Chapter 04
chapter four
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Do I deserve to be hurt? Does love really go like this? This feeling wasn't my first, but a pain like this was new to me.
Siguro kasi, hindi ko lang basta gusto si Troy . . . Siguro kasi, mahal ko siya. Mahal ko 'yong tao kaya doble doble ang sakit ngayon.
I've been busted by him several times. But I still push my luck until this day because I find it thrilling. At the same time, I'm also hurt, of course.
Kung papapiliin nga ako kung anong sakit ang gusto kong matanggap, mas gusto ko pang ma-busted ulit kaysa sa nasaksihan ko.
"Ahhh! A-ang sakit sakit!"
Napasabunot ako sa buhok at nagpapapadyak ng paa. Umikot ikot na rin ako sa higaan ko at bumangon para magtatatalon kaso kahit anong gawin ko, kinakain pa rin ako ng sakit.
Nanghihina akong naupo sa higaan ko. Hinalamos ko ang palad ko sa mukha ko at matunog na bumuntong hininga.
Gusto ko pa sanang mag-emote ulit, pero natigilan ako sa sunod sunod na katok sa labas ng kwarto ko. Napakunot noo ako, imposibleng si Tita Anne 'to, hindi naman ganyan kumatok ang tiyahin ko.
Napairap ako sa kawalan, broken lang ako, alam ko sakit sa puso lang ang dapat kong maramdaman at hindi sakit agad sa utak. Nag-iilusyon na ata ako.
Sakto rin na tumigil ang katok, hindi ko maiwasan na mangunot noo.
"Shutanginames? Puso ko ang may sakit ngayon, hindi utak." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa pinto ko.
Maya maya pa ay sunod sunod na naman ang naging katok at palakas 'yun nang palakas.
"Abigail?! Lumabas ka na diyan!" Rinig kong sigaw.
Pamilyar sa'kin 'yon-si Candy!
Sa boses niya ngayon, parang makailang ulit na siyang nagsisisigaw. Napakamot ako sa tainga ko at bahagya natigilan. Biglang pumasok sa pandinig ko ang panibagong pag-play ng kanta at halos mabingi ako sa lakas no'n!
Inis kong inalis ang headphone ko na hindi ko man lang naramdaman!
"Ikaw na babae ka! Mag-usap nga tayo! Kahapon pa kita china-chat, pero ni-ha ni-ho wala kang ni-reply!" Ayaw maawat na talak ni Candy.
Ang bunganga talaga ng babaeng 'to, nakakaeskandalo!
"H'wag kang maingay, Candy. Nakakabulahaw ang boses mo, jusmeyo." Rinig kong wika ni Tita.
Dali dali akong tumayo at pinihit ang siradura ko, akmang ikakatok niya pa ang kamao niya ng maiwan 'to sa ere ng mapagbuksan ko ng pinto.
"Abigaaaaiiillll!"
Muntikan pa kaming matumba ng dambahin niya ko't pugpugin ng halik sa pisngi!
Nang mapadako ang tingin ko kay Tita ay umiiling siyang ngumisi sabay senyas na bababa na. Napaismid na lang ako sabay tango.
"A-ano ba Candy! H'wag ka naman humalik!" Suway ko na inilingan niya lang.
Pinilit ko pang itulak palayo sa'kin si Candy pero mas malakas ang pwersa niya sa'kin, kung sabagay, wala pa naman akong umagahan.
"Tinawagan ako ni Tita Anne, sabi niya kahapon ka pa hindi lumalabas ng kwarto mo. May problema ka ba ha? Diba bestfriend tayo, dapat nagsasabi ka sa'kin!" Puno ng pag-aalala na tanong niya, at bumitaw sa'kin.
Kapwa kami nasa kama ko, nakaupo. Bumusangot ako at binagsak ang sarili ko sa kama. Gumaya rin si Candy.
"Heart broken lang." Maiksing tugon ko.
"Tang'nang 'yan." Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakatitig sa kisame ko.
"Mababaw ba, Candy?" Tanong ko. "Mababaw ba ang nararamdaman ko? Hindi ba sapat ang sakit na nararamdaman ko para-"
"Hindi ka mababaw, Abigail. Ano ka ba naman. Hindi naman 'yon ang iniisip ko sa 'yo at sa nararamdaman mo ngayon." Bumangon siya, ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa'kin.
