Chapter Two
Please
JESTONI AMBROCIO
DAHIL MINALAS AKO, nag-file ako ng one month leave sa opisina. Sinunod ko na lang iyong payo ng doctor. Ayoko namang lumala pa ang kalagayan ko. Kailangan ko ng mga paa sa trabaho at kung magpupumilit akong pumasok sa kabila ng kalagayan ko, lalala ako, so I cannot risk it.
Chill lang ako rito sa bahay ko. Wala akong gagawin kundi ang magpalakas at magpagaling. Mabilis lang ang isang buwan, ilang tulog lang iyon. Makakabalik din ako sa trabaho at ipinapanalangin kong sana ay hindi ko na makahalubilo ang babaeng iyon. Jusko! Mahal na mahal ko ang buhay ko!
Noon ko lang talaga naranasan na malasin nang sunod–sunod dahil sa babaeng iyon! Naniniwala talaga ako na dahil iyon sa kanya. Hindi naman ako malas na nilalang—mababang uri pero hindi malas.
Napapailing ako. Sa loob ng isang araw naranasan kong masampal, masagasaan, mabunggo ng nurse, at mapaliguan ng tubig ulan. Maybe the latter part isn't her fault—hindi naman siya ang nagmamaneho ng kotse na iyon, but she's there and it means something! Ipinilig ko na lang ang aking ulo. Hindi ko na dapat iniisip iyong babaeng iyon, baka sa pag–iisip ko, malasin pa ako.
Nakaupo lang ako sa living area ng bahay ko habang nagbabasa ng librong 'The Art of War', na ilang beses ko nang nabasa pero hanggang ngayon, iba pa rin ang dating sa akin ng librong ito. I love to read. I have too many books. Noong college ako, kundi may kinalaman sa computer games, ang nireregalo sa akin ng malalapit sa akin ay libro. Iba ang hatid sa akin ng pagbabasa, pakiramdam ko nakakarating ako kung saan–saan, parang ngayon—pero naudlot iyon noong marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nilingon ko ang direksyon ng kusina.
"Ate Medy? Pabukas po ng pinto," malumanay na wika ko. Hinihintay kong sumagot ang kasambahay ko pero mukhang abala siya sa paglalaba kaya kahit nahihirapan ay ako na lang ang naglakad papunta sa front door para buksan iyon. Nadatnan ko si Adi at si Annie roon.
"Hi, Mun!" bati sa akin ni Anne. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin nakakalimutan iyon. "Nagluto si Leina ng sisig, Pinadalhan ka niya kasi gusto niyang ipamukha sa 'yo na mas masarap ang sisig niya kaysa sa sisig sa Pampanga."
"Wala nang mas sasarap pa sa sisig sa Pampanga, Anne. Specialty iyon sa amin." Binalingan ko si Adi. "Wala kang duty?"
"Meron. Lunch kaya sinamahan ko ito."
"Gala ka nang gala, Anne. Sinong nag-aalaga sa inaanak ko?"
"Si Popsi," mabilis niyang wika. "Kukunin na lang namin si Alaine mamaya. May pasok pa rin ako after lunch. Sabi ni Kuya Uriel, bawal ma-late mamaya may meeting kasama iyong Dad niya—ay shet! Bad word pa rin ba iyong 'URIEL' na asawa ni 'BARANG'?"
"'Di ba sabi ko sa 'yo h'wag mong dinadadala iyan dito, Kaligayahan?" inis na wika ko. Tumawa lang si Adi. Nilagpasan nila ako at pumasok na. Nagdiretso si Anne sa kusina ng bahay. Inalalayan naman ako ni Adi papunta sa kinauupuan ko kanina.
"Masakit pa ba?" he dared asked. Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit kaibigan ko sila ni Andres. Medyo bobo sila talaga. "Ano, kumusta?"
"Okay naman. Nanamnamin ko na lang itong bakasyon ko. Matagal naman na akong pinagli–leave ni Chief. Masyado raw akong focus sa trabaho, ni hindi nga siya nag–alala noong sabihin kong magli–leave ako eh. Mukhang natuwa pa siya. Kayo muna ni Andres ang bahala sa mga kaso."
