Chapter One

Malas 2.0

MARIA ANNABETH SIHURANO

"HI, PAOLO, IS Clari there?"

Kabang–kaba ako habang nakatayo sa may desk ng isang police officer sa loob ng krame. Hindi nila ako dinala sa isang presinto. According to the man that handcuffed me, they are NBI agents. Mababait naman daw sila pero I doubt that. Iyong nasampal ko, kanina pa ako tinitingnan nang masama. Nakakunot pa ang noo niya at para bang handa siyang ikulong ako.

"She's tending to Thomas right now. Bakit? Why do you sound like that?" Narinig ko ang baritonong boses ni Paolo sa kabilang linya. Napapakagat–labi ako. Mauupod na nga yata ang labi ko. Muli kong sinilip iyong pulis. Nakaupo siya sa likod ng isang desk. Sa mesa niya nakaupo iyong nabangga kong lalaki. Nag–uusap naman sila pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"Uhm, nasa krame kasi ako," I whispered.

"What the hell happened?" Medyo tumaas ang boses ni Paolo.

"Nakabangga ako eh. Tapos nasampal ko iyong pulis—"

"Don't move. I'll take Clari there. Calm down, alright?"

"I'm trying to be," I said. Binaba na ni Paolo ang phone. Kabang–kaba pa rin ako. Nang humarap ako sa direksyon nila ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Birada, natatandaan kong iyon ang sinabing pangalan noong kasama niya.

"Miss, kailangan mong fill–up–an ito," sabi niya sa akin. "H'wag kang kabahan, hindi ka naman ikukulong. Kinakausap ni Adi si Toni para 'di na siya magsampa ng kaso."

"Ha?" Ninerbyos ako lalo. "Anong kaso? Hindi naman siya ang nabangga ko?"

"Direct assault to officer kasi ang ginawa mo. Naka–duty siya tapos sinampal mo. Against the law iyon."

"Pero hindi ko naman sadya iyon." Napapanguso ako. Ngumiti lang iyong lalaki sa akin.

"Alam naman namin iyon kaya nga kinakausap siya ni Kaligayahan." Napatitig ako kay Birada. Really? Kaligayahan? Tapos Birada? What kind of surnames are that? Sabagay nakakatawa rin naman ang apelyido ko. Sihurano. I sighed. Noon maganda ang apelyido ko—Dela Cruz, pero hindi naman pala iyon ang tunay kong pagkatao. Napabuntonghininga na lang akong muli.

"Sige na. Upo ka na roon tapos fill–up–an mo na ito." Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. I don't know any people here. Pinagtitinginan pa nila ako. Hopefully, walang makakilala sa akin kasi sigurado akong malaking eskandalo ito. I am the General Manager of the Sihurano Distilleries, hindi matutuwa si Uncle Pidong kapag nalaman niyang naaresto ako, let alone kapag nalaman niyang nakabangga ako. Sigurado akong pagpe–pyestahan na naman ng press ang pamilya namin. Hindi ko nga alam kung tanggap na tanggap na ba nila ako sa pamilya nila tapos ganito pa.

"Maria Annabeth Sihurano..." Nagulat ako noong kunin noong lalaking sinampal ko iyong papel na katatapos ko lang sagutan. Nakatingala ako sa kanya. Matangkada siya. Siguro hanggang dibdib niya lang ako. Clean cut siya, matangos ang ilong, may five o'clock shadow rin siya—gwapo 'yong pulis pero mukhang mainit talaga ang ulo niya sa akin.

"Sir, sorry po talaga. Hindi ko naman po sinasadyang sampalin kayo. Reflex ko iyon."

"Reflex?" Napamaang yata siya. "Kapag hinawakan ka, nanamapal ka agad? Hindi pa pwedeng tingnan mo muna kung sino iyon?"

"Hindi naman kasi kita kilala saka considering the situation—I am so stressed that moment, makakasampal talaga ako."

"Walang valid reason! Kakalmahin lang naman kita—"

"Ayoko ngang kumalma, okay?! The man I love married the love of his life today and I can't even fucking do anything about it! Ang sakit–sakit noon! Iyong nakikita ko siyang masaya, at nakangiti nang ganoon kay Samuelle! It should've been me! I should be the one in her place! Ang sakit–sakit tapos sasabihin mo sa akin pakakalmahin mo ako?! Paano ako kakalma?! Sige! Pakalmahin mo ako! I dare you!" Nakaramdam talaga ako ng inis. Sa inis ko pinaghahampas ko siya sa dibdib—napatingin ako sa mukha niyang nakakainis—nakakunot ang fucking niyang noo. Nakakabwisit ang mukha niya kaya sinampal ko siya nang dalawang beses.

