buong araw. Pero may iniwan naman na mga habilin para sa reviewer namin para sa quiz na ibibigay ngayong araw. Ang daming quiz, ang daming sasagutan. Sumasabay talaga kung kailan wala akong gana.

Hindi 'to ang first time na nangyari sa'min 'to. Kapag nakakahanap sila ng pagkakataon, talagang ipagta-take pa rin nila kami ng quiz.

50-50 para sa'kin, hating hati ang pananaw ko dahil akala ko magiging pahinga ko ang araw na 'to.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kita mong kakapasok ko lang, paano ako dadayo do'n kung kakarating ko lang, sige nga?" Baling ko sa kaniya.

Ngumuso naman itong umupo sa upuan niya. Magkatabi kami ni Candy kaya't hindi ko siya maiiwasan sa mga mahahabang tanong na alam kong iniipon niya sa kaloob looban niya.

"Ngayon ka lang na-late, Abigail. Sabihin mo nga sa 'kin, may problema ka ba?" Seryoso niyang tanong at inilapit pa lalo ang upuan sa akin.

"Mukha ba akong may problema?" Tanong ko rin.

Ngumiwi ito at mahinang hinampas ako sa braso. "Tinatanong kita ng maayos, Abigail. Naandar na naman 'yang kaeng-ingan mo."

Napahimas ako sa braso ko. Ngumiwi pa ako na parang nasasaktan ngunit irap ang napala ko sa kaniya. Bumuntong hininga ako at maayos siyang hinarap.

"Late akong nagising, Candy. Natural na mala-late ako dito dahil tinanghali ako ng gising. Ano ayos na? Tsaka, understandable naman kung magra-rason ako, dahil performer ako and at the same time, may excuse letter ako na ginawa ni Troy, remember?"

Umiling siya. "May hindi ka pa sinasabi sa akin. Open up, makikinig naman ako." Pamimilit pa niya.

"Ang sabihin mo gusto mo lang ng chismis." Usal ko at kinuha ang notebook ko kung saan sinulat ko 'yong mga pointers para sa laman ng quiz. 

Hindi man lang kami pinapahinga kahit isang araw, nakakainis talaga!

Binuklat ko 'yon at nagsimulang reviewhin lahat. Hindi ako nakapag-aral kagabi dahil tinatamad ako—o ang mas magandang idahilan ay dahil paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang narinig ko between Pauline and Troy yesterday.

Hindi ko nga alam kung papaano ako nakauwi ng ligtas dahil lutang na lutang ako kahapon. Laking pasasalamat ko na lang nga at nauna akong umuwi kaysa sa tiyahin ko.

"Magsalita ka na, h'wag mong sayangin ang oras, Abigail." Yugyog niya sa'kin.

"Ano bang gusto mong sabihin ko, Candy?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa notebook ko. Wala akong maintindihan, kahit isa!

Hindi ko alam kung makakakuha ba ako ng perfect score mamaya dahil kahit pinipilit kong ipasok sa utak ko lahat ng pointers ay hindi ko magawa. Idagdag pa ang kakulitan nitong si Candy na sobrang hilig sa chismis. Parang nabubuhay na lang siya para do'n.

"Sa pagkakasabi mong 'yan parang ang dami mong kailangang i-kuwento sa'kin, Abigail ah. Bakit kaya hindi mo umpisahan sa pinaka-una?"

Binalingan ko siya. "Paano ang quiz ko?" Tanong ko sa kaniya at kumindat naman ito sa akin.

"Kopya ka sa'kin. Kabisado ko pa naman ang sagot ko kanina, and I'm sure na basic na lang din 'yon sa  'yo, batak ka manghula 'di ba." Wika niya na ikinangiwi ko na lang.

Inayos ko ang upo ko, sakto naman na bumalik din si Jel ng room at kaagad na tumakbo sa gawi namin. Mabilis siyang ininstraksyunan ni Candy kaya ang paningin nila ay nasa'kin na.

Bumuntong hininga ako at naglabas ng sama ng loob tungkol sa narinig ko kahapon. Panay ang irap ni Candy sa kawalan habang si Jel naman ay nagpahid ng luha niya sa hindi ko malamang dahilan ay umiiyak na ang babaeng 'to!

