Chapter 02

chapter two
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"Basta gano'n 'yong nangyari. First time mga mars, alam niyo 'yong feeling na satisfied . . . gano'n na gano'n ang nararamdaman ko kahapon." Pagmamalaki ko.

Halos hindi na nga ako makatulog kagabi dahil sa pag-iisip sa senaryong ginawa ni Troy sa pagitan namin. Ayon na ata ang pinakamagandang araw ng buhay ko!

"Sigurado ka ba talagang nangyari 'yan, Gail? O baka naman, masyado kang naging ilusyunada?" Hapyaw ni Candy.

Napatigil ako sa pagkain at masama siyang tiningnan.

"Kaibigan ba talaga kita?" Asar kong tanong.

Ngumiwi lang ang bruha sabay ngisi. "Azar."

"Iniz," singit naman ni Jel at sabay silang nagbungisngisan.

Napabusangot naman ako dahil ang tono ng mga salita nila ay talagang nakakaasar!

"Guys, seryoso kasi ako! Kung ayaw ninyong maniwala, why not ask it to him. Hear it by yourself, tsaka niyo ako pag-isipan na delulu ko lang 'yon—"

"We're just confirming things na tama, Gail. Ang lakas ng sapak mo kay Troy, isa pa, kitang kita namin ang pakikitungo niya sa 'yo."

Kaaagad kong nagets ang gustong iparating ni Candy.

"But don't worry, alam naman namin na nagsasabi ka ng totoo. We just want to make fun of you, dahil masyado kang masaya." Bawi niya pa na mas lalo kong ikinanguso.

"Ang bait niyo talaga. Ang sarap niyong i-cut off." Inis ko pa ring sabi na tinawanan lang nila.

"Yeah, whatever you say, Coleen. Basta kapag ikaw nasaktan na naman sa taong 'yan like before, goodbye na lang sa maganda niyang mukha."

Napailing ako. "Ikaw ang harsh mo talaga kay Troy. Ako nga ang bait bait ko sa boyfriend mo kahit hindi ko bet kung minsan eh."

Umasim ang mukha ni Candy sa narinig. "Kel wasn't like Troy, Abigail. Hindi niya ako sinasaktan like what he was doing to you—emotionally." Seryosong wika ni Candy.

Napasipsip si Jel sa juice niya habang ako ay nag-angat na ng kilay.

"Mas gugustuhin ko pang masaktan emotionally kesa physical, Candy. May katindihan ang dalawang stage na 'yan. Ang emotional pain lang nga na idinudulot ni Troy sa'kin ay ang paulit ulit na pangb-busted niya. Parang trial pa nga lang 'yon eh."

"He's still causes you pain though," ayaw talaga niyang paawat.

"You guys, should stop. Baka kung saan pa kayo umabot." Suway ni Jel.

Napalabi na lang ako habang nakamasid pa rin kay Candy na nakababa na ng tingin sa pagkain niya. Unti unti niya ring ibinaba ang jacket niya hanggang sa wrist dahil naka-fold 'yon kanina.

Gusto kong usisain si Candy, but for some reason wala akong lakas na magtanong dahil siguro alam ko na rin ang isasagot niya sa'kin. One thing for sure, pagtatakpan niya lang si Kel.

Si Kel na boyfriend niya na taliwas sa iniisip naming isang manipulative na tao.

"Bff!"

Sabay sabay kaming napa-angat ng tingin kay Brando ng bumalatay ang matinis nitong boses sa loob ng cafeteria. Lahat ng estudyante na kasabayan namin ay napalingon din sa kumekendeng na bulto ni Brando na palapit sa'min.

Kaagad na tumayo si Jel sabay hila kay Brando sa tabi niya. Napangiti ako ng bumusangot si Brando at sumandal sa balikat ni Jel.

"Ang ingay ng hayop na 'to." Komento ni Candy. Maayos na ang reaksyon ng mukha niya kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Pake mo?" Mataray na baling ni Brando sa kaibigan namin.

"Ang ingay mo kasi 'te. Makasigaw ka naman akala mo hindi kayo nagkita ni Jel kanina. Eh halos mag-live in na nga kayo."