"Alam mo, Bud, nagtataka ako kay Uncle Simoun eh."
"Iyong Tito ni Anne?"
"Oo. E, 'di ba kapag Thursday may dinner sa bahay nina Master Ido. Kapag nakikita niya ako, tinatanong niya sa akin ang tatay mo tapos mumurahin niya. Alam mo ba kung bakit magkakilala sila?"
"Hindi ko pa natatanong kay Papa. Mamaya pagkatawag ko."
"Kakain na!" sumigaw si Anne. Muli na naman akong inalalayan ni Adi. Kalmado lang ako. Walang aksidenteng mangyayari sa akin dahil nasa loob ako ng pamamahay ko. Habang kumakain ng tanghalian ay nagkukwento si Adi at Anne sa akin ng tungkol sa inaanak kong si Alaine. Si Adi kung magkwento para bang may superpowers ang anak niya. Isa't kalahating taon na ang inaanak ko, nakakalad na pero mabuway pa. Mabilis gumapang, mabilis din ang kamay at palaging nakahingi ng pagkain. Tuwang–tuwa si Adi, mana raw sa nanay sa katakawan. Totoo naman.
"Nga pala! Nakwento ni Adi sa akin iyong tungkol kay Annabeth Pokpok!"
"Anne!" Binawalan ko siya. "You don't call people that."
"Ano naman? Pokpok naman talaga siya dati. Kilala mo iyong asawa ni Ate Sam, 'di ba? Si Percy laging galit? Annabeth was his whore."
"Anne." napapalatak na si Adi. "Tama na."
"Fine. Sabagay iyon ang buhay niya noon. Basta mahabang kwento, tawagan mo si Barang magpakwento ka!"
"Ayoko."
"Sige na! Hindi naman seloso si Kuya Uriel eh!" I only made a face. Madalas napipikon ako kay Anne. Kung hindi lang siya mahal ng kaibigan ko, hindi na talaga ako makikipag–usap sa kanya. Palagi niya kasing pinapamukhang hindi ko nakuha si Barang—alam kong biro lang naman iyon sa kanya, sanay na rin naman ako dahil alam kong wala talagang filter ang bibig niya, kaya lang minsan nakakapikon pa rin.
Avery Apelyido is Anne's sister. I tried courting her, akala ko naman kasi may pag–asa ako. Tuwing nagte–text ako, nagre–reply naman siya. Isang taon ko siyang hinintay na maging ready para sa akin. Alam ko kasing hindi siya palalabas ng bahay. Naisip ko noon na baka mabigla siya sa akin at ayoko namang mangyari iyon. I want to take care of her, that's why I am patient and kind to her. I want her to see me as a friend or anything that she needs—ayon, nakita nga niya ako bilang kaibigan LANG. Iyong tipong chill lang kaming dalawa.
Habang hinihintay ko siya, nakuha na pala siya ng iba. Imagine my surprise! Nalaman ko pa sa first date naming dalawa. Hindi ko maintindihan iyong sarili ko noon—akala ko kasi simpleng pagkagusto lang kay Barang iyong nararamdaman ko. No'n ko na-realize na mahal ko siya pala talaga. Ang dami kasi naming pagkakatulad—sayang. Punong–puno ng panghihinayang ang buong pagkatao ko.
Akala ko noon ayos na ako. Noong nalaman kong buntis si Barang, naglasing ako. Hindi ako nakagulapay. Kinailangan pa akong hatakin ni Andres makalabas lang sa bar na iyon. Tapos noong nalaman kong ikakasal na si Barang, umuwi ako ng Pampanga, nag-inom kami nina Papa. Sinukuan nila ako.
Hindi ko masabi sa kanila iyong nararamdaman ko. Ayoko kasing pagtawanan nila ako. Hindi sila sanay na makitang nasasaktan ako, saka isa pa, pagtatawanan ako ni Gardo at Jay, ang mga pinsan ko.