"Eh siraulo naman pala 'yang si Troy—"

"Bunganga mo." Takip ko sa bibig ni Candy. Nanlalaki ang mata niya at tinapik tapik ang palad ko na mabilis kong inalis sa kaniya.

"Tangina niya. Kaya pala mainit ang dugo ko sa kaniya, dahil tama ako! Mas msasaktan ka lang habang tumatagal! Nakakainis!" Nagpupuyos na wika ni Candy.

"But for some reason," si Jel. "Wala tayong karapatan na bigyan si Troy ng masasakit na salita, dahil first of all, he didn't entertain Abigail's feelings. He never did."

"Luh, bumaliktad ng mesa 'te?" Sita sa kaniya ni Candy. "Tsaka anong hindi inentertain, eh pumayag ngang ligawan siya ni Abigail."

Ngumuso si Jel. "Hear me out, Candy. Buhay 'yon ni Troy. Normal na masaktan si Abigail, pero wala tayong karapatan na pagsalitaan ng kung ano ano 'yong tao. May feelings din si Troy, natural na makakaramdam siya ng pagtingin sa iba. At right, you're right na hinayaan niya sa Abigail na manligaw, pero masisisi ba na'tin siya kung araw araw siyang kinukulit ng kaibigan na'tin? At katulad nga ng sinabi mo Abigail," baling niya sa'kin.

"Nag-uusap silang dalawa. That's a private conversation between them that you just accidentally hear out. H'wag mong masamain ang sinabi ko, kasi base sa obserbasyon ko, kahit ako ang nasa kalagayan ni Troy, pagbibigyan din kita."

"So that's mean, kinaaawaan niya ako kaya siya pumayag?" Gagad ko.

Hindi sila nakasagot.

"I know about that Jel, that's why I'm conditiong myself, dahil alam kong masyado akong kinakain ng attraction ko towards Troy at may malaki kang point." Saad ko.

Pinag-isipan ko na rin naman ang lugar ko kagabi sa buhay ni Troy. Sadyang nasasaktan lang talaga ako sa narinig ko kahapon.

"Anong balak mo ngayon?" Tikhim ni Candy.

Ngumisi ako, parehas silang napasapo sa noo ni Jel. Alam naman na nila ang sagot diyan.

"Ewan ko sa 'yo girl, masyado mong kina-career ang pagiging tanga mo."

"Suportado niyo naman." Sundot ko sa tagiliran niya.

"Napipilitan lang ako." Sabi niya at inaayos ang upuan.

Hindi ko na sila pinansin, pinagtuunan ko na lang ang notebook ko.

Hindi ko alam kung kokopya pa ba ako kay Candy or what. Kahit naman sabihin niya sa'kin ang mga sinagot niya kanina, sure akong hindi 'yon papasok sa utak ko. Kaya ang ending ko mamaya . . . manghula.

Ilang oras ang lumipas at breaktime na. Hindi muna ako dumiretso sa cafeteria bagkus ay tinungo ko ang faculty room kung saan naka-puwesto ang first subject teacher ko. Hindi naman ako nahirapan na makiusap.

Madali lang akong natapos. At agad ring nagtungo sa cafeteria kung saan doon ko nakita si Candy na kasama ang nobyo niyang si Kel at sila Jel.

Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa kanila ay kumukulo na ang dugo ko para kay Kel. He's really up to no good for Candy. Manipulative jerk and abusive ang isang 'to.

Masyadong mataas si Candy for him.

Keliano Santos was a top achiever in his strand. I admit that he was so smart to the point that our principal always wanted him to be in an academic contest outside of our school. However, his attitude made him unlikeable to me.

"Mauna na kami guys, kita na lang tayo mamaya." Paalam kaagad ni Candy ng makaupo ako.

Pinaningkitan ko siya ng mata, isang malapad na ngiti ang ibinalik niya sa'kin sabay baling kay Kel na masama ang tingin sa'kin.

