Chapter Eleven

JESTONI AMBROCIO

ISANG BUWAN ANG matuling lumipas mula nang makuha namin si Annabeth sa town house ni Mr. Sanchez sa Alabang. Nakikibalita naman ako sa kanya pero hindi na kami nagkitang dalawa. Ilang beses kong inisip na bumalik ng ospital para dalawin siya, I came but I never enter the hospital. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong takot na nararamdaman ko. Everything that happened to Annabeth clearly reminded me of my sister and the pain that my family had to go through at that time. Hindi ko nga alam na hanggang ngayon ay dala ko ang sakit na iyon. Ang akala ko ay okay na ako. Ang akala ko ay nakalimutan ko na ang lahat... But seeing her in that situation brought me back to that day.

"Araw–araw mo bang aawayin si Ayen, Adi?" Natigil ang pag–iisip ko nang marinig ko ang boses ni Andres. Nakita kong palapit na sila ni Adi sa pwesto ko kaya nagkunwari akong nagtatrabaho. Naupo si Adi sa mismong mesa ko sabay tinuro si Andres.

"Pinababalik ko lang naman siya sa Army. She has no business here with you."

"Luh, as if ako naman ang nagpalipat dito sa kapatid mo. Friends lang kami ni Ayen."

"Hindi kayo friends sa isip niya." Adi looked at me. "Ano, bud, okay ka ba? Musta iyang paa mo?"

Maayos naman na ang binti ko. Matagal nang natanggal ang cast ko at maayos na akong maglakad. Tinanguan ko lang si Adi tapos ay hindi na ako nagsalita. Napansin kong napapailing siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako ganito. I am a happy person but as of right now, I can't seem to be happy. Palaging mabigat ang pakiramdam ko.

"Bud, 'di ba sabi namin noon sa 'yo, sasamahan ka naming bumalik sa ospital? Ayan tuloy ngayon, hindi ka mapakali," biro ni Andres sa akin. Masama ang tingin ko sa kanya. "Pero okay naman siya. Akala nga nina pinsan, magkaka–trauma si Annabeth, she seems fine. Pero nag–leave siya sa kompanya nila."

Annabeth was not traumatized. How is that even possible? Kung ako lang na nakakita sa kanya sa ganoong estado ay hindi makatulog sa gabi, paano pa kaya siya? Kunsabagay, iba–iba ang pag–cope up ng mga tao sa problema. Maybe I underestimated her, maybe she's really that strong, tulad ng sinabi ni Anne noong huli kaming magkakasama.

Pinilit kong iwaglit sa isipan ko ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Annabeth, pero mahirap dahil hawak ng grupo namin ang kaso niya. Hanggang ngayon ay hinahanap namin si Mr. Sanchez. Hindi nagsasalita ang mga tauhan niyang nahuli namin. Kasalukuyan silang nakakulong ngayon, at tulad ng sinabi ni Former Senator, sisiguruhin niyang mabubulok ang mga iyon sa kulungan. Sigurado akong tulad namin ay hindi rin tumitigil si Former Senator sa paghahanap sa lalaking iyon. I just really hoped that he will never bother Annabeth again.

Wala akong balita sa kanya talaga, maliban na lang kung bigla na lang siyang pag–uusapan ni Adi at ni Andres. Noon lang ako nagtatanong. Mukhang okay naman talaga siya kasi nag–a–update naman siya sa mga social media niya. I follow her in Instagram—ang huling posted photo niya ay sixteen hours ago, picture iyon ng empty cups. I wonder if she's doing really well. Gusto ko talaga siyang puntahan sa bahay niya, pero may pumipigil sa akin.

"Nga pala," muling nagsalita si Andres. "Birthday ni Jose sa Sabado. Uuwi ako ng Bulacan. Sumama kayo, ha. Gusto ni Tatay na naroon kayo."

"Sinong Jose? Alberto, Maria, o Gerardo?" Nakisali na rin ako sa usapan nila. Andres smirked. Binato niya ako ng papel.

"Kapag si Annabeth ang pinag–uusapan, happy siya, eh! Anyway, si Jose lang ang may birthday sa Sabado. Although uuwi rin si Alberto, Maria, at Gerardo ng Bulacan. Matagal–tagal na kaming hindi nakakauwi roon sa malaking lupain nila."

