Chapter 8: Demons

A/N: Thank you to my admins; Celeste Laudette, Tita Pampam, and Pearl for answering my questions! Nastuck kasi ako dahil wala akong alam sa anatomiya hahaha! <3
Ps: Walang date ang pag a-update ko. Basta at least once a week meron unless wala ako sa Pilipinas. I would be leaving soon pero saglit lang naman. Please be patient and avoid pressuring me. Happy-Vibes-Comment-Box policy. Peace yow!
AIERE'S POV
It's not enough to say that the sun seeping into the windows of my room and hitting me straight into the face is blinding. It's much better to say that it's like staring into an Olympus god while he shifts into his divine form, which according to Greek mythology, will turn me into ashes. I feel like I'm nothing but ashes right now. No, no. Feeling like a pile of ash would be a gift. This is more like I got the torturous part of burning but I don't get the reward of being sent into nothingness.
Hindi ko maramdaman ang mga buto ko, hindi ako makagalaw ng hindi ko nararamdaman na parang umiikot ako, at ang tanging nagpapaalala lang sa akin na isa parin akong kawawa at pinarurusahang nilalang sa planetang Earth ay ang hindi matigil na tila pagpukpok sa ulo ko ng isang batalyong martilyo.
Kinapa ko ang paligid ko at nang maramdaman ko ang malambot na pakiramdam ng unan sa palad ko ay hinila ko iyon at marahas na ipinatong sa mukha ko. While holding that to my face, I fumbled for the control on my bed side table. Nang makapa ko iyon ay may pinindot ako doon na buton at hindi naman nagtagal, unti-unti ng dumilim ang paligid.
I inhaled a bunch of air and take the pillow away from my face, then slowly open my eyes. Pinanatili kong tuwid at hindi gumagalaw ang katawan ko habang nakatingin sa kisame. Alam kong isang maling galaw lang ay lalabas ang kung ano mang kinain ko ng nakaraan na araw.
Remember what Elsa said. Conceal don't feel. Conceal don't feel. Nanatili akong nakahiga at hindi gumagalaw maliban na lang sa dibdib ko dahil sa ginagawa kong pag-inhale at exhale. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko ang mantra ko for the day na hindi ko alam kung saang parte napulot ng nakasakay sa roller coaster kong utak. Conceal don't feel.
But as I lay there, I realize that I'm not ready for the rush of everything to just plummet down at me. Isang malaking hangal ang nagsabi na kapag marami kang nainom ay magiging blangko ang lahat sa'yo. Isang malaking fake news.
Hindi ako handa sa unti-unting pagpaparamdam ng alcohol na napunta na siguro sa mga ugat ko at ngayon ay nilalason na ang buo kong systema, ang mga kinain ko na ngayon ay nakikipag food-wrestling sa isa't-isa, and holy sheezums, the memories sprinting on high speed just to enter my now deranged brain.
"No. No...no." Conceal don't feel.
I remember splurging money as if there's no tomorrow. I remember eating a delicious greasy meal na ngayon ay parang gusto ko ng ilabas maisip ko pa lang. I remember being a giggly, no-filter, and seriously out of her mind drunkass.
I. Remember. Everything.
"Conceal don't feel."
Naaalala ko kung paano ako nakipaghawakan ng kamay sa rakista na 'yon. Kung paanong sumama ako sa kaniya kung saan-saan. I remember talking about Christian Grey, announcing to the world that I need to relieve myself, a password on a freaking public comfort room, taking my shirt off...
No, no, no. I'm forgetting one important memory.
Inangat ko ang kamay ko at inilagay ko 'yon sa tapat ng dibdib ko at mahinang tinapik ko iyon na parang kinakalma ko ang sarili ko. "Inhale...exhale. Conceal don't feel."
I should stop and not try to remember. Pero tuso din talaga ang mundo at wala talagang balak tantanan na parusahan ako dahil nang pilit kong binabarahan ang utak ko ay siya namang pasok ng mga imahe sa utak ko na para bang nanonood lang ako.
