Chapter Ten
Triggered
JESTONI AMBROCIO
HINDI KO MAINTINDIHAN kung bakit sumama si Annabeth sa lalaking iyon. Malinaw naman iyong naging usap namin noong nakaraang gabi and she expressed that she really didn't like that person. Ang sabi niya gusto niya lang na maging malaya mula sa taong iyon. Gusto niyang matapos na ang lahat ng problemang ito pero heto siya, kasama niya si Mr. Sanchez and god knows what is that man doing to her. Hindi siya safe. Baka sinasaktan na siya noon. Baka mamaya, wala nang buhay si Annabeth kapag nadatnan namin—huwag naman sana.
"Buddy, 'di ba sinampahan niya ng kaso iyon, bakit siya sumama?" tanong ni Andres. Adriano was the one driving, si Andres ay nasa likod, ako naman ang nasa driver's seat. Hawak ko ang laptop na dala ko mula kanina pa. I was monitoring the cameras around the area para malaman ko kung okay ba si Annabeth, baka sakaling masilip ko lang. Kanina habang paalis ay na–access ko ang CCTV camera sa may parking lot. Noon ko nakita na tinawag lang si Annabeth ng driver siguro ng Sanchez na iyon. She came to them voluntarily. Inaasahan ko pa namang ginamitan siya ng pwersa pero sumama talaga siya nang kusa. Maybe it's because she wanted to end this. Masyado nang pinalaki ang problemang hindi naman kasi dapat.
Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko. Bakit nakakaramdam ako nang ganito? Naiinis ako dahil sumama siya sa lalaking iyon. Hindi niya dapat ginawa iyon. Hindi ba siya nag–iisip? She already knows how much that man hates her, but she managed to get herself into trouble. Hindi ba talaga niya iniisip ang sarili niya?
"Hindi naman alam ni Annabeth na obsessed sa kanya iyong lalaki," sabi pa ni Adriano. Marahas kong nilingon si Kaligayahan.
"Gago?" Naiirita talaga ako. "Nakita niyang siniraan siya sa media, dinemanda pa siya at kung ano–anong sinabi sa kanya pagkatapos noon, tapos ikakatwiran mo sa akin, Adi, na hindi naman alam ni Annabeth na obsess sa kanya iyong lalaki?! Kung ikaw ba, sasama ka sa taong siniraan ka na, dinemanda ka pa?! Ang bobo mo rin, Adi, eh! Paano ka nagustuhan ni Anne?!"
"Putang ina ka! Inaano ba kita?! Bakit napunta sa akin ang usapan?!" Balik sigaw niya sa akin. Nagsalita naman si Andres.
"Kung ako iyon, ipapa–Tulfo ko iyon. Gusto ko talagang makita si Sir Raffy. Papa–picture ako tapos selfie kami." Parang tanga talaga si Andres. Tiningnan ko siya nang masama kaya natahimik na lang siya. Mainit talaga ang ulo ko ngayon. Pinipilit kong intindihin si Annabeth pero hindi ko talaga siya maintindihan.
Kasama naming susugod sa bahay ni Mr. Sanchez ang ilan sa mga bodyguards ng mga Sihurano. Nanghingi na rin kami ng back–up kay chief at kasalukuyang papunta na roon ang mga kasamahan namin. Ang hinihiling ko na lang ay sana maging maayos ang lahat. Sana maabutan namin si Annabeth na okay na okay talaga. Sa kasalukuyan ay tinutulungan ako ni Barang tungkol kay Mr. Sanchez. She's digging deeper about him. Wala pa siyang message pero sa palagay ko, marami–rami siyang nakikita at nalalaman tungkol sa tukmol na iyon.
Finally, we reached the area. Pagbaba ko, kahit hirap ay nakita kong nandoon na ang back–up na tinawag namin. Mukhang kararating lang nila. Bumukas iyong van at mula roon bumaba ang limang agents, pero kapansin–pansin na naroon na rin pati ang kapatid ni Adi.