"Sinabi ko na rin 'yan sa kaniya." Sagot ni Jel. "Makatawag akala mo kay tagal naming hindi nagkita." Napapailing niya pang dagdag.

"Ay ganunan?" Sikmat ni Brando. Umalis pa siya sa pagkakasandal kay Jel at sinamaan ng tingin ang bff niya. "Pagtutulungan niyo akes?"

Pinitik ni Jel ang noo ni Brando at inialok ang isang mangkok ng ramen na hindi niya pa nagagalaw. Kaagad naman na nilantakan ni Brando.

"Siya nga pala, starting tomorrow wala na raw klase. Magf-focus na tayo sa upcoming program nila Troy." Si Brando.

Nasabi na 'yan sa'kin ni Troy kahapon bago kami magsi-uwian. Dahil nandoon na rin naman na ako sa office nila ay isinama na nila ako sa meeting.

"Sana lang talaga madami ang pumunta sa program para naman may maiambag naman tayo sa charity ng tatay ni Samuel. Hindi ba't kaya nga inaprubahan kaagad ng principal ang suggestion ni Pres., dahil back up niya si Mayor." Wika ni Jel.

"Back up niya si Mayor?" Takang tanong ko. Napatango naman si Jel at Brando.

"Magkakila sila Troy at Mayor Valderrama. Ninong niya nga 'yon 'di ba, Brando?" Siko ni Jel sa katabi.

"Oo, si Samuel na mismo ang nagsabi."

"May bagong charity ang mga Valderrama. Kaso walang pondo dahil alam mo naman, kurakot ang gobernador na'tin. Samuel tackled it to Troy last month, actually kasali si Samuel sa plano na 'to but he gave all the credits to Troy. Kinausap din ni Mayor ang principal kaya naman maayos na maitatakbo ang program next week."

"Sa madaling salita, nakay Troy ang pressure ngayon." Saad ni Brando na ikinatango ni Jel.

Kung gano'n kailangan pala talagang maging matagumpay ng program namin. Hindi lang 'to basta intramurals dahil may charity na makikinabang ng lahat.

"Mas lalo akong nai-inlove kay Troy." Pinagsiklop ko ang kamay ko at inilapit sa'king pisngi.

Ngumisi sa'kin si Brando at nakipag-apir. "H'wag kang mawalan ng pag-asa, dahil kaibigan ka ng bff ko, i-go-good shot kita lagi kay daddy Troy."

Maaga akong nagising sa magkakasunod na alarm na sinet ko. Halos ayaw ko pa ngang bumangon kaso ngayon naman ang araw ng praktis namin. Hindi dapat ako mahuli dahil ako ang unang isasalang sa mismong program.

Kagabi, nagkaroon kami ng meeting ng mga ka-team ko. The whole cheerleading squad was present, giving suggestions and so on para maging maayos ang takbo ng praktis namin ngayong araw.

Nang matapos ako sa ritwal ko t'wing umaga, sandali muna akong nagmuni muni bago mag-open ng social media ko.

Ang daming bagong story ng mga friends ko sa ig. Inuna ko na ang kay Candy na kay aga aga, selfie nila ng boyfriend niya ang bumungad sa mata ko. At may caption na, I'm at peace when I'm w/ u.

Napairap ako sa kawalan at kahit pa nga labag sa loob ko na pusuan ang story niya ay ginawa ko na lang.

Nag-swipe ulit ako. Sumunod ay ang kay Jel. Words lang ang sa kaniya. Simpleng, goodmorning  people especially sa bff ko.

Pinusuan ko rin 'yon and as usual si Brando naman ang sumunod. Puro emoticon lang na heart at halatang reply niya 'yon for Jel.

Lumawak ang pagkakangiti ko ng magawi ako sa story ni Troy. Hindi masyadong pala-post ang isang 'to, pero madalas siyang mag-myday. Pang-update baga sa libo niyang followers sa ig.

Iba talaga kapag kagandahang lalaki eh, kahit wala siyang post, dinadagsa naman ang tags sa kaniya.