Nang matapos ang tanghalian ay nagpaalam na sina Adi na aalis. Anne even kissed my cheek. Hindi ko kayang mainis sa kanya nang matagal, mabait si Anne tapos napakalambing pa. Parang kapatid na talaga ang turing ko sa kanya. Naiwanan ako sa bahay na si Ate Medy ang kasama ko. Siya ang naghuhugas ng plato ngayon. Bumalik ako sa sala at naupo sa couch para muling bumalik sa pagbasa pero tumawag si Jose Andres sa akin.
"Ano?" inis na tanong ko. "Istorbo ka."
"Ambot! Kala mo naman may iniiyot kung makaistorbo. Ano, masarap ba iyong sisig ni Leina? Pinadalhan din niya ako, eh. Mababait talaga iyong mga Apelyido sisters no. Si Aelise lang eh."
"Ulol," natatawang sabi ko. "Bakit ka tumawag?"
"Nangungumusta lang. Sige na, babalik na ako sa loob."
"Andres, dumaan ka mamaya rito. Bili mo ako ng Wintermelon sa Gong Cha."
"Ba't 'di ka na lang mag–order sa Grab Food?"
"Mahal iyong patong. Dali na kasi. Tang ina mo kundi dahil sa 'yo hindi makakatakas iyong mga minamanmanan natin!"
"Oo na! Dadaan ako mamaya. Kung makasumbat 'kala mo may jowa, wala naman." Binabaan ako ni Andres ng telepono. Nakangiti na ako. Gusto ko talaga ang milktea at dahil na–stress ako kahapon, reward ko iyon sa sarili ko. Bumalik na ako sa pagbasa pero muli na naman akong natigilan. Bigla ko kasing naalala ang babaeng iyon—bigla kong naisip na pamilyar siya sa akin pero hindi ko naman sigurado but I suddenly sensed the feeling of familiarity now.
It was her eyes—they are familiar to me. Kung bakit ay hindi ko alam pero pamilyar talaga siya sa akin.
ღღღ
MARIA ANNABETH SIHURANO
"HINDI KO MABILANG kung ilang beses akong napalunok habang kaharap ko si Uncle Pidong nang umagang iyon. Pinatawag niya sa ako sa mansyon nila. Kakausapin daw niya ako. Alam ko naman kung tungkol saan. Inihanda ko naman ang paliwanag ko, alam ko ang sasabihin ko, pero kahit ganoon kinakabahan pa rin ako.
Mabait naman sa akin ang pamilya ng namatay kong tatay. Inayos nila ang buhay ko. Pinag-aral nila ako sa Amerika. Siniguro nilang mabubura si Annabeth Pokpok pero kahit ganoon, nararamdaman ko pa rin na hindi ako pwedeng magkamali. Kailangan kong patunayan sa kanilang lahat na karapat–dapat ako sa pangalang ito. I sighed. Madalas akong nakakaramdam ng inggit kay Dione—sa kapatid ko—hindi kasi niya kailangang patunayan ang sarili niya. She doesn't need to work hard for her name. May pangalan na siya noon pa man bago niya malaman na si Tatay Nilo pala ang tatay niya.
Kung may dapat lang trabahuhin ang kapatid ko, iyong ugali niya. I know her story, she told me about it and from the first moment I met her up until now, masasabi kong malaki ang ibinait niya.
Madalas sabihin ni Spica sa akin na talagang kailangan daw bumait ni Dione, quote and unquote Spica—"Lumpo na nga masama pa ang ugali, itulak mo na lang sa bangin."
Siyempre, hindi ko pwedeng gawin iyon kay Dione. She is my sister, and whatever she is or was before I met her, mahal ko siya. Mabait naman siya sa akin. She's staying with me now, pero sa susunod na buwan, lilipad siya papuntang New York, sasamahan siya ni Ate Amalthea—hanggang ngayon nahihiya pa rin ako kapag haharap ako kay Ate Amalthea. Pinagpilitan ko kasi noong ako ang anak niya, iyon pala, hindi. Anak ako ni Tatay Nilo sa isang lady guard sa loob. Hindi ko na nakilala iyong babae—kasi ayaw niya akong makita. May ibang pamilya na kasi siya. Noong ipinanganak niya ako, iniwanan niya ako sa palengke at doon ako napulot ng tumayong nanay at tatay ko.