"Anong ginawa mo rito?" tanong ni Adi. Inaayos ko ang saklay ko. "Dapat nasa Army ka! Ano nag–AWOL ka?!"
"Hindi, Kuya, nagpalipat ako ng assignment. NBI na rin ako. I–welcome mo ako! Hi, Andres!"
"Ayen! Nako! Mag–uusap tayo mamaya!" galit na wika ni Adriano. Wala akong pakialam sa kanila. Naglabas ng baril si Adi at sinenyasan ang mga kasama namin. Tinapik muna ni Andres ang balikat ko bago siya sumunod kina Adi. Hindi ako pwedeng sumama, wala akong baril at nakabakasyon pa ako pero sa totoo lang alalang–alala ako. Hindi ko kasi alam kung okay ba si Annabeth doon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, bakit nga ba ganito ang pag-aalala ko sa kanya samantalang hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't isa.
We just met. Practically we're just strangers pero ganito na ako mag–alala sa kanya. I was shaking my head. What is happening to me?
Napatuwid ako ng tayo nang dumating ang dalawang SUV na puno ng bodyguards ng mga Sihurano. Kasama nila si former Senator na kanina pa hindi maipinta ang mukha. Ayoko naman siyang kausapin kasi baka mamaya bugahan niya ako ng apoy, hindi rin kami close saka pakiramdam ko hindi siya natutuwa sa akin.
"Mariz, ikaw na ang bahala. Bring Annabeth back, no matter what."
"Sir..." magalang na tawag ko sa kanya. "Hindi po tayo dapat mag–interfere sa operasyon. Baka po lalong makasama." Tama naman ang sinabi ko at alam kong alam din iyon ni former Senator pero tinapunan niya lang ako nang masamang tingin at muli siyang pumasok sa SUV niya. Iba talaga ang utak ng mga pulitiko, akala yata nilang lahat, hindi sila nasasakop ng batas. Huminga na lang ako nang malalim at ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga footages around the area. Nakita ko na ang kotse kung saan lulan noon si Mr. Sanchez at Annabeth. Sa footage ay parang ordinaryong sasakyan lang ito. Walang gulo, but I know better. Thinking about the bad things that Mr. Sanchez might have done to Annabeth made me feel so angry right now.
Napatingin ako sa kabahayan nang makarinig ako ng pagputok ng baril. Instinct na siguro iyon pero matapos iyon ay tumakbo ako papasok sa bahay na iyon dala ang saklay ko. Para akong nagpipiko kung tumakbo ako. Nakataas iyong paa kong may cast. Mas madali sanang gumalaw kung hindi ako injured pero mukha talaga akong tanga.
Nakarating ako sa loob, nakita ko iyong isa yata sa mga tauhan ni Mr. Sanchez na nakahandusay sa lupa. Pinulsuhan ko muna, buhay pa naman, saka ko kinuha ang baril. Kailangan ko rin ng proteksyon. Nasaan na kaya sina Adi? Nakasunod lang ako sa mga babaeng bodyguards ni former Senator. Sa nakikita ko, they are trained to do this but as of right now, I really don't care.
Nagkakagulo na, naglabasan ang mga tauhan ni Mr. Sanchez. Ako naman ay yumuyuko kapag may nagpapalitan ng putok. Nakarating ako sa loob mismo ng bahay. Tahimik sa loob pero nandoon ang mga walang malay na tao at sigurado akong puro kay Mr. Sanchez iyon. Puro babae kasi ang dalang bodyguards ni Former Senator.
"Andres?! Nasaan kayo?! Andres?!"
"Sa taas, buddy!" sigaw niya. Kahit hirap na hirap ay umakyat pa rin ako. Nakita ko siyang sinisipa ang mga silid roon. Lumapit ako sa kanya. "Anong ginagawa mo? Dapat sa labas ka lang!"
"Nangialam naman na iyong private army ni former Senator, okay na rin ito. Nasaan si Mr. Sanchez?"