Picture ng ground sa school ang nasa myday niya, tapos may background music: Nahuhulog by Jed Baruelo.

Kaagad akong napatipa.

Para sa'kin 'to for sure:)

Pagakatapos kong mag-type ay nag-back na ko at nagselfie para may magandang masilayan naman ang mga followers ko.

"Woke up like this . . . " Wika ko habang nagta-type ng caption sabay post.

Sandali akong naghintay at kagaya nga ng inaasahan ko, dumagsa ang mga reply sa story ko. Napabungisngis na lang ng mabasa ang reply nila Candy, sila naman talaga ang inaabangan ko.

Candyluvsu: Woke up like this na nakamake-up:) #Abigailsmomints

Jenniferlyn: Kaya sa 'yo ako eh! Luv u mahal!

Brand_o: Grabe ka ma! May bago na namang pang-lock screen si boss!

Samuel.vldrm: Gorgeous dear:3

Napailing na lang ako tsaka lumabas na ng kwarto. Nagtungo na ako sa kusina at nagsuot ng apron ko. Wala akong balak na magbigay ng kahit na ano bukod sa lulutuin ko ngayon. Masyadong busy si Troy, sure akong makakalimutan no'n ang mananghalian at mamaya magkikita rin kami para sa ilang banners na hindi namin natapos kahapon.

"Oh, ang aga mo namang magluto?"

Nilingon ko si Tita Anne sandali na magulo ang buhok. Halatang kagigising lang niya.

"May program kaming pinaghahandaan Tita. Gahol na kami sa oras dahil next week na 'to kaya kailangan maaga kaming makapunta sa school." Paliwanag ko at nagsimulang alisin ang tocino sa balot nito.

"Talaga lang hah?" Hindi kumbinsidong saad ni Tita.

"Tita, para kang walang tiwala sa akin. Gusto mo ihatid mo pa ako sa school para makasiguro ka." Hamon ko.

Naningkit ang mata ni Tita sa'kin pero agad din siyang umayos. Nagtimpla siya ng kape at tinapik ako sa balikat.

"Oh siya sige, sabi mo eh. Basta ang bilin ko hah? Tigilan ang panliligaw dahil unang una sa lahat babae ka, Abigail—"

"Tita Anne nasa new generation na po tayo, hindi na uso na lalaki na lang ang nanliligaw. Kailangan umaariba rin tayong mga babae kung gusto na'ting tayo ang ending." Singit ko at nakatikim naman ako ng kurot sa tagiliran.

Ngumuso ako, sabay hango na rin sa niluto ko. "Kawawa tao sa 'yo, Tita." Saad ko na inirapan niya.

"Hindi 'yan ang ibig kong iparating sa 'yo. Ang sinasabi ko lang, maghinay hinay ka naman dahil baka maubos na naman ang baon mo. Mamaya magsisi ka dahil maling tao pala ang pinaglalaanan mo niyang oras at pera mo. At isa pa, hindi ba't sinabi ko sa 'yong bata ka pa para sa ganiyan?"

"Tamang tao naman po si Troy, Tita." Aniya ko na hindi na pinansin ang huli niyang sinabi.

"Tamang tao ka diyan. Parehas pa nga kayong palamunin eh." Aniya sabay walang tabas na kumuha ng tocino!

"Tita! Doon ka na nga! Hindi naman para sa 'yo 'yan eh!" Asik ko sabay mahinang pinalo ang kamay niyang akmang dudukot na naman.

"Ang dami dami naman niyan ah, ang damot mo."

Inismiran ko siya at tinakpan na ang mga baunan at dali dali ko 'yung ipinasok sa paper bag.

"Para kay Troy tsaka sa'kin 'yan Tita. H'wag ka na ring ngumuso dahil alam ko naman na may ka-date ka mamaya, kaya . . . Stay away."

"Ang kapal talaga nito," siring sa'kin ni Tita bago umupo at kumuha ng tinapay.

Napangiti ako at dinaluhan na rin siya. Hindi na ako nagtimpla pa dahil nakisalo na lang ako sa kaniya.

"Abigail ang pag-aaral ang unahin." Muling sambit niya.

