Chapter Eight
Disturbing
MARIA ANNABETH SIHURANO
"BAKIT GISING KA pa?"
Nadatnan ko si Dione na nakaupo sa kama niya. I was just about to go to my room. I was in my private office the whole afternoon trying to find a way to get back the money our company lost. Naghahanap ako ng mga posibleng investors, naglilista ng mga clients na talagang alam kong tapat sa pamilya nina Clarita, pero sa kabila nito, iniisip kong baka dahil talaga sa akin ay magsi–alis ang mga investors namin. Sana lang talaga h'wag nang umabot sa ganoon kasi mas lalong magiging mahirap ang lahat para sa akin. Baka wala na akong iharap na mukha kay Uncle Pidong. Dione smiled at me. She extended her arms and even though I have no idea what she wants, I came inside her room to take her hand and to sit beside her.
"What's wrong? Does your leg hurt?"
"No." She spoke. "I'm just really worried about you. I kind of heard you and Clarita talking last night. Why aren't you asking for my help? I may be paralyzed from waist down, but I can still make calls. I know a lot of people. I can make things go away."
"Dione... hindi ganoon iyon," I said to her. "I need to face things like this on my own. Naisip ko nga kung hanggang kailan ko nga kaya kayang takbuhan iyong buhay ko dati. Imposible namang maitago iyon. Ako lang naman iyong pilit na itinatago iyon." Napabuntonghininga ako. "Siguro, blessing na rin na nagkaganito, nailabas ang tinatago, wala na akong itatago sa kanila. I'll be free." I smiled at Dione again. "Matulog ka na, gabing–gabi na."
"I wish you happiness, Annabeth." Biglang sabi ni Dione. Napatitig ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman maganda ang simula namin ni Dione. She hated me, on the other hand, wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko naman siya nakasama nang matagal, naisip ko rin noon na hindi naman kailangan magkaroon ng relasyon dahil lang sa pinagbubuklod kami ng isang tao. Hindi maganda ang relasyon naming dalawa, at kung paano kami napunta rito ay hindi ko na rin alam. Basta nagising na lang akong sinusubukan naming dalawa. Hindi madali ang proseso, but at least we are here now.
"Ikaw talaga." May bumikig sa lalamunan ko.
"No, seriously. Sa dami ng taong nasaktan ko sa lifetime kong ito, unfortunately, kasama ka roon. All I am wishing for is your happiness, Annabeth. I pray every night, kahit hindi kapani–paniwalang nagdadasal ako, na sana makita mo iyong taong mamahalin ka at tatanggapin ka despite of everything." Humigpit ang hawak ni Dione sa kamay ko. "And also, I'm being a little selfish, but I was wishing that when that day happens, nandito pa rin ako."
"Shut up," I playfully said. Hinaplos ko ang pisngi ni Dione. "Of course, you'll be here. Ikaw talaga. Matulog ka na, okay?" Inayos ko si Dione at nang masiguro kong komportable na siya ay lumabas na ako ng kanyang silid. I left her lamp on, at iniwan ko ring nakaawang ang pinto niya, baka kasi hindi ko marinig ang boses niya mamaya.
I went to my room and sat on the edge of the bed. I feel like the hardest days are about to come. Naisip kong baka hindi pa sa ganoon tumigil si Mr. Sanchez, baka sobrang na–offend ang pagkalalaki niya dahil tinanggihan ko siya noon. May mga lalaking sobrang laki ng ego pero maliit naman ang ari, parang si Mr. Sanchez. I don't know about the genitalia part, but I am sure about his ego. I sighed. Maniniwala na lang akong magiging okay rin ang lahat at matatapos din ito. Mas kailangan kong mag–focus sa trabaho ko, nakakahiya naman kay Uncle dahil ilang araw na akong hindi pumapasok sa office.
Nag–ayos na ako para matulog. I wore my comfy pajamas. Bago ako sumampa sa kama ay kinuha ko ang phone ko para tawagan sina Ate Ria at Tatay, kaso hindi naman sumasagot iyong dalawa. Busy siguro. Ang balita ko, nabuksan na ulit ang club kagabi. Kung papayag lang talaga si Ate Ria, pag–aaralin ko siya, kukunin ko sila ni Tatay sa lugar na iyon, mas gusto kong magkakasama pa rin kami, kaya lang silang dalawa mismo ang may ayaw. Hindi raw tama makisama sila sa akin gayong kaya naman daw nilang magtrabaho at kumita ng sarili nilang mga pera. Minsan, sumasama talaga ang loob ko lalo na at ayaw nilang tinatanggap ang perang bigay ko kaya dinadaan ko na lang sa pagbili ng mga pagkain para sa kanila.