Sa totoo lang mayaman ang pamilya ni Jose Andres pero hindi halata sa kanila kasi hindi naman siya lumaki sa puder ng tatay niya. Ang alam ko, nasa tiyan pa lang siya ng nanay niya ay hiwalay na ang mga magulang niya. Andres grew up in Cebu, that explains the way he curses. Tumango na lang ako sa kanya. Matagal na rin akong hindi nakakaalis. Mula noong bumalik ako sa trabaho ay hindi na ako lumabas–labas. Maybe I can take the weekend off so I could rest and clear my mind. Kailangan ko na rin namang huminga mula sa lahat ng ito. Isa pa, bakit ba palagi akong nag–aalala kay Annabeth? Ni hindi kami ganoon kalapit na magkaibigan, we're just acquintances, and she happens to be my first time—the first girl I ever had sex with—it's nothing really special.

But sometimes, I wonder if she thinks about that? Naaalala niya pa kaya ako? As far as I know, I am her first too. But then, if she had been doing that half of her life, bakit matatandaan niya pa ako?

Napabuntonghininga ako, sinabayan iyon ng pagbato ni Adriano sa akin ng binilot na papel.

"Puntahan na kasi!"

"Ulol!" I hissed at them. Kahit paano ay nawawala na ang agam–agam ko. I just needed to accept the fact that I won't be seeing Annabeth anymore, although I would always be concerned for her.

ღღღ

MARIA ANNABETH SIHURANO

NAGISING AKONG HINDI makahinga. Pawis na pawis ako at uhaw na uhaw. Bigla kong naisip kung napasigaw pa ako dahil sa panaginip na iyon? Narinig kaya ako ni Maria Juana? Matagal kong pinakiramdaman ang paligid. Wala naman akong naririnig na nagmamadaling yabag papunta sa silid kung nasaan ako. Hindi rin biglang bumukas ang pinto. Sigurado ako ngayon na walang nakarinig sa akin sa gitna ng masamang panaginip na iyon.

I kept seeing it, it keeps haunting me. I still could see his face clearly. Hindi ko makalimutan ang lahat ng ginawa niya sa akin. Sa tagal nang panahon akong naging pokpok, noong araw lang na iyon ako nababoy nang husto, pero ano pa nga bang aasahan ko? No matter how much I tried to forget where I came from, I will never get away from it.

Kaya heto, tinanggap ko na lang na hanggang dito na lang talaga ako. Wala namang nakakaalam ng eksaktong nangyari, hindi ko rin ikukwento kahit kanino kung anong ginawa ni Mr. Sanchez sa akin. Ayos nang ako na lang ang nakakaalam. Ipapanalangin ko na lang talagang hindi ko na siya makita kahit kailan. Ayoko na. Sana kung nasaan man siya ay hindi na siya magpakita sa akin. Sana h'wag na siyang bumalik. Sana patahimikin na niya ako. Nakuha naman na niya ang gusto niya sa akin. Sana hanggang doon na lang kaming dalawa.

Napalunok ako. Nanginginig ang mga tuhod kong bumaba ng kama na iyon. I needed a glass of water. Bago ako lumabas ng silid ay hinanap ko muna ang phone ko. Napakadilim ng kabahayan. Hindi ko alam kung dumating na ba si Jufran at si Juana. Ang paalam ni Maria Juana sa akin ay pupunta sila sa bahay ng biyenan niya para doon maghapunan. Nagluto raw kasi ito ng nilagang baboy na may kalabasa, parang sa pagkakaintindi ko kapag ganoon ang ulam kailangan umuwi ang lahat sa bahay na iyon.

I haven't been to the main house—well, once, noong kararating ko pa lang dito. I opted to come here. I wanted peace. Minsan na akong nagbakasyon dito sa Bulacan sa lupain ng biyenan ni Maria Juana at talagang nagustuhan ko. Simpleng buhay lang sila rito, tapos nakakatuwa ang mga bayaw ni Maria Juana, makukulit, saka masasaya sila. Hindi lang iyon, palagi silang maingay. Kailangan ko ang ingay na iyon para ma–distract ako sa lahat ng iniisip ko.

I went down the kitchen. Binuksan ko iyong mini light sa may sink para kahit paano ay lumaki ang liwanag sa paligid, nakadagdag pa ang liwanag na mula sa ref. I took a bottle of water and then I silently sat on one of the dining chairs in the kitchen. I opened the bottle of water and drank half of it with the hopes of calming myself down, but it's too hard.

Hanggang ngayon ay napakabilis pa rin ng kaba sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga hawak at marahang haplos ng hayop na iyon sa katawan ko.

It was not the first time I was violated. Sa buhay ko, sigurado may apat o limang beses na akong napagsasamantalahan. Minsan kasi may malupit na kliyente, pero malaking magbayad. Minsan, malupit na nga, kuripot pa. Sanay ako sa ganoon, dinadaan ko na lang sa paliligo, pero iba iyong naranasan ko nang araw na iyon. He was too... horrible. Maybe I am like this because I almost died that day.

"Annabeth, gising ka pa pala." Tuluyang nagliwanag ang kabahayan. Nakita ko si Jufran na nakatayo sa may entrance ng kitchen ng bahay na iyon. Karga niya ang anak nila ni MJ, si Juana Francesca. She's three years old and she's really beautiful.

"Nagising lang ako." Sinubukan kong ngitian si Jufran. "Nauhaw kasi ako. Nasaan si Juana?"

"Sa itaas, inaayos lang iyong higaan nitong maliit. Are you okay?" he asked me. He always asks me if I am okay. Napakabait ng asawa ni Maria Juana dahil sa kanya, naniniwala akong hindi pa naman talaga huli ang lahat para sa isang tulad ko.

"Okay lang ako. Don't worry." I told him.

"Kung may kailangan ka, magsabi ka agad, ha? Iwan na muna kita, ha?"

"Sige. Salamat." Pinagmasdan ko si Jufran habang paalis siya. Umakyat na siya sa hagdanan habang tahimik pa rin ako roon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila ni Maria Juana dahil tinanggap nila ako rito. Hindi rin nila ako pinipilit lumabas ng bahay at hinahayaan nila ako kapag mag–isa ako, but they always make me feel like I can freely talk to them when I needed it the most. Nakakikipag–usap naman ako, at alam kong hinihintay nilang dalawa na buksan ko ang topic na iyon, pero hindi ko ginagawa. Ayoko. Ayos nang ako na lang ang nakakaalam.

Hindi na ako nakatulog nang gabing iyon. Nakaupo lang ako sa gitna ng kama, wala akong iniisip, basta nakatingin lang ako sa kawalan. Pilit kong kinakalma iyong bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman nawawala iyon. Hindi rin nawawala ang agam–agam ko.

Kailan ba matatapos ito?

Do I really deserve this?

Suddenly, all my thoughts faded hearing my phone vibrated. It's late at night, who could be calling me? I answered the face time call and I found Dione smiling at me. Sinubukan kong ngumiti—lalo noong kumaway siya sa akin.

"It's morning here in L.A!" She exclaimed.

"You're looking good."

"I know. I miss you, Annie! Oh, wait, Mama wants to say hi." Bigla na lang lumabas si Amalthea Vejar sa screen. She was holding a beagle and she was smiling at me. Bigla ay gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit pero biglang gusto ko ng nanay.

"Kumusta na, Annabeth?" Her calm voice always gets me. "Dione told me you're on vacation. Is everything okay? Last month she was telling me how worried she was for you when you were at the hospital. Hindi ako nakadalaw noon, sobrang busy ko kasi. I hope you're okay now."

"Okay naman na po ako, Miss Amal." I tried to smile again. "Mag–ingat po kayo riyan."

"Oh, we will. Dione and I are having hospital tours. If everything goes well, we'll be back by next week. Gusto ka ulit makita ng kapatid mo." Napatango na lang ako. "Take care of yourself, Anna. I'm sure, Nilo is watching over you." Tinapos ko ang tawag matapos kong marinig ang pangalan ng tatay ko. Totoo ba iyon? Nilo is watching over me? Nakikita rin ba niya kung gaano ako nahihirapan ngayon?

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nagtakip ako ng unan pagkatapos ay hinayaan kong tumulo ang mga luhang kanina ko pa iniiwasan. Hindi na ako makahinga. I just wished this would all be over. But how?

ღღღ

JESTONI AMBROCIO

PATI SI AYEN ay sumama sa amin sa Bulacan kaya hindi natigil ang pag–aaway 'yong mag–kuya sa likod ng sasakyan. Sinabi kasi ni Adriano na uuwi rin sila ngayong gabi. Hindi kasi siya mag–o–overnight, ayaw raw niya at walang kasama si Annie sa bahay ng mga ito.

Sukat ba naman sumagot si Ayen ng, "Bakit ba kasi hindi mo sinama si Anne? 'Di ba naroon naman si Ate Aelise? O 'di roon kayo, basta roon ako sa bahay nina Andres!"

Galit na galit si Adi na parang puputok na ang ugat sa noo. Tawa naman kami nang tawa ni Andres sa harapan. Hindi na lang kami pinapansin noong magkapatid. Hindi naman masyadong halata na talagang gusto ni Ayen si Andres. Matagal ko nang napapansin iyon, college pa lang kami lagi nang sabit si Ayen sa mga lakad namin. Ang buong akala ko ay sumasama siya dahil gusto niyang makasama ang kuya niya, now it's all clear, binabukuran niya si Andres.

"Okay ka, buddy?" Andres asked me.

Kahit paano ay maayos na ako. Nakakatulog na ako nang mahaba sa ngayon at nababawasan na rin ang pag–iisip ko kay Annabeth. Nakatulong iyong narinig kong okay siya at hindi siya na–trauma sa nangyari sa kanya. Lalo akong humanga sa kanya, she's really strong. Isinasama ko sa panalangin ko ang katahimikan niya. Pero minsan, bigla kong naiisip na na–mi–miss ko siya. Wala naman akong karapatan, since hindi naman kami.

"Bud, naka–move on ka na ba kay Avery?" Walang hiyang tanong ni Andres. Napatitig ako sa kanya sabay binato siya ng wrapper ng candy.

"Matagal na iyon."

"Bakit hindi mo ligawan si Annabeth? May number ka niya, 'di ba? Bakit hindi mo i–text, hindi iyong nakikita kita palaging tinitingnan iyong IG account niya. Nami–miss mo, 'no?" Tudyo niya pa sa akin. Bigla naman akong natawa. Kahit kailan ay hindi ako naging komportable sa panunudyo sa akin ng mga ito, pero bigla akong natawa ngayon.

"Medyo, bud, pero wala naman akong karapatan. Hindi naman kami."

"Hindi pa kami ni Andres pero nami–miss ko siya palagi," sabat naman ni Ayen sa likod.

"Punyeta, Ayen! Sabi ko naman sa 'yo, kahit sino h'wag lang si Andres!"

"Maagang mamamatay iyang kuya mo, Ayen," biro ko kay Adi.

"Friends nga lang kami, buddy," sabi pa ni Andres kay Adriano pero hindi na natapos ang masamang titig niya sa kaibigan namin.

Finally, after two hours, ipinapasok na ni Andres ang kotse niya sa bakuran ng bahay ng tatay niya. Kapansin–pansin na hindi lang siya ang naroon, kasabay naming dumating ang isang van na itim.

"Nandito na si Kuya Gerry," wika niya sabay labas. Sumunod na rin ako sa kanya. Malaki talaga ang lupain ng mga Birada. Sa tapat ng bahay ng tatay ni Andres ay may isa pang bahay na pa–cabin style. Ang alam ko, bahay iyon ng tiyahin niya, si Mamang Luisa. Doon din nakatira sina Pepe at Jufran, ang mga pinsan niya.

Si Ayen ay bumaba na rin. Agad siyang tumakbo sa kinatatayuan ni Andres. Tinawag siya ni Adi pero dedma na lang. I tried calming my friend down. Hinawakan ko si Adi sa leeg.

"Ayos lang iyan, Adi. Basta masaya si Ayen. Swerte ka kasama mo pa iyong mga kapatid mo." Bigla ay natigilan ako sa sinabi ko. I shook my head. Akala ko okay na, pero hanggang ngayon, naaalala ko pa rin si Joyce. I have saved Annabeth, but I can never forget that I didn't have the chance to save my sister.

"Kumusta ang byahe ninyo?" Nagulat ako dahil bigla na lang dumating si Uncle Jose. Nasa likod na pala namin siya ni Adi. Inakbayan niya ako. "Nabalitaan ko iyong injury mo, ha. Buti okay ka na."

"Opo, Uncle. Happy birthday po."

"Salamat, Toni, Adi. Kasama ninyo pala si Ayen. Pumasok na kayo, nagluluto ng tanghalian si Rafa, nandito siya ngayon, birthday ko kasi."

We all went inside. Dito ako matutulog ngayon. Wala akong balak sumama kay Adi pabalik ng Metro. Dinala kami ni Uncle sa kanya–kanyang mga silid namin. I am sharing a room with Andres, nagpasalamat ako at naupo sa kama. Inilabas ko ang phone ko at muli, natagpuan ko ang aking sariling hinahanap si Annabeth sa IG ko. She posted a photo about an hour ago, it's a photo of a little girl playing ball. May icon ng araw sa caption niya, nakalagay pa roon ang "Juana Francesca, 3. My bundle of sunshine." Na–double tap ko iyong photo, bigla naman akong natigilan.

"Luh..." Naalala ko bigla si Barang. "Hala!" Lalong lumakas ang pag–hala ko nang biglang lumabas sa screen ng phone ko ang pangalan ni Annabeth kasama ang salitang "calling".

"HALA PUTANG INA!"

