Chapter Five
Okay naman ako
JESTONI AMBROCIO
KASAMA SI ANDRES ay hinintay namin na matapos si Annabeth sa pag–aayos ng pyansa ng mga kasama niya. Noong una ay nagkaproblema pa dahil kailangan ng abogado, ganoon naman talaga ang proseso, mabuti at gising pa Kuya ni Andres—si Jose Maria, tinawagan niya iyon, pinapunta rito at kahit na disoras ng gabi nakagawa siya ng paraan para maaprubahan ang bail ng mga kasama ni Annabeth.
Si Annabeth, kaya nakalaya ay dahil sa usap ni Andres at noong hepe sa istasyon. Kakilala niya raw kasi iyon, iisa sila ng pinupuntahang barber at madalas silang maglaro ng dama kaya agad–agad ay napakiusapan niya ito. Kakaiba rin si Andres, maraming kakilala ito, kahit yata saan dalhin ito makakakuha ng kaibigan.
"Okay ka lang ba, Toni?" tanong ni Andres matapos akong abutan ng isang bote ng tubig. Kinuha ko iyon at binuksan kaagad. Nasa labas kami ng istasyon. Isa–isa nang nakakalabas ng kulungan ang mga babaeng kasama ni Annabeth, pati na rin iyong mga bouncer ng club.
"Oo. Salamat. Paano mo nalaman na nakakulong siya?"
"Tinawagan niya ako. Nagpalitan kami ng number kaninang hapon noong dumaan siya sa krame. Mukha namang mabait itong si Annabeth kaya bet ko siyang maging friend."
"Friend lang?" Nakatingin ako kay Andres. "Friend mo lang din iyong kapatid ni Adi."
"Ibang friend iyon. Iyon ang friend na may pagnanasa sa akin, 'no! Anong akala mo sa akin malibog? Walang Birada na malibog! Lahat kami mababait!"
"Pero may Birada na sinungaling no?" komento ko pa. Tiningnan ako nang masama ni Andres. Hindi ko na siya pinansin. Natuon ang mga mata ko sa entrada ng istasyon, nakita kong lumabas na roon ang walong babaeng kasama ni Annabeth kanina, kasunod ay ang apat na bouncer, sumunod ay si Annabeth, kausap si Jose Maria.
Napatuwid ako nang tayo—lalo nang makita kong kinamayan ni Jose Maria si Annabeth, tapos ay ngumiti ang huli sa kapatid ni Andres. Nakalapit sila sa amin nang hindi nawawala ang ngiting iyon.
"Sir, maraming salamat po talaga. Dis oras po nang gabi pero nagpunta kayo rito."
"Ayos lang. Tumutulong talaga ako sa mga nangangailangan."
"Sabihin mo wala ka lang magawa sa bahay mo kaya ganyan. Kapatid ko iyan, Annabeth. Mas matanda siya sa akin pero mas cute ako." Kinindatan pa ni Jose Andres si Annabeth. Nakaramdam ako ng inis kaya hinampas ko ang binti niya ng saklay ko. "Aray, puta!" sigaw niya pa, napansin kong biglang naglapitan ang mga kasama ni Annabeth sa amin, nakatitig sila kay Andres.
"Sige, Paps, unli pops, 500 per hour, saan mo gusto?" sabi noong isang babaeng naka–itim na tube dress.
"Lily, hindi! Ano ka ba?" Hinawakan ni Annabeth iyong kamay ng kaibigan niya.
"Sabi niya kasi puta raw. Akala ko tumatawag siya."
"Hindi, Ate, no judgement pero hindi ganito ang trip ko."
"Sino ba rito iyong mayamang umapi sa 'yo, Mariposa? Iyong nagpa–interview sa T.V.? Sasampalin ko lang nitong suso ko!"
"Ate Ria, wala naman iyon dito. Lahat sila tinulungan tayo, kaya kumalma ka na." Inaalo niya ang mga kasama niyang nagagalit. Si Mr. Sanchez ang tinutukoy nila. Naisip kong magsagawa ng background check sa lalaking iyon. May kakaiba akong pakiramdam sa kanya, hindi ko lang mapin–point pero alam kong may mali.
