Chapter Thirteen
Simula
MARIA ANNABETH SIHURANO
HINDI KO ALAM kung ilang oras akong nakatulog, pero nang magising ako ay mag–isa na lamang ako sa silid na iyon, madilim na rin ang paligid, pagkatapos ay nakakarinig ako ng mga tawanan na nagmumula sa labas ng bintana. Hindi malinaw sa akin kung nasaan ako, but I feel fine. It's as if a big boulder of weight was lifted from my chest and I just feel light. I wanted to go back to sleep again because I was chasing the feeling of peace, but the door opened, and someone turned the lights on. I saw Toni entering the room. I don't think he knows I am awake and looking at him.
I'm not sure why I felt like that when I saw him. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito. I came with Maria Juana and Jufran here not knowing that he'd be here. Noong nakita ko si Toni, emotions came flushing down, hindi ko napigilan ang sarili ko, I just cried and let it all go. It's a good thing he let me cry, that he said some comforting words and that's enough to make me fall asleep. Ito rin yata ang unang beses na hindi ako nanaginip ng kung ano. I really feel at peace.
"Luh, gising ka na pala." Finally, he noticed that I was looking at him. Mas busy kasi siya sa kung anuman ang tinitingnan niya sa phone niya habang nakatayo siya sa may pinto. Ngumiti ako at saka dahan–dahang umupo sa gilid ng kama. "Do you feel better?"
"Hmmm..." Tango lang ang isinagot ko sa kanya. "Thank you," sabi ko pa nga. Hindi ko kayang ipaliwanag kung para saan ang thank you na sinasabi ko, mukhang gusto niyang tanungin kung para saan iyon, pero nginitian na lang niya ako. He sat beside me. We stayed in silence for quite a while. Ako naman ay walang balak basagin ang katahimikang iyon. Ilang linggo nang tahimik ang mundo ko, pero kahit tahimik iyon, may chaos na nagaganap sa isipan ko. I've been fighting this internal war and I keep on losing, but now, I feel like it's okay to be in silence, if he's here, then it'll be okay.
Humilig pa ako sa balikat niya. I felt Toni's light touch at the small of my back, hanggang sa naging permanente na ang kamay niya sa parteng iyon ng likuran ko.
"We should eat..." Narinig kong sabi niya sa akin. Tumango naman ako pero wala ni isa sa amin ang gumalaw. It's as if we're both enthralled with the silence that we have found within each other. I don't want to leave this bubble of peace. I just want to be here. Matapos ang lahat ng gulo at takot na naranasan ko sa isipan ko, hinding–hindi ako aalis sa kung anong mayroon ako ngayon. I wanna stay here and it seems like he wants that too.
"We'll eat later..." malumanay na wika ko.
"Yeah..." And there we find ourselves lying beside each other on that bed. I am surrounded by his arm while my face is on his chest. I really need this.
Naalala ko ang sabi ni Nanay sa aming magkapatid noon. Magulo ang mundong ginagalawan namin noon, kapag daw nakahanap kami ng katahimikan sa gitna ng kaguluhang iyon, h'wag na raw naming pakawalan. I have that with him. Can I keep Toni?
"Jestoni!"
And the peace is over. Pumasok si Sir Andres sa silid na iyon, narinig kong napabuga ng hininga si Toni. Dahan –dahan din siyang bumangon, ako naman ay natatawa sa reaksyong nakita ko sa kanya.
"Ay, Hi, Annabeth, gising ka na pala. Pinatatanong kasi ni Juana kung gising ka na. Kanina ka pa nila hinihintay bumaba." Noon ko lang naalala na kasama ko nga pala si Mary Jane at ang asawa niya.
"Hala, bababa na ako." Mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto, pero bago ako lumabas ay tinapunan ko muna ng tingin si Jestoni. I was smiling at him, he smiled back too pero nawala agad iyon dahil siguro na rin kay Andres. Bumaba ako ng hagdanan at tinahak ang labas, palagay ko naman kasi ay roon ko makikita ang pinsan ko at ang asawa niya. Hindi naman ako nagkamali dahil naroon nga sila.
Mary Jane waved at me when she noticed me standing near the porch. Nahihiya pa akong lumakad kasi napansin ko ring nakatingin sa akin ang mga kapatid ni Andres. Ano kayang iniisip nila? Wala naman akong ginawang masama pero baka isipin nilang makapal masyado ang mukha ko dahil feel at home ako masyado sa bahay nila.
"Hi..." nahihiyang binati ko sila. Nakagawa na sila ng bon fire and they made a circle around it. Nakalimutan ko ang mga pangalan ng mga kapatid ni Andres pero lahat sila ay naroon at mukhang mababait din sila. Iyong isang lalaki ay may katabing bata—sure naman akong anak niya iyon.