Ang kapal talaga ng mukha ng bwakangshet na 'to, inaagrabyado na nga niya ang kaibigan ko, siya pa ang galit!

"Hindi ka pa tapos kumain, aalis ka na?" Ismid ko.

"We're having our lunch outside, you don't have to worry about her." Si Kel ang sumagot. "Let's go."

Nakamasid lang ako sa papalayo nilang bulto. Kapit na kapit si Keliano sa baywang ni Candy, para bang sa pamamagitan no'n, maipagsisigawan niya na sa kaniya si Candy.

You don't have to worry about her . . . The hell with that, akala niya siguro wala akong alam sa nangyayari sa relasyon nila, pasalamat lang talaga siya at pinangako ko kay Candy na hindi ako mangingialam.

"Ang sungit talaga ni Keliano, ang sarap i-untog ng gago."

Bumuntong hininga na lang ako kay Brando. Halatang parehas kami na hindi gusto ang presence ni Kel.

"Sumalo nga sa'min, ayaw namang pagsalitain si Candy. Siraulo." Dugtong pa nito, nawawala ang kalambutan sa boses niya.

"Naaawa ako kay Candy." Si Jel, binitiwan pa ang kutsara niya. "Hindi pa ba siya matatauhan? He's abusing her, kung hindi lang magagalit si Candy sa'kin, magsusumbong na talaga ako eh."

Three of us know what was happening to her with Kel. Brando once noticed it and confronted Candy without us, and Candy just pleaded in front of him not to take action because she could handle it herself.

"Palampasin na muna na'tin, Jel. Pero isa pa, I won't tolerate Candy anymore."

"Nga pala," si Brando. "Ikaw na lang ang kumuha kay Troy ng paper bag mo, nasa office niya lang naman siya—"

"Ikaw na lang ang kumuha Brando," putol sa kaniya ni Jel.

"Ako na inutusan niyan kahapon, ako pa rin ngayon?"

Napalabi ako. Kahit naman may hinanakit ako kahapon, gusto ko pa rin ibigay 'yong niluto ko. Gusto ko pa rin na kainin niya 'yon dahil niluto ko 'yon na may buong pagmamahal.

"Masyado niyo na akong inaalipusta porket ang bait bait ko sa inyo ah. Excuse me ah, hindi ako utusan! Pantay pantay tayo dito, kaya no way! Ako kaya nasusungitan ng Troy na 'yon!" Reklamo pa niya. Talagang hindi pwedeng hindi magdrama ang taong 'to eh.

Isisingit at isisingit niya talaga, makapagdrama lang.

"So mas pipiliin mong masungitan ng Monreal na 'yun si Abigail kaysa sa 'yo?" Hamong tanong ni Jel.

Wala namang kakurap kurap na sumagot si Brando. "Oo, pakialam ko diya—A-aray, Jel!

Hindi na natapos ni Brando ang sasabihin ng kurutin siya sa tagiliran ni Jel. Napangiwi ako dahil mukhang may kalakasan ang pwersa ni Jel.

"Ikaw Aderson, wala ka talagang kwenta!" Inis na sabi ni Jel.

Si Brando naman ay namula na lang bigla. Gusto kong isipin na nasaktan siya sa sinabi ni Jel, pero ang reaksyon na inilalabas ng mukha niya ay animong kinikilig.

Napansin niya siguro na nakamasid ako sa kaniya kaya bigla niya akong inirapan at pinanlakihan pa ng mata.

Ngumisi ngisi na lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay humiwalay na rin kaagad ako sa kanila. Nakabusangot pa rin si Brando habang si Jel ay pinapabayaan lang siya. Mukhang gusto niyang magpasuyo kay Jel. Ang arte.

Nagdadalawang isip ako kung didiretso ba ako sa clinic para kunin 'yong paper bag o hayaan na lang kay Troy 'yun kaso tupperware ang tatak no'n. Makakatay ako ni Tita kapag hindi ko ibinalik 'yon sa kusina niya.

Mahina kong tinampal tampal ang pisngi ko at makailang beses bumuntong hininga bago ko tuluyang tinungo ang office niya.