"Pisting yawa!" Narinig ko na naman sa background ang boses na iyon—and because of that, I realized what I did.

"Oh, my god, Sir, sorry po talaga!" Hinawakan ko siya sa braso. Hawak na naman niya ang mukha niyang sinampal ko. "Sir, sorry po, sorry talaga."

"H'wag mo akong hawakan," mahinang wika niya. Napapanganga ako tapos napapakagat–labi. Mukhang offend na offend na talaga siya sa akin. He took one glance at me and then he turned his back while shaking his head. Nakita kong tinapik siya noong tinatawag na Kaligayahan. Nagtuloy–tuloy siya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Napaupo akong muli sa silya at nagbuga nang mahabang buntonghininga. Tiningnan ko si Birada.

"Makukulong na ako, tama?"

"Kumalma ka lang, Miss Sihurano," sabi niya sabay ngiti sa akin. Lumapit iyong Kaligayahan sa akin. I tried to smile at him.

"Makikipag–areglo ako sa 'yo, Miss. Mukhang mabigat ang pinagdadaanan mo."

"I can totally pay for your motorcycle's repair. May insurance ba? Kahit wala babayaran ko pa rin." Nakita kong napakamot ng ulo iyong lalaki. I blinked. Nagtataka ako. Mukha siyang tanga na para bang nagpapa–cute pa sa akin. "Are you flirting with me? Sorry, hindi kita type." Tumaas ang kilay ko.

"Hindi, 'no! Jusko, mahal ko ang buhay ko!" Nanlalaki pa ang mga mata niya. "Iyong motor kasi, hindi sa akin. Sa asawa ko iyan."

"Ah talaga kasal na kayo?" Parang nang-iinis pa si Birada.

"Malapit na. Sa March." Ngumisi ang lalaki.

"May insurance naman iyan kaya lang ikaw ang magpaliwanag sa kanya, ha."

"Parang dapat Andres din ang pangalan mo," komento pa noong isa.

"Birada, manahimik ka at layuan mo ang kapatid ko! Hindi ako natutuwa."

"Hindi naman ako ang lapit nang lapit sa kapatid mo! Siya ang lapit nang lapit sa akin, Adi!"

"Manahimik ka!" Binalingan ako noong Adi. "Basta miss, mamaya darating iyong asawa ko. Ikaw na bahala. Sa kanya kasi iyon. Warning lang, medyo mainitin kasi ang ulo noon."

"O-okay!"

He smiled at me. Napabuntonghininga ako. Ang haba–haba ng araw na ito para sa akin. I was just staring at the door, waiting for Paolo or Clari to arrive, at hindi naman ako nabigo, pero hindi lang si Paolo at Clari ang dumating kundi pati na rin si Spica at si Liu. Napatayo ako. Clari looked worried at nang makita niya ako ay agad niya akong pinuntahan. She even hugged me and cupped my face.

"Are you okay? Anong nangyari? Nasaktan ka ba? What did you do to my cousin?!" sabi ni Clari kay Andres Birada. "I swear kapag sinaktan ninyo siya, I will sue all of you!"

"Sue, sue pa?!" sigaw naman ni Spica. "Papatira na lang kita sa mga kaibigang bakla ng kaibigan ko!"

"Wow!" sabi ni Andres Birada. "Nasa lahi ninyo pala talaga iyan, 'no?"

"At anong ibig mong sabihin?!" magkapanabay na wika noong dalawang magkapatid.

"Girls, just calm down," wika ni Liu. He looked at me and then to Andres Birada. Biglang nawala iyong si Adi Kaligayahan. Hindi ko alam kung nasaan na siya, pero hindi naman nagtagal ay dumating na ulit siya kasama ang isang babaeng naka–pulang halter dress. Napalabi ako, bakit pamilyar ang damit niya sa akin?

"Miss Sihurano, this is Anne Apelyido. Siya iyong may–ari ng motor."

"Hi. I am so sorry for the damage," wika ko habang iniisip kung saan ko siya nakita. Maganda ang babae, may kamukha siyang artista pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kilala ko siya. Nakita ko na siya...

"Okay lang po. Basta ipagawa ninyo na lang, ang mahalaga hindi nasaktan si Adi," wika niya habang nakangiti sa akin. I am now just staring at her, where did I see her?

"Uhm can you just give her your number so her EA can contact you?" tanong ni Paolo sa babae.

"Ah, number ko na lang. Ako naman ang boyfriend," wika noong Adi. I only nodded.

"I just want to go home." Binalingan ko si Clarita. "Napapagod na ako." Nag-uusap si Paolo, si Adi, at ang girlfriend nito. Hindi ko talaga maiwasang titigan siya. Where did I see her?