"Ang hirap kasing hindi magmura sa sitwasyon mo, I mean . . . Alam ko na naman na one of these days, magiging ganyan ka na naman katulad noon, pero hindi pa rin ako sanay t'wing maririnig ko 'yan sa 'yo at dahil lahat kay Troy."
Ngumuso ako. "Ayaw ko muna mag-kwento, Candy. Pwede ba 'yon? P-para kasing mahahati ang puso ko sa sobrang sakit." Lingon ko sa kaniya.
Sensero niya akong nginitian at tumango.
"Hindi kita pipilitin, Gail. Kung saan ka komportable, I'll respect it. Basta, kapag gusto mo mag-open up, I'm just one call away."
"Thank you, Candy." Sana gawin mo rin sa'kin ang sinabi mo. Sana tawagan mo kaagad ako ng walang pag-aalinlangan kapag hindi mo na kaya, kasi sa'ting dalawa, ikaw ang may pinakamabigat na dinadala.
Gusto kong idagdag ang mga katagang 'yon pero pinilit ko na ikimkim na lang sa isipan ko ang lahat. Ayaw kong mag-iba ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
Muli akong tumingin sa kisame.
"H'wag kang mag-alala sa'kin, Candy ah. Mahirap ang nararamdaman ko ngayon, oo. Pero hindi naman ako maapektuhan ng sobra sobra."
That's a lie. Sobrang apektado ako. Sobra pa sa sobra dahil ang babaeng pinagseselosan ko ay kinumpirma talaga sa harapan ko that she got him so bad. At wala na akong pag-asa.
"As usual, comforting words came from the one and only Abigail Coleen so that I wouldn't be caring for her like a mother in her situation." Wika niya sabay rolyo ng mata.
Muli siyang humiga, this time she's in my belly. Ginawa pa akong unan.
"Basta, Candy, bukas maayos na ako. Magiging maayos ako . . . " kasi kailangan.
"Yeah right. Bukas sure akong mauulol ka na naman kay Monreal. I just hope that Samuel will make a move."
Hindi ko siya pinansin. Mas boto pa siya kay Samuel kaysa sa taong mahal ko. Pero bakit ko nga ba nakalimutan, Samuel and Candy are cousins. She may address him like a nobody because of some personal issue, but they're still related.
Dumaan ang buong maghapon ko kasama si Candy. Tanging kaming dalawa lang ang nasa bahay gawa ng may pasok si Tita.
Kinumusta niya ako kanina habang nasa hapag kami, kahit hindi ako mag-open sa kaniya alam kong alam niya ang saloobin ko. Para ko na rin siyang tunay na ina, dahil kabisadong kabisado niya na ako. Kaya nga wala akong mailihim sa kaniya kahit sinusubukan ko.
Tsaka kung minsan din kasi, 'yung lihim ko na ang nag-e-exposed sa sarili niya.
"Baka iurong 'yong program na'tin next month. Mismong si Mayor na ang kumausap sa principal dahil na rin sa aksidente na nangyari. May iilan na parents ang pumunta sa school kahapon, nagrereklamo."
Napukaw ako sa pagsusuklay sa sinabi ni Candy. Kakatapos ko lang maligo, akala ko aalis na siya pero ang babaeng 'to, naka pajama na. Mukhang dito pa matutulog.
"Pabor sa'min 'yan," pagtutukoy ko sa mga kapwa ko cheerleader. "Mas makakapag-ensayo kami ng matagal."
"Sana lang ay walang klase," hirit niya na sinang-ayunan ko. Ang hassle no'n kapag naisipan pa nilang mag-lesson. Malaking program ang magaganap, mas matututukan naming lahat kung postponed ang klase.
"Candy, may tanong ako sa 'yo." Pag-iiba ko.
Ibinaba niya ang phone niya at pinakatitigan ako. Ito ang gusto ko sa kaniya, buong atensyon ang ibinibigay sa'kin kahit sa simpleng salita ko pa lang.
"Spill mo be."
Bumuntong hininga ako, tumayo at lumapit sa kaniya.
