Chapter Nine

Not safe

MARIA ANNABETH SIHURANO

IT IS A good day.

Naniniwala akong maganda ang mangyayari sa buhay ko ngayon dahil magaan ang pakiramdam ko. Despite of all the issues in my life right now, I know in my heart that it's going to be a good day.

Maaga akong umalis ng bahay para makapasok din nang maaga sa office. I've been out for two weeks now. Kasalukuyang si MJ ang pumalit sa akin pero papasok na ako ngayon, nakakahiya naman kasi talaga. Saka isa pa, wala akong dapat ikatakot, wala naman akong kasalanan. Sa totoo lang, sa aking palagay ay nakabuti ang pakikipag–usap ko kay Toni, hindi man ganoon kalalim ang pagkakakilala naming sa isa't isa ay nakagaan sa akin ang masabi sa kanya ang ilan sa mga iniisip ko at nakatulong din na narinig ko mula sa kanya ang mga salitang iyon.

Wala akong gaanong kaibigan, maingat kasi ako lalo na at hindi ko pa rin gamay hanggang sa ngayon ang mundong ginagalawan ko. Ang mga kaibigan ko ay ang mga taong nakalakihan ko noon sa club at sa Tondo. Hindi kasi nagbago ang tingin nila sa akin—mula noon hanggang ngayon, ako pa rin si Annabeth na pumapasok sa club and really, kahit na sa slums kami nakatira noon at gano'n ang klase ng buhay mayroon kami, ramdam ko ang respeto sa akin ng bawat isa. Hindi maliit ang tingin nila sa akin, 'di tulad ng mga tao sa mundong ito. Matapos nilang malaman kung ano ako noon, para bang may sakit ako kung tingnan nila.

It's hard not to care, but right now, as of this moment, I will try my best not to care anymore. Hindi ako magiging masaya kung palagian ko na lang silang iispin.

Inihinto ko ang kotse sa tapat ng building ng mga Sihurano. Bumaba ako agad, kasabay noon ay sinalubong naman ako ng isa sa mga guards. Ibinilin ko sa kanya ang kotse ko, siya na ang tumawag sa valet, ako naman ay nagtungo na sa loob ng building. Pagpasok ko ay napansin kong parang natigilan ang lahat, they were all just looking at me. Siyempre, kinabahan naman ako, bakit sila ganoon makatingin sa akin? Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Napansin kong nagbubulungan pa ang ilan sa kanila. Bigla akong tinubuan ng kaba. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Dahil ba ito sa press–con ni Mr. Sanchez kahapon? Siguro? Wala naman akong ibang alam na magiging dahilan para pagtinginan nila ako nang ganoon. Mabuti na lang at kaagad akong nakasakay ng elevator. Ang lakas–lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong malaman kung bakit ganoon ang tingin nila sa akin at kung bakit pinagbubulungan nila ako. Sanay ako sa ganoong titig, pero nakakapagtaka lang dahil sabay–sabay ang mga empleyadong makakasalubong ko. Para bang may alam silang nangyari at ako, heto ako, wala akong ideya kung ano iyon.

The only possible answer is Mr. Sanchez. Hindi ko napanood ang full interview niya pero sigurado akong sirang–sira na ako sa mata ng lahat ng tao sa lugar na ito. I finally arrived in my office's floor. Habang naglalakad sa hallway ay napansin kong ganoon din ang tingin ng iba sa akin. Wala na lang akong pakialam. Basta sa isipan ko, wala akong ginawang masama. Nagtuloy ako sa office ko, inaasahan kong nandoon si Maria Juana pero walang tao. Inilapag ko lang ang bag ko sa lamesa. She's probably inside the conference room. Baka may meeting siya ngayon kasama ang ibang board members, wala namang masama kung pupunta ako roon. I am still the CEO of this company. I need to know what's happening.

"Miss Annabeth..." Napatayo ang EA ko nang makita akong naglalakad papunta sa conference room. "Miss, h'wag..." I looked at her. Kunot na kunot ang noo ko kaya siguro wala siyang nasabi at hinayaan akong buksan ang pinto. Hindi nga ako nagkamali dahil nandoon nga si Maria Juana, kasama si Uncle Pidong, at hindi ko inaasahan ang mga naririnig ko.