"Hinahabol ni Adi. Sumunod si Ayen sa kanya. Tang ina, hindi nila kasama si Annabeth. Si Mr. Sanchez lang iyong nakita kong inilikas noong mga tao niya." Kinabahan ako, but in my head that's a good thing. Ibig sabihin may possibility na iniwanan si Annabeth dito, I just need to find her. Kumilos na rin ako. Sa kabilang dulo ako ng hallway. May mga silid din doon, kahit na hirap sa paggalaw ay sinikap kong hanapin si Annabeth pero narating ko na ang dulong silid ay wala pa rin siya.
"Wala?" I asked Andres when I got back to him. We were in the middle of the corridor.
"Wala, bud. Baka sinama nila si Annabeth, baka hindi ko lang nakita, baka inuna nilang isakay ng van. Tang ina! Naiinis ako!" Kung naiinis si Andres, alalang–alala naman ako. Kanina nakakaramdam ako ng galit para kay Annabeth pero ngayon, parang ikasasabog ng dibdib ko ang kaba.
"Toni, Andres!" Napalingon kami nang tawagin ng isa sa mga kasamahan namin. "Tumawag si Kaligayahan, nakatakas iyong tao. Nahuli lang nila iyong tatlong bodyguards. Papunta na sila sa krame ngayon. Mauuna na kami. Sumunod na kayo roon."
Nagkatinginan pa kami ni Andres. Tinanguan niya lang ako tapos ay lumapit na siya sa akin para alalayan ako, pero ayokong umalis. Mukhang na–gets naman ni Andres ang iniisip ko.
"Sige, bud, isang round pa. Hindi rin ako panatag." Sa pagkakataon iyon ay nagpalit kami ng lugar na pinaghahanapan. I searched thoroughly. I need to find Annabeth. Kailangan masiguro kong wala siya talaga rito bago kami umalis. I hate to think that I didn't do my all to find her. Sa lahat ng ayoko ay iyong may naiiwanang agam–agam sa puso ko. Tulad noong nangyari sa amin ni Barang. I used to have sleepless nights because of those fucking what ifs.
What if binilisan ko?
What if ipinakita ko agad kay Avery na gusto ko siya?
We could've been. Ako dapat ang kasama niya at hindi si Uriel. Ang tagal sa isipan ko noong mga bagay na iyon, pero hindi ko na iyon naiisip ngayon, basta masaya ako na masaya siya. It's been a year and a half. Masaya na talaga ako para sa kanya. Nakakatuwa nga iyong mga anak nila ni Uriel.
I sighed. I have let go of those thoughts for a long time. Now, I need to focus on Annabeth. I need to find her.
I went inside another room. Nanggaling na si Andres dito kanina. Malinis ang silid. Parang walang nanggaling na tao rito. Kung sa unang tingin ay wala talagang makikita, but I needed to take a closer look to make sure. Lumakad ako papunta sa may kama, I searched closer, and I found a strand of hair on the pillow. Noon ako kinutuban. I am in the right track. I looked around. Where could she be? I am sure that she's here. The hair is long—like Annabeth's.
"Birada!" sigaw ko. Hindi naman nagtagal ay humahangos si Andres na pumasok sa silid.
"Bakit? Nadapa ka? Patingin? May sugat ka ba sa tuhod?!" sigaw niya habang lumuluhod sa harapan ko.
"Tang ina naman, Birada! Hindi ako nadapa! Nasaan na iyong bodyguards ni Senator?"
"May basement sa ibaba. Andoon sila. Iyong iba, sumunod din kina Adi." Tumayo na siya. "Halika na, wala naman yata talaga rito. I searched everywhere."
"She's here. I found a hair."
"Pwedeng naiwan lang ito. Mas malaki ang posibilidad na kasama siya."