Instead of bells ringing in my ears...it was as if keys are jingling and making noises that went straight into the deepest part of my muddled brain. It's followed by the sound of my own voice uttering words over and over again as if it's a broken record.
'I was just trying to help you. Nahawakan ko na kaya ang susi mo. I told you, I felt something hard.'
"Concea...con..conceal don't fee...fee-"
Hindi ko na nagawang tapusin ang mantra ko dahil isang matinis at malakas na tili ang kumawala sa bibig ko habang nagsisipasukan ang mga ala-ala ng nagdaang araw sa utak ko. I jerked up from laying down and throw my pillow at the door as if that can help on throwing away the memories as well.
Nanggigigil na pinagsisipa ko ang kumot na nakabalunbon sakin habang umiirit pero saglit na napatigil ako ng makita ko ang kumot na nasa harapan ko. Kulay pink iyon at may maliliit na unicorn pang naka-design.
I bit down my lip hard, but even that didn't stop the scream from escaping my lips. Sigaw na dadaigin pa ang battle cry sa digmaan sa sobrang lakas. Gaano ako kalasing na hindi na ako nakarating sa sarili kong kwarto? At dito pa! Of all places!
Pabalabag na bumukas ang pintuan ko at iniluwa no'n ang mga taong inaasahan ko na na makita. Ang mga magulang ko at ang kapatid ko na ngayon ay nakatakip sa mga tenga nila dahil sa lakas ng sigaw ko.
Sa kumot pa lang alam ko na sa villa ako ng mga magulang ko dito sa The Camp napunta. May mga sarili kasing villa na hindi na pinaparentahan ang mga Elite agents at pati na ang Royalty dito sa The Camp. Iyon ng alang ang ibang Elites ay inalis na ang mga orihinal nilang gamit at tinurn over na sa The Camp ang villa nila para magamit ng guests. Pag dumadating na lang sila dito at saka nirereserve ulit yon. Nasa kaniya-kaniyang mga bahay na nila kasi ang mga Elites na nag retiro na. Malapit lang naman kasi dito dahil nasa Tagaytay din.
Pero katulad ng mga magulang ko na laging nandito sa The Camp ay naka-private ang villa na ginagamit nila. Kaya may sarili parin akong kwarto dito pati na ang kapatid ko.
"Pasado ala-una na ng hapon, anak. Hindi mo na kailangan agawan ng trabaho ang mga tandang para manggising ng tao." awat sakin ni Papa Wynd.
Ipinilig ko ang ulo ko at itinaas ko ang kamay ko nang tangkain nilang pumasok. Mabilis na tumayo ako pero muntik pang makipag face to face ang mukha ko sa carpet kung hindi lang ako nakakapit sa kama agad.
Tinakpan ko ang bibig ko nang maduwal ako at ipinikit ko ang mga mata ko. Conceal don't feel. Dahan-dahan akon umupo sa kama, natatakot na baka pag gumalaw na naman ako ay hindi ko na talaga mapigilan ang tiyak kong nagwawala na.
"Sarap makipag matigasan sa alak no?" tanong ni Mama na nakangisi pa. "Akala mo mananalo ka eh marami ng napatumba at napatay ang alak."
Napangiwi ako at iminulat ko ang mga mata ko. Lumapit sakin si mama habang si papa at kuya ay nasa pinto lang at pinapanood kami. Ginalaw-galaw ni papa ang hintuturo niya na parang sinasabing lagot ako habang si kuya naman ay nakangiwi din dahil sa kamorbidan ng nanay namin.
Umupo sa tabi ko si mama at may inilabas sa hawak niya na bag. Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng kung ano-anong medical paraphernalia.
"O-Okay lang ako, Ma. Nagkamali na ako. Hindi mo ako kailangang i-euthanasia."