Nabitiwan ko ang telepono ko, nalaglag iyon sa sahig. Agad naman akong yumuko para kunin iyon, napahiga ako sa sahig, pinindot ko ang answer button sabay lagay sa tainga ko.

"He–hello..." Punyeta bakit nauutal ako? Naghintay ako, pero hindi siya nagsasalita but I can hear her sighing in the other line. Napaawang ang labi ko. Her sighs sounded like little sobs. Napabangon ako. "Annabeth? Nasaan ka?"

"Sa bahay ng pinsan ko," wika niya. Finally, she spoke. "Nangungumusta lang ako. Kinuwento sa akin ni Clari ang lahat. Hinintay kitang dalawin mo ako sa ospital, pero hindi ka dumating."

I was always in the hospital. Every day until she was discharged. Wala lang akong lakas ng loob para dalawin siya.

"Ahh, sorry, naging busy lang ako."

"Okay lang." Hindi ko alam pero tunog malungkot talaga si Annabeth. "Pwede bang pagbalik ko ng Metro, magkita tayong dalawa? I'll buy you a meal. If it weren't for you..." Hindi niya naituloy ang sinasabi niya. "Basta, kapag nakabalik ako ng Metro, please, I promise, hindi ko pagaganahin ang kamalasan ko sa buhay." Sinundan niya nang pagak na tawa ang sinabi niyang iyon. I don't know her that well but I can sense that she's just trying to make it sound like she's happy.

"Sure... tawag ka lang," wika ko.

"Can I text you too?" She asked in the nicest way possible.

"Yes, Annabeth."

"Thank you, Toni," sabi na lang niya sabay binaba na niya ang phone. Ilang minuto nang tapos ang tawag na iyon pero hindi maalis sa isipan ko kung gaano kalungkot ang boses ni Annabeth. Bakit ganoon? Bakit napakalungkot niya?

"Toni, bud, kakain na." Narinig ko si Andres kaya tumayo na ako. Bumaba ako at agad na nagtungo sa labas kung saan nandoon ang lahat. Present na pala lahat ng anak ni Uncle Jose, may bonus pang kababata nilang si Rafaelle na tinatawag nilang Rafa o Yafa. Tapos nagulat ako nang makitang nandoon din si Doc Cynthia, kandong niya ang apo niya, iyong kaisa–isang anak ni Kuya Gerry.

"So, pakiramdam ko may teleserye rito," sabi bigla ni Adi. Parehas kaming nakatayo sa may gilid at tinitingnan ang pamilya. "Nandito si Tita Cynthia, kasama siyang dumating ni Gerry, tapos nandito si Yafa. Iyong kapatid ko, luluwa na iyong mata. Tapos dumating si Ma'am Nadia kanina."

"Iyong sinundan ni Uncle Jose sa Amerika?"

"OO!"

"Hoy! Kakain na!" sigaw muli ni Andres. Wala akong nagawa kundi ang lumakad papunta sa hapag. Malaki ang mesa at mahaba iyon, napakaraming pagkain, mula sa kintatayuan ko ay kitang–kita ko iyon. Nakaramdam na rin naman ako ng gutom. Habang nakatayo sa gilid ng hapag at habang nangunguha ako ng sugpo na isasawsaw ko sa bagoong ay may nakita akong bagong dating na sasakyan. Hindi ko pinansin iyon kasi malamang isa lang iyon sa bisita ni Uncle Jose, kumain na lang ako nang kumain.

Busy si Adi sa pagbabalat ng alimango para sa kapatid niya. Si Uncle Jose naman ay inaasikaso ni Yafa. Si Ayen ay irap nang irap kay Yafa. Basta ako kain lang ako nang kain, tapos iniisip ko si Annabeth.

Sa pagkakatayo kong iyon, bigla akong natigilan, bigla na lang nanigas ang buong katawan ko nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Napaawang ang labi ko, napansin kong lahat ng tao ay nakatingin sa akin ngayon. Ilang beses din akong kumurap.

"Oh, nandito pala si Annabeth!" sigaw ni Andres na parang walang bukas. "Hi, Annabeth!"

Binitiwan ko sa mesa ang hawak kong paper plate at mabilis pa sa alas kwatrong lumingon ako para makita kung si Annabeth nga ba ang nakayakap sa akin. Akala ko nagbibiro si Andres, but then, it is really her. She looked up at me, and just as what I am thinking earlier, her voice is sad, but her eyes are sadder, but she has this smile on her face.

"Hi, Toni..." Again, she hugged me. And I just hugged back. Maybe she needed it.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top