Chapter Twelve

Reflief

MARIA ANNABETH SIHURANO

SEEING JESTONI AGAIN, I was able to feel the comfort that's been missing in my life for the longest time. Sa loob–loob ko, alam kong hindi ako okay, but I am trying so hard to be because it should be okay. Sanay naman ako sa ganitong kalakaran ng buhay kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawala sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling iyong hindi ko pagtulog, o iyong hindi ako mapakali. Sabi nila sa akin noon, pang mayaman lang daw ang anxiety, kahit naman yumaman ako, tubong squatters' area pa rin ako kaya alam kong wala akong karapatang makaramdam noon.

I thought everything is going to be fine, but I guess it's not. Seeing Jestoni made me feel safe and it's something I haven't felt for a while. Hindi ko alam kung bakit, basta pagbaba ko ng kotse at nang mamataan ko siya, hindi na ako nakapag–isip. Instinct ang gumana sa akin, natagpuan ko na lang ang sarili kong niyayakap siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya mamaya ang lahat, basta ayoko lang umalis dito. Dito na lang ako.

Kahit na anong pigil ko ay tumutulo ang luha ko. Maybe he felt that because he suddenly moved to face me to be able to wrap his arms around me. Kagat–kagat ko ang labi ko. Natatakot akong baka hindi ko mapigilan ang paghagulgol.

I can feel everyone's eyes on us but I don't really have enough strength to move away.

"Kumusta na, Annabeth?" He sounded so cheerful. "Naalala ko nga pala may ibibigay ako sa 'yo!" Biglang sabi niya. Ayoko man ay napatingin ako sa kanya. I saw recognition of emotions in his eyes. Napabuntonghininga siya at dahan–dahan niya akong nilayo sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, sumama naman ako sa kanya hanggang sa naramdaman kong may hagdanan kaming inaakyat. Hindi pa rin ako umaalis mula sa pagkakayakap sa kanya.

People might think that I am overreacting, but this is the closest thing I have to a haven—a safe one. I love the effect of his warmth around my body. It makes me feel calm and I learned that these past few days, being calm is a good thing.

Inalalayan ako ni Toni na umupo sa kama. I am trying to calm myself the fuck down, but I just can't. Nakatingin ako sa kanya, gusto ko ulit yumakap.

"Annabeth, what's wrong?" He finally asked me after staring at me for a good thirty seconds. He kneeled in the floor in front of me, trying to look at me. I shook my head. Naluluha ako habang nagsasalita. Tahimik kong pinahid iyon.

"Wala naman. Natuwa... natuwa lang akong makita ka." Umiiyak ako habang sinasabi iyon sa kanya. Paulit–ulit ko namang pinahid ang mga luha ko dahil hindi ko talaga mapigilan ang umiyak. I am still trying to calm myself, pero mukhang malabo dahil habang pinipilit kong kalmahin ang sarili ko ay lalong lumalakas ang paghagulgol ko na dumating na sa puntong hindi ako makahinga.

Ang sakit–sakit ng kalooban ko. Paano ako nito? I've been trying to avoid feeling a lot of things because I don't deserve to feel like I was abused because whatever happened to me, it happened because I let it happen. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Annabeth..." Naupo si Toni sa tabi ko. He tried to calm me down by caressing my back, but it did no good. Yumakap na naman ako sa kanya.

"Just hold me like this," napapahikbing wika ko. Naramdaman ko nang umikot ang kamay niya sa likod ko, he held me close, and he let me cry like a little girl who was lost in the mall. Sa pagkakataong ito, naiisip kong sana nandito ang nanay ko, pero matagal nang namamahinga si Nanay. Kahit sana iyong tunay kong ina, pero wala nga pala siyang pakialam sa akin. Iyak lang ako nang iyak. Lahat ng takot at sakit ay bumabalik sa akin ngayon and I hate it, I hate it so much.

"I though..." I sobbed again. "I though I was gonna die..."

"I won't let that happen..." he spoke.

"Takot na takot ako..." Ang tagal–tagal kong umiiyak sa tabi niya, napakatagal na rin siguro namin sa silid na iyon. I can hear people outside laughing, but it didn't bother me, I am just so focused on crying that I don't care anymore.

Naramdaman ko na lang na nakahiga na kami ni Toni sa kama na iyon, nakaunan ako sa dibdib niya, he was gently brushing my shoulders and it made me feel alright. Kung naiba ang pagkakataon, iba ang iisipin ko sa ganitong gesture, but Toni made it feel so safe.

Hindi ko na napansing hindi na pala ako umiiyak. Nakatingin na lang ako sa dibdib niya. I held on to his shirt so tight, I'm scared that he might leave me.

"Hindi..." I spoke. "Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak..." Toni stayed quiet as if giving me time to speak what's in my mind. "Kinondinsyon ko na iyong sarili kong hindi ako iiyak kasi wala na rin namang kwenta. Isa pa, sanay naman ako sa ganitong buhay..." I swallowed hard. "I..." I sighed. "Hindi naman ito iyong unang beses na naabuso ko. I've been living my life like this for—"

"Annabeth..." Toni's voice is stern, nakaramdam ako ng kaba. "Whatever way you used to live your life, whatever you used to be, it doesn't matter, really, because no one deserves to be treated like that."

Hearing that made my tears fall again. Ilang beses ko na rin bang sinabi iyon sa sarili ko, at ilang beses ko na rin bang narinig iyon mula sa iba pero hindi ko magawang mapaniwalaan dahil hanggang ngayon, hindi ko mabura lahat ng bangungot na naganap sa buhay ko—sa buhay na mayroon ako ngayon. Mas madali ang buhay noong pokpok pa lang ako, sa totoo lang. I didn't need to please anyone back then, kailangan lang magaling ako sa kama, magaling akong gumiling, kailangan lang mapagtiis ako. Ngayon na nasa marangal akong trabaho at maayos na buhay, ang dami ko pa lang kailangan gawin. I need to please everyone, hindi naman ako magaling do'n.

"Iyong... video..." I spoke again.

"I did that because I was so in love with Perseus Vejar." Pag–amin ko.

"Hindi ko naman alam na lalabas iyon. I thought he'd be able to keep it to himself." I sobbed again. Hindi ko pa nakakausap si Perseus tungkol dito. Hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong komprontahin siya. Ang alam ko galit siya sa akin noon dahil nawala yata si Samuelle panandalian dahil sa akin—hindi ko alam kung bakit niya ako sinisisi noon. He just barged in my office with so much anger, pulled me angrily by my arms, and asked me where the fuck is his girlfriend. Wala akong ideya na may girlfriend siya or did he say fiancée at that time? Hindi ko na matandaan basta ang point galit siya sa akin, galit din siya sa akin kasi hindi raw naging sapat ang pagmamahal ko para sa kanya para ipaglaban ko noon ang gusto ko.

Hindi niya alam ang sinasabi niya. I still remember what exactly happened at that time. Tia went to see me—Perseus supposed to be dead sister. Masyadong magulo ang buhay ni Perseus noon, magulo rin ang sa amin dahil inaakala niya noong nakikipagrelasyon ako kay Nilo Sihurano when he offered me his exclusivity.

"Nandito ka na naman, para kang multo, pabalik–balik ka." Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyong pakiramdam na komportable na ako sa katarayan ng kapatid ni Perseus. Gusto ko sanang tanungin kung paano niya ako nahanap, lumipat na kasi ako ng bahay, isinama ako ni Uncle Nilo sa isang bagong biling bahay. Ang sabi noon sa akin gagawin niya ang lahat para mawala ako sa mundong ginagalawan ko, siyempre kailangan kong malaman kung bakit. Sabi niya, baka raw ako ang anak niya, walang kasiguraduhan pa, pero gusto kong umasa noon, pero di masyado para hindi ako masaktan. Ngunit 'di ko maitatangging may namumuong pag-asa sa puso ko.

Nakahalukipkip si Tia habang pinapapasok ko siya. Sanay na ako sa kanya, noong nasa Tondo ako bigla–bigla na lang din siyang sumusulpot kahit ilang beses niyang tinatawag na 'slums' ang lugar namin.

"Perseus ended up drinking again. What did you do? My brother might as well a borderline alcoholic!" Frantic na frantic ang sigaw niya habang nakatayo sa harapan ko.

"Wala naman nangyari, siya ang ayaw makinig sa akin."

"Akala ko ba mahal mo si Perseus? My god, I don't think you are good enough for him, but he keeps on coming back to you, so might as well accept the fact that maybe he is in love with you because he seems to find solace with you. Pero anong nangyayari, why are you fucking things up? Nakipagrelasyon ka sa Nilo Sihurano na iyon?!"

"Tatay ko siya, judgmental lang iyong kapatid mo, ayaw niyang makinig sa akin. Saka tama ka rin naman, I am not good enough for your brother. Isang Vejar at isang pokpok? Malabong mangyari. Ang buhay ko ay hindi fairytale, no matter how hard I pray for a prince charming to save me, hindi mangyayari iyon. Matagal ko nang sinukan ang happy ending. Mahal ko si Perseus pero alam ko ring hindi kami bagay, so no need to rub it in my face."

Parang napahiya si Tia. Natahimik kasi siya. Nakatayo kaming dalawa sa gitna ng bahay na iyong wala pang kagamit–gamit.

