Chapter Four
She is that
MARIA ANNABETH SIHURANO
ANG GULO–GULO NG lahat.
Buong araw akong hindi lumalabas ng kwarto, ni hindi ko binubuksan ang T.V., hindi ko rin tinitingnan ang phone ko, it keeps on ringing all night, but I have no intention of answering it. All I want to do is disappear to thin air and never return. Hiyang–hiya ako sa buong pamilya ko. I can just imagine the things they are thinking right now. Hindi talaga ako belong sa pamilyang ito. Palagi kong iniisip na kung hindi ako sumama kay Tatay Nilo noon, sana normal pa rin akong tao. Hindi ko poprobelemahin ang mga bagay na ito. All I wanted is a normal life, pero kalakip na yata ng pangalan ko ang salitang malas—kaya naniniwala ako kay Sir Toni na ako ang malas sa aming dalawa.
"Annabeth... please open the door." Narinig ko na naman ang boses ni Dione sa labas ng pintuan ko. I stared at the door. Hindi siya tumitigil sa pagkatok. Alam kong naisip niyang kunin ang susi ng silid ko at pwesahin ang pagpasok dito pero hindi niya ginawa. Maybe she's respecting my privacy, pero pinararamdam niyang hindi ako dapat mag–isa. Pero iyon nga mismo ang gusto kong mangyari, ang maging mag–isa.
I want to live my life the way I want it because I can't do this anymore.
"Annabeth, nagluto si Manang ng sinigang na sugpo. Lika na?" Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagtalukbong ako ng kumot at saka umiyak nang umiyak. I hate myself. Hindi na dapat ako napunta sa buhay na ito. I hate myself. Sa kakaiyak ay nakatulog ako. Nang muli akong magmulat ng mga mata ay hindi ko na naririnig si Dione. Nagdesisyon akong umalis. Kinuha ko ang bag ko, ang susi ng kotse, pero iniwanan ko ang phone ko. I don't want to be disturbed. I want to get away. I want to disappear.
Noong una ay wala akong ideya kung saan ako pupunta. In my head, I needed to leave the place. Hindi ko kayang harapin si Uncle Pidong. Masisira ang reputasyon ng pamilya niyang dekada na niyang iniingatan. Sino ba ang niloko ko? Walang–wala ako sa mga anak niya. Matatalino sila Clarita, isa siyang abogado; Spica is a scientist and before I took over the company, si Maria Juana ang namamahala ng lahat dito tapos ay ang asawa niyang si Jufran. Si Mariake naman, hindi makabasag pinggan. Si Mariah, matino samantalang ako, walang–wala ako sa kahit na kaninong kalingkingan nila.
I am and will always be Annabeth the whore.
Nakarating ako sa Pampanga. Ito ang huling lugar na sinabi ng P.I. kung nasaan ang nanay ko. Gusto ko lang siyang makita, baka sa pagkakataong ito, gustuhin na niya akong makausap o kahit tingnan lang sa mga mata. Hindi niya kasi magawa iyon noong unang beses kaming magkita sa burol ni Tatay Nilo. Iyong ikalawang beses naman ay hindi naging maganda ang pag-uusap namin. Sinabi niya sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako ginustong maging anak—nangyari lang daw sa kanila ni Tatay Nilo iyon noon dahil sa libog siya and my father happens to be in that same place.
Napakasakit para sa akin na marinig iyon, pero hinayaan ko siya dahil baka kasi nabigla lang siya, baka naisip niyang ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. Apat na taon na ang nakalipas mula noong huli ko siyang makita at makausap, baka sakaling may pagbabago na sa pagtrato niya sa akin.
Alas tres nang hapon nang makarating ako sa Pampanga, sa Lubao, sa tapat ng tindahan ng bigas ng nanay ko. Nasa kotse ako at nakatingin doon. Hindi nagtagal ay nakita ko siyang nagbebenta sa kung sino. She looked homey, she was wearing an apron around her waist, may belt bag din siya, magulo ang kanyang buhok pero napakaganda niya pa rin. Sabi nina Clari, kamukha ko raw si Tatay Nilo, pero minsan gusto kong utuin ang sarili ko at isipin na ang kamukha ko ay ang nanay ko. Hindi ko alam kung bababa ako at pupuntahan siya but right now, mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhan kong makausap siya. I feel so alone and maybe I'll find company here.
Kaya bumaba ako ng sasakyan at dahan–dahang nagpunta sa tapat ng tindahan ng bigas ng nanay ko.