Halos matanggal ang ulo ko sa leeg ko nang batukan niya ako. Napapa-aray na hinimas ko ang nasaktang ulo at nagpapaawang tumingin ako sa direksyon ng ama ko na napa-ooh pa. "Papa si mama o. Ang sakit na nga ng ulo ko eh."
Mukha namang naawa sakin si papa at akmang lalapit sakin pero nang bigyan siya ng matalim na tingin ni mama ay napatigil siya sa akmang paghakbang. Napasimangot ako at napunta ang atensyon ko sa kapatid ko. "Kuya...papatayin ako ni mama."
Hi ako takot masugatan sa mga mission at mapunta sa ospital pagkatapos. Pag gano'n kasi may rush pa ng adrenaline sa systema ko. Tapang tapangan pa kumbaga. Pero pag ganitong halos hindi ko pa nahahanap ang nagkalasog-lasog kong pagkatao, malamang hindi ko din mahanap ang tapang ko.
Bumuntong-hininga si kuya at lumapit sa akin. Saglit na napatigil siya ng bigyan din siya ng masamang tingin ni mama pero napapakamot lang sa ulo na hindi din niya natiis at lumapit din siya. Umupo siya sa kabilang panig ko at nakisilip sa ginagawa ni mama na paglalagay sa akin ng band at pagkatapos at pagpupunas ng bulak na may alcohol sa braso ko, bandang likod ng siko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may karayom na siyang nilabas at mabilis pa sa alas kwatro na tinanggal ko ang band at tumayo para makalayo sa kaniya.
Pinaningkitan ako ni mama at tinuro ang kama. "Balik dito."
Sunod-sunod na umiling ako. Kadalasan happy happy lang si mama pero pag ganitong naka mother hen mode siya kahit ako ay hindi na siya sinasagad ng sobra. "Ayaw."
"Aiere Roqas." she said with a warning in her voice
"Maliligo muna ako, Ma. Please?! Mawawala na 'to pagligo ko, promise. Hindi naman ako nagkaka-hangover." pagsisinungaling ko. Obvious na obvious na nga sa buong kabuuan ko na nilalamon na ako ng hangover.
Humalukipkip siya. "Iintayin kita dito. Kahit mag babad ka maghapon diyan sa loob hindi mo ko matatakasan. Unless kasya ka sa bintana."
Crap. Lulugo-lugong pumasok ako sa banyo at napapabuntong-hininga na binuksan ang shower. Sandali lang ay nasa tapat na ako ng tubig. Pinigilan ko pa ang pagduwal ko na malamang maririnig ni mama sa labas.
Hindi ko din kinayang tagalan ang paliligo dahil pakiramdam ko lalo akong nahihilo sa pagtama no'n sa mukha ko. Nang matapos ay ginawa ko muna ang mga orasyon ko at nang saktong nagpupunas na ako ng basa kong katawan ay nakarinig ako ng mahinang pagkatok at pagkatapos ay bumukas ang pintuan ng bahagya.
May sumuot na kamay at pagkatapos ay narinig ko ang boses ni kuya, "Damit mo."
Kinuha ko 'yon at nakangusong sinuot ko ang binigay niya na komportableng sweatshirt, leggings, and of course undies. Nang matapos ko 'yong isuot ay humarap ako sa salamin ng banyo at pilit na ngumiti ako. Pinisil-pisil ko pa ang pisngi ko para magkaroon ng kulay ang mukha ko ng bangkay na mukha.
Lumabas ako ng banyo at nakangiting humarap ako kaila mama kahit na nararamdaman ko ang pag-ikot ng kasamaan na dala ng alcohol na umiikot sa buo kong pagkatao.
"Okay na ko!" sigaw ko at itinaas ko pa ang mga kamay ko. Iginalaw-galaw ko 'yon na parang wine-wabe na hindi ko din naman natagalan dahil sa animo biglang pagsuntok sa sikmura ko. Napahawak ako sa tiyan ko habang ang isa ay sa bibig. "I'm dying."