"As board members, we are worried, Elpidio," sabi ni Mr. Santos. "Walang problema kay Annabeth noon, but this is ruining the image of our company. Hindi rin pwedeng si Maria Juana ang papalit sa kanya, hindi pwedeng maupo ang nakulong noon." Napanganga ako. Napatayo naman si Uncle Pidong.

"Excuse, Roger, ano naman kung nakulong ang anak ko? She is as competent as I am!"

"Bring Spica in, she's your daughter too. She might do good in the company. Hindi kami papayag na ang uupo ay isang ex-con at isang dating prostitute. What kind of people are you bringing in this company, Elpidio?" wika naman ni Mrs. Oconer.

"Annabeth is a capable CEO."

"We all know that but after the video scandal, pagkakatiwalaan pa ba siya ng mga kliyente at investors? Walang halong retoke ang video na iyon, Mr. Sihurano. Maraming nagsasabing pamangkin mo iyon at si Perseus Vejar!" Napasinghap ako at napalakas iyon. Lahat sila ay napalingon sa kinatatayuan ko. MJ was fast to move, hindi nagtagal ay nakatayo na siya sa harapan ko at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. Nanginginig ang buong katawan ko.

No wonder people were looking at me like that. My tears quickly fell.

I remember that video. It was indeed with Perseus. I did that out of love for him. Iyon ang mga panahong baliw na baliw ako sa pag–ibig sa kanya. Iyon ang mga panahong akala ko ay kaming dalawa sa huli. Hindi ko naman alam na babalikan ako ng bagay na iyon ngayon. He told me that he'd never release it, that it was only for his eyes. Pero bakit? Anong nangyayari ngayon?

"Anna... calm down," sabi ni Maria Juana sa akin. "Calm down." Naninikip ang dibdib ko.

"Kaya pala ganoon iyong tingin sa akin ng mga tao," I said. Napalunok ako.

"It's gonna be fine."

"Nandito na lang din naman si Annabeth, pag–usapan na natin ito, Elpidio. It's either she steps down or we will vote for another person that is capable and has a good reputation," sabi ni Mrs. Angeles. Hindi ako makagalaw. The thought that people have watched that thing made me shiver. Bigla akong bumitiw sa kamay ni Maria Juana. Tumakbo ako palabas ng building na iyon at habang nasa elevator ay iyak ako nang iyak. Sa kakaisip ko ay bigla kong naalala si Jestoni. Iyong tinatanong niya sa akin kagabi.

"Okay ka ba? Kumusta naman ang pakiramdam mo?" This is the reason why he sounded so sincere and so worried last night. I wondered, napanood niya rin ba? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit ba nangyayari sa akin ito? Wala naman akong ibang hangad kundi ang sumaya. Bakit ba galit na galit sa akin ang buong mundo?

Nasa parking lot ako at pilit na kinakalma ang aking sarili. I hate feeling like this. I hate being weak. Hindi naman ako ito. Malakas ako. Naka–survive ako nang ilang taon sa kahirapan, tapos ngayong gumanda ang buhay ko, mas hirap ako? Hindi naman dapat ganito.

"Miss Annabeth." Napatuwid ako ng tayo nang marinig ko ang aking pangalan. Lumingon ako at nakita ko ang driver ni Mr. Sanchez na nakatayo sa likuran ko. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang likuran habang nakatitig sa akin. Humikbi ako at padaskol na pinahid ang aking mga luha.

"What is it?"

"Mr. Sanchez wants to talk to you," sabi niya sa akin. Napatitig lang ako sa kausap ko. Anong gustong pag–usapan ng walang hiyang iyon? Hindi niya alam kung anong klaseng hirap ang hinaharap ko dahil lang sa hindi ko napagbigyan ang kalibugan niya. I am so sure that he has something to do with this. Kilala ko si Perseus, hindi siya gagawa ng ikasisira niya—kunsabagay, si Perseus Vejar ang pinag–uusapan dito. He has that power, hindi siya artista pero pinag–uusapan siya palagi ng media. Lalo na siguro ngayon, maybe people are celebrating because he's in the video.