"Annabeth, what happened?" Uncle Pidong asked me. Napaulunok ako. "Nabanggit ng EA ko ang nangyari kagabi. Kundi ko pa tinawagan si Clari, hindi ko pa malalaman ang buong detalye."
"Ah, nakabangga po kasi ako, Uncle Pidong. Sorry po talaga. Hindi ko naman po iyon sinasadya. Uncle, I will never do anything to stain your name. I'm so sorry."
"What?" He looked worried. "Annabeth, nag-aalala ako sa 'yo. Hindi ka ba nasaktan? Hindi ka ba inabuso noong mga pulis na dumampot sa 'yo?"
"Po?" Bigla akong nakahinga nang maluwag. "Ay, hindi naman po, Uncle. Okay naman po ang lahat. Maayos naman po nila akong kinausap. Mag-aareglo na lang po kami noong may–ari ng motor."
"Mabuti naman kung ganoon. Next time, ako ang tawagan mo. I will appreciate it."
"Uhm... okay po..." Nawala ang lahat ng kaba ko sa sikmura. Napatingin lang ako kay Uncle habang nakatitig siya sa akin. May emosyon sa mga mata niya na hindi ko mabigyan ng pangalan. "Sige na, bumaba ka na sa dining area. Naroon ang Tita Vana mo. Sumabay ka na sa aming mag–almusal."
"Ah, hindi na po, Uncle. May early client call po ako ngayon. Thank you po talaga. Mag–iingat na po ako sa susunod. Aalis na po ako." Buong pagmamadali akong umalis. Nagmano naman muna ako bago ako lumabas ng private office niya.
Hindi ko alam kung anong nangyari, pero sabi ni Spica, kailangan kong ikwento sa kanya ang magiging usapan namin ni Uncle Pidong, tatawagan ko na lang siya mamaya after ng client call ko.
Mabilis akong nakarating sa office, mabuti na lang at hindi masyadong traffic kundi, mahuhuli ako sa client meeting. May Japanese company na gustong i–export ang beer ng kompanya namin. Ngayong araw ang pirmahan namin. Buti mabait kausap si Mr. Namoto. Wala nang tanong–tanong pa, pinirmahan niya ang contract.
"Thank you so much, Sir. It's nice doing business with you." Kinamayan ko siya tapos ay nag–bow pa kami sa isa't isa. Umalis si Mr. Namoto, naiwan si Mr. Sanchez, iyong representative ng Philippine company ni Mr. Namoto. I was smiling at him.
"It's great, right?" wika niya. Thankful ako sa kanila. May maganda akong maibabalita kay Uncle Pido.
"Yes, Mr. Sanchez. By next week sisimulan na namin ang production ng beer with the proposed design of the packaging, Sir. Tatawagan agad namin kayo."
"Baka hindi na ako makapaghintay noon, Annabeth," sabi niya bigla. Hindi ko naman siya maintindihan.
"Po?"
"Cut the crap, Annabeth or should I call you Mariposa?" Nakangisi siya sa akin. Ako naman ay napanganga.
Mariposa was my stage name—iyon ang pangalang ibinibigay ko sa mga nagiging customer ko noon. Nagulat ako ngunit natigilan nang hatakin ako ni Mr. Sanchez. He grabbed me by the hand and pulled me to him, iyong isang kamay niya at inilagay niya sa pang–upo ko. Napasinghap ako nang ikiskis niya sa akin ang kanyang harapan. "How the hell did you become a General Manager? Did you fuck your way up here, Mariposa?"
Impit akong napasigaw nang hawakan niya ang dalawang dibdib ko.
"Ano ba?!" Buong lakas ko siyang tinulak. Sinampal ko siya pagkatapos. Sinampal din naman niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko.
"H'wag ka nang magpakipot! Putang ina! Puta ka naman talaga, 'di ba!" Lumapit na naman siya sa akin para hatakin ako, this time, he was trying to kiss me. I keep on moving away. Naiiyak ako, nanghihina ako! Ang tagal nang panahon! Hindi na ako pokpok! Maayos na ang buhay ako.
Hinaltak niya ang blouse ko. Nasira iyon. Now, I am exposed. Hindi ko alam kung paano tatakpan ang sarili ko.
"Annabet—" The door of the conference room swung open. Nakita ko si Maria Juana. Nanlalaki ang mga mata niya. "Ay punyeta! Gago ka!" Natigil si Mr. Sanchez. Umiiyak ako.
Ang sumunod na pumasok ay ang asawa ni Maria Juana. Nanlalaki rin ang mga mata niya. Nagulat ako nang bigla na lang lumapit si Jufran sa lalaki para suntukin ito sa mukha nang apat na beses. Si Mary Jane naman ay dinaluhan ako agad.
"Gago ka!" sigaw ni Jufran! "Ipapahuli kita sa pulis! Gago!" Tumawag ng security si Jufran. Si Maria Juana naman ay inilabas ako sa conference room. Yakap–yakap niya ako. Iyak naman ako nang iyak.
"Annabeth..." Inupo niya ako sa couch. "Annabeth..."
"Hindi talaga mawawala iyong anino ng nakaraan sa akin..." Bigla na lang akong napahagulgol.
ღღღ
NATAGPUAN KO ANG aking sarili sa parking lot ng krame kung saan ako dinala kagabi. Umalis ako sa opisina. Si Jufran at Mary Jane ay inayos ang gulo tungkol kay Mr. Sanchez. Tinawagan nila si Clari, at dahil tinawagan nila si Clari, sigurado akong alam na ni Uncle Pidong ngayon ang nangyari. Nahihiya ako. Baka hindi na ituloy ng kompanya nila ang deal sa amin dahil sa nangyari.
Siguro dapat nagpatianod na lang ako. Ano lang ba iyon? Sex lang iyon. Wala pang sampung minuto, matatapos din iyon, pero kasi, ayoko talaga. Ayoko.
Matagal na panahon ko nang inalis ang sarili ko sa ganoong kalakaran. Maayos na ang buhay ko. May pinag–aralan na ako, kaya lang, napakahirap pa lang umalis sa aninong iyon. Para iyong multo na hinahabol ako kahit saan ako magpunta.
Natigil lang ako sa pag–iisip nang makita ko si Andres Birada. Papunta na yata siya sa sasakyan niya. Mabilis naman akong bumaba ng kotse upang tawagin siya. Gusto ko lang kumustahin si Sir Jestoni. Baka kasi may kailangan pa iyon. Kasalanan ko naman kung bakit siya naaksidente kaya ibibigay ko lahat ng tulong na kailangan niya.
"Sir Andres!" I called him. Napatigil siya sa paglalakad. Kumaway ako sa kanya. Nakangiti naman siyang lumapit sa akin.
"Oh, Miss Sihurano, napadalaw ka? May nabangga ka ba ulit?"
"Ah, naku, wala po. Sana 'wag naman." Pinilit ko lang tumawa. "Kukumustahin ko lang po sana si Sir Jestoni. Okay lang po ba siya?"
"Ah, nag-leave na si Toni. Nasa bahay siya ngayon at nagpapahinga."
"I see. Baka po may kailangan siya." Parang natigilan si Sir Andres habang nakatingin sa akin, nakita kong napangisi pa siya.
"Oo. Naku, buti at nagpunta ka rito. May kailangan nga si Toni. Hindi ko naman masikaso kasi may pupuntahan akong raid ngayon. Okay lang ba?"
Tumango ako. I want to do something good today para matakpan iyong insidente kaninang umaga.
"Ah, kailangan kasi ng pampalamig ng ulo ni Toni. Okay lang ba kung ibili mo siya ng winter melon milk tea sa Gong Cha? Ibibigay ko iyong address niya sa 'yo. Kung okay lang samahan mo na rin ng Potato Corner na fries, paborito niya iyon eh."
"Iyon ba?" Akala ko naman gamot ang kailangan o kaya naman another scheduled checkup sa ortho pero dahil kailangan kong matakpan ng kabutihan ang insidente kanina ay pumayag ako. I went to the mall to buy him the milk tea and the fries, sinamahan ko pa ng pastries kasi baka mahilig siya sa matamis.
Nang masiguro kong nabili ko ang lahat ay tinungo ko na ang bahay ni Jestoni Ambrosio. Hindi ko na kailangan tingnan iyong address na bigay ni Sir Andres. Malinaw pa naman sa isipan ko iyong daan papunta sa bahay ni Sir Jestoni.
After twenty–minutes ay nakarating ako sa tapat ng bahay niya. I saw a woman in front of his home, nagwawalis. Napatingin siya sa akin kaya kumaway ako, mabilis naman niyang binuksan ang front gate.
"Hello po. Nandito po si Sir Jestoni?" malumanay na wika ko.
"Hala, Miss ang ganda mo naman. Mukha kang anghel. Lika, pasok ka! Nasa sala si Tonyo, diretsuhin mo na lang iyan, tapos pumasok ka sa front door. Ang dami mong dala, ha."
"Para po sa kanya ito. Okay lang po bang pumasok?"
"Oo. Magdidilig pa kasi ako. Sige na."
"Thank you po." Ang aga naman niyang magdilig. Anyway, hindi ko na pinakialaman ang trip ni Ate sa buhay. I went inside the house. Maganda ang bahay ni Toni. Mukhang may kaya siya sa buhay. Very modern minimalist ang datingan ng bahay. Lalaking–lalaki. I looked around, wala naman siya sa living area. Nasaan kaya siya?
"Sir Jestoni?" I called out his name. "Sir?"
"Ikaw?!" Napalingon ako sa may glass door sa kaliwa nang marinig ko ang boses niya. Naroon siya, nakaupo sa isang rattan chair habang may hawak na laptop. I smiled at him. Napatayo siya. Sa pagkakatayo niya ay humakbang siya papunta sa akin pero bigla siyang nakabitaw sa saklay niya, kaya ang ending nasubsob siya. Napasigaw naman ako. Ibinaba ko muna lahat ng dala ko saka ko siya dinaluhan. Hirap siyang tumayo—para siyang uod na nilagyan ng asin.
"Hala! Sir, nasubsob ka! Aalalayan kita!" Wala siyang nagawa nang itayo ko siya. Inalalayan ko siya papunta sa rattan chair pero bigla na lang nagkabanggaan ang mga paa namin, pumulupot ang paa ko sa kanang paa niya na dahilan nang muli niyang pagbagsak, pero sa pagkakataong iyon ay kasama na ako. Bumagsak ako sa ibabaw niya.
"Grabe!" Napaigik siya. Nahihiya ako. Ano bang nangyayari? I looked at him and I noticed that he was looking at me too—kunot na naman ang noo niya.
Napakagat–labi ako. Talagang gwapo siya. Mas bagay ang hitsura niya ngayon, 'di tulad kahapon na may five o'clock shadow pa siya.
"Ano... uhm..." Kabang–kaba na naman ako. "I brought milk tea!" Mabilis akong tumayo para tulungan siya, kahit nakasimangot siya ay wala naman siyang magagawa. Iniupo ko siya sa rattan chair tapos ay tumakbo ako sa loob para kuhanin ang mga dala ko. I came back, and I was greeted by his frowny face.
"Ano bang ginagawa mo rito? Sabi ko, leave 'di ba? Minamalas ako dahil sa 'yo! Okay naman ako kanina, kadadating mo lang naaksidente na naman ako!"
Napakagat–labi ako. I know he's upset, but it's making me more upset. Ang bigat ng nangyari sa akin ngayon, gusto ko lang kalimutan iyon at patungan ng magandang gawa.
"Grabe ka naman sa akin," biglang sabi ko. "I had a really bad day today and this is just my way of trying to forget it." Hindi ko napansing napaluha na pala ako. "Just please let me do this, Mr. Ambrosio. Please..." Napahikbi pa ako. "Please..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top