Chapter Seven
Scandal
MARIA ANNABETH SIHURANO
"HA? ANO... pwede bang manligaw?"
Napatitig ako kay Sir Toni. Iyon talaga ang narinig kong sinabi niya. Tinatanong niya ako kung pwede raw siyang manligaw o baka naman nabibingengot na rin ako pero naglinis naman ako ng tainga kanina. I only looked at him.
"Po?" Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa kanya. Sa iilang pagkakataong magkasama kami ni Sir Toni ay napansin ko na may pagka–weird siya pero hindi ko rin itatangging mukha siyang mabait. Iyon nga lang, kapansin–pansin din ang madaling pagkainit ng ulo niya, pero baka sa akin lang iyon. Kasi naman tuwing kasama niya ako, may kakaibang nangyayari sa kanya, para bang malas kaming dalawa sa presensya ng isa't isa.
"IBIG KONG SABIHIN KUNG PWEDE BANG MAY MAITULONG AKO SA 'YO!" Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang pagkakabitiw niya ng mga katagang iyon, hindi ko alam kung bakit disappointed ako pero at least narinig ko na siya nang maayos. Napansin kong nagtatawanan sina Sir Andres at Sir Adi. Nakita ko ring siniko ni Sir Toni si Sir Andres kaya halos mapaubo iyong isa.
"Buddy parang hindi naman iyon ang dinig ko."
"Manahimik ka!" He even exclaimed. Binalingan niya ako. "Pasensya ka na, Miss Sihurano."
"Ha? Okay—"
"Annabeth, okay na ba? We need to proceed to our next step," sabi ni Clarita. Agad naman akong tumango at ngumiti sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang papel na hawak ko pagkatapos ay tinanguan ko ang magkakaibigan saka ako umalis para sumunod kay Clarita.
Sa totoo lang, ayokong gawin itong pagsasampa ng kaso, masyado nang na–damage ang pangalang ipinahiram sa akin ng mga Sihurano, usap–usapan na rin kami sa buong business society pero iginiit ng mga pinsan ko na ito ang tamang gawin dahil kami naman talaga ang nasa tama. Kung ako lang, siguro nagpunta na ako kay Mr. Sanchez at ibinigay ang gusto niya. Pero naalala kong tama si Ate Ria, puta kami pero hindi ganoon kababa ang pagkatao namin, 'di tulad ng tingin ng iba.
Isa pa, kinausap ako ni Clarita, MJ, at Spica, palagi raw silang nasa likuran ko. Kahit paano naibsan noon ang pangamba sa puso ko. Si Dione naman, hanggang ngayon nasa bahay, hindi pa rin siya umuuwi sa kanila kahit na pinagtutulakan ko na siya. Kailangan niya nang bumalik sa bahay nila dahil sa therapy week niya, but she keeps on insisting that she could postpone it. Ayaw raw niyang mag–isa ako lalo na't may ganito palang problema.
"It's done," sabi bigla ni Clari. Ganoon lang? Wala man lang akong kahit anong sasabihin? Naalala ko sa mga teleserye na pinanood ko dati na kapag nagsasampa ng kaso ang bidang babae o lalaki napakaraming kailangan gawin, may interview pa pagkatapos, may press con pa, pero ganito lang pala iyon. Si Clari lang pala ang magsasabi ng it's done. Imbes na mawala ang nerbyos ko ay lalo akong kinabahan. Hinawakan ni Clari ang kamay ko. "It's gonna be okay, Annabeth. Now, all you have to do is go home and rest. Bukas ka na pumasok sa work." Kinindatan niya pa ako. "Paolo is outside already, ihahatid ka namin. Nakaalis na yata kanina sina Jufran, kami nang bahala sa 'yo."
Napakabait ng mga Sihurano sa akin kaya ganito ako sa kanila. Madalas akong hiyang–hiya sa mga bagay na ibinibigay nila sa akin, wala naman kasi akong naibibigay sa kanilang kahit ano kundi kahihiyan lang. Maraming beses ko na talagang inisip na umalis na lang pero tuwing naaalala ko si 'Tay Nilo, nakakaramdam ako ng guilt. The man died, but before that, he made it clear to me that he wanted to give me the life I deserve. Sinabi niyang lahat ng mayroon ako ngayon ay para sa akin talaga, buti pa siya naisip niyang ganoon, samantalang ako, hindi ko talaga makita ang sarili kong karapat–dapat sa lahat ng ito.