"We'll, you're uneducated, low class pokpok..."

I almost rolled my eyes. Noong una ay na–o–offend talaga ako sa pinagsasabi ng babaeng ito pero kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Sasabihin na naman niyang hindi talaga ako bagay sa kapatid niya.

"But... if you help yourself, maybe you can be with him."

Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Tia na iyon. I looked back at her and there's something new with her facial expression.

"Look, if you say that Nilo Sihurano is your father, maybe you can ask him to help you on things like... getting a full college education and in being a lady—like? I mean, yes you are a prostitute, and I am judging you because of that, but you know what my mom used to tell me? Even the most beautiful diamonds were once from a bunch of dirty rocks. Everyone can change, so can you. No challenge, no change, Annabeth."

And that alone was enough for me to strive better. Naisip ko noong tama si Tia, bakit ko kakawawain ang sarili ko? I wanna be with Perseus, but everything changed again, akala ng lahat anak ako ni Amalthea Vejar, na pinsan ni Perseus, at kung nagkataon, naging mag–uncle pa kami, but it turned out that I am not Amalthea Vejar's daughter, pero anak talaga ako ni Nilo Sihurano.

Akala ko okay na kami ni Perseus noon, he was apologetic for saying bad things about me and my late father, pero sa isip ko, ako iyong hindi matahimik. I need to do better, so I broke it all, I left to study abroad. I did everything para bumagay ako kay Perseus, it took me five years. Tapos noong pagbalik ko rito, ang unang balitang ibininungad sa akin ni Dione ay nagsabi raw si Perseus on National T.V. na by the end of this year ay ikakasal siya.

I never got the chance to watch that interview. Ayoko. Nasasaktan ako. Kaya para makalimot, I fully accepted the CEO position at our company. I was doing a great job. Uncle Pidong trained me so well, ibinigay niya lahat sa akin, pero masakit pa rin ang lahat. I only wanted to be happy, akala ko okay na, it's been two years since Perseus got married, pero fresh pa rin ang sugat.

ღღღ

JESTONI AMBROCIO

"BULAGA!"

"Putang ina ka!"

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapamura dahil sa pangugulat sa akin ni Andres. Dahan–dahan ko pa namang isinasara ang pinto dahil tulog na tulog si Annabeth sa kamang iyon na inilaan ni Andres para sa akin ngayong gabi. Hindi ko napansin na kaya siya tumigil at tumahimik ay dahil nakatulog na siya. Hinayaan ko naman siyang makapagpahinga dahil may ideya ako na ilang gabi na siyang nakakaramdam ng ganoon.

Tama ang hinala ko, hindi siya okay. I saw the sadness in her eyes, and I felt the urge of just taking it away, hindi ko lang alam kung paano.

"Putang ina ka rin! Nag–sex kayo ni Annabeth! Napakawalang–hiya mo! You took advantage of her!"

"Gago! H'wag mo akong itulad sa 'yo na kilabot ng mga kolehiyala! Ang kapal ng mukha mo! Inalo ko lang iyong tao kasi nalulungkot siya!"

I hissed at him.

"Saka h'wag kang maingay, gago! Baka magising iyong tao!"

Tinakpan ko ang bibig ni Andres pero dinilaan niya ang palad ko, may laway–laway pa iyon kasi dinuraan niya rin para maalis ko sa bibig niya, sakto namang dumating si Adi, hindi sinasadyang naipahid ko sa mukha niya ang kamay kong basa ng laway ni Andres.

"Ano ba?!" He's the one hissing now. "Tinatawag na tayo sa ibaba. May message raw na magaganap, iyong mga kapatid mo hinahanap ka!" Binelatan ako ni Andres bago siya umalis. Si Adi naman ay naglabas ng panyo para ipahid sa mukha niya, hindi na lang ako kumikibo.

"Kumusta si Annabeth?" he asked.

"Tulog. Napagod yata sa kakaiyak. Naisip kong may anxiety siya. Ganoon din kasi si Nanay noong pagkatapos mawala ni Joyce," mahinang wika ko.

Hindi ko alam kung bakit sumeryoso si Adi habang nakatingin sa akin. Matagal naman na nilang alam kung anong nangyari sa akin at sa kapatid ko.

"Buddy, I went to the records building yesterday. May hinahanap kasi ako tungkol sa isang kasong hawak ko. Accidentally, I pulled out your... sister's case, hindi ko alam na iyon pala ang naiuwi ko and Anne saw it. Nabasa niya, and from her point of view, something is different. My wife, might as well found another evidence, based on looking at a picture from your sister's file."

Bigla akong kinabahan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top