"Kung wala naman dito ang putang inang iyon, magsiuwi na tayo."
"Paano kayo uuwi?" I couldn't help but ask. They all looked at me.
"Maglalakad kami, pogi," sabi noong babaeng tinawag ni Annabeth ng Ate Ria.
"Sasama ako sa kanila. Maraming salamat po talaga, Sir Andres, Sir Jose Maria at sa 'yo na rin, Sir Toni." Muling ngumiti si Annabeth sa aming tatlo. Siniko ko si Andres, mukhang hindi niya naman nakuha ang sinasabi ko kaya ako na ang nagsalita.
"Ihahatid namin kayo," wika ko. Pick–up ang dala ni Andres. Pwede sa loob ang ilan, ang iba ay sa likod. Napatingin siya sa akin, nakakunot ang noo pero sa huli ay napatango rin. Ganoon nga ang nangyari, inihatid namin sa loob ng Tondo si Annabeth at ang mga kaibigan niya. Sa iisang compound lang pala sila nakatira.
"Anong balak ninyo?" tanong pa ni Andres. "Pinasara iyong club ninyo, paano na kayo?"
"Mag-iiba lang kami ng pangalan. Papalamig lang kami ng mga isang linggo tapos back to business na. Salamat mga, Sir. Kapag may nabalitaan kayo sa gumagago kay Mariposa, balitaan ninyo kami, ha. Ikaw, umuwi ka," wika noong Ria nang balingan si Annabeth. She just sighed. "Alam mo ang dapat mong gawin, umuwi ka. Hindi ka pinalaki ni Tatay na tumatalikod sa mga responsibilidad. Umuwi ka at saka ka na ulit dumalaw kapag okay na ang lahat." Hinagkan niya pa si Annabeth sa noo saka tinalikuran ito.
Base sa pagkakaintindi ko, lumaki silang magkasama. Annabeth faced us. May ngiti na naman sa labi niya.
"Nasaan ang sasakyan mo?" I had to ask her.
"Naiwan sa club pero bukas ko na lang babalikan. Okay lang ba, Sir, kung ihahatid ninyo rin ako? Naalala ko iyong kapatid ko, baka naghihintay na iyon sa akin."
"Sige." Sumakay na siya sa likod. Si Andres ay panay nakaalalay sa akin. The girls waited for us to leave. Kinakawayan pa nila si Annabeth habang paalis kami. I, on the other hand, was looking at her in the mirror. Nang makalabas kami ng Tondo ay bigla na lang nawala ang kanyang ngiti. I saw her sighing. Nakatingin siya sa bintana, paulit–ulit ang pagbuntonghininga niya. I could just imagine what she had to go through all these years. I don't know if it's because of that night, but I feel differently about her.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
"Ayos naman ako." Si Andres ang sumagot. "Medyo nagugutom lang, Buddy, pero okay ako." Tiningnan ko siya nang masama. Hindi naman siya ang kinakausap ko. "Saan ka nga pala namin ihahatid, Annabeth?"
"Ah, sa Corinthians po sana, Sir."
"Aba! Kita mo nga naman! Doon nakatira si Barang!" Tumawa si Andres na para bang masayang–masaya talaga siya.
"Hmm? Anong barang? Kulam?"
"Ahhh! Hindi, iyong ex–jowa ni Toni ay hindi pala niya naging jowa kasi bago pa man, nakuha na ni Uriel Consunji!"
"Alam mo, Andres, putang ina ka." Sa pagkakataong iyon ay inis na inis na ako. Tawa lang siya nang tawa. Kung mayroon mang nakakatuwa sa sitwasyong iyon ay ang biglaang pagngiti ni Annabeth. Palagi ko lang siyang tinitingnan sa salamin. Maganda siya talaga—ang laki ng pinagbago niya mula sa Mariposang nakilala ko noong seventeen ako sa Annabeth ngayon. I didn't even recognize her and that is a good thing, it means that she really turned her life around. Masaya ako para sa kanya.