Paglabas namin ng krame ay talagang nagulat ko. Nabungaran ko ang napakaraming media sa labas. The moment I came out of the office, the cameras started flicking. Kahit saan ako tumingi ay may camera. Kahit saan ako magtago ay malamang makikita nila ako. Nagtago ako sa likod ni Paolo. I can hear their questions and it's degrading. Nakakahiya, lalo kong nararamdaman na napakababa ng pagkatao ko.
"Is it true? You were once an escort at naging costumer mo ang isa sa mga senador ng bansa?"
"Gaano ka na katagal sa ganitong trabaho, Miss Sihurano?"
"What is your reaction about Mr. Sanchez' press con saying that you only fucked your way up to be the CEO of your company?" Hindi ko na lang ipinakita ang mukha ko pero naiiyak ako. Why is it like this? Hanggang kailan ba ako hahabulin ng nakaraan ko? Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat, sana hindi ko na tinanggap ang buhay na ibinibigay sa akin ng pamilya ng tatay ko. I don't deserve any of this. If I could only turn back the time, I would stay where I am, doon kasi sigurado akong napakasaya ko.
Kung paano kami nakaalis sa krame ay hindi ko na alam. Sa sasakyan ay tahimik na umiiyak ako. Si Clari naman ay tinitingnan ako mula sa salamin, I kept on wiping my tears.
"Annabeth..." Tinawag niya ako pero ngumiti na lang ako sa kanya. Sakto namang inihinto na ni Paolo ang kotse sa tapat ng bahay ko. Nagpasalamat ako sa kanila at saka pumasok sa loob ng bahay. Katahimikan ang sumalubong sa akin. I sat on the sofa and let all the tears fall. Sa pagkakatanda ko, kahit nag–puta ako noon wala naman akong inagrabyado. Then why is this happening to me?
Kailan ba ako makakakawala sa nakaraang ito? All I wanted is to have a happy life, kahit simple lang, kahit balik ulit sa wala kami halos makain at kailangan pang magbanat ng buto para may laman lang sa sikmura, basta masaya ako. Kasi ngayon, kaya kong bilhin ang lahat ng pinapangarap ko lang noon pero hindi naman ako masaya...
ღღღ
JESTONI AMBROCIO
PINATAY KO NA lang iyong T.V. Nakakaramdam na kasi ako ng inis dahil wala namang ibang laman ang balita kundi ang pagsasampa ni Annabeth ng kaso at iyong walang kwentang press con ni Mr. Sanchez. Wala namang ibang objective ang press con niya kundi ang siraan lang si Annabeth pati na rin ang pamilya nito. Sinasabi niyang nagtiwala siya sa mga Sihurano pero nauwi sila sa ganito at lahat ng sisi ay ibinibunton niya kay Annabeth. Palagay ko naman ay mapapahiya ang lalaking ito, mukhang magaling na abogado ang pinsan ni Annabeth, mukhang kayang–kaya nilang lusutan ang problemang ito. Ang inaalala ko lang, kung pagkatapos ba nito, okay ba si Annabeth? This is very devastating to her. Lumalabas ang nakaraan niyang wala man lang siyang kalaban–laban. Nakakalungkot lang talaga.
"Kawawa rin iyang bago ninyong kaibigan, Toni." Biglang nagsalita si Ate Medy. Nagliligpit siya ng pinagkainan namin. Sa kusina na lang kami kumain na dalawa, may maliit na dining table naman roon. Nagluto si Ate Medy ng adobong manok tapos nilagyan niya ng itlog. Okay na kami sa hapunan, habang nagliligpit siya ay napagpasyahan ko ngang manood ng balita tapos iyon naman ang nabungaran ko. "Mukhang mabait naman pero talagang sinusubok siya."
"Mukhang kakayanin naman," sabi ko na lang para matapos ang usapan namin. I wondered how she's doing now. If I could only call her pero hindi ko gagawin. Hindi pa nga ako nakaka–move on sa kahihiyang ginawa ko kanina sa kanya tapos may gana pa akong tumawag para mangumusta? Hindi ko naman alam kasi kung bakit nasambit ko iyong tanong kay Annabeth na kung pwede ko siyang ligawan. Obviously wala namang ganoong relasyon sa pagitan naming dalawa. Inaamin ko namang nagagandahan ako sa kanya, nababaitan na rin, saka masarap siyang magluto, pero ayokong i–push ito. Hindi naman kami bagay na dalawa.