"Shhh!" I hushed him. I looked around again. May bathroom doon. Pumasok ako. I was thinking that maybe she's in the bathtub, unconscious, or crying. Mas gusto kong crying na lang kaysa walang malay. Pero walang laman ang bathtub. Hindi pa rin ako tumigil. I looked at the wardrobe pero puro damit lang iyon.
Nang lumabas akong muli ay natagpuan ko si Andres na nakaupo sa isang malaking baul. Napatitig ako roon, hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. I walked faster, halos mabitiwan ko ang saklay ko.
"Buddy—" Agad naman siyang tumayo. He got what I meant at siya na mismo ang nagbukas ng baul na iyon. "Fuck!" Andres hissed when he saw what was inside. Hindi nga ako nagkamali.
Inside that antique chest lies Annabeth, wala siyang malay, she was in a fetal position, her legs and her hands were tied and she's naked. My heart felt like it fell seeing her that way. Si Andres ay kaagad na hinawakan sa leeg si Annabeth. He, then looked at me.
"May pulse, Toni, pero mahina." I took my jacket off to put it on her naked body. Nanginginig ako. Nagtangis ang mga panga ko.
"Tumawag ka ng ambulansya." Bago ko pa masabi iyon ay narinig ko nang nagsasalita si Andres at ginawa nga niya ang sinabi ko. My hands were shaking as I try to touch Annabeth's delicate face. All I could do is pray hard that she'd be okay...
ღღღ
ANNABETH WAS RUSHED to the hospital. Kami ni Andres ang kasama niya roon, si Andres din ang tumawag sa pamilya ni Annabeth para ipaalam ang kalagayan nito. Sa kasalukuyan ay nasa ER siya habang kami naman ni Andres ay naghihintay lang doon. Papunta na raw ang tiyahin at mga pinsan nito. Hindi pa rin ako mapalagay hanggang ngayon. Paulit–ulit sa isipan ko ang nakita ko pagbukas na pagbukas ni Andres ng baul na iyon.
How can that man be so cruel? Ano bang maling ginawa ni Annabeth sa kanya at ginanito niya? No one deserves to be treated like that.
"Bud, okay ka ba?" Tinapik ni Andres ang balikat ko. I only nodded. Hindi ako okay. Ayokong–ayokong nakakakita ng ganito. "Kape gusto mo?" He even asked me.
"Nasaan ang pamangkin ko?" Napatingin kami ni Andres nang may magsalita. Nakita ko ang isang babaeng pamilyar sa akin, siya ang asawa ni former Senator Sihurano, kasama niya ang pinsan at abogado ni Annabeth, si Clarita Sihurano at iyong isa pang babaeng kamukha rin nila, baka kapatid nila ito.
"What happened, Andres?" Clarita asked. "Is she okay?"
"Bugbog sarado siya, Clari, eh. Nakita namin siya sa baul. Pinagkasya siya roon. Mahina iyong pulso niya kaya dinala namin siya rito. They're doing tests, kailangan din na maipa–mediko legal si Annabeth. This is serious."
"Jusko, ang pamangkin ko!" Usal noong asawa ni Senator. Mukhang mahihimatay pa siya at pumupwesto siya roon sa direksyon noong babaeng katabi ni Clari.
"Nako, Ma, h'wag kang OA. Napaka–oa nitong nanay mo, Clarita. Nasaan na iyong lalaki? Dapat do'n pinuputulan ng bur tapos ipapakain sa aso lalagyan ng asin saka paminta o kaya man i–barbeque at ibenta ng limang piso sa may kanto!"
"Nakatakas po pero nahuli naman iyong mga kasamahan niya."
Naririnig ko silang lahat pero hindi ako makagalaw. My mind kept replaying that scene in my head. It was as if I am being taken back to that moment of my life, a moment that I didn't want to remember but because of all of this, my memories were triggered.