Inilagay ko ang phone ko sa bedside table. Kasalukuyan na akong nagpapaantok nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell sa ibaba. Anong oras na ba? Bakit may tao pa rin? Napabuntonghininga ako. Mabilis akong bumangon, baka kasi tulog na rin si Ate Lisa, ang kasambahay namin kaya ako na lang ang magbubukas ng pinto. Bumaba ako agad ngunit bago iyon ay tiningnan ko muna sa maliit na monitor sa may pinto kung sino ang nasa front gate.
Si Sir Toni. Takang–taka akong binuksan ang pinto. Anong ginagawa niya rito? Disoras na nang gabi. Lumabas ako at tinungo naman ang front gate. Nagtatakang binuksan ko iyon. Nakita kong sobrang uncomfortable ng hitsura niya. Nakatayo siya, nakataas ang paa niyang may cast nang bahagya sa lupa tapos ay may dala siyang puting plastic.
"Sir, anong atin? Gabi na po, may problema po ba?"
"Ahhh... Wala naman, Miss Sihurano. Nangungumusta lang." Parang hiyang–hiyang wika niya. Feeling ko nga gusto niyang magkamot ng ulo. Napatawa ako. Mukhang naiilang talaga siya.
"Ang formal naman masyado. Annabeth na lang." I smiled at him.
"Ah, Toni na lang rin ang itawag mo sa akin. Okay ka ba? Wala ka bang nararamdaman? Kumusta ka naman?" Hindi ko naiintidihan kung anong nangyayari but he sounded sincere. Napatango lang ako.
"Maliban sa marami–rami akong iniisip, okay naman talaga ako," sabi ko sa kanya. "Bakit?"
"Wala naman. Nagdala ako ng balot, kumakain ka ba nito?" Paano kaya siya nakapunta rito? Siguro nag–taxi. Wala naman siyang dalang sasakyan. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya kung kumakain ba raw ako ng balot. Lumapit ako sa kanya para maalalayan ko siya. We opted to sit on the sides of my house. Nakaupo kami pareho sa flower box sa may harapan ng bahay ko. Siya iyong nagbabalat ng balot, ako naman ay kinakagat iyong shell ng nilagang mani na dala rin niya.
"Nami–miss kong kumain nang ganito," sabi ko bigla. "Salamat, ha, naisip mo akong kumustahin."
"Ahh, friends naman na tayo, kaya normal na iyon." Ibinigay niya sa akin ang balot. Sinipsip ko muna ang sabaw noon. Napansin kong nakatitig siya sa akin, iyong expression ng mukha niya ay iyong parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya naman ginagawa. Mukhang sa aming dalawa, siya talaga ang hindi okay.
"Friends tayo? Nice." I only smiled. I really wanna ask him what he's doing here, tapos naisip ko na... I cleared my throat. "Ahm... Toni, ano, ha..." Napatingin siya sa akin. "I don't want to offend you, but I am not going to have sex with you." Straightforward na sabi ko. Pinagmasdan ko naman ang hitsura niya, halos lumuwa ang mga mata niya.
"Hindi ako nagpunta rito para doon!" Bahagyang tumaas ang boses niya.
"Hindi? But you brought balot..."
"Kapag may balot, sex na agad?" Nagtatakang tanong niya. He was shaking his head. "Don't get me wrong, Annabeth, maganda ka, pero hindi ako nagpunta rito para doon, I just wanted to check on you."
"Why?" I asked. Why would he want to check on me? May nangyayari ba? Hindi siya nagsalita. It was my turn to say something, and I felt like apologizing to him since it's the right thing to do. "Sorry for thinking that way."
Tumango lang si Toni. Ako naman ay kinain na ang balot na hawak ko. I kinda miss this life—well, not the prostitution part of my life. I miss living simply. Sabay pa kaming napabuntonghininga.
"You should really stop belittling yourself." He spoke again. "Lahat tayo may nakaraan, hindi man pare–pareho pero iyong nakaraan na iyon, iyon ang humubog sa pagkatao natin. You should be proud of yourself, Annabeth, from there, you're here now. Malaking pagbabago ang naganap sa buhay mo at nangyari iyon dahil nagsumikap ka."
"Alam ko naman iyon at masaya naman ako para sa sarili ko. Kaya lang kung minsan, iniisip ko kung hanggang kailan ba ako mamumuhay sa ilalim ng anino ng kapokpokan ko dati." Pagak akong tumawa. "Pero, tama ka. I shouldn't mope around for this. Saka ako naman talaga ang nasa katwiran, dapat hindi ako matakot, kaya lang..."
"Kaya lang?"