"Oh, si ganda ulit." Salubong sa'kin ng isa na Julian ata ang pangalan sa pagkakatanda ko. "Si Pres., ba hanap mo?"

"Oo, nandito ba siya? Kung wala, pwede bang makisuyo sa 'yo na kuhanin 'yong paper bag sa kaniya—"

"Bakit hindi ikaw ang kumuha sa'kin?"

Awtomatikong natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Troy sa mismong likuran ko. Mahina lang ang boses niya pero pakiramdam ko nage-echo 'yun sa buong sistema ko.

"A-ah, m-mauna na pala ako. H-h'wag mo na pala ibalik." Nauutal kong sabi tsaka lumihis ng alis pero ko pa man siya malagpasan ay hinawakan niya na ako sa braso.

Napapikit ako habang nakayuko. Pigil na pigil akong tingnan siya.

"Gawin mo na ang pinapagawa ko Julian, tapos i-report mo sa'kin kapag maayos na." Utos niya.

"Noted. Maiwan ko na kayo ni ganda Pres.,"

Sa mga panahong 'to parang gusto ko na lang bumuka bigla ang lupa at kainin ako. Ayaw pa rin akong bitiwan ni Troy, kahit pa nga sinusubukan kong makawala.

"Pasok." Hila niya sa'kin sabay bitaw ng mabuksan ang pinto.

Kaagad akong umiling. "N-naalala ko, may gagawin pa pala ako, sige Troy. B-bye!" Dali dali kong sambit at paatras na naglakad ang kaso para naman akong bibigay ng humakbang papalapit si Troy.

"Pumasok ka Abigail, h'wag mong sayangin ang oras ko."

"Iabot mo na lang dito sa labas, hindi ko naman na kailangang pumasok diyan." Lakas loob kong sambit.

Sumama ang mukha ni Troy. "Isa,"

Nagbilang pa talaga. Dinaig niya pa si Tita para bilangan ako!

"Dalawa, tatlo." Pamimilosopo ko at umirap sa kaniya. "Ikaw ang nagsasayang ng oras mo, Troy." Tila ba nawala ang kaba ko at inis ang namayani sa'kin.

Hindi siya nagsalita, pumikit siya na tila naiinis. Namumula na rin ang tainga niya kaya napalabi ako. Mukha ngang inis na siya.

"Tara na nga, pasalamat ka di kita matiis."

Ang rupok mo, Abigail! Letche ka!

"Inubos mo ba 'yong laman ng baunan?" Tanong ko habang naghihintay.

"Para sa'kin 'yon 'di ba?" Balik niyang tanong sabay abot ng paper bag.

"Malamang, kaya nga sa 'yo binigay ni Brando eh."

"You and your words, Abigail. I can't believe myself why . . . " Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi dahil pahina na 'yun ng pahina.

Hindi naman na ako nagtanong pa. Gusto ko na sanang lumabas pero parang mas gusto ko na muna dumito kahit saglit.

"Nasarapan ka ba sa hinanda ko?" Tanong ko ulit.

Walang emosyon niya akong tiningnan ng makaupo siya.

"Para sa tocino na timplado na at iluluto na lang, yes. And thank you for that, I almost forgot to have my lunch yesterday when Brando brought that to me."

Nagpigil ako ng ngiti. Kahit papaano, nabawasan ang sakit sa damdamin ko.

"Troy, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

Napako ang paningin ko kay Pauline na dali daling kumaripas ng lakad patungo sa tabi ni Troy at hinalikan 'to sa pisngi.

Para akong matutumba sa nasaksihan.

H-hinalikan niya si Troy!

"Pauline, calm down." Suway ni Troy at napatingin sa'kin, gano'n din si Pauline na biglang nanlaki ang mga mata at namula.

Hindi niya ako napansin sa sobrang excited niyang mapuntahan si Troy.

"O-oh, hindi kita nakita."

Hindi ko alam kung bakit parang iba ang dating sa'kin no'n, pero isa lang ang alam ko sa mga oras na 'to.

Nasasaktan ako ng sobra.

Higit pa sa nararamdaman kong sakit kahapon.

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top