Masaya ang pamilya ko sa Pampanga noon. Hindi kami mayaman, pero hindi naman ganoon kahirap ang buhay namin. May maliit na bukid si Tatay sa Pampanga kung saan doon namin kinukuha ang kinabubuhay namin. May kapatid akong babae, si Joyce, mas matanda lang ako sa kanya nang dalawang taon at talagang malapit kami sa isa't isa. Masaya ang pamilya namin, pero kahit gaano kami kasaya, ay binawi ng tadhana ang lahat ng iyon.
Joyce was only fourteen when she was raped and murdered. Apat na araw namin siyang hinahanap noon. Nakita ang katawan niya sa ilalim ng tulay sa may Lubao noon. Nakasilid siya sa isang sako, halos hindi na siya makilala. Tandang–tanda ko noon kung paano humagulgol si Nanay at kung paano halos mabaliw sa galit si Tatay. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagbago ang lahat sa buhay naming pamilya. Naging malungkutin si Nanay, si Tatay naman ay halos hindi na nagsasalita, hanggang sa naghiwalay ang mga magulang ko. Isang araw, nagising na lang akong umalis na si Nanay, kami na lang ni Tatay ang naiwan. Ang dating saya sa bahay namin ay napalitan ng katahimikan at kalungkutan.
Isa na ring dahilan kung bakit ko ginustong mapunta sa ganitong larangan ay dahil hindi kahit kailan nabigyan ng katarungan ang kapatid ko. Hanggang ngayon gumagala ang mga halang na kaluluwang gumawa noon sa kanya. I don't know how I'd find them, but I promised her that I will give her the justice that she deserves. I am still waiting on that day.
Seeing Annabeth in that situation brought back a lot of pain. Mabuti na lang kahit paano ay naayos ni Nanay at Tatay ang relasyon nila. Nagkabalikan silang dalawa, kahit paano ay bumalik ang saya sa buhay namin, pero alam kong mas sasaya sana kaming lahat kung kasama pa rin namin si Joyce hanggang ngayon.
"Bud..." Narinig kong nagsalita si Andres. He was smiling. "Bud, tinawagan ko si Kuya Gerry, sumama ka na muna sa kanya, ihahatid ka niya sa bahay mo. Ako na'ng bahala rito."
"Okay lang ako," wika ko kay Andres. I want to stay. I want to see Annabeth awake kahit na malabo nang malapitan ko siya kasi nandito ang pamilya niya. Hindi mawala ang pagnginig ng katawan ko. I am uneasy. Kanina pa rin ako nagkukuyakoy. Si Andres ay palaging tinatapik ang balikat ko, tila ba sinisiguro niyang maayos ako. Ang tagal–tagal naming naghihintay sa waiting lounge, akala ko nga hindi na lalabas ang doctor o nurse na tumingin kay Annabeth, buti na lang at nakipag–usap na sila.
"She's being transferred to a private room as of the moment." Wala pa rin siyang malay. We did some tests. Ayon na rin sa resulta, Malala ang naging pambubogbog sa biktima. May nakita ring laceration sa maselang bahagi ng kanyang katawan. She was abused." Napakuyom ang palad ko saka ako napapikit kasabay noon ay hinigpitan ni Andres ang akbay sa akin.
"Bud, alam mo ba may clinic dito si Nanay," wika niya. Ang tinutukoy niya ay si Doctor Cynthia, ang nanay niyang psychiatrist. "Ayain natin siyang kumain sa labas. Pihado pagod iyon." Bigla akong tumayo. "Bud..." Kinuha ko ang saklay ko at saka tinunga ang exit ng ospital na iyon. Hindi ako makahinga.
"Bud!" Naririnig ko si Andres. "Toni, alam kong hindi ka okay at hindi ko tatanungin kung okay ka ba. This will pass. Okay?" I looked at him.
"Uwi na ako, Bud. Balitaan mo na lang ako." Sakto namang may pumaradang taxi sa harap ko. Kinatok ko ang bintana noon saka ako sumakay. I told him my address and he drove away. I was just looking at the window, thinking about Annabeth. All I can do is pray for her to be okay. She's strong, I know she will be okay...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top