Kinuha ko ang saklay ko at naglakad na patungo sa sala. Hindi ako natutulog sa kwato mula nAng ma–injured ako kasi aakyat pa ako sa itaas. Maya–maya ay uuwi na rin si Ate Medy, wala na naman akong kausap kaya malamang ubusin ko na lang ang oras ko sa panonood ng pelikula o kaya man sa paglalaro. I sat on the couch, still thinking about Annabeth, I hope she's okay.
Suddenly, my phone beeped. Akala ko si Annabeth iyon, kaya mabilis kong kinuha, nalaglag pa nga kaya agad kong pinulot, pero imbes na pangalan ni Annabeth ang lumabas ay pangalan ni Barang iyon. Nagkaka–text naman kaming dalawa kahit hindi madalas pero nagugulat pa rin ako kapag nakikita ko ang pangalan niya sa screen. Napapalunok pa ako, para akong tangang pinindot ang mensaheng iyon.
From: Barang
Injured ka raw, nabanggit lang ni Anne, pagaling ka Toni para makalaro tayo ng DOTA by next week. Ingat.
She's just so nice. Jackpot talaga iyong napangasawa nitong si Barang. Kung nabigyan lang sana ako ng pagkakataon, siguro kami talaga ngayon. Nakakaramdam pa rin ako ng panghihinayang kapag si Barang ang pinag–uusapan pero masaya naman ako para sa kanya. Siyempre, nag–reply naman ako, pero pinatagal ko muna nang mga limamg minuto kasi baka isipin niya wala akong ginagawa.
To: Barang
Oo. Minalas eh. Sumali ba kayo sa Asian Tournament?
Hindi na nag–reply si Barang kahit na–seen naman niya ang message ko. Hindi na lang din ako maghihintay. Itinabi ko na lang ang phone ko tapos ay nanood na lang ako ng T.V. Pinipilit kong bakantehin ang isipan ko, iyon din ang dahilan kung bakit nakatulog ako. Hindi ko na naramdamang umalis si Ate Medy pero bandang hatinggabi, naramdaman kong pang lumulutang ako, kaya bigla akong naalimpungatan. Akala ko kasama pa rin sa panaginip kong nakakakita ako ng bituin imbes na kisame ng bahay ko, bituin talaga, hindi lang iyon, pakiramdam ko buhat ako nang kung sino—pero hindi lang basta pakiramdam iyon, buhat talaga ako ng kung sino.
"Taksiapo! Baba, baba ninyo ako!" Nang lingunin ko ay nakilala ko si Andres—siya ang may hawak sa akin sa bandang balikat ko, sa may paanan naman si Adi. "Mga sira ulo kayo!"
Tumawa lang naman iyong dalawa. Isinakay nila ako sa kotse, maingat naman pero ibinato ni Adi sa akin ang saklay ko
"Anong problema ninyo?!" sigaw ko. Tawa lang sila nang tawa.
"Pre, off namin bukas, inom tayo. Pwede naman, 'di ba, kahit injured ka. Saka sabi ni Ate Medy, wala ka naman daw ginagawa kundi ang matulog saka magbasa, at manood, inom tayo. Naghihintay na si Anne roon sa paborito nating inuman.
"Sana man lang tinawagan ninyo ako, hindi iyong papasok kayo sa bahay parang mga kidnapper."
"May kidnapper bang pumapasok sa front door?" tanong ni Adi. "Tanga nito, umaakyat dapat ang mga kidnapper sa bakod. Walang kidnapper na kumakatok, kumatok kaya kami." Muli na naman silang nagtawanan. Tahimik na lang akong naupo sa likod, kahit paano okay naman na rin, naiinip na nga rin ako sa bahay. Mabuti na lang next week aalisin na ang cast, isang linggo na lang din akong magpapahinga tapos kahit hindi pa tapos ang leave ko ay papasok na talaga ako.
We arrived at our favorite beer place. Korean beer place iyon. Gustong–gusto ni Anne iyong manok dito kaya pabalik–balik kami. Si Adi naman kasi kahit anong sabihin ni Anne binibigay niya lahat. Inalalayan nila akong bumaba ng kotse, sabay–sabay kaming pumasok sa loob, naroon na nga si Anne kasama niya iyong isa niyang kapatid, si Aelise, akala ko nasa Bulacan ito ngayon, pero andito rin pala. Siyempre, naupo na kami, si Adi at Anne ay magkatabi, ako at si Andres tapos si Aelise, siya ang nagluluto ng pork. Napansin kong may mangilan–ngilang used plates na rin, mukhang kanina pa kumakain si Annie.