Natatawang inalalayan ako ng kapatid ko paupo sa tabi ni mama na nakataas kilay lang na naghihintay sa akin. Sumusukong hinayaan ko na lang siya gawin ang ginawa niya kanina. Wala na din naman akong magagawa.
Nang muli kong makita ang karayom niya ay napairit ako at akmang tatayo ulit ako nang hawakan ako ni kuya sa balikat para hindi ako makagalaw.
"Bumilang ka hanggang lima." sabi ni Mama.
"O-One...two...three-"
Hindi ko na natapos ang pagbibilang ko at malakas na napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagtusok sa balat ko bandang antecubital. It was not that painful. Though the suspense were terrible.
"Hindi ka pa nasanay sa mga ganito eh lagi kayong tambay niyang kapatid mo sa ospital." sabi ni mama habang nilalagay ang IV bag sa stand.
Nakangusong tumayo ako at humawak sa IV stand. "Iba, Ma, yung nakikita naming pinahihirapan niyo ni papa yung mga pasyente niyo kesa kapag kami na."
"Correction. Pinapagaling." singit ni papa.
"Pinapahirapan muna."
"Lahat naman kailangan muna masaktan bago maging masaya."
Napangiwi ako sa biglang paghugot ni papa at ganoon din ang kapatid ko. Tanging si mama lang ang sumuporta sa kaniya na nag thumbs up pa. Minsan talaga pakiramdam ko hindi tumatanda ang mga magulang ko.
Kaya nga nakakapagtakang nagdoktor sila pati na si tito Ice, ang kakambal ni papa. Pare-parehas kasi silang mukhang hindi nagtitino. Mas bagets pa nga silang umakto kesa samin minsan.
"Ano bang nangyari at nagpakalasing ka naman ng sobra?" tanong pagkaraan ni mama.
Natigilan ako sa sinabi niya. Napatikhim ako para alisin ang biglang bumara sa lalamunan ko. Hindi naman kasi nila alam ang drama ko sa buhay. "Wala lang po. Nagkatuwaan lang kami ni Archer."
Bumuka ang bibig ni papa para magsalita pero naunahan siya ni kuya na naging seryoso ang mukha, "At kailan pa kayo naging close?"
"Uhh...he's a friend of our cousin's husband?" patanong na sabi ko. "Malamang kakilala ko siya."
Muling bumuka ang bibig ni papa pero tinikom niya lang ulit 'yon nang maunahan na naman siya ng kapatid ko. "Is that enough to go out with him and drunk your ass off. You were passed out, Aiere."
"Nagkatuwaan nga lang."
"Kahit-"
Nagsalit ulit si kuya dahilan para maputol ang sasabihin ni papa. "Kahit pa na kaclose mo 'yon o hindi lalaki pa din 'yon. Tama ba na maglasing ka kasama ng lalaki na hindi mo pa naman kilala talaga? Paano kung nakainom 'yon tapos kung ano pa ang gawin sa'yo?"
"I think I could have handled myself." I said.
"Lasing-"
"Lasing na lasing ka nga kagabi. Paano mo naman mapoprotektahan ang sarili mo? Wala naman masamang uminom. Basta alam mo ang limitasyon mo. You're already a grown up. Dapat alam mo na 'yan."
Ako naman ang naudlot ang akmang pagsasalita nang itinaas ni papa ang dalawa niyang kamay at malakas sumigaw ng 'Hep!'. Imbis na sa akin humarap ay si kuya ang binalingan niya at tinapik-tapik ang balikat ng masama parina ang tingin sakin na kapatid ko.
"Kumalma ka, Fiere. Baka hindi na ako magka-apo kay Athena kapag inatake ka bigla diyan."
"Pero pa-"
"At pwede ako naman ang magsalita? Inaagawan mo na ako ng papel eh."
Tinikom ni kuya ang bibig niya pero pinanlakihan ako ng mga mata. Ginaya ko din siya at inirapan bago ko binaling ang atensyon ko kay papa na naiiling na lang. Ito ang hirap talaga sa pamilya namin. Kapag napapagalitan dapat kumpleto ang buong pamilya sa pagsermon.