Ganoon naman ang mundo, lahat ng glory naibibigay sa mga kalalakihan, pero kapag kahihiyan sa babae ang bato. Napaka–unfair. Hindi ba naiisip ng mga tao na sa isang istorya ay may biktima? Sa panahon ngayon, mas nais pang sisihin ang biktima kaysa sa talagang may sala and that is exactly what I am experiencing now.

"He said that you cannot avoid it. He's in the car, waiting for you," sabi pa sa akin noong driver. May punto rin naman si Mr. Sanchez. Maghaharap at maghaharap kaming dalawa. Inayos ko lang ang sarili ko pagkatapos ay naglakad na ako patungo sa kotseng iyon. Binuksan ang pinto para sa akin at sa loob, nakita ko si Mr. Sanchez, nakangisi agad siya sa akin.

"Good morning, Miss Annabeth, or should I say Mariposa?"

I had always loved that name but hearing it from this asshole made me hate it.

Sinenyasan niya ang driver na magmaneho na. I am silently sitting in my place, siya ay titig na titig sa akin—iyong titig na parang hinuhubaran na ako.

"Is it hard?" He asked me. "Para kang bumangga sa poste, Annabeth..." Hinaplos niya ang balat ko. Napangiwi ako. "Kung sana, pinagbigyan mo ako, I may have spared you. Masasarapan ka pa sa akin." He took my hand and put it on his crotch area. Nagulat ako! Parang napaso akong inalis ang kamay ko roon at namumuhi ko siyang tiningnan. "Ayaw mo ba talaga o nagkukunwari ka lang? Is this a part of your service?"

"What the hell do you want from me?"

"I wanna fuck you. Madali lang naman sigurong intindihin iyon, 'di ba?" Lumapit siya sa akin para halikan ako pero mabilis ang kamay ko at sinampal ko siya nang dalawang ulit. Gulat na gulat siya pero nagawa niya pa akong ngisihan—kasabay noon ay sinampal niya rin ako. I swear natulig ang tainga ko. Para akong nabingi. Ang sumunod doon ay ang paghatak niya sa buhok ko.

"Fuck you! Wala kang karapatang saktan ako! Ano bang akala mo, por que nakatuntong ka sa kalabaw, mabuti na rin ang buhay mo?! You are a slut and will forever be a slut! And I am going to get what I want!" Dinuraan niya ako sa mukha. Napapikit ako. Hindi pa ako nakakahuma ay nginudngod niya ako upuan. Hindi ako nakasigaw. Naramdaman kong tinali niya ang mga kamay ko tapos ay binusalan niya ako sa bibig. Muli niyang hinatak ang buhok ko pagkatapos ay sinampal ako nang tatlong beses. Pakiramdam ko pumutok ang labi ko. Iyak ako nang iyak.

Danas ko na ang ganito. May mga kliyente ako noon na nagbabayad talaga para manakit. Dalawang beses akong nabugbog ng foreigner noon dahil sa sobrang gigil sa akin, pero iba ito ngayon. Takot na takot ako. Piniringan niya rin ang mga mata ko.

All I could do at that moment is to pray hard, sana makalabas ako rito, sana matapos na ito.

Sana lang talaga.

ღღღ

JESTONI AMBROCIO

SI ANDRES ANG kasama ko habang nasa loob ng elevator ng kompanya nina Annabeth. Dala ko lahat ng printed evidence na magpapatunay kung gaano kagago si Mr. Sanchez. Hindi ko alam, hindi ko makita ang timeline, but I am on it already, but this man has been obsessed with Annabeth for a long time. Ayon sa mga nakuhang file ni Barang sa computer files ng lalaking iyon gamit ang software na ginawa niya ay kay tagal na niyang sinusubaybayan si Annabeth. He has pictures of her in his file—random pictures of Annabeth going out of the car, drinking coffee, may larawan pang nagbibihis si Annabeth na kuha mula sa labas ng bintana ng huli.

This is not good. No one knows about this. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang ginagawa ni Mr. Sanchez kay Annabeth. Hindi niya ito makuha sa maayos kaya ngayon kinukuha niya sa dahas. Annabeth is in danger and the only person that knows about this is me. I need to tell everyone. It's a part of my job.

"Lika na," sabi ni Andres habang inaalalayan ako. Ilang beses ko nang minura iyong paa ko. Kailangan makisama ng paa ko, kailangan umayos ng lakad ko. Akay–akay ako ni Andres, sa pagmamadali namin ay ilang beses pang nalaglag ang saklay ko.

