Chapter Three
National TV
JESTONI AMBROCIO
AYOKO SA LAHAT ay nakakikita ng babaeng umiiyak kaya nang makita kong napahikbi si Annabeth ay natigilan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I suddenly become uncomfortable. Hindi ko siya matingnan.
"Sorry sa lahat ng inabot mo sa akin, but please don't ask me to leave," she said again. Napabuntonghininga na lang ako. Gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ako makatingin sa kanya. I saw her wiped her cheek, parang naninikip naman ang dibdib ko. "Please..."
"Sige na," wika ko. "H'wag ka nang umiyak." Nag-iwas ako ng tingin pero sinisilip–silip ko siya. Napansin kong kinakalma na niya ang kanyang sarili, ako naman ay naghihintay lang. Hindi nagtagal ay napansin kong inilalapit na niya sa akin ang mga pinamili niya.
"Here. Kumain ka na. Dumaan ako sa krame, nagkausap kami ni Sir Andres, nasabi niyang gusto mo raw niyan kaya binili kita."
Napailing naman ako. Kahit kailan talaga si Andres, hindi siya maasahan. Madalas kapag inuutos sa kanya, ibinibigay niya kay Adi, kaya madalas nagkakagulo kami sa mga pangyayari sa buhay namin. Hinayaan ko naman siyang maupo sa laz-y boy sa tabi ko. She was attentively looking at me. Ngumiti lang ako saka sinimsim na iyong milk tea na binili niya. I reminded myself that I will pay her back later. Kung si Andres sana ito, hindi na ako magbabayad, palagi naman kasing ako ang nagbabayad kapag kumakain kami sa karinderya ni Aling Nena. I looked at Annabeth again, napansin kong natutulala siya. I was even a bit shocked seeing a tear from her eye. Mabilis niyang pinahid iyon. Napalunok naman ako. Ilang beses akong nagbuntonghininga.
"You know what, Sir, I should go." Napatitig naman ako kay Annabeth. Bakit bigla siyang nagpapaalam umalis? Hindi naman ako insensitive, usually naman mabait akong tao at hindi ako basta naninigaw. Maliban na lang sa kanya kasi rinig ko iyong tunog ng kamalasan kapag nandito sa malapit pero ramdam ko rin naman may mabigat sa loob niya ngayon. Nakikita ko namang sinusubukan niyang bumawi dahil sa mga nangyari sa akin, kaya naisip ko rin na bumawi sa kanya dahil sa paninigaw ko.
"Don't..." Bigla kong nasabi. Napatitig siya sa akin. I can see sadness in her eyes, ayokong nakakakita nang ganoon sa mata ng mga babae. Naniniwala akong ang mga babae ay dapat pinasasaya at inaalagaan. "I mean, 'di ba, sabi mo kailangan mong bumawi sa akin? I am starving. Hindi naman ako mabubusog dito. Can you cook?"
"Uhm... yeah. Ano bang gusto mo?" Bigla na lang siyang ngumiti pero hindi naman umabot sa kanyang mga mata ang ngiting iyon. Something is definitely up with her. "Ano'ng paborito mong pagkain? Are you craving anything?"
Kaka–sisig ko lang kaya nag–iisip ako ng ibang kakainin. Biglang napatalo si Annabeth.
"Alam ko na, hahanap na lang ako ng pwedeng lutuin sa fridge mo, I hope it's okay."
"Sure. The kitchen is..." Bigla na lang niya akong iniwanan. Siya na mismo ang naghanap ng kusina ko. Napabuntonghininga na lang ako. Inabot ko ang phone sa gilid ko at saka tinawagan si Andres. Napasimangot pa ako dahil hindi niya sinagot agad ang tawag ko. Malamang nasa meeting ito, pero tinawagan ko ulit siya. Noon siya sumagot na para bang hinihingal.
"Bakit ka tumawag?" Naghahabol siya ng hininga.
"Gago, mamaya ka na mag–jakol. Ang awkward! Kausap mo ako."
"Gago! Kasama ko si Adi!"
"Mag–jakol?! Akala ko ba last na noon?" Napangisi ako.
"Gago! May hinahabol kami! Mamaya ka na tumawag!" Binabaan niya ako ng telepono. I made a face. Nakaka–miss din ang trabaho. Mabilis pa naman akong tumakbo. Sana talaga maging okay na ako. Gusto ko na ulit makipaghabulan sa mga mastermind ng mga sindikato, saka gusto kong umuwi ng Pampangga. Nami–miss ko na sina Papa at Mama.