"Baby, 'wag na sana maulit ang gano'n. If you want to get drunk at least do it with a lot of people that you can trust. Hindi iyong nasa ibang lugar ka na nga eh hindi mo pa naman masyadong kilala ang kasama mo."
"Archer won't do me any harm. Hindi nga tumikim kahit isang patak ng alak 'yon dahil alam niyang iinom ako. He's harmless."
"No man is harmless."
Tumaas ang kilay ko. "Marami akong kilalang lalaki na hindi magagawang saktan kahit kuko ng babae. You're one of them as well as my brother."
Bumuntong-hininga si papa dahil alam niya kung sino-sino ang mga tinutukoy ko. "Hindi lahat ng tao pwede mong pagkatiwalaan."
Natahimik ako at pinagmasdan ko si papa. Nag-iwas siya ng tingin dahilan para mas lalong maging kongkreto ang nasa isip ko. They're like this because of my past encounters with men. Sa mga naging relasyon ko.
"I know that I'm not a great judge of character when it comes to men that I allow to enter my life, but Archer is just a friend. He's a good person. He don't deserve your doubts."
A friend is different from a romantic partner. You can find hundreds of great person yet not all of them are great partners. Siguro dahil para maging mabuting tao, kailangan mo lang intindihin kung paano mo aayusin ang sarili mo. Pero kapag papasok ka sa isang relasyon, dalawa na kayo ang nakasalalay. Dalawa na ang iintindihin mo.
You open up your heart when you want to let friends enter them. But finding someone to love? The stakes are higher because you need to give away your heart. Trusting that special person to never break it.
Pero gano'n talaga eh. Mahirap hanapin ang taong 'yon. Mahirap maghanap ng taong pagbibigyan mo ng puso mo na hindi bibitaw. Knowing that once he let go, it will instantly shatter your heart.
I sighed, giving up, when I saw the guilt on their faces. Alam ko naman na mahal lang nila ako kaya sila ganiyan. Kahit kasi nasa tamang edad na ako ay itinuturing parin nila akong baby ng pamilya. "I know you're all just concern and I love you guys for that. But I'm okay, really."
Hinawakan ko ang stand at hinila para kunin ang wallet ko at hoodie na nakapatong sa bed side table. Pagkatapos niyon ay hinila ko ulit 'yon pero sa pagkakataon na ito ay palabas na ng kwarto. "Kakain muna ako. I'm craving for something fried. Bye!"
Nagmamadaling umalis na ako dahil alam kong hahaba pa ang diskusyon. Kailangan ko narin umalis bago kung anong smoothie na naman ang ipainom sakin ni mama na kadalasang ginagawa niya pag may sakit kami ni kuya.
I hate those smoothies. Hindi ko maintindihan kung saang lumapalop na hahanap ni mama ang malamang ay halo-halo lang na ingredients na hindi maintindihan ang lasa.
Naririnig ko ang pagtawag nila pero tuloy-tuloy lang akong lumabas habang parang sibat ko na hawak ang IV stand at itinakbo din iyon. Nang may mamataan ako na golf cart ay mabilis na hinarang ko 'yon.
Kita ang panhihilakbot sa mukha ng lalaking driver ng golf cart nang makita niya na muntik na siyang tumama sa akin. Nginisihan ko lang siya at pagkatapos ay tumabi ako sa kaniya. "Craige's, please."
"Uhm, kailangan kasi 'tong i-akyat sa headquarters-"
"You're a trainee for the academy right?"
"Y-Yes. I'm Cian."
"Right! Lucian." Nang tumango siya ay nginitian ko siya ng matamis. "Lucian, I had a bad morning. I feel like I'm dying. If I don't put a stop to this feeling I might take someone down with me so I can die with someone. So please. Dalin mo ako sa Craige's kasi kailangan ko ng pagkain at kailangan ko ng peace of mind! Can you do that?!"