"Kaya lang iniisip ko iyong pamilyang ito. Lahat na lang ng binibigay ko sa kanila kahihiyan. Nakakahiya na. Madalas iniisip kong mas masaya ako noong simple lang iyong buhay ko, kasi wala akong iniisip na apelyidong madudumihan, wala akong iniisip na mga taong kailangan i–please... Noon kasi basta may laman ang sikmura ko at ng pamilya ko masaya na ako."
"You should stop thinking that way. Hindi ka magiging masaya kung palaging ganyan ang mind set mo," sabi pa niya sa akin. "Basta maging masaya ka na lang. Tanggapin mo lahat ng ibinabato ng mundo kasi kapag nasapo mo iyon, lahat ng kasunod niyan, chicken na lang." Sinabayan ni Jestoni iyon nang malaking ngiti sa labi. Napatawa tuloy ako.
"Alam mo, ang boyfriend material mo," wala sa loob na wika ko, pero totoo naman iyon. Napansin kong parang nahiya pa siya kaya lalo akong natawa. Kung ang lahat ng tao sa paligid ko ay sinasabi sa akin ang mga bagay na ito, at pinalalakas ang loob ko, sino ako para magmukmok? Tama silang lahat, mula kay Uncle Pidong hanggang kay Toni, kaya ko ito at kakayanin ko kahit na ano pang ibato sa akin kasi malakas ako.
Halos mag–uumaga na umuwi si Toni. I insisted on taking him home, but he said he'd call a Grab car. Nang dumating iyon ay muli akong nagpasalamat sa kanya, hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok sa bahay at magtuloy sa aking silid. Gumaan talaga ang pakiramdam ko. Kanina na–realize kong wala pala akong masyadong kaibigan sa mundong ito. Lahat kasi ay iniiwasan ko sa takot na malaman nila ang sikreto ko noon, but now that everyone knows about it, I just don't care anymore.
I checked on Dione again, she was still asleep. Nagtuloy na ako sa silid ko. It's already four in the morning and I am feeling sleepy—sleepy but happy. Thanks to that small talk with Toni. I gained confidence again, and a new friend.
I checked on my phone again before going to sleep. Wala pa ring message galing kina Ate Ria. I turned it off and decided to go to sleep.
Oh, it will be such a happy day.
ღღღ
JESTONI AMBROCIO
I DIDN'T HAVE the heart to tell Annabeth what's really happening at that moment. Hindi ko kayang bawiin ang mga ngiti niyang iyon habang nag–uusap kami kanina. Naisip kong mula nang makilala ko siya ay kanina ko lang talaga nakita ang mga ngiti niyang umaabot sa kanyang mga mata. Masarap kausap si Annabeth, nakakatuwang marinig ang mga iniisip niya. Siguro, kahit paano ay gumaan ang kalooban niya.
Nag–aalala ako sa kanya. Mukhang wala siyang kaalam–alam sa nagaganap. Ano kayang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya ang tungkol sa kumakalat na video na iyon? Hindi lang iisa, apat ang lumabas sa magkakasunod na oras, hindi ko maintindihan kung anong pakay ng gumagawa nito. Nag–usap kami ni Adi kagabi at positibo siyang may kinalaman si Mr. Sanchez sa pangyayaring ito. Napikon siguro ang lalaking iyon dahil nagsampa ng kaso si Annabeth laban sa kanya at para masira ito sa mata ng mga tao ay ni–release niya ang video na ito.
It's too much for Annabeth to handle. There are four videos; dalawa roon ay kasama si Perseus Vejar, ang dalawa ay kasama ang mga 'di kilalang lalaki na naging kliyente siguro niya noon. Balitang–balita si Perseus Vejar sa buong Pilipinas ngayon. Trending na rin sila ni Annabeth sa Twitter. Hindi ako mapakali. I need to do something. Sana lang hindi pa huli ang mga ito.
I parked my car in front of Avery's home. Matagal na kaming hindi nagkikitang dalawa, sinubukan ko siyang tawagan kanina pero hindi naman siya sumagot, pero nag–text naman ako at sinabi kong kailangan ko ng tulong niya. Nagpasama ako kay Leina para hindi naman masyadong nakakailang ang pagharap ko kay Avery. Pero habang nagmamaneho papunta sa Corinthians, kung saan nakatira si Avery, ay naiilang naman ako kay Leina. Nasa loob kami ng sasakyan at hindi niya talaga maalis ang mata niya sa salamin.
"Oh, 'di ba, Toni, ang ganda ko. Kumusta naman iyong kinakain mo ang niluluto nitong nilalang na sobrang ganda? Ay nandito na pala tayo kina Barang." Hindi man lang siya nagpasintabi. Lumabas na lang siya ng kotse ko, ni hindi ako tinulungan kahit hirap pa akong gumalaw dahil sa saklay ko, pero nakakapagmaneho naman na ako kaya naniniwala akong pagaling na ako.
Pinapasok kami ng guard. Si Leina, nasa gate pa lang ay sumisigaw na ng 'Barang'. Hindi nagtagal ay lumabas nga si Barang, she was wearing what it seems to be an expensive brand of clothing. Nakalugay ang buhok niya, wala siyang makeup pero ang ganda–ganda niya pa rin talaga. Napangiti ako, pero na–freeze ang ngiting iyon nang lumabas mula sa likuran niya si Uriel Consunji. Tiningnan ako noong lalaki, nakipag–kamay pa siya sa akin saka nagpaalam kay Barang na aalis na at papasok sa office.
"Bye, baby!" Barang was waving like a child. Nang makalabas ang kotse ni Uriel ay hinarap niya kami ni Leina.
"Nasaan ang kambal?" tanong ni Leina.
"Hiniram ni Mama Mara, pero mamaya pupunta ako roon, sama ka na lang, Leina. Hi, Toni, anong tulong ang kailangan mo?"
"Ah, kasi ano..."
"Luh! Pasok muna kayo, mainit rito." Hinatak ni Barang ang kamay ni Leina. Nagtuloy kami sa may kitchen, si Leina, parang siya ang may–ari ng bahay, siya ang nag-aabalang mag–galaw roon. Siya na ang naghanda ng pagkain para sa amin habang ako ay tinatanong naman ni Avery.
"Anong tulong nga? Buti naman okay na iyang binti mo." She really looks so happy. Masaya rin naman ako para sa kanya.
"May sex video kasi iyong kaibigan ko."
"Tapos?" Hindi niya nilulubayan ang mga mata ko.
"Gusto ko sanang matunton iyong nagpakalat at gusto kong mabura iyon sa web."
Barang looked like she wanted to ask something. Humalukipkip pa siya.
"By any chance, iyong kaibigan mo ba ay si Annabeth pokpok?"
"Oh? Iyong kasama ni Perce sa video? Woman on top with matching silk tie!" Humiyaw si Leina. "Sa second video nakatayo sila sa may glass window! Grabe ang hot noon."
"Pinanood mo, Leina?!" I exclaimed.
"Yes. Bakit hindi ko papanoorin, eh si Perce iyon, kamag–anak namin iyon kailangan niya ng suporta."
"Kumusta naman si Annabeth?" tanong bigla ni Barang.
"Parang sa ngayon ay hindi niya pa alam."
"Viral siya tapos hindi niya alam? Kung ako iyon, magla–live pa ako sa social media, isasama ko iyong mga asawa ko."
"Mga?" takang–taka ako.
"Hayaan mo na si Leina, may sapak iyan. Anyway, kung iyon lang naman ang kailangan mo, madali lang namang gawin iyon Toni. Tutulungan kita. Doon tayo sa computer room ko." Tumayo si Avery, sumunod naman ako sa kanya. I was expecting a big room with a huge computer set–up pero dinala ako ni Avery sa isang parte ng lupain na kinatitirikan ng bahay ni Uriel—a separate building just for her computer set–up—na mukhang set–up na ng NASA dahil sa laki at dami ng mga monitors roon.
"Ano ito, evil lair?" I was joking.
"Hindi. Regalo lang ni Uriel ito noong birthday ko. Dito na rin ako naglalaro ng DOTA. I am now developing my own tracing software wherein kapag na–trace niya iyong source ay magse–send siya ng virus para sirain iyong software ng pinaggalingan. Hindi pa perfect pero gumagana naman na."
"'Di ba may ganoong software ang Consunji Security Systems?"
"Weak naman iyon. Iyong akin mas maganda. Upo ka." Sumunod naman ako. I watched her as she typed codes and algorithms. Ako iyong kinakabahan. Wala pa yatang fifteen minutes ay natunton na ni Barang ang source nang pagpapakalat ng video ni Annabeth.
"Buburahin ko na ito, pero hindi natin alam kung nasaan ang original copy. Pero maganda na rin na sa ngayon, mabubura na siya sa lahat ng social media platforms at kung saan man ito iu–upload ulit, made–detect ng system ko siya nang bahalang magtrabaho.
"Can you dig something about Mr. Sanchez?" tanong kong muli. Pwede kong gawin sa NBI iyon pero marami pang kailangang proseso bago ko makuha ang gusto ko. I can also do that in my home but Barang here is better in everything. She did what I asked her and in that whole afternoon, I was able to find things about Mr. Sanchez.
And some of them are disturbing...
Agad kong tinawagan si Adi.
"Buddy, nasaan ka? Kausapin mo si Chief. Kailangan ni Annabeth ng proteksyon. ASAP ito, Adriano. Papunta na ako r'yan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top