"Magandang hapon po," malumanay na wika ko. Natigilan siya at napatingin sa akin. Ngumiti ako pero siya naman ay lalong napakunot ang noo. She even made a face.
"Anong ginagawa mo rito?"
"'Nay..."
"Tsk, h'wag mo akong matawag–tawag na nanay. Galing ka sa akin pero wala tayong relasyon kaya hindi mo ako nanay. Utang na loob. Umalis ka rito. Darating iyong mga anak ko, ayokong magtanong sila tungkol sa 'yo. Alis!" Noong hindi ako gumalaw ay sinabuyan niya pa ako ng tubig. How can she be so cruel? Napabuntonghininga na lang ako. Naluluhang bumalik ako sa kotse ko. I stayed there. Ni hindi niya ako nilingon, hindi ko alam kung gaano ako katagal na naroon, pero hinintay kong dumating ang mga anak niya.
Ibang–iba siya sa mga anak niya. Nang dumating iyong dalawang babae ay sinalubong niya pa, hinaplos–haplos sa ulo tapos ay hinagkan niya pa sa noo. Tahimik akong napaluha.
Sabi ni Dione, masokista ako, gustong–gusto ko raw na sinasaktan ang sarili ko. Tulad ngayon, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang mag–iina. Ang tagal–tagal kong naka–park doon. Hindi ko tinatanggal ang tingin sa kanila hanggang sa magsara ang kanilang tindahan.
Mahirap ba talaga akong mahalin? I sighed. I started driving away. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Kailangan ko na yata talagang kalimutan ang kagustuhan kong mapabilang sa pamilya ng nanay ko. Kailangan ko na talagang mamuhay sa reyalidad na hindi lahat ng tao ay kaya akong tanggapin. Siguro kailangan kong simulan sa pag–alis sa pamilya kung nasaan ako ngayon. Hindi nila ako maiintindihan pero makakabuti ito. I need to live alone. Hindi naman na ako babalik sa pagiging pokpok ko pero hindi ko na kayang patakbuhin ang kompanyang masisira nang dahil sa akin.
I owe the Sihurano family a lot. They gave me an identity, they gave me the kind of life I can only dreamed of, pero hindi ko kayang ako ang magiging dahilan nang pagkasira ng pamilyang iyon. Sobra na iyong naranasan nilang kotrobersya tungkol sa akin. It's time to unburden them.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakabalik ng Metro. Iyak ako nang iyak habang nagmamaneho, paulit–ulit kong tinatanong sa aking sarili kung ganoon ba ako kahirap mahalin? Hindi ako nagawang mahalin ng tunay kong nanay, hindi ko naranasang mahalin ni Tatay Nilo dahil namatay siya nang maaga tapos... tapos si Percy, hindi niya nagawang ipaglaban ako nang mas matagal noon. Sumuko siya nang ilayo ko ang sarili ko. Sa totoo lang, kaya ko lang naman ginawa iyon ay dahil gusto kong maging karapat–dapat para sa kanya.
Kinausap ako ni Tia noon. Inalok niya ako ng pera para layuan ang kapatid niya, hindi ko iyon tinanggap at kasabay noon ay ang walang humpay na insultong binitiwan niya sa mukha ko. Nasaktan ako, pero alam kong tama siya. Ano nga ba naman ang kayang ibigay ng isang pokpok na walang pinag-aralan tulad ko sa kapatid niya?
Persues Vejar is Persues Vejar. Bundok siya, putik lang ako. Hindi ko siya dapat inaabot. Napakababa ng tingin ko sa sarili ko noon kaya nagdesisyon akong layuan si Percy, hindi para iwanan siya kundi para pagbutihin ang sarili ko. Percy needs someone to be proud of, and that's exactly what I did but he got bored. He didn't wait for me. Nabigo ako at ngayon, sunod–sunod na naman ang kabiguang iyon, talagang ako ang malas.
Noong nagpaulan ang Diyos ng kamalasan, imbes na magtago, nagtampisaw pa ako. Nakakaloka.
I know that I needed to come home. Naghihintay si Dione pero naiisip kong baka nandoon sina Clarita, ayoko silang makausap. Hiyang–hiya ako. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa lumang club kung saan ako nagtatrabaho noon. Ilang taon na ang nakalipas pero wala pa ring pinagbago ang paligid.
"Mariposa? Mariposa!" Bahagya pa akong nagulat nang marinig ko ang alyas ko. I looked back and found Levy, iyong bouncer ng club. Hindi siya nakauniporme ngayon, day off niya siguro. Nangingiti–ngiti siya habang palapit sa akin. "Napadalaw ang mayaman!" sabi niya bigla sa akin. Tumawa naman ako. Agad ay nawala ang agam–agam ko.
"Napadaan lang. Kumusta kayo rito?"
"Ganoon pa rin! Ang gara ng suot mo, ha?! Nasa loob sina Lyn at iba pa. Lika na! Sigurado akong matutuwa ang mga iyon dahil nandito ka na!"
Levy and I got to the main area of the night club. Marami pa lang parokyano ngayong gabi, may mga sumasayaw sa entablado, ang iba ay kausap na ang mga customer nang gabing iyon and while I was walking in the middle of that night club, I could not help but think about home.
After all these years, I feel like I am home.
ღღღ
JESTONI AMBROCIO
"NAPAKASARAP NAMAN NITONG afritada!"
Nakatitig lang ako kay Andres habang kinakain niya iyong luto ni Annabeth. Mukhang masayang–masaya siya. Hindi ko inaasahang darating siya ngayon. Pinauwi ko na ang kasambahay ko, at naghanda na akong magpahinga kaya lang biglang tumawag itong si Andres. Akala ko sasabihin niya sa akin ang pinagawa niya kay Annabeth kanina. Ayoko namang i–open sa kanya, baka sabihin niya maarte ako, kaya lang nag–iinarte talaga ako dahil hindi naman namin malapit na kaibigan si Annabeth para hingan niya nang ganoong klaseng pabor.
"Nagustuhan mo ba iyong milktea mo kanina?" Biglaang tanong niya sa akin. Ito na ang hinihintay ko. Kumuha ako ng ubas tapos binato ko sa kanya, nasalo naman niya iyon ng bibig niya. Napailing ako.
"Hindi mo dapat pinapunta si Annabeth dito."
"Dahil malas siya?"
"Maliban doon, hindi natin siya malapit na kaibigan para hingan mo ng pabor. Alam mo ba? Nag-iiyak siya rito. Muntik niya pang masunog ang bahay ko!"
"Understandable naman iyon," mabilis na wika ni Andres habang sumusubo.
"Understandable na masusunog niya ang bahay ko?"
"Depress iyong tao. Hindi mo ba napanood iyong balita?" wika ni Andres sa akin. Hindi naman ako nakakibo. Nilabas niya ang phone niya at may pinapanood sa akin. Kunot na kunot ang noo ko, naghihintay sa lalabas na kung ano pero napamura ako nang may makita akong isang babaeng blonde ang buhok na nakahubad habang nasa ibabaw ng isang African–American.
"Putang ina mo, Andres!" sigaw ko sa kanya. Nag–make face pa siya.
"Ay, sorry, wrong video," he said to me. Kinuha na naman niya ang phone niya at sa pagkakataong iyon siniguro niyang tama na ang ipapakita niya sa akin. Hindi nagtagal ay nakita ko ang isang lalaking magara ang suot. Mr. Sanchez ang pangalan niya. He was giving a statement on the national news show—ang lahat ng sinasabi niya ay tungkol kay Annabeth. Napa–awang pa ang mga labi ko nang may ipakitang footage na nagsasayaw si Annabeth sa isang club.
"Ano ito?"
"Ah, idedemanda siya noong lalaki. Hindi ko lang alam kung anong kaso pero nagpunta iyan kanina sa krame, kausap si Chief. Mukhang malakas ang kapit. Pina–blotter niya rin iyong sumapak sa kanya. Basta raw magdedemanda siya.
"Anong sabi ni chief?" Hindi ko alam kung bakit ako interesado pero nakaramdam ako ng awa kay Annabeth, kaya pala naiiyak siya kanina pagkatapos nasigawan ko pa siya. Hindi talaga ako nag–iisip. I should've treated her better, if only I knew.
"Wala siyang sabi. Mukhang hindi naman siya kumbinsido sa kwento nitong si Mr. Sanchez. Sabi niya kailangan marinig niya ang kabilang panig. Nasaan na kaya si Annabeth ngayon?"
Hindi ko nasagot si Andres. Hindi ko rin naman talaga kasi alam kung nasaan si Annabeth ngayon o kung anong ginagawa niya.
Nakaalis na at lahat si Andres ay si Annabeth pa rin ang laman ng isipan ko. Okay lang kaya siya?
Tama pala iyong sinabi ni Anne, pokpok si Annabeth noon—wala namang masama kung naging trabaho niya iyon, what matters is that she turned her life around and I feel proud for her. Napabuntonghininga ako. Kaya rin pala may lungkot sa kanyang mga mata.
Hindi ako nakatulog. I kept on thinking about her. Naisip kong siguro ay naging napakahirap ng buhay niya noon. She doesn't need another problem like this. May mga tao talagang walang hiya.
Bandang ala una nang madaling araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Andres. Nasa labas daw siya ng bahay ko. Ako naman ay nagmamadaling maglakad kahit hirap na hirap na. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at inalalayan niya akong makaupo sa passenger's seat.
"Anong nangyari? Si Adi ba?"
"Hindi. Si Annabeth. Na–raid iyong club sa Tondo, naroon siya. Nasa police station siya ngayon. Itinawag lang sa akin ni Santos."
I made a face. "Napakamalas ng babaeng iyon!"
Andres drove, ako naman ay nakakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung anong aasahan kong makita kapag naroon na kami sa istasyon ng pulis. Twenty–minutes ang dumaan, nag–park si Andres sa tapat ng istasyon, inalalayan niya akong muli tapos ay sabay kaming pumasok sa loob. Ipinakita niya ang chapa niya sa isang policewoman doon at saka sila nag–usap. Ako naman ay tumingin–tingin sa paligid, hinahanap ko si Annabeth, huminto ang mata ko sa may selda.
She was inside, looking at me. My mouth parted—even in the middle of that rotten jail, Annabeth's beauty stands out—and why the hell am I thinking like this? Kahit hirap ay nagpunta ako sa kanya.
"Okay ka lang?"
"Sino iyan, Mariposa?" tanong noong isang babaeng maikli ang short, naka–crop top habang ngumunguya ng bubble gum at may makapal na lipstick sa mukha. "Parak ba? Kilala mo?"
"Oo. Kakilala ko siya, Liberty." Nasa kulungan na at lahat nagawa niya pang ngumiti nang buo—hindi nga lang abot sa kanyang mga mata—pero ngumingiti siya.
"Wow! Yumaman ka lang, Mariposa, nakaroon ka nang kaibigang parak! Dati tinatakbuhan lang natin iyang mga iyan!"
"Galing ni Mariposa!"
Nakatitig lang ako kay Annabeth habang paulit–ulit sinasambit ng mga kaibigan niya ang salitang Mariposa—and in my mind, I have this image of a young girl, in her red spaghetti strap dress, her short synthetic wig and hoop earrings.
"Toni, dinala kita rito ngayon kasi hindi naman pwedeng maghapon at magdamag ka na lang nag–co–computer sa bahay. College ka na sa Hunyo, dapat naman magkaroon ka ng experience hindi iyang puro si Maria ang kasama mo sa gabi! Naririnig ka namin ng nanay mo!"
"Papa naman!" Napapakamot ako ng ulo. Nasa loob kami ng isang club ni Tatay noon. Sabi niya Tondo raw ang pangalan ng lugar na iyon. I am only seventeen, kaka–graduate ko lang ng high school at college na ako sa pasukan. Tinutukso ako ng mga pinsan kong sina Gardo, Jay, at Rodel dahil hanggang ngayon, birhen pa ako, puro daw ako, kaka–computer kasi.
"Galingan mo! Sige, hihintayin kita rito, pumasok ka na sa loob." Halos ipagtulakan ako ni Tatay para pumasok ako sa silid na natatakpan ng manipis na kurtina. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Pagpasok ko sa loob ay natagpuan ko ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng kama. She was wearing a red spaghetti strap dress, may wig siyang maikli at napakakapal ng makeup niya. She looked at me.
"Hi... first time mo raw sabi ni Manay Estelle." Hindi ako makasagot. Napakalamyos ng boses niya. She smiled nervously. "First time ko rin pero palagi akong nagpa–practice sa saging. Lika na rito. Anong gusto mong itawag ko sa 'yo kapag uungol na ako? Ay, mali, anong pangalan mo?"
"Ha? Ano... Toni."
"Okay. Ako naman si Anna—ay Mariposa. Lika na, subo ko na iyang junjun mo!"
"Mariposa..." bulong ko. Annabeth looked at me.
"Huh?" Nagtataka siya habang titig na titig sa akin.
"Laya ka na, Sihurano!" sigaw ng isa pang pulis. Nagreklamo ang mga kasama niya sa likod habang pinalalabas siya. Annabeth stood beside me. Humarap siya sa mga nasa loob nang may ngiti sa labi.
"Papyansahan ko kayo, saglit lang. Hindi ko kayo iiwanan dito."
I kept on looking at her.
That is the reason why her eyes were familiar. She is that girl...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top