"Okay na po ha? Babalik pa kasi ako sa reception ng kasal ng kinakapatid ko." My eyes widened.

"Your kinakapatid... si Samuelle ba iyon?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Oo. Kilala mo—ay! Ikaw si Annabeth Pokpok!" sigaw niya sa akin. Napasinghap si Clari.

"Hey!" sigaw ni Liu. "Don't call her that!"

"It's okay. Totoo naman," mahinang wika ko.

"Sorry. Slip of the tongue. Pero Pokpok naman siya kamo talaga noon, Adi." Narinig kong bulong niya. Napailing na lang ako. May mga inaayos lang na papel si Clari. Hindi naman nagtagal iyon kaya agad kaming lumabas ng office nila.

Hindi ko na alam kung anong oras na pero talagang naging napakahaba ng araw na ito para sa akin. I should've just stayed home with Dione. Nandito siya ngayon sa Metro. Hindi ko nga siya nakumusta. May kasama naman siyang caregiver pero dapat siya na lang ang pinagtuunan ko ng pansin kaysa ang tiyuhin niyang wala namang pakialam sa akin.

"You can ride with us, Annabeth," wika ni Paolo.

"No, I'll be in my car. I am okay. Tatawagan ko na lang kayo kapag nasa bahay na ako. Bye and thank you." Sumakay na ulit ako sa kotse ko. Pinauna kong umalis sina Spica at Liu, Clari at Paolo. I need to calm myself down. Nakailang buntonghininga ako bago ko ini–start ang makina ng kotse. I'd be very careful now. Sisiguraduhin kong hindi na ako mababangga. Magiging maingat ako.

Kaya lang...

Hindi pa ako nakakalayo ay may nabangga na naman akong kung ano. Sa pagkakataong iyon, sigurado akong tao ang nabangga ko. Oh, my god! Ano bang nangyayari sa akin? Nagmamadali akong bumaba ng kotse at nagpunta sa harap. Napamura ako nang makita kong nakahiga malapit sa may gulong ko si Pulis—iyong tinatawag na Toni noong mga lalaki sa loob.

"Sir! Sorry po talaga!" Nakatingin siya sa akin. Sa pagkakataong iyon, galit na ang kanyang mga mata.

"Ate, ano bang balak mo? Patayin ako ngayong gabi?!"

"Sorry po talaga! Sorry! Sorry po!" Hindi ko alam ang gagawin ko. Naipit iyong paa niya sa gulong ko.

"Tumawag ka ng 911!" sigaw niya.

"Okay! Okay! Wait lang!"

ღღღ

JESTONI AMBROCIO

KAPAG NGA NAMAN minamalas, sunod–sunod. Kaninang umaga, may operasyon kami ni Andres, kaming dalawa lang dahil naka-leave si Adi nang isang lingo. Hindi buo ang pwersa namin kaya ayon, minalas kami, nakatakas ang minamanmanan namin. Nasabon kami ni Chief nang walang banlawan, tapos nasampal ako nang dalawang beses ng babaeng hindi ko naman kilala tapos ngayon, nasagasaan ako ng babaeng nanampal sa akin. Can this day get any worse?!

Mukhang meron pa talagang imamamalas ang araw kong ito.

"You'll be in cast for at least a month. Hindi naman malala ang fracture ng kaliwang binti mo, Mr. Ambrosio, pero kailangan nating siguruhing hindi na ito lalala. If you have work, better take a leave so you can rest. Happy healing." Ngumiti iyong doctor sa akin. Tiningnan ko naman ang direksyon kung nasaan si Andres. Wala si Adi, nauna na siyang umalis kasama si Anne, bumalik sila sa reception noong kasal ng kinakapatid nila. Hindi ko nga alam kung ilang beses magpapakasal ang taong iyon, kinasal na sila three years ago, tapos kinasal na naman sila ngayon, at base sa naririnig ko, may balak na naman silang magpakasal sa susunod na taon.

Wow, ginawang hobby ang pagpapakasal–parang si Barang. Kinasal na last year sa isang malaking simbahan dito, tapos nagpakasal this year sa Barcelona. Wala. Nakakabwisit lang isipin.

"Ano, Bud? Masakit ba?" tanong ni Andres matapos niyang pumasok sa ER. Tinitigan ko siya. Nakakaloka talaga ang taong ito. Talagang tinatanong niya pa sa akin kung masakit?

"Bobo ka, 'no? Nakita mong naka–cast ang paa ko tapos itatanong mo sa akin kung masakit? Nasaan utak mo, Andres? Nasa talampakan?!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Kulang ka sa iyot, 'no?!"

"Shhh! Ang lakas ng boses mo! Alalayan mo na lang ako. Inayos mo na ba iyong bill ko?"