"Worth it pa ba 'tong . . . nararamdaman ko?"
Bahagya siyang natigilan. Kinalaunan ay ngumuso siya at tuluyang in-off ang phone niya at inilapag sa likod ng unan.
"Worth it pa bang ipaglaban ko 'to? Kasi sa totoo lang, hindi pa ako pagod. Kailangan ko pa bang hintayin 'yun o . . . dapat na akong tumigil?"
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tanong na tumatakbo sa isipan ko ay 'yun pa ang lumabas. Habang sinasabi ko ang mga litanya na 'yun, mabigat sa dibdib ko lahat.
"Alam mo Abigail, ang pure mo eh noh, kaya hindi ko maatim na ginaganyan ganyan ka lang ni Troy. Kaya ako nagagalit sa kaniya kasi hindi ka niya kayang pahalagahan. At some point naman, pinipilit ko rin siyang intindihin katulad ng sinabi ni Jel."
"May kaniya kaniya tayong feelings, Gail. Hindi porke gusto mo 'yong tao ay kailangan gustuhin ka rin niya pabalik. Hindi pwedeng vice versa lagi, dahil nasa bawat isa sa'tin ang desisyon. Gets mo ba ang point ko?"
Napalabi ako, umiling.
Kitang kita ko ang disappointment sa mukha ni Candy.
"Linawin mo kasi,"
"Ano ba 'yan, Gail. Akala ko serious moment na na'tin." Kamot kilay niyang wika, nginitian ko na lang siya.
"Ganito kasi 'yan. Sa madaling salita-tawagan na'tin si Jel, hindi ako magaling sa ganito." Aniya sabay contact kay Jel.
Napapikit ako. "Candy naman eh!" Hampas ko ng unan sa kaniya.
Natatawa niya akong binalingan. "Joke lang. Makinig ka kasi ng mabuti, buksan mo ang isip at puso mo be, para naman hindi masayang ang laway ko." Aniya at binaba ang phone niya.
"Okay fine, go on." Senyas ko sa kaniya.
"Pero seryoso na nga, Gail. Ikaw kasi ang makakapagsabi sa sarili mo eh. Kahit naman sabihan kita na sumuko ka, hindi mo naman gagawin 'di ba?"
Tumango ako. Ilang beses niya na akong pinasusuko, pero ang ending, heto, umabot na naman ako sa ganitong sitwasyon.
"Abigail, may mga bagay na sarili lang na'tin ang makakasagot sa sarili na'ting tanong. Ang gusto ko lang maintindihan mo, may mga bagay na dapat sukuan at may mga bagay na kailangan mong ipaglaban, at ikaw lang ang makakasagot n'yan."
Unti unti akong nagpaskil ng ngiti sa labi ko.
"Can you apply it to yourself too, Candy?"
Halata sa kaniya ang pagkagulat.
Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong makita ng matagal ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya.
"Sa 'yo na mismo nanggaling, may mga bagay na kailangan pang ilaban at sukuan, alin ba sa dalawa ang kaya mo pa rin na gawin?"
Dumaan nang mabilis ang weekend ko. Nakahilata lang ako sa bahay, kinokondisyon ang sarili ko sa mga bagay bagay, pinakalalo ang emosyon ko.
Himala nga na nakisama ang sistema ko o baka dahil, sanay na kasi ako kaya parang sisiw na lang sa'kin ang intindihin muli ang sitwasyon? Ganu'n nga siguro.
"Wala namang nai-kwe-kwento si Troy sa'kin. Tsaka, oo, kaka-break lang ni Pauline sa boyfriend niya, kaya impossible na sila na ni Troy ngayon."
"Bunganga mo, Brando."
"Bakit Jel, totoo naman. Napaka-impossible kasi last time lang, inamin ni Troy na hindi niya naman gusto si Pauline. Todo deny din siya sa issue nila no'ng nakaraan 'di ba?"
"My god, Aderson, can't you just zip your damn mouth? Mamaya marinig ka ni Abigail."
"Curious lang kasi ako, Jel. Kalat na kasi sa buong campus yung chika. Syempre bff kita kaya, i-chi-chika ko rin sa 'yo para updated ka. Mag-thank you ka na lang at chika na ang nalapit sa 'yo."