"Did you sleep well?" wika ni Mary Jane nang maupo ako sa tabi niya.
"I did. Surprisingly. I also feel a lot better now." Totoo talaga iyon.
"Buti naman."
"Ayan, dahil nandito ka na, Annabeth, papaliwanag namin sa 'yo ang ginagawa namin," sabi noong isang lalaki. Tumingin ako kay Jufran, gusto ko sanang magtanong kung sino ba iyong kumakausap sa akin.
"Annabeth, mga pinsan ko nga pala. Si Gerardo, anak niya si Joshua, si Jose Alberto, si Jose Maria tapos si Andres nasa loob baka niyayamot si Jestoni." Nagkatawanan sila, napangiti naman ako.
"Ang sarap ngang inisin ni Jestoni, mabilis kasi siyang mag–react. Anyway..." Iyong Jose Alberto ang nagsalita. "Naglalaro kami ng truth or dare, dahil naupo ka na rin dito, kasali ka na. Iikot na natin ang bote."
"Pa, Sali na rin kasi ako," wika noong batang si Joshua. Nagkantyawan pa ang mga lalaking ito pagkatapos ay nagtuloy na silang maglaro. I found myself enjoying the game. Matagal–tagal nang hindi ako nakakaramdam ng ganito. I am at ease, I don't feel scared or anything at all. I just feel like I am me.
Lumalim ang gabi pero naroon pa rin kami. Napakahaba ng round sa truth or dare, nand'yan iyong pinasayaw ng spaghetti–papaba si Jufran, kaya si Mary Jane ay napakalakas ng tawa. Noong si Mary Jane naman ang matapatan ng bote, dare din ang sinabi niya kaya pinasayaw rin siya ni Jufran ng spaghetti–pababa but Jufran made sure that it was being recorded, ipapakita raw niya kay Spica. Nakakatuwa ang mga kapatid ni Andres, lahat sila ay magaang kasama, tawa lang ako nang tawa. Pero medyo nakaramdam ako nang pagtataka dahil hindi sumama sa amin si Toni, si Adi, at si Andres.
"Nasaan sina Andres?" Hindi ko matiis na hindi itanong. Ang sumagot ay ang asawa ni Adi, si Anne, na ayon kay Jufran ay kapatid ng asawa ng kapitbahay nila sa kabilang lupain.
"Nasa loob. Mukhang may pinag–uusapan silang importante, pero hayaan mo na iyon, Annabeth. Ang mahalaga nagkakasiyahan tayo rito. Puro trabaho lang naman ang alam noong mga iyon."
"Alam ninyo, hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na nagpulis si Andres. Akala namin sa aming magkakapatid, siya ang magiging snatcher eh." Sinabayan na naman iyon ng tawanan. Napansin kong mababait silang lahat pero lagi nilang binu–bully si Andres.
Alas diez nang gabi nang magyaya na si Jufran na umuwi. Baka raw kasi hinahanap na kami ng Mamang niya. I was hesitant to leave because I wanted to say goodbye to Toni pero hindi siya lumabas. Instead of going inside the house, I just told one of Andres' cousin to tell Jestoni that I left already. I wanted to tell him to text me or call me—I just want us to get in touch.
I suddenly remembered that moment when he asked kung pwede raw bang manligaw sa akin, pero binawi niya iyon agad, just thinking about it, makes me blush.
"Hoy, okay ka lang ba?" tanong ni Juana sa akin habang pasakay kami ng kotse. I giggled and it seemed like she found my actions puzzling kasi kunot na kunot ang noo niya.
I came here earlier feeling down, but now, uuwi akong masaya. I never thought a good sleep will be able to make me feel like a new woman. Sana, laging ganito.
ღღღ
JESTONI AMBROCIO
"OOPPS! MAMAYA ka na sumunod kay Annabeth, lover boy."
Palabas na ako ng guest room nang pigilan ako ni Andres. Kunot na kunot ang noo ko, hindi lang iyon, pumasok rin si Adi sa loob ng silid na iyon na may dalang mga files na nakapaloob sa mga puting folder. Iyong excitement kong susunod sana ako kay Annabeth ay biglang nawala. I was reminded of the talk I had with Adriano earlier, about my sister's case and the new thing that they were able to find because of Annabeth's case. Nawala na iyon sa isipan ko kanina dahil nalibang ako sa bisita, but now that she's not here, I was reminded by the reality that I am in.
"Here, bud. Dinala ni Anne." Inilagay ni Adi sa may bandang dibdib ko ang files ni Annabeth Sihurano. Kahit na alam ko naman na ang laman niyon ay binuksan ko pa rin. I was right, nandoon ang salaysay ni Annabeth, ang copy ng complaint niya, medico legal at ang mga ilang larawang kuha sa crime scene. May larawan din ni Annabeth doon na may mga pasa pa at ilang mga sugat. Ayokong makita ang mga iyon. In my mind, Annabeth will always be beautiful, no matter what situation she is in.
Basta para sa akin ay maganda siya.
"What's new?" tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan pa sila. May hawak pang folder si Adi, kumpara sa hawak ko ngayon ay may kalumaan iyon and by just looking at it, alam ko na kaagad kung anong kaso noon.
"How did you get that?"
"May kaibigan si Anne sa records ng presinto kung saan nakalagak ang mga files ni Joyce. Noong naging magkaibigan tayong dalawa, and when you told me about your sister, ginusto kong tulungan ka but at that time, parang dead end na ang kaso, Toni, pero this..."
Binuksan niya ang folder. I didn't want to see that file again. Para sa akin, para akong bumabalik sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Ayokong maaalala ang naramdaman kong sakit noong makita namin si Joyce noon, but somehow, because of this development, I gained the confidence and the courage to face it all again. Para sa kapatid ko kaya kong gawin ang lahat. I want to give her the justice that she deserves.
Adi showed me a picture, halos faded na iyon. Wala namang naging development sa kaso ni Joyce noon, kaya ano itong pinakikita niya sa akin? Isa iyong larawan ng lumang presinto sa Pampanga, pero may nakabilog do'n na tao. It's a man, maybe in his thirties, smoking at the side of the building. Ang sumunod pang larawan ay sa may ilog kung saan ginawa ang imbestigasyon noon sa kapatid ko, the said man was encircled again, nasa mga miron siya noon, naninigarilyo rin. Sa pagkakataong iyon ay hinawakan ko na ang larawan. Isa na namang litrato ang pinakita ni Adi, it's the last one, but this time, the man was more visible, katabi niya ang chief of police noon ng Pampanga.
"It was only accidental that Annie saw this," wika pa ni Adi sa akin. "Naglilinis lang ako ng mga lumang files, ang balak ko ay i–dispose na ang mga hindi ko naman na kailangan, nahulog lang ito at napulot niya. She was the one who told me about this person, the same person she saw on the pictures on Annabeth's case. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napansin noong una, pero noong binalikan ko ang files ni Annabeth..." Kinuha niya sa akin ang folder at saka binulatlat iyon. There's a picture of Mr. Sanchez outside their company, sa kaliwa niya ay ang lalaking tinuturo ni Adi. "It's him. It's the same guy only fifteen years older. Barang confirmed it."
"Barang confirmed it..." anas ko. "Who's that?"
"Jeric Ravalo. Kapatid sa ina ni Mr. Sanchez."
ღღღ
HI, PA..."
I refused to sleep that night. Natagpuan ko ang sarili kong nasa porch at pinaka–iisip ang naging takbo ng usapan namin nina Adi at Andres kanina. Nagkaroon kami ng kasunduan na mag–iimbestiga pa sa kaso ni Annabeth—kahit na hindi ako kasama rito, dahil malakas ang paniniwala naming tatlo na ang kasong ito ang magiging sagot sa naiwang tanong sa kaso ni Joyce noon.
Why does it have to be connected? Anong kinalaman ng Jeric Ravalo at ni Mr. Sanchez sa kapatid ko noon? Malaki rin naman ang posibilidad na nagkataon lang ang mga pangyayaring ito. Maybe Jeric Ravalo just happened to be in the same place at the same time, but even for me that is absurd.
"Toni, bakit napatawag ka? Gabi na. Nasa bahay ka na ba o nasa opisina pa rin?" Maghahating–gabi na kaya siguro puno ng pag–aalala ang tinig ni Papa sa ngayon. Bahagya akong napangiti kahit na wala namang nakakakita sa akin. It's nice to think that at my age, nag–aalala pa rin ang mga magulang ko sa akin. "Oh, tinatanong din ng Mama mo kung bakit ka napatawag. Kung nakauwi at nakakain ka na raw. Kumusta na raw ba ang paa mo?"
"Nasa Bulacan ako, Pa. Sa bahay nina Andres dito. May party kasi, birthday ng tatay niya kaya nandito kami ngayon. Maaayos naman ako, Pa. Siguro bago ako bumalik sa Metro bukas ay dadalaw ako sa inyo..."
"Uuwi raw ang anak mo." Sigurado akong sinasabi ni Papa ang pinag–uusapan namin kay Mama. Napabuntonghininga ako. "Anak, anong problema?"
"Naaalala ko si Joyce, Pa." Sa pagkakataong iyon ay sabay na kaming napabuntonghininga ni Papa. Sigurado akong tulad ko ay naaalala niya rin ang kapatid ko. Naging maaayos kaming pamilya kahit nawala si Joyce, nagkaroon ng malaking dagok sa pamilya namin pero sa huli ay napagtagumpayan namin ang mga pagsubok na iyon, pero hindi na kami nakabalik pa sa dati. Palaging nandoon ang sakit ng kawalan, palaging nandoon ang katotohanan na hindi na kami mabubuo dahil wala na si Joyce. Alam kong kahit wala na sa serbisyo si Papa, dinaramdam niya pa rin na hindi niya naipagtanggol ang kapatid ko.
"I always miss her, Pa."
"Me too, son..."
Gusto kong sabihin sa kanya ang natuklasan nina Andres at Adi, pero ayokong umasa si Papa sa wala. Kailangan muna ng kongkretong ebidensya pagdating sa bagay na ito, but I promised myself that I will do everything for my sister and for Annabeth. Paulit–ulit kong sinasabi sa sarili ko na tutulungan ko si Annabeth at lalong nag-umigting iyon dahil sa pangyayaring ito.
"Pa, maibibigay rin natin ka Joyce ang hustisya. Pangako ko iyan..."
"Sige anak." Napuno ng katahimikan ang kabilang linya, pero hindi naman nagtagal iyon. "Magpahinga ka na. Mag–iingat ka palagi, okay? Mahal ka namin ng Mama mo."
The call ended, pero hindi pa rin tumatahimik ang puso kong kanina pa mabilis ang tibok. Naubos ko na ang isang boteng SanMig Lights na kinuha ko sa ref kanina. Balak ko sanang kalmahin ang sarili ko pero hindi ako nagtagumpay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga larawang bigay ni Adi sa akin.
"Toni, nandito ka pala." Nilingon ko ang nagma–may–ari ng malambing na tinig na iyon. It's Tita Cynthia. Nakatayo siya sa may pinto. "Bumaba lang ako para uminom ng tubig at nakita kong bukas ang pinto. Bakit hindi ka pa natutulog? Si Andres kanina pa naghihilik sa taas."
"May iniisip lang, Tita." Nginitian ko siya.
"Si Annabeth ba?" Nabigla ako sa tanong niya pero pinili ko na lang tumawa. Medyo tama naman kasi si Tita, oo at iniisip ko si Annabeth. Gusto ko kasing manatili sa mukha niya ang ngiting kanina ay nakita ko. She seemed to be comfortable when it comes to me. I want her to stay like that, iyong Annabeth na nakilala ko bago nangyari ang lahat ng ito. Naisip ko pa nga na okay lang kahit palagi akong naaaksidente kapag nand'yan siya, ang mahalaga masaya siya.
"Hindi mo pa siya girlfriend, hindi ba?" She asked me. Umiling naman ako. "Pero gusto mo siya?"
"Hindi... hindi ko pa po masabi, Tita. Basta ang alam ko lang..."
"Anong alam mo? Naku, magkaibigan nga kayo ni Andres. Palaging pabitin iyang mga sinasabi ninyo. Ano ba iyon? Ituloy mo nga!" Tumawa pa si Tita Cynthia. Ayoko naman kasing magsalita gaano dahil naiisip kong Psychiatrist siya, baka mamaya ina–assess niya lang ako. Pero matagal ko nang kilala si Tita at may palagay naman akong hindi niya iyon basta gagawin sa akin,.
"Alam ko lang po ay gusto ko siyang alagaan."
Napansin kong nakatitig sa akin si Tita Cynthia habang nakahalukipkip siya.
"I can see that Annabeth wants to be taken cared of too." Tinapik niya ang balikat ko. "Maybe it's just a hunch, I don't know, but maybe you will be good for her, and she'll be good for you too. Anyways, good luck sa inyong dalawa. Kapag pumasok ka, i–lock mo ang pinto, okay?" Kinindatan pa ako ni Tita Cynthia. She's a bit weird, but Adi and I loves her.
Noong college kami at noong nalaman niyang mga kaibigan kami ni Andres, tuwing dadalaw siya sa amin noon sa PMA ay may dala siyang maraming ulam para makasama kami ni Adi sa pagkain. Inalagaan niya rin kami, kaya napakadali para sa akin ang magsabi sa kanya.
I looked at the vastness of the night sky, may mangilan–ngilang mga bituin doon, habang titig na titig sa mga ito ay hindi ko maiwasang isipin si Annabeth. I hope she's looking at the stars now and I hope she realizes that like these stars, she shines too... hindi niya pa lang nare–realize ang mga bagay–bagay, but I can see her shining brightly one day...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top