Matapos ang halos isa't kalahating oras na pagmamaneho ni Andres ay nakarating kami sa loob ng village na iyon. Ayaw pa kaming papasukin, mabuti na lang at nagpakilala si Annabeth, they let us in. Sa magkaibang street nakatira si Avery at Annabeth. Isa pa, hindi ko naman iniisip si Avery, matagal ko nang pinipigilan ang sarili ko, tanggap ko naman talaga na hindi talaga siya para sa akin.
Huminto kami sa tapat ng bahay ni Annabeth. Sa pagkakataong iyon, pareho kami ni Andres na naghihintay na bumaba siya. Ilang beses siyang nagbuntonghininga. Napapakagat–labi pa siya. Nagkakatinginan kami ni Andres, nagkibit–balikat pa siya. Natigilan kaming dalawa nang bigla na lang umiyak si Annabeth—iyong iyak na may hagulgol talaga.
"Sorry. Sorry," she said. "Nagsisisi ako. Ano ba naman kung pumayag ako sa gusto ni Mr. Sanchez? Hindi naman tatagal iyon nang ilang oras. Maybe two minutes tops? Fuck! It's just sex?! Bakit ba nag–inarte ako nang ganito?"
Sinesenyasan ako ni Andres. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko but then, I looked at her.
"Annabeth..." She looked at me. She was sobbing. "You did the right thing. Hindi iyong nakaraan mo ang huhubog sa pagkatao mo. Tandaan mo iyan."
"Sorry..." Pagkasabi noon ay bumaba na siya. I watched her as she gets in her home. Napapailing ako. She's having a hard time...
"Aray!" Bigla na lang akong binatukan ni Andres. Tiningnan ko siya.
"Wow na wow naman sa inspirational message mo! Kinilig ako!"
"Alam mo, Andres, pisti! Animal! Way Batasan! Buang kang yawa ka!"
"Jusko, nakaka–offend ka, Jestoni!"
Siya pa talaga ang na–offend. Gago talaga.
ღღღ
WALA AKONG BALITA kay Annabeth nitong nakaraang dalawang araw. Palagi kong inaabangan sa news kung may update sa Mr. Sanchez na iyon pero wala talagang balita. Gusto kong tanungin si Andres pero hindi ko ginagawa. Aasarin lang kasi niya ako. Si Adi ang dumalaw sa akin nang araw na iyon at may dala na naman siyang sisig galing kay Leina. Hangga't hindi ko yata sinasabi na mas masarap ang luto niyang sisig ay hindi niya ako titigilan.
Nag–aalala lang ako kay Annabeth. I did my research on Mr. Sanchez and I found out na kamag–anak niya pala ang boss ni chief. Kaya pala sa krame siya dumiretso at ayon sa narinig ko, inutusan si Chief ng Uncle ni Sanchez na asikasuhin ang lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Annabeth o kung may ginagawa ba ang pamilya niya, basta ang alam ko lang malaking tao talaga ang binangga niya.
Naniniwala naman akong wala siyang kasalanan. Hindi naman siya iiyak nang ganoon kung mayroon siyang ginawang masama o kung mayroon man, I'm sure she was just trying to defend herself.
"Buddy, ano?" Tiningnan ko si Adi. "Okay ka ba?"
"Iyong kaso ni Annabeth, natuloy ba?"
"Oo, sinampahan siya ng kaso ni Mr. Sanchez pati na rin iyong pinsan ni Andres, si Jufran. Siya pala iyong nanapak doon sa gunggong pero sabi ni Jufran sa statement niya, kaya niya lang sinapak si Sanchez, kasi napasukan nila noong asawa niya, na pinsan ni Annabeth, na sinasamantala na ni Sanchez iyong huli. He acted out of reflex. Kapag naman naipakita iyong CCTV footage noon, at napatunayan na totoo at di tampered, mapapahiya si Sanchez. Saka isa pa, may laban din sina Annabeth doon. Bakit ba kasi pinaimbestigahan ni Sanchez si Annabeth? Gago iyon. Akala niya ganoon–ganoon na lang."
Napaisip ako. May footage naman pala. Pwede kong i–hack ang system ng Rojas Distilleries para masiguro na totoo ang CCTV footage na iyon, kailangan ko lang malaman kung kailan nangyari ang insidente. Wala naman akong ginagawa rito. I can make thing easier pero naisip ko bakit ako makikialam?
Pagkatapos kumain ay umalis na si Adi, naiwan na naman ako sa bahay. I tried not to think about it. Nagbasa na lang ako ng libro pero naiisip ko pa rin si Annabeth. Hindi ko makalimutan iyong umiiyak niyang mukha, iyong lungkot sa boses niya habang sinasabi niya na sana raw, pinagbigyan na lang niya ang taong iyon. God! I hate that fucker! Wala siyang karapatang gawin iyon!
I tried watching a movie, I just can't focus, so I ended up sitting in front of my computer set up, typing Luther Sanchez's name in the search bar and reading articles about him. Malinis siya—ayon sa article na iyon but I feel something else. I was trying to look for dirt, nasa kalagitnaan ako nang biglang kumatok si Ate Medy. Natigilan ako. I had to stop what I am doing. Binuksan ko ang pinto. Nakatayo si Ate Medy sa harapan ko at ngingisi–ngisi.
"May naghahanap sa 'yo, Sir Tonyo."
"Sino? May ginagawa pa ako. Sabi ko h'wag mo akong istorbohin."
"Anong magagawa ko, may dala siyang pagkain. Nasa sala na siya. Hinihintay ka." Sukat ba naman ay tinalikuran ako ng kasama ko sa bahay. Napailing na lang ako. Minsan nalilito ako kung sinong amo sa aming dalawa.
Hirap pa rin akong maglakad hanggang ngayon kaya inabot ako nang ilang minuto bago ako nakarating sa sala. At doon nakita ko si Annabeth, nakatayo habang patingin–tingin sa paligid. Ngumiti siya nang makita akong nakatingin sa kanya.
"Magandang hapon, Sir," sabi niya sa akin. Kunwari ay wala akong reaksyon, pero kinakabahan ako, hindi ko alam kung dahil ba ito sa katotohanang may pinagsamahan pala kaming dalawa, o dahil hindi ko alam kung bakit siya nandito.
"Ah, diyan ka na lang," sabi niya pa noong makita niyang sinusubukan kong lumapit. "Baka malasin ka na naman." Napahagikgik pa siya. Medyo masaya siya ngayon kaysa noong nakaraang gabi.
"Bakit napadalaw ka?"
"Wala naman. Tinawagan kasi ako nina Ate Ria, nagluto si Ateng Sally ng Balot de Pobre at saka ng iba pang putahe, pa–thank you kasi isa ka sa mga tumulong sa amin. Nagdala na rin ako sa krame kanina, pero sumadya talaga ako rito." I saw the food bag on the coffee table. I smiled at her. She is beautiful.
"Hindi ka na sana nag-abala pa," wika ko. She is beautiful.
"Okay lang. Bale dinaan ko lang ito. Aalis na ako. Ingat ka." She was about to leave but I called her.
"Annabeth, hindi pa ako kumakain, sabayan mo ako?" Napatingin siyang muli sa akin. She is beautiful. Natatawa pa siya.
"Sure ka? Baka malasin ka." Tumawa na naman siya.
"Malas, malas, hindi ako naniniwala roon." Sa pagkakataong iyon ay napangiti na rin ako. Tumawa muling siya at saka lumapit sa akin. Nagsimula na rin akong maglakad palapit sa kanya nang kaunti na lang ang pagitan namin ay biglang nabangga ang naka–cast kong binti sa kanto ng upuan, napa–aray ako nang malakas. Si Annabeth ay agad akong dinaluhan. Sa pagmamadali niya ay natuhod naman niya ang binti kong may cast pa rin kaya nabuwal ako.
"Jusko po!"
I was on the floor and she was standing over me, I am looking at her and all I can think about is that she is beautiful.
"Are you alright? Hala, sorry talaga! Sorry!"
"Okay ako," wala sa loob na wika ko. "Okay na okay ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top