Mukhang naintindihan niya naman na malapit na akong sumabog dahil nagkukumahot na niyang pinaandar ang sinasakyan namin at inikot 'yon para dalin ako sa Craige. Hindi ko alam kung gaano kabilis lang ang maximum ng mga golf cart pero mukhang effective ang mga sinabi ko sa kaniya kanina dahil mabilis niya akong nadala sa Craige's.
Halos lumangitngit ang gulong niyon nang basta na lang kami huminto. Nakangiting bumaba na ako bitbit ang IV stand ko at sinaluduhan ko siya bago ako naglakad papasok ng Craige's.
Alam kong ultimanong pagpasok ko ay nasa akin na ang atensyon ng mga tao pero hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa pinakamalapit na table sa counter at sumalampak ako ng upo.
Itinaas ko ang kamay ko nang mamataan ko si Nyx na naka-duty. Lumapit naman siya sa akin at suod-sunod na napakurap sa itsura ko. "Wow. Rough night?"
"Sinabi mo pa." sagot ko at ipinaikot ang mga mata ko. "Kailangan ko ng hash brown saka chicken nuggets. At almond milk shake."
"Ginawa mo pa kaming McDonalds."
Nagpalingon-lingon ako at inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko. "Shh! Mamaya may makarinig sa'yong Jollibee fan, maisumpa ka pa. And FYI lang walang almond milk shake do'n."
"Malamang. Napakaarte hindi na lang soya." naiiling na sabi ng babae. "Pasta day ngayon. Goodluck kung pagbigyan ka ni Ocean."
"Sabihin mo, kapag hindi niya ibinigay ang gusto ko, wala siyang bagong number ng babae na makukuha sakin."
Napapakamot sa ulo na tumalikod ang babae at pumasok sa kusina. Alam kong hindi naman siya mahihirapan kumbinsihin si Ocean. Tamad man ang utak no'n sa mga komplikadong bagay, maliban sa pagluluto, ay marupok 'yon pagdating sa babae.
Nangalumbaba ako habang nag-iintay at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangaligkig ako nang makita ko ang isang pamilya na nasa kabilang table na kumakain ng cheesecake. Pakiramdam ko kapag sumuka na talaga ako this time, alcohol ang lalabas sa bibig ko.
Sino ba naman kasi ang nagpauso ng alak? Hindi naman masaya. Hindi mo din nakakalimutan ang mga problema mo kasi sandali ka lang namang makakalimot. Minsan nga hindi pa kasi baka habang lasing ka lalo mo pang maalala.
Buti na lang talagay happy drunk ako. May mga lasing kasi na kulang na lang maglupasay kasi lahat ng drama sa buhay inuungkat pa. Meron din naman na nagiging super flirt, merong nagiging english speaking bigla, nakikipag-away, at meron namang nagiging super deep na pati ata problema ng buong universe ay poproblemahin.
"That bad huh."
Nag-angat ako ng mukha at nasalubong ko ang mga mata ng huling taong gusto kong makita sa araw na 'to. Pilit na pinapormal ko ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi naman niya kailangang malaman na alam at naaalala ko ang lahat.
Umupo siya sa harap ko dahilan para tumama ang araw sa bandang kanan ng mukha niya. Nakalimutan ko ang iba ko pang sasabihin sa kaniya nang makita ko ang gilid ng mukha niya sa may kanang mata niya.
"Omg what happened?" I gasped in shock and before I can stop myself, I reach for his face and hold his chin so I can look at it closely. "Napaaway ka?"
"Hindi naman."
Binitawan ko siya at kinunutan ng noo. Ako lang naman ang huli niyang kasama kagabi. Paanong nagkapasa ang mukha niya? "Ako ba ang may gawa niyan?"
"Hindi."
Nanglaki ang mga mata ko nang kaagad kong marealize kung sino pa ang mga maaaring nakaharap niya kagabi. Nanggigigil na ikinuyom ko ang mga kamay ko. "Those war freak people!"
Tumahimik ang kanina ay puno ng mga masayang nag-uusap na guest. Lahat na sila ngayon ay nakatingin sa akin na mukhang nagulat sa bigla kong outburst. Alanganing ngumiti ako at nagpapaumanhin na tinanguhan ko sila bago ako muling humarap kay Archer.
"Who did that to you? Si mama ba?"
Bumadha ang pagtataka sa mukha ni Archer. "What? Of course not."
"Pinaka-war freak ang mama ko. So si papa?"
"Hindi-"
Tinikom niya ang bibig niya pero huli na. Para narin niyang inamin kung sino talaga ang gumawa nito sa kaniya dahil tatlong tao lang naman ang pagpipilian. Seriously though. Patunay lang 'to na bagay parin ang pangalan ni kuya sa kaniya.
"I'm gonna bit him the next time I see him." I said with gritted teeth.
Archer chuckled, "Hindi mo susuntukin?"
"Ayoko nga. Papangit kuya ko."
Tuluyan ng napatawa ang lalaki sa sinabi ko. Natigil lang siya nang may huminto sa tabi namin at tinapik siya sa balikat. Umangat ang mukha namin parehas at nakita namin si Thunder na naka-dark shades pa. Maputla din siya katulad ko. Mukhang parehas kami ng pinagdaanan.
"I should get me some of that." Thunder said, looking at my IV drip before turning his eyes to Archer. "Marunong ka palang tumawa ng hindi pilit? Congrats."
Binigyan siya ng matalim na tingin ni Archer pero hindi naman na nakita iyon ng lalaki dahil tumuloy na si Thunder sa loob ng kusina. Malamang guguluhin si Ocean at makikikain din katulad ko. Sinundan na lang siya ng tingin ni Archer habang ako ay muling bumalik ang atensyon sa lalaki.
"Pabayadan mo kay kuya 'yan." sabi ko sa kaniya.
"Wag na. Mawawala din naman."
"Lagot ka sa manager niyo kapag nakita 'yan. May photoshoot pa naman kayo para sa susunod na album niyo diba?"
Nagkibit-balikat siya na parang wala lang sa kaniya ang natamong pasa. Kung ibang tao 'yan na nasa tapat ng spotlight malamang ay nagpapadoktor na ngayon. Kahit ata kagat ng lamok iniinda. Pero siguro iba lang talaga ang Royalty. Pati na si kuya Triton noon hindi naman umaarte katulad ng mga taong napapanood ko sa TV ngayon. Considering na sikat na artista din noon si kuya. Ngayon kasi ay focus na siya sa pamilya at BHO CAMP.
"Bakit ka ba sinuntok?" tanong ko.
"Pupuntahan ka sana ata niya kasi isang buong araw kang nawala dito sa BHO CAMP. Ayon, naabutan tayo sa tapat ng pintuan ng kwarto mo kasi puro maling pass code ang binibigay mo."
Wala naman na akong matandaan sa sinasabi niya. Ang huling naaalala ko ay ang pag-alis namin sa Papa Doms dahil nakatulog na ako sa byahe. Siguro sobrang lango na talaga ako. Tama din naman sila kuya. Wala na talaga ako sa sarili ko. "Dapat iniwanan mo na lang ako."
"As if I could do that." he said exasperatedly. "By the way nasa villa ko ang mga pinamili mo. Hindi ko na naibaba kagabi."
"Okay. Kukunin ko na lang mamaya."
Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na si Nyx dala ang pagkain ko. Binaba niya 'yon sa harapan ko at umiilaw ang mga mata na nagsimula na akong kumain habang umoorder din si Archer ng sa kaniya.
"You know, you won't get better by eating all that grease."
Nag-angat ako ng tingin mula sa paglantak sa nuggets na hawak ko. "Sa ito ang gusto ng tiyan ko eh."
Napailing-iling siya at pinagmasdan na lang akong kumain. Nangalