Chapter 9: Solace

A/N: Don't forget to use the twitter hashtags #BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #Aiecher at makipagkulitan sa BHOCAMPERS ng Twitter world <3
Follow us on:
@MsButterflyWP
@BHOCAMPofficial
AIERE'S POV
"Sinisiguro po namin sa'yo Mr. Chase na maayos ang fire system ng penthouse. Katatapos lang i-check no'n kaya nakakapagtaka na bigla na lang nasira."
"Check the CCTV recordings." Archer said to the manager of the condominium in a calm voice.
"Sinisimulan na po ng security team namin. Hindi din kami tumawag ng media dahil alam namin ang kagustuhan niyo ng privacy-"
"Too late for that."
Nananatiling nasandal ako malaking glass wall malapit sa elevator dito sa penthouse ni Archer. Kanina pa ako nakatingin sa labas kung saan sa kabila ng taas ng kinaroroonan namin ay natatanaw ko ang mga tao na nagsisimula ng magkumpulan sa baba. Tatlo lang naman ang maaaring mga papel ng mga iyon. Nakikiusyoso, mga fan na nag vigil at natiyempuhan ang kaguluhang ito, at media mismo. Tama si Archer, it is too late because looks like someone alerted the media already.
The manager of the condominium is the exact contrast of Archer. The man looks like he's about to have an attack any moment. Samantalang si Archer...nananatiling kalmante. Walang mabasang ekspresyon sa mukha niya na para bang hindi man lang siya nag-aalala sa nangyayari. It's like he's used to this.
Nang makarating kami dito kanina ay saktong kapapatay lang ng apoy na na-detect sa penthouse ni Archer. Nagsimula ang sunog sa kusina at hindi naman iyon kumalat pa sa ibang bahagi ng bahay. When I looked at it awhile ago, the state of the kitchen is quite okay except the burned ceiling and table.
"Parating na po ang mga pulis, Sir." narinig kong sabi ng isa sa mga staff ng condominium sa manager nila.
Umalis ako mula sa pagkakasandal at walang pagmamadaling naglakad-lakad ako. Hindi ko tinignan sila Archer at inabala ko ang sarili ko sa paglibot ng paningin ko sa paligid. I can feel someone watching me and I'm pretty sure that Archer's eyes are on me but I ignored it and tried to act calmly.
Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa stante ng mga libro niya at kunwa'y tutok ang atensyon ko do'n. Kumuha ako ng isa sa mga libro at binuklat ko 'yon. Training my eyes to the words that I'm not reading and put it in front of me. Bahagya akong nag-angat ng mga mata kumailanlan para tignan si Archer at nang makita ko na hawak niya ang cellphone niya habang may sinasabi ang manager ay nagsimula ulit akong gumalaw. I continued moving as if I'm just simply exploring, until I reached the door of the kitchen.
Maingat na pumasok ako. May lawa parin ng tubig sa loob dahil napilitan ang mga staff at ang manager na buhusan na lang ng tubig ang kusina dahil hindi daw gumana ang sprinkles. Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ako do'n nang namataan kong can ng softdrink. I opened it and put it on top of the table while my eyes never stopped surveying the area.
Nilabas ko ang cellphone ko at pinagkukuhanan ko ng larawan ang paligid. Akmang iikot papunta sa kabilang panig ng table nang may maapakan ako. Kinuka ko iyon at napakunot noo ako nang makita ko na piraso ng photo paper iyon.
I flipped it and it was as if I've been punched in the stomach on what I saw. Larawan iyon ng isang batang babae. Ashley Chase.
Nanginginig ang kamay na kinuhanan ko din iyon ng larawan at pagkatapos ay inabot ko ulit ang can ng softdrink bago muling lumibot sa kusina. Masusi kong tinignan ang mga iyon. Walang pinapalampas.
Archer's kitchen is just like the whole vibes of the living room. Mas mukha pa itong model house kesa bahay na tinitirhan talaga. Walang buhay, walang kagamit-gamit kundi ang mukhang mga mamahaling dekorasyon. Parang walang nakatira. Ngayon naman sa kusina niya ay kahit mukhang kumpleto naman ang mga gamit ay mukhang display lang ang mga iyon sa mga mall. Parang kahit minsan ata hindi pa nagamit.
Despite the mess that happened it still look...stiff. Perpektong-perpekto parin ang pagkakaayos ng mga kagamitan.
I continued scanning the area, my eyes working fast. Hindi naging mahirap iyon dahil sa sobrang ayos ng mga gamit. That's why I instantly saw it when my eyes went passed it. A small shift of path away from the organized whole.
Nilapitan ako mga nakasalansan na mga kutsilyo na nakatusok sa lalagyanang kahoy. Ang isa sa mga iyon ay bahagyang nakaangat. Maingat na inangat ko ang kutsilyo, sinisigurong hindi ko nahahawakan lahat iyon. My breath instantly quicken when at the same time I pulled it, a letter wrapped around it went out with it.
Hindi na ako nagkaron ng oras para tignan pa iyon dahil nakarinig ako ng panibagong ingay sa labas. I think the police just arrived. Mabilis akong kumilos at binuksan ko ang mga cupboard. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko kaagad ang hinahanap ko. Inabot ko ang ziplock at mabilis na inilagay ko doon ang picture at ang sulat at pagkatapos ay inilagay ko iyon sa bulsa ng hoodie na suot ko.
I quickly put the knife back on its sheath, turned my back on it, and raise the can I'm holding to my lips.
Kaya nang pumasok si Archer ng kusina kasama ang dalawang police officer ay tanging ang tibok lang ng puso ko ang makakapagpatunay na hindi normal ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Wala parin makikita na kahit na ano kay Archer maliban sa pagkainip.
"Let's go."
Kinunutan ko siya ng noo sa sinabi niya, "Paano ang penthouse mo?"
"These officers will contact me if they found anything."
Nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya. Gano'n lang kadali para sa kaniya iwan ang sarili niyang bahay? Bukas na bukas dito pero parang hindi man siya natatakot na basta na lang may mawala. How can you call a place, home, if you don't even care what's inside of it?
"Okay." I said after awhile. "But I'll take this apple so I can eat something on the road. And this."
Nakita kong napamata sa akin ang dalawang pulis ng kumuha ako ng kutsilyo sa lalagyan. The same knife where I found the letter.
Nginitian ko ng matamis ang mga pulis. "Maarte kasi ako kumain ng apple." sabi ko sa kanila bago ko binilangan si Archer. "Where can I put this?"
Tahimik na nagbukas ng cupboard si Archer at may kinuhang paperbag doon bago ibinigay sa akin. Kinuha ko sa kaniya iyon at inilgay ang apple at pagkatapos ay pabaligtad na inilagay ko ang kutsilyo. Nakangiting lumapit ako kay Archer at magkasabay na lumabas na kami ng kusina.
Nilagpasan namin ang manager at mga staff ng condominium na kausap ng isa pang pulis at dumiretso na kami sa elevator. When the door of the lift closed, I heard Archer let out a sigh. Nag-angat ako sa kaniya ng tingin pero nanatiling tutok ang mga mata niya sa gumagalaw na numero sa itaas na bahagi ng elevator.
Looking at him being like this...acting like this, it take me all of my strength not to reach for his hand and hold it. Gusto kong makita ang Archer na nakikita ko nitong mga nakaraan. Gusto kong marinig ang pang-aasar niya, gusto kong makita na umabot sa mga mata niya ang ngiti niya, gusto kong marinig na tumatawa siya.
He don't deserve all the things he went through. Hindi niya deserve na magkaroon ng pamilya na meron siya. Hindi don't deserve the hate he feels towards himself. Dahil kahit pa sabihin na hindi ko siya kilala ng lubusan, alam kong mabuting tao siya. He's not the devil he see himself as.
Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang hudyat ng elevator na nakarating na kami sa basement parking. Nahugot ako sa kung ano mang iniisip ko at naalis ang tingin ko kay Archer nang pagbukas ng pinto ay napuno ng ingay ang paligid.
Napakunot-noo ako nang makita kong marami naring tao sa basement. May mga security guard na ngayon ay hinaharangan ang mga tao na mukhang halong mga fan at media. Lahat sila ay nagsisigawan, tinatawag ang pangalan ni Archer.
Naramdaman kong iniangat ni Archer ang hood ko at pagkatapos ay hinila ako palapit sa katawan niya. I didn't have the chance to speak when he guided me out of the elevator with his arm wrapped around my shoulder tightly, his hand holding my head so I can tuck it to his chest.
"Anong masasabi mo sa nangyaring insidente? May hinala na ho ba kayo kung sino ang may kagagawan nito?"
"Archer Chase, totoo bang ang binabahay mo na babae ang may kagagawan ng sunog sa penthouse mo?"
"Dahil ba sa kasama niyo ngayon kaya nagalit ang tinatago mong dating girlfriend?"
Wala ni isang sinagot si Archer sa mg nagtanong sa kaniya at dire-diretso lang siya habang iniiwas ako sa mga umaabot sa amin. Tinangka kong lumayo, dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko ang sarili ko, pero hindi niya ako pinakawalan.
Despite the questions and accusations being fired at him, his mouth remained closed, and not even a hint of irritation cross his face. Hindi ko maisip kung paano magagawang masanay ng isang tao sa ganitong klaseng buhay. Lahat nakatingin sa'yo, lahat tinatrato ka bilang pag-aari lang na hindi kinakailangang isipin ang nararamdaman, buhay na walang katahimikan...lahat inuungkat.
My cousin, Thunder, also go through this. Pero dahil sa BHO CAMP, nagagawa parin niyang mabuhay ng normal. Hindi kasi kami nagpapasok ng media at maging ang mga fan na pumupunta do'n ay pinagbabawalan na gumawa ng kahit na anong eksena dahil ultimano ay kinakailangan nilang alisin sa premises ng BHO CAMP.
"Sino siya, Archer? Diba hindi ka naman nagkaka-girlfriend?"
"Nilandi ka lang naman niyan diba? Siguro siya ang gumawa ng sunog sa penthouse mo!"
"Baka bi-ni-black mail niya ang Archer natin! Baka siya din ang nagpatawag ng media kasi gustong sumikat!"
Naramdaman kong may humaklit sa braso ko pero kaagad 'yong nahawakan ni Archer at binawi. Lalo pa niya akong kinikip sa katawan niya, ginagamit ang sariling katawan para hindi ako mahawakan ng mga taong gustong makalapit sa amin.
"Lay off!" he growled to the woman who grabbed me.
Dahil sa ginawa niya ay mas lalong nagkagulo ang mga tao pati na ang mga fan na hindi makapaniwala na pinagtanggol ako ng lalaki. Lumakas ang mga tanong ng mga tao, sabay-sabay at halos pasigaw, kinokompetensiya ang boses ng isa't-isa para marinig. Pero ang sigaw ng pag-uusisa lang kanina ay sa isang kisapmata...biglang nag-iba.
I felt the hair on the back of my neck stand the moment the the noise from the people went to a scream of terror just a moment after a shot rung around us. Nagkagulo ang mga tao sa paligid namin, lahat gustong ikubli ang mga sarili nila mula sa pinanggagalingan ng putok.
Hindi ko na pinag-aksayahan pa ng oras na hanapin ang pinanggagalingan no'n dahil sa dami ng tao ay alam kong hindi ko basta-basta iyong makikita at sa halip ay itinulak ko si Archer dahilan para matumba siya sa sahig pagkatapos ay mabilis ko siyang kinubabawan.
Kita ang pagrehistro ng gulat sa mga mata niya sa ginawa ko pero nanatili lang akong nasa ibabaw niya. Shielding him from harm. Hinawakan ko ng mahigpit ang paperbag at ikinawit ko 'yon sa pulso ko. I don't have any gun with me but at least I have a knife.
Ang kaninang blangkong mga mata ng lalaki ay napalitan na ngayon ng emosyon. Emosyon na hindi ko maintindihan kung bakit bumabalatay sa mga mata niya ngayon.
Galit.
Bago pa ako makagawa ng kahit na anong pagkilos ay ikinawit niya ang braso niya sa bewang ko at sa pagkabigla ko ay inikot ang posisyon namin. Tumayo siya at bago pa ako makapagsalita ay basta na lang niya akong binuhat at itinakbo papunta sa sasakyan niya.
He opened the passenger side and pushed me inside before he shut the door and went to the other side. Ilang sandali lang ay lulan narin siya ng kotse at pagkatapos ay iniatras niya iyon. Hindi na naging mahirap para sa kaniya na maialis ang sasakyan dahil sa mga taong nagsisipulasan na para magtago.
I felt the car jolt as a bullet hit Archer's side of the car. Pero hindi niya iyon pinansin at nagkonsentra lang sa paglabas ng sasakyan sa basement.
Nang tuluyan na kaming makalabas ay walang inaksayang sandali ang lalaki at pinasibad niya iyon paalis. His hands are gripping the steering wheel tightly that the white of his knuckles are showing. His jaws are clenched and his face is dark with anger.
"Archer-"
Napahawak ako sa dashboard ng sasakyan nang bigla na lang niyang tinapakan ang preno, ang paglangitngit ng kotse niya ay rinig na rinig kahit dito sa loob ng sasakyan. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero sa pagkagulat ko ay lumabas siya ng sasakyan at pabalabag na sinarado ang pintuan.
I can see him running his hand on his hard as a sign of agitation when I went out of the car. Lumapit ako sa kaniya sa kabila ng nakikita kong galit na nangingibabaw sa buong pagkatao niya.
"Archer, get inside. It's not safe-"
"Anong ginawa mo do'n?" tiim ang bagang na tanong niya.
Naguguluhang tinignan ko siya, "Anong ibig mong sabihin?"
"Are your life so miserable that you just want it to end there?"
Pakiramdam ko ay may kutsilyong tumarak sa dibdib ko, hindi sa sinabi niya kundi sa paraan ng pagsasalita niya. Na para bang may masama akong ginawa sa kaniya. Na para bang mali ang ginawa kong pagprotekta sa kaniya.
"Get inside the car, Archer." I said to him, coldness embracing my voice, hardening it into a sickle of ice.
"Just because of a man who didn't see your worth? Iyon ang gusto mong maging kamatayan?"
"Archer-"
"Answer me!"
Nag-tatagis ang mga ngipin na itinulak ko siya sa dibdib pero hindi man lang siya natinig sa kinatatayuan niya. Puno ng galit ang mga mata niya. Galit na alam ko na hindi niya sa akin dapat ibinabaling.
"I tried to protect you, you ass!" I shouted at him. "Kung hindi mo naaalala, I do that for a living. I protect people. If you don't see that then maybe I'm not the one who is so miserable that I would just want to be hit by a blazing bullet and die there!"
Alam kong hindi ko dapat sinabi iyon sa kaniya. Kita ko iyon sa mga mata niya na nawala ang galit na tila ba binuhusan iyon ng tubig na agad inapula ang apoy sa mga mata niya. Heaven knows I won't ever understand the things he went through. Pero alam ko kung anong ginawa ko. Alam kong hindi ako mali na protektahan siya.
He is a mission. My mission. Pero bukod do'n...ito ako. I am an agent. I am born to be an agent and to protect those who need it. Hindi ko kayang ipagkait 'yon. Kahit pa sa taong hindi kayang tanggapin ang ibinibigay ko.
"I won't let anyone die for me again because I clearly don't deserve it."
Now I understand the changed in him. Kung bakit akala ko ay isinarado niya bigla ang sarili niya. He didn't close himself and shut the world off but instead something resurface from the darkest part of him, letting hell break loose. The demons danced around his eyes. And those demons are the one who uttered those words.
NAKATUTOK ang atensyon ko sa binabasang file sa tablet na hawak ko. Ramdam ko ang lamig maging ang pagbalot ng kadiliman sa paligid pero hindi ko ininda 'yon. Mula pa kanina, para matakasan ang mga magugulong agent, ay dito ako tumuloy sa malaking fountain na nasa gitna ng BHO CAMP malapit sa playground, para basahin ang iba pang impormasyon tungkol kay Archer.
Halos lahat kasi ng mga agent ay nasa headquarters. Ang iba naman ay may mga duty kaya mas malaki ang chance na makapag-isa ako dito kesa kung tatambay ako sa headquarters. Wala na din namang mga guest dahil lahat sila ay malamang nag di-dinner na, nasa Paige's ang bar ng BHO CAMP, o mga namamahinga na .
At dahil kailangan ko ng katahimikan, dito na lang ako pumunta. Bihira naman kasi ang pumupunta dito dahil bihira din naman ang mga batang guest. I need time to clear my head and think about everything that happened yesterday.
Naipasa ko na sa Experiment Department ang mga nakuha kong ebidensiya at pinag-aaralan na 'yon para malaman kung may maaari ba kaming magamit sa mga 'yon para ma-trace ang pinanggalingan niyon.
The letter I found contains the same message that the other letters have.
'Pay what you owe.'
Matagal ng hinahanap ni Dawn ang kumidnap sa magkapatid na Archer at Ashley Chase. Pero hanggang ngayon hindi parin sila nakikita. The last news involving them was when the whole group was taken down by the government. Iyon ay nangyari ilang buwan lang makalipas nang pagkaligtas kay Archer.
Mayaman ang mag-asawang Veah Kristel Chase at Christopher Chase. Sila iyong mga klase ng tao na pinanganak na mayaman. Ang pagkakaiba lang, lumaki sa hirap si Mrs. Chase at sa pagsisikap ng pamilya niya ay nagawa nilang umunlad. Sa kabilang banda naman, ang ama ni Archer ay kahit ang kaninuninuan ay mayayaman.
Ayon sa source maloko sa babae si Christopher Chase at napilitan lang magseryoso ng mabuntis si Mrs. Chase kay Archer. Naging tahimik naman ang buhay nila at bibihirang lumalabas sa mga society pages. Maliban na lang sa mga pagkakataon na nadadamay ang pangalan ni Archer. Mula sa naging kidnapping, hanggang sa pag-layas ng binata sa poder ng mga magulang niya.
Mula no'n ay hindi na nakikita na nakasama ulit ni Archer ang mga magulang niya. Kung madalang na noon mas lalo pang nawala ngayon. Maliban na lang sa paminsan-minsan na pagkikita ni Archer at ng ina niya.
Pinatay ko ang tab at ipinatong ko 'yon sa tabi ng kinauupuan ko. Marahas akong napabuntong-hininga at tumingin sa langit na unti-unting tinatakpan ang tanging liwanag sa kadiliman ng paligid.
Kung mayaman sila Archer, imposible na hindi nakabantay ang mga Chase sa galaw niya. Kaya paanong hindi nila nagagawang mag-react man lang sa mga pagbabanta na natatanggap ng binata? How can you even ignore the fact that your son might be in danger?
Usually, ang mga mission na natatanggap namin ay kung hindi mismo galing sa subject o galing sa gobyerno, ay nanggagaling sa pamilya o kaibigan ng mga ibinibigay sa amin na subject. Even the most easy missions, they reached us because someone cared enough to do so. Pero hindi gano'n ang nangyayari kay Archer at sa pamilya niya. Masyado silang tahimik na parang wala silang pakielam.
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko na hoodie. Ang suplado ng taong 'yon pero suot ko pa din 'to kahit dapat sinilaban ko na 'to eh.
Sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko magawang ibalik sa kaniya ang hoodie na paulit-ulit niya sakin pinapagamit ulit. Siguro dahil sa iniiwasan ko din siya dahil nga sa naging kasungitan niya kahapon.
Dapat magalit din ako. And to be honest, I did get angry. Pero hindi ko magawang magalit ng tuluyan sa kaniya. Dahil kahit hindi niya alam, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit gano'n na lang ang takot niya sa ginawa ko. Naiintindihan ko siya. At kahit hindi ko aminin, kahit hindi ko alam kung bakit...nasasaktan ako para sa kaniya.
Muli akong napabuntong-hininga at kinuha ko na lang ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Isinaksak ko ang earphones doon bago ko ikinabit sa tenga ko. I can feel the pressure starting to creep into me that's why I need my music.
I click the random selection button and a small smile curved my lips when the song of Ella Henderson's, Yours, started. Its calm beat, as if a cure, instantly soften the stress that has been hardening my body.
I always been in love with music. Kaya nga kahit hindi ko pinapahalata ay nagustuhan ko din talaga ang Royalty. Kahit kasi kadalasan ay maingay at malikot ang tugtugin nila ay marami sa mga kanta nila ang talagang nagustuhan ko pati ang meaning. Katulad ng Clandestine, Lady, at ng Void.
Hindi nga lang ako katulad nila Hera at Athena na halatang-halata ang suporta lalo na sa mga concert. Dinadaig pa kasi nila ang mga fan talaga ng Royalty sa kaingayan pag may event. While I just stay on the sidelines, silently watching.
Hindi ko din alam kung bakit pero may attitude kasi ako na hindi ko kayang i-share sa mga tao ang mga bagay na gusto ko talaga. Katulad ng paborito kong libro, music, at kung ano-ano pa. Kapag nakakakilala ako ng taong gusto din ang gusto ko ay hindi ko ipinapahalata na paborito ko din ang gusto nila. I always been like that. Possesive ako sa mga bagay na gusto ko talaga. I want to keep it with me so I can call it mine even though half of the world thinks so too. Dahil sa mundo ko...ang importante lang ay kung anong gusto ko. Sa mundo ko, kaya kong tawaging akin kahit ang mga bagay na hindi pwedeng maging sakin lang.
"I wear your winter coat. The one you love to wear. So I keep feeling close. To us beyond compare, the moment we can have...you catch me in your eyes. That beauty on my pillow, that holds me in the night. And I will find my strength to untame my mouth when I used to be afraid of the words. But with you I've learned just to let it out, now my heart is ready to burst..."
I don't even know what this song mean to me. Wala namang kailangan ibig sabihin. Random lang na ito ang napili. Hindi din ito ang unang beses na napakinggan ko ito kaya kabisadong-kabisado ko na ang lyrics. Kusang lumalabas iyon mula sa bibig ko.
"Cause I, I feel like I'm ready for love. And I wanna be your everything and more. And I know every day you say it, but I just want you to be sure...that I'm yours."
Mabuti na lang din at wala ako sa lugar kung sana madali akong makikita ng mga agent. Hindi kasi talaga ako basta-basta kumakanta. Hindi naman kasi ako magaling kaya baka asarin pa ako. Tama lang ang boses ko. Sakto lang. Kahit na sinasabi ng pamilya ko na maganda daw ang boses ko at hindi nila alam kung saan ko daw nakuha 'yon dahil parehas na tone deaf ang mga magulang ko. But of course they're my family. Lahat maganda pagdating sa kanila.
"And if I've been feeling heavy. You take me from the dark, your arms they keep me steady, so nothing could fall apart. And I will find my strength to untame my mouth, when I used to be afraid of the words. But with you I've learned just to let it out, now my heart is ready to burst...'Cause I, I feel like I'm ready for love and I wanna be your everything and more. And I know every day you say it but I just want you to be sure...that I'm yours. That I'm yours."
Hindi ko pa tuluyang natatapos ang kanta nang kasabay nang pagbukas ng mga ilaw sa paligid at sa mismong fountain ay nakaramdam ako ng pagkilos sa gilid ko. Pakiramdam ko ay may sumaklot sa puso ko kasabay ng pagbalot sa akin ng hiya nang makita kong nakatayo di kalayuan sa akin si Archer at titig na titig sa akin. Hinilat ko ang suot na earphones para alisin at napatayo ako dahilan para mahulog ang cellphone ko sa lupa.
Pero hindi pa do'n natapos ang kamalasan ko dahil natabig ko ang tab dahil sa bigla kong pagkilos. Mabilis ang naging reflex ko at hinaklit ko ang tab at inihagis palayo sa tubig ng fountain na kahuhulugan no'n. Pero dahil na din sa posisyon ng katawan ko ay alam kong tuluyan akong mahuhulog sa tubig.
Ipinikit ko ang mga mata ko pero bago pa ako tuluyang mahulog ay naramdaman ko ang paghawak sa braso ko ng isang kamay. But it was too late. I felt my body hit the water. I expected it to hurt but instead of feeling the hardness of the cement hitting me, I felt a strong arm wrapped around me.
Iminulat ko ang mga mata ko at ang mga mata niya na puno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang sumalubong sa akin. Gone was the blank look in his eyes. The demons went hiding...and now I have the Archer that's been with me for quite awhile.
Parehas kaming basang-basa mula sa bumubuhos na tubig ng fountain pero sa kabila niyon ay hindi ko maramdaman ang lamig na dala niyon pati na ng malamig na hangin sa paligid.
"You can sing." he said barely above a whisper.
"H-Hindi-"
"That's the most beautiful thing I have ever heard."
Kita sa mga mata niya na kahit siya ay nabigla sa sinabi niya na para bang hindi niya intensyon na kumawala iyon mula sa bibig niya. Tinangka kong kumawala sa kaniya. Kailangan kong lumayo dahil naguguluhan na ako sa sarili kong nararamdaman. Pero hindi niya ako pinakawalan at nanatili lang nakapalibot ang mga braso niya sa akin. And his eyes looks confused like even that is strange to him.
I feel the exact same thing he feels. Dahil sa mga sandaling ito pakiramdam ko ay nawala lahat ng alam kong ako. Lahat ng akala ko ay nararamdaman ko.
"Let me go, Archer."
"I'm sorry."
Nagulat ako sa sinabi niya dahilan para matigilana ko sa akmang pagkalas sa kaniya, "Anong ibig mong sabihin?"
"I'm sorry for the way I acted. I...I just can't let you do that for me. Ayokong masaktan ka dahil sakin."
Naiintindihan ko kung bakit siya nagalit. Alam ko kung anong pinanggagalingan ng takot niya. But I don't understand why the way he care...is just too much. Too much for us. Too much for the nothing that we are.
Sa mga oras na ito, alam ko sa sarili ko kung ano ang totoong laman ng puso ko. Alam ko na hindi ko basta-basta maalis kung sino ang laman niyon. Hindi gano'n ang pagmamahal. My love for Mateo still occupies my heart. At kahit masakit, ayoko paring pakawalan 'yon. Dahil ang ibig sabihin lang no'n ay tuluyan ng matutuldukan kung ano ang ibinigay ko sa kaniya. Something real...something I've been keeping inside me for so long.
Pero sa mga oras na ito parang hindi naging importante iyon. Sa mga oras na ito...pakiramdam ko ay natakpan ang lahat ng kung anong alam kong nararamdaman ko. Because for a brief moment, I only felt Archer's warmth around me, my eyes held captive by his, and the beat of his heart that throbs with the perfect rhythm with mine.
Kaya nang dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa akin ay hindi ako kumilos para lumayo. For a moment, I just stayed there, waiting for him. For a moment...nothing matters. For one brief moment, I can feel him.
My lashes stroke my skin when I finally let my eyes dropped. Letting the moment take me away from the world. And at the next beat of his heart, I felt the softness of his lips touched mine. Soft...and slow, letting me drift to the river of elation.
For a moment, from nothing...came the two of us. Sa sandaling iyon, mula sa wala ay nagkaroon ng kami. Kahit na hindi dapat. Because we're two people that already given up the hope for something constant because we already embraced what we can only have.
We're two people who can never ruin what we have. Dahil kahit hindi man namin aminin ay kumakapit kami sa isa't-isa. And we can't ruin that. Because that's the only thing that's keeping us both sane.
Two people, under the moonlight...being each other's solace. Only then we should be together.
____________End of Chapter 9.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top