"Kumusta ka na, boy?" tanong ni Aelise sa akin. "Okay ka na ba? Tanggap mo na bang wala kayo ni Barang? Ay shit! Sorry!" Kaya lang naman nila ako pinapunta rito para asarin.
"Grabe naman kayo, naka–move on na itong kaibigan natin," wika naman ni Andres.
"Hoy, ikaw nga pala, Andres, lubayan mo ang kapatid ko," sabi ni Adi. "Hindi ako natutuwa!"
"Bawalan mo iyong kapatid mo, siya iyong lapit nang lapit, aba."
"Ang ingay ninyo," sabi ni Annie. Sinubuan niya si Adi ng manok, ako naman ay nagsisimula nang mag–inom. Sa totoo lang hindi naman si Barang ang laman ng isipan ko ngayon. Dati, kapag nag–text siya nang ganoon, paulit–ulit kong babasahin ang message niya pero ngayon, nawala sa isipan kong na–seen niya ako. Ang nasa isip ko ngayon ay si Annabeth at kung kumusta na ba siya.
"Kumusta na kaya si Annabeth?" Wala na akong pakialam kahit pagkatuwaan pa ako ng mga ito. Nag–aalala ako roon sa tao. "Nakita ninyo ba iyong balita tungkol sa kanya? Nakakaawa, hindi naman niya deserve iyong ganoon."
"Mukha naman siyang malakas na tao," sabi ni Andres sa akin.
"Saka pokpok siya, kapag pokpok malakas ang loob," sabi bigla ni Annie. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Anne, hindi naman tama iyon." Pagbabawal ni Adriano. "Siguro ginawa niya iyon noon, but let's not define people by what they do."
"Bakit?" Nagtatakang tanong pa ni Anne. "Wala naman akong masamang ibig sabihin, trabaho naman talaga niya iyon. Usually, kapag nasa ganoong estado ng buhay, malalakas ang loob nila. Did you think it was easy for her to sell her body so she can feed her family? Of course not, she's strong, nakatagal siya sa ganoong klaseng trabaho kasi malakas siya. Hindi dahil sinasabi kong pokpok siya, mababa ang tingin ko sa kanya. I admire her, and she should give that mother fucker a lesson he will never forget. Kung ako lang iyon, hah! Bugbog sarado iyon!"
"Bakit, bakit ano bang ginawa? Sino iyong Annabeth? Iyong ex ni Percy?" Napatingin ako kay Aelise.
"Oo! She was harassed tapos iyong nang–harass pa iyong may ganang magsampa ng kaso."
"Taga–saan ba iyan? Baka pwedeng sunugin iyong bahay." Bigla akong napatawa. Nakalimutan ko kung bakit kahit nakakabwisit ang magkakapatid na Apelyido ay palagi akong suma–sama sa kanila, nakakatuwa silang kausap. Mga alpha pero mga babae, napakakatatapang, walang uurungan, kaya nga naging kaibigan ko sila.
"Ang dami ninyong kuwento, cheers!" sabi ko na lang. We drink. I am now enjoying myself, tulad ng sinabi ni Annie, naniniwala akong kaya ni Annabeth ang pinagdadanan niya ngayon. Kung kailangan man niya ng tulong, hindi naman ako magdadalawang–isip na ibigay iyon. We were in the middle of drinking when suddenly, Annie spoke again.
"Oh, si Annabeth pokpok." Napalingon ako. I was expecting to see her behind me, iyong tipong kakapasok lang ng restaurant pero imbes na iyon ay nagsunod–sunod ang pagtunog ng mga cellphone nila, muli ay tumingin ako sa mga kasama ko.
"Hala, oy, Adi, h'wag mong tingnan!" Frantic si Anne na tinakpan ang mata ni Adriano. Nang tingnan ko si Andres ay napa–antanda siya. Si Aelise naman ay napatayo.
"Putang ina! Mukhang may masaksak ng katana tonight!"
"What's happening?" I asked Andres. He looked at me.
"Sex video, pare. Si Annabeth ang bida. Wala. Malala na ito talaga."
Napaawang ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top