Hindi naman nagtagal ay naubos ko na ang milk tea ko. Medyo bitin pa ako. Napapabuntonghininga na lang ako. Tuwing makakakita ako ng milk tea, naaalala ko si Avery. Naaalala ko ang kahapong 'di na babalik. Hanggang sa dulo ng aking araw, naiisip ko siya. Punong–puno ng panghihinayang ang buong pagkatao ko. Sana pala kasi binilisan ko noon, sana kasi noong nalaman niyang ako ang sumira sa system niya, niligawan ko na siya. Naniniwala akong mas bagay kaming dalawa.
Pero wala, hanggang paniniwala na lang iyon. Pinagtagpo pero hindi tinadhana ang peg naming dalawa. Sayang na sayang talaga.
Sa gitna nang pag–iisip ko ay nakaamoy ako ng napakabangong aroma. Sigurado akong si Annabeth iyon. Amoy afritada ang naamoy ko. Maybe she's a good cook. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hinayaan ko na lang siya sa kusina. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko ng libro. Ganitong malayo kaming dalawa. Sigurado akong safe ako. Hindi naman siguro ako aabutin ng malas dito.
I tried to bury my thoughts in the book I was reading but I couldn't seem to concentrate. Nakikita ko ang mga mata ni Annabeth at hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit punong–puno ng kalungkutan ang mga matang iyon. I have a feeling that her eyes aren't like that before, and I couldn't shake the feeling of familiarity.
ღღღ
MARIA ANNABETH SIHURANO
"GIRLFRIEND KA BA ni Sir Tonyo?"
Napatingin ako sa maid ni Sir Toni. Hindi ko man gusto ay namula ang pisngi ko.
"AY UY! Jowa mo si Sir?"
"Hala, hindi po." Tumawa ako para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko. "Bale ako kasi iyong dahilan kung bakit naaksidente siya. Ako iyong nakasagasa sa kanya," malumanay na paliwanag ko. Napatango iyong maid.
"Akala ko finally, may girlfriend na si Sir. Ang tagal na niyang single. Siguro lalaki talaga ang hanap ni Sir. Baka sila talaga ni Sir Andres. Minsan kasi nakikita ko silang naglalambingan sa may patio." Lalong namula ang mukha ko.
Hindi ko alam kung tatawa ako nang malakas, pero naalala kong ang mga personality development classes ko noon, hindi dapat tumatawa nang napakalakas ang isang socialite, at kahit na hindi ako makapaniwala na isa akong ganoon ngayon, pinanindigan ko na lahat ng natutuhan ko sa class na iyon.
I became a lady that my family can be proud of, ngunit madalas kapag tumitingin ako sa salamin, hindi ko na nakikilala ang sarili ko. I sometimes think about the old Annabeth and how happy she was with the simple things in life. How much that old version of me loves life and how much Percy would kill just to be with that old version of me.
I miss him. I always do. May mga pagkakataon na pumupunta ako sa tapat ng bahay niya. Nasa loob lang ako ng kotse habang hinihintay siyang lumabas. Minsan kasi nagtatapon siya ng basura, o kaya man nasasaktuhan na tumatakbo siya kasama iyong alaga niyang aso, pero madalas, nakikita ko sila ng asawa niya sa verandah ng bahay nila. Percy was holding Sam in his arms, or they would dance, and laugh... alam kong hindi na normal, pero ginagawa ko iyon para mag-sink in sa buong pagkatao ko na hindi na siya pwedeng maging akin kaya lang hindi mamamatay–matay iyong pag–asa kong magigising siya at ako pa rin ang pipiliin niya.
Mas malabo pa sa tubig ng imburnal na piliin ako ni Percy. Tatlo na ang anak niya, taon–taon nagpapakasal sila ni Sam. Bakit ba naiisip kong pipiliin niya pa rin ako despite that? Hindi na nga niya ako pipiliin!
"Miss! Hoy!" Napatingin ako sa kasambahay ni Sir Toni. Nakita kong pinatay niya ang kalan. Napaawang naman ang labi ko. "Muntik nang masunog ang niluluto mo! Ano bang nangyari?" Ilang beses akong napakurap. Basta pagdating kay Percy, nawawala ako sa sarili ko.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." The maid smiled at me.
"Okay lang, Miss. Ako na lang muna dito, tutal naman nakaluto ka na. Sige na. Ako nang maglilinis." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero nginitian ko na lang siya. Nakakahiya naman itong ginawa ko. Parang tama nga si Sir Toni, puno ako ng kamalasan sa buhay.
Siguro ganoon talaga—I thought that everything in my life is okay, and then bam, Mr. Sanchez happened. Naalala ko siya, alam na kaya ni Uncle Pidong ang nangyari? For sure iaatras ng kompanya nina Mr. Sanchez ang deal sa Distilleries. Kasalanan kong lahat ito.
Wala akong balita tungkol doon. I turned my phone off. Hindi rin ako nagsabi kung saan ako pupunta. I have my reasons. Sa totoo lang, gusto ko nang sumuko. Hirap na hirap na akong palaging kailangan may patunayan sa pamilya ko. Gusto ko kasing makita nila na deserve ko lahat ito bilang ako ang anak ni Nilo Sihurano pero paano ko gagawin iyon kung hindi naman ako nilulubayan ng nakaraan ko?
Wherever I go, I will always be Annabeth Pokpok. How can I erase all of that?
Iniwanan ko ang maid sa kitchen. Wala pa sana akong balak umuwi pero pagbalik ko sa kinaroroonan ni Sir Toni ay nakita kong pagabi na. Naghahalo na ang violet at orange sa kalangitan. Naisip kong tama na ang mga oras na nawala ako, kailangan ko nang balikan ang reyalidad ng buhay ko at iyon ay ako na nagpapakahirap maging taong hindi naman talaga ako.
"Sir, I'm going na po." Napatingin siya sa akin habang medyo nakaawang pa ang kanyang labi.
"Huh? Agad? I mean hindi mo ba kakainin iyong niluto mo?"
"Next time na lang po. I hope hindi ka malasin," pabiro kong binitiwan ang mga salitang iyon. Ngumiti lang siya. Kinuha ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng bahay niya para sumakay na sa kotse ko. Hindi ko agad pinaadar ang aking sasakyan. I cried a little and when I felt like I can finally show my face to my family, I started driving. Hindi ko alam kung anong kahaharapin ko, pero kung anuman iyon, handang–handa talaga ako.
Bandang six–thirty nang gabi nang makarating ako sa bahay ko. Nagdesisyon akong pagpasok ko na lang sa aking silid ko bubuksan ang phone ko. When I got in the house, nakita ko si Dione sakay ng wheelchair niya na palapit sa akin.
"You're early! Kumain ka na ba? Manang cooked nilagang baka for you!" She was all smiles at me. I don't have the heart to take that away from her. Tulad ko, maraming pinagdaanan si Dione. She became the most hated person in her family, kasi, well, masama naman talaga ang ugali niya but all of those things she did, she did that because she couldn't really control her emotions. May tumor siya sa frontal lobe noon kaya naging napakadrastic ng pagbabago niya. Huli na nang malaman ng buong pamilya niya ang dahilan—masyado nang maraming nasaktan.
"I'm not really hungry, siguro mamaya na lang, Dione. Thank you." Iniwanan ko siya sa may front door. Nakita kong nakatayo roon ang nurse ng kapatid ko, nilagpasan ko lang siya at saka ako pumasok sa aking silid. I sat on the middle of the bed looking at my phone, nang i-on ko iyon, hindi na ako naghintay nang ilang minuto, tumunog iyon, sunod–sunod ang pagpasok ng text messages at ng mga notifications.
The first text message I read was from Spica.
From Spica:
Where are you? Don't turn the T.V. and don't read anything!
Hindi ko na tiningnan ang iba, kinuha ko ang remote control to turn the T.V. on. Naghanap ako ng news show, sakto naman na pagkalipat ko ay iyon agad. A news about the Consunji Empires are being shown, nang matapos iyon ay nabigla ako nang makita ko si Mr. Sanchez sa T.V. May shades siya tapos ay pinakikita ang dumudugo niya pang ilong.
"Binastos ako ni Annabeth Sihurano, ang General Manager ng Rojas Distilleries. Pinagtulungan ako sa loob ng opisinang iyon. Juan Francisco Birada was the one who punched me hanggang sa nawalan ako ng malay. I am just trying to defend myself. I confronted Miss Sihurano because I have found out things about her."
Napatayo ako. Napahawak ang kamay ko sa aking dibdib.
"I wanted to protect our company. Hindi maganda sa image namin ang makipagtrabaho sa isang babaeng bayaran."
"Oh, my god!" I exclaimed when I saw a video being played on the news show. It was me—years ago—dancing in that stage of our old club. Naka–blur naman ang maseselang bahagi ng katawan ko ngunit kitang–kita ang mukha ko.
"The General Manager of the Rojas Distilleries was a prostitute. I only confronted her, but she was fuming mad she hurt me. Dumating ang manugang ni former Senator at sinaktan ako. I will file charges and our company will be withdrawing from the deal made because of what happened. Thank you."
Nawala na ang mukha ni Mr. Sanchez sa screen, naiba na ang balita pero nakikita ko pa rin ang sarili kong pilit kong kinalilimutan at binabaon sa nakaraan. Paano na ang kompanya? Paano na si Uncle Pidong? Nakakahiya talaga. I broke down and cried like a little girl lost in the mall.
Paano na?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top