"Tita, nag-aaral naman po ako. Nakita mo naman ang mga grades ko hindi ba? Pasok pa nga ako sa with honors ngayong grading." Pagmalalaki ko.

Malawak na ngumiti sa'kin si Tita.

"Kung nasa'nman sila Kuya Ares, I'm sure they're so proud of you, Coleen. They're more than proud, higit pa sa'kin dahil magulang mo sila."

"I can feel it too, Tita. And I'm doing my best for them. Para sa inyo, lalo na sa 'yo. Hindi kita bibiguin." Aniya ko na nagpinky-promise pa sa kaniya.

"Tita Anne , alis na po ako!" Sigaw ko mula sa sala.

Lumabas si Tita sa kusina at nakangiting kinawayan ako at pinanlakihan pa ng kaniyang mga mata. Tumango na lang ako at nag-thumbs up sa kaniya.

Habang naghihintay ako ng masasakyan na makakadaan sa school ay kinuha ko muna ang phone sa bulsa ko para i-message si Troy. Hindi niyo ako sineen kahit pa nga open siya, busy siguro kaya ipinagkibit balikat ko na lang.

Nang makarating ako sa school ay kaagad akong napakunot noo. Maraming estudyante ang nasisitakbuhan, mostly mga kasama namin kahapon sa office. Napahigpit ang kapit ko sa paper bag na daladala ko at dumako sa mga nagbubulungang student.

"Excuse me girls, anong ganap?" Kaswal kong tanong.

Nilingon ako ng isa. "Ikaw pala, Abi. Aksidente daw, namali ng hakbang kaya nahulog."

"Kilala niyo?"

Sabay sabay silang umiling. "Walang sumasagot sa'min, puro sila Samuel lang kasi ang nag-asikaso. Kakadating lang halos naming lahat."

Napatango na lang ako at akma na sanang maglalakad paalis nang maaninag ko ang isa sa mga student council na papalapit sa gawi namin. Seryoso ang mukha nito unlike nu'ng isang araw na puro biro.

"Kaibigan mo si Jenniferlyn right?"

"Oo si Jel, bakit?" Tanong ko.

"Pwedeng pa-contact, emergency kamo, pasunurin mo na lang sa clinic. Thank you!" Aniya bago mabilis na tumakbo.

Sandali akong natigilan. Napailing ako at kaagad na kinuha ang phone ko, I was started typing some words to Jel when she suddenly appeared in front of me.

"Oy, Jel. Hanap ka sa clinic, emergency." Tago ko sa phone ko.

Napalabi naman si Jel bago tumango, aalis na sana sana ako ang kaso bigla namang sumulpot sa harapan namin si Samuel, halata sa mukha niya ang pagkabalisa habang nakatingin kay Jel.

"Kanina ka pa namin hinahanap Jel, tara na. Kailangan ng first aid nila Troy and Pau."

Para akong nabingi. Kasama si Troy sa aksidente.

Kaagad na sumama si Jel kay Samuel na hindi na ako napansin dahil sa pagmamadali, ako, akmang susunod nang may pumigil sa braso ko. Nang lingunin ko kung sino, si Brando na umiiling iling.

"Let's just wait, Abigail. Hindi ka puwede do'n." Aniya.

"B-bakit naman? Na-aksidente si Troy, Brando. Baka malala ang lagay niya." Kinakabahang wika ko.

Muli siyang umiling at buong lakas akong pinalakad papunta sa bench. Nagsialisan na ang iilang mga estudyante sa ground dahil sa saway ng ilang student council.

"Hindi malala ang lagay ni Troy. Na-sprained lang siya dahil nawalan siya ng balanse when he's trying to catch Pauline earlier."

Nakahinga ako ng maluwag, pero gano'n naman ang pagkabahala ko sa idinugtong niya.

"Pero may naisugod sa hospital dahil nawalan ng malay sa pagkakatama ng ladder na tinungtungan ni Pau kanina, kaya gano'n na lang ang pagkakakagulo kanina."

"It's all accident right? Hindi naman kasalanan ni Troy?"