"Hindi, bud. Si Annabeth iyong nag-ayos ng lahat. Binayaran na rin niya lahat kasi siya naman ang may kasalanan."

"Annabeth? Iyong babae?"

"Oo. Nasa labas pa siya. Hinihintay ka niya."

"Wala naman siyang dapat paghintay pa. Jusko, kapag kasama ko siya kung ano–anong nangyayari sa akin."

"Mukha namang apologetic siya. Lika na. Ihahatid ka raw niya." Napatingin ako kay Andres.

"Bakit siya?! Ikaw ang kaibigan ko!"

"Gago, naka–motor ako. Injured ka tapos aangkas ka sa akin, h'wag gano'n, men." Inalalayan naman ako ni Andres. May dala akong saklay. Medyo masakit talaga ang binti ko. Paglabas naming ng emergency room ay nakita kong napatayo ang babaeng iyon—si Annabeth. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang hitsura ng mukha niya na para bang lagi siyang nag–aalala. Agad siyang lumapit sa akin. Nagmamadali siyang maglakad at sa kakamadali niya bigla na lang niyang nabangga iyong nurse sa bandang harapan ko na naging dahilan para bumagsak iyong nurse at maitulak ako kaya natagpuan ko ang sarili kong napahiga sa sahig.

"Hala! Sorry talaga, Sir! Sorry po!" Agad naman akong dinaluhan noong nurse na nakatayo agad, ni Andres pati na rin ng babaeng iyon. "Sorry! Sorry talaga!"

"Pang–apat na ngayong gabi, Miss!" Hindi ko natiis na di sumigaw.

"Hindi ko naman sinasadya na masampal ka at masagasaan." Nagyuko siya ng ulo. "Sorry na, Sir. Sorry talaga."

"Ano pa nga bang magagawa ko, nand'yan na iyan. Sige na. Uuwi na kami."

"Ihahatid kita," wika niya pa. Napatingin ako sa kanya. Maganda ang mukha ng babae. Maamo. Sa ganda niya mukha siyang anghel—anghel ng kamalasan at aksidente.

"Hindi na, Miss. Mahal ko ang buhay ko. Magta–taxi na lang ako." Tinapik ko ang balikat ni Andres para maglakad na. Lumabas kami ng ospital na sakay ako ng isang wheelchair. Sakto namang may taxi na huminto sa harapan namin, inalalayan ulit ako noong nurse at ni Andres. Hindi nagtagal ay binabaybay na namin ang daan pauwi sa bahay ko. Habang nasa byahe ay napatingin ako sa likuran ng taxi. Doon ko napansin ang pamilyar na kulay gray na Chevrolet na sumusunod sa amin. Hindi naman ako kinabahan kasi kilala ko ang kotse—iyon ang kotseng nakasagasa sa akin. Napabuntonghininga na lang ako.

Dumaan ang labing–limang minuto at huminto kami sa tapat ng bahay ko. Mabait naman ang driver, inalalayan niya ako hanggang sa makababa ako. Nakita kong huminto ang kotse noong babae sa likod lang ng taxi na sinakyan ko. Bumaba siya at agad na lumapit sa akin.

"Sir, sorry po talaga."

"Wala ka bang ibang sasabihin sa akin kundi sorry?!" Medyo tumaas ang boses ko. Noong makita ko ang pagkabigla sa mukha niya ay para namang na–guilty ako. Nagbuntonghininga na lang ako at saka tiningnan siya. "Sorry, I was just having a really bad day tapos you happened. Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya."

"Okay lang. Kasalanan ko rin naman." Hinawakan niya ang mga kamay niya. Umalis ang taxi driver kaya naiwan kaming dalawa. "How can I make it up to you?" She asked me. Umiling ako.

"Okay lang ako, Miss. Umuwi ka na. Masyado nang gabi."

"Seryoso? How can I make it up to you?"

"Just go home," wikako pang muli. Paulit–ulit siyang nagtatanong kaya ako naman ay paulit–ulit ding tumatanggi. Pulis ako, hindi ako tatanggap ng regalo o suhol mula sa kung kanino.

"Are you sure?" she asked me.

"Yes."

"Kahit lunch man lang with your—" Natigil siya sa pagsasalita kasi biglang may dumaang sasakyan—mabilis ang patakbo noon kaya nang tumapat sa amin ay bigla na lang tumaas ang tubig sa gilid ng daan at napunta sa buong pagkatao ko. Napapikit ako at bahagyang umawang ang labi ko.

"Sir... Oh, my god, sir—"

"JUST LEAVE!" sigaw ko sa kanya. Hirap man maglakad ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng bakuran ko. Kapag nga naman malas—malas talaga!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top