"Oh sige, basta 'yong thank you ko kuno, i-cut off kita sa buhay ko, ano palag?"
"Hihi, 'di ka naman mabiro, Love."
Napabuntong hininga ako. Busy si Jel kaka-print ng mga poster habang si Brando ang nag-c-compile ng ilang mga folders para sa booth's na ipinasa ng bawat strand.
Lumapit ako sa kanila, kunwari wala akong narinig kahit ang totoo ay kanina pa ako nasa likod ng bookshelf at nakikinig.
"Oh, kanina ka pa?" Alalang tanong ni Jel na inilingan ko.
"Kadarating ko lang. Saan nga pala ipapasa 'tong fliers?"
"Akin na," si Brando. "Maiwan ko na muna kayo dito, punta lang akong office."
Hindi ko na nilingon si Brando, umupo ako kinauupuan niya kanina at ako ang nagpatuloy sa ginagawa niya.
Marriage booth.
Excited ako na matapos ang preparation ng program para dito. Kahit hindi sila pwede, alam kong magagawan ko ng paraan para makapasok kami ni Troy dito. Ang kaso . . . imposible 'yon ngayon.
"Ayos ka lang, Gail?"
Nag-angat ako ng tingin kay Jel.
"Nasasaktan ako, Jenniferlyn. M-masakit 'yung heart ko." Naiiyak kong sagot.
Lumambot ang ekspresyon ni Jel. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
"Abi, you're the most precious girl I know, please, choose yourself more than anyone else. Kung totoo man o hindi 'yung tungkol sa kanila . . . please, sarili mo na muna. Hmm."
Inilabas ko ang luha ko kay Jel. Halos mabasa na rin ang t-shirt niya dahil sa'kin. Nang mag-angat ako muli ng tingin sa kaniya ay nginitian niya ako ng malawak. At least kahit wala sa'kin ang taong mahal ko, mayro'n akong sila. Ang mga kaibigan ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa sistema ko at basta na lang akong pumunta sa office nila Troy. Namalayan ko na lang na tinutungo ko na ang table niya at kagat labing tumayo mismo sa harapan niya.
"Hi, Miss gan-alis na tayo, Bryan, LQ sila."
Hindi ko sila pinansin. Nanatili akong nakatitig kay Troy na naramdaman naman ang presensya ko.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin sa kabila ng pagka-busy niya.
"S-sinaktan mo ulit ako Troy."
Napaawang ang labi niya sa narinig. Inalis niya pa ang salamin niya sa mata.
"I'm busy for this, Abigail-"
"Wala ka ba talagang nararamdam para sa'kin, Troy? Kahit katiting ba wala man lang?" Nanghihina kong tanong kasabay ng pag-alpas ng luha ko. "H-hindi mo ba talaga ako kayang magustuhan?"
Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Troy. Kahit nasa akin ang paningin niya, napaka-blangko!
"A-ang sakit dito oh," duro ko sa dibdib ko, sinabayan naman 'yon ng mata niya. "T-troy 'yung p-puso ko, m-masakit na-"
"Masakit na pala, Gail. Bakit hindi ka na lang tumigil? Marami namang iba d'yan. Maraming nagkakagusto sa 'yo."
"Pero ikaw ang gusto ko! Matagal na!" Inis kong sigaw.
Napatayo si Troy, napahilot sa sintido niya at muli akong binalingan. Ngayon, mas malamlam ang mga mata niya.
"You're making this so hard for yourself, Abigail. You are the one who's choosing your suffering, damn it."
Mas lalo akong napaiyak.
Mabigat siyang bumuntong hininga. "Free yourself, Coleen. Free yourself from me."
Sunod sunod akong napailing. Lumapit ako sa kaniya at humawak pa braso niya. "H-Hindi ko kaya Troy. I'm falling so hard . . . "
Ramdam ko ang kamay ni Troy sa'kin. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kaniya pero mas hinigpitan ko lang. Sa huli, nanatili na lang na nakapatong ang kamay niya sa'kin.
"Please, Abigail . . . Save yourself from falling even further. Hindi kita kayang suklian."
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top