"Oo naman, itinawag naman kaagad nila sa magulang. Ang balita namin, nawalan lang ng malay but still under observation pa rin dahil lumanding talaga siya sa semento."

"How about Pauline?"

"May gasgas siya sa braso, medyo malaki tapos si Samuel pa ang ipinaharap, eh matatakutin sa dugo 'yon kaya mukhang magpa-palpitate kanina."

"Kung gano'n naman pala, bakit bawal ako do'n?" Takang tanong ko.

Napakamot sa batok niya sa Samuel. "Utos ni Pres."

Natigilan ako.

"Baka kasi mag-over react ka sa clinic, kaya inunahan ka na niya. Kagaya nga rin ng sabi ko, h'wag kang mag-alala dahil maayos naman siya. Baka nga lang maurong ang program dahil sa nangyari."

Hindi na ako umimik. Naghintay na lang kami ni Brando sa bench, dumating na rin si Candy kasama si Kel, boyfriend niya. Tahimik lang silang dalawa, halatang may problema sa pagitan nila dahil namumugto ang mata ni Candy.

Inalis ko ang tingin ko sa kanila para pigilan ang sarili kong mag-usisa. Ayaw na ayaw ni Candy kapag dinidiretso ko ang boyfriend niya, kaya ako na lang ang naiwas.

Ano na kayang nangyayari sa clinic? Kahit ba silip lang, bawal? Nag-aalala talaga ako kay Troy. Sprained, masakit pa rin 'yon. Halos hindi nga ako makalakad ng ilang araw nang ako ang makaramdam niyan.

"Restroom lang ako," paalam ko, iniwan ko pa ang bag ko para payagan ako ni Brando na busy sa phone niya.

"Go lang, balik ka agad." Aniya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Mabilis akong tumalikod sa kanila, palinga linga pa ako ng pasimple dahil baka biglang maisipan ni Brando na sundan ako, pero wala naman. Hindi ako dumiretso ng daan sa ground, pumasok ako sa isang hallway at mabilis na tumakbo para ikutin ang daan patungo sa kabilang building kung nasaan ang clinic.

Hinihingal pa ako nang kamuntikan akong makita ni Jel na kakalabas lang ng clinic kasama si Samuel na medyo namumula na, bahagya akong nagtago sa bakanteng classroom, nang makalagpas sila ay madali akong lumabas at maingat na binuksan ang pinto ng clinic.

Wala nang katao tao sa may front desk. Unti unti na rin kasing naglabasan kasunod nila Jel kaya naman kampante akong umayos ng tayo.

"Sure kang ayos ka lang? Do you want me to call him over?" Rinig ko ang boses ni Troy.

Kaagad akong yumuko para tingnan sa bawat kurtina kung nasaan siya. Nang mapadako ako sa gitna ay napangiti ako, dahil medyo bukas 'yon.

"Don't do that, Troy. Wala na rin naman ako para sa kaniya, so why bothering him right?" Malungkot na sagot ni Pauline.

Napatigil ako sa pagtangka kong pagsilip dahil para bang makakasira ako ng moment. Bahagya akong humakbang palayo.

"I'm sorry, I forgot about it. Sige na magpahinga ka na, hindi kita iiwan." Malambing na wika ni Troy.

Pakiramdam ko ay sinaksak ako ng libo libong karayom sa puso ko. Kaagad na namuo ang luha sa mata ko dahil sa narinig.

Bakit ang lambing niya kay Pauline? Tapos sa'kin, halos isuka niya na ako?

"Sana pala ikaw na lang ang sinagot ko Troy. Baka hindi ako nakakaramdam ng ganito kung ikaw ang pinili ko."

"Pauline, stop it."

Muli akong humakbang nang maglandas na ng tuluyan ang luha sa pisngi ko.

I knew it. May something talaga sa kanila. Lagi nilang itinatanggi pero totoo naman pala.

"Do you still have a feeling for me Troy?"

Napahawak ako sa dibdib ko. Hinihintay ang isasagot ni Troy kay Pauline, but then, pinagsisihan ko kaagad ang naging desisyon ko.

"I still like you, Pau."

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top