"Tang ina naman, Andres!"

"Sabi ko nga bubuhatin na lang kita! Andoon na si Adi! Naiinip na iyon."

"E, 'di buhatin mo na!" Singhal ko. Sukat ba naman binuhat nga ako ni Andres na para kaming bagong kasal. Hindi ako nakapagsalita agad. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Jusko! Kahiya–hiya! Para kaming mga bakla! "Putang ina ka talaga Birada," sabi ko na lang pero nakarating naman kami sa conference room kung nasaan si Adi kasama si Maria Juana, ang asawa ng pinsan ni Andres, at ang tiyuhin ni Annabeth na si former Senator Elpidio Sihurano. Ibinaba ako ni Andres sa ibabaw mismo ng mesa. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Mukhang nakuha ni Adi ang ibig kong sabihin kaya inalalayan niya akong bumaba roon at pinaupo niya ako sa silya.

"Joke ba ito?" sabi ni Former Senator. "NBI agents ba kayo o tatlong itlog lang?"

"Ang sakit naman magsalita ng tatay mo, pinsan," sabi pa ni Andres.

"Dad, NBI agents talaga sila. Si Andres po, pinsan ni Jufran."

"Ano bang kailangan ninyong tatlo? Kanina ko pa tinatanong itong si Mr. Kaligayahan, pero mukhang hindi niya alam kung anong pakay ninyo sa akin."

"Si Mr. Sanchez po," sabi ko bigla. Inabot ko ang mga larawan kay Former Senator. Kasabay noon ay bumukas ang pinto ng conference room, may pumasok na isa pang dating pulitiko. Si Former Senator Presidente Sebastian Rojas, ang tatay ng pinakamagadang Miss Universe para sa akin—si Mariake Rojas, pero kasama niya ang asawa niya at isa pang lalaking mukhang mainit na rin ang ulo at kung hindi ako nagkakamali, iyon si Perseus Vejar.

Napatayo si former Senator.

"Gago ka Persues Vejar! Hindi talaga magandang impluwensya ang Vejar sa pamilyang ito!"

"Hindi ka nagkakamali r'yan, Elipidio," sabi naman ni Sebastian Rojas.

"Pa, pagpaliwanagin muna natin si Persues, please," sabi ni Mariake Rojas. "Uhm, who are these people?"

"Adi, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Perseus Vejar kay Adriano.

"Assignment, pre," sabi na lang ni Adi.

"Mamaya na po tayo mag–chikahan," wika ni Andres. "May sasabihin kami tungkol kay Mr. Sanchez."

"Right," I said. "He's been obsessing on Annabeth for a long time, I think. Mr. Senator, kung bubuksan mo ang envelope r'yan makikita mo lahat ng ebindensyang nakalap ko at ng team ko." Itatago ko na lang sa pangalang Barang ang team ko. Kinakabahan ako. Hindi ko nakita lahat ng larawang iyon pero may mangilan–ngilan doon na talagang hindi kaaya–aya sa mata. Napatayo si Former Senator.

"Nasaan si Annabeth? MJ, tawagan mo si Mariz," wika ni Sir Elpidio. "This is bad."

"I told you, I didn't have anything to do with the leaking of that video. My laptop was stolen two weeks ago," sabi pa ni Perseus.

"Shut up!" sigaw ni Elipidio at ni Sebastian. Nanlaki ang mga mata ko.

"Basta Vejar, bwisit!" sabi pa noong Sebastian. "Buti pa iyong asawa ni Mariah medyo matino."

"Pinsan po namin iyon, dad. 'Di ka sure," biglang sabi noong Kairos. Napailing ako. I took my phone out and texted my team—si Barang. I need to find Annabeth. Sabi naman niya ay nakaantabay lang siya. Naniniwala akong makikita niya si Annabeth agad, naniniwala ako sa kakayanan ni Barang. She never disappoints—well, one–time lang iyon, nang nakuha na pala siya ni Uriel.

Exactly seven minutes later, Barang messaged me the whereabouts of Annabeth. Napatayo ako kahit hirap akong gumalaw. Everyone is looking at me.

"She's in Mr. Sanchez town house in Alabang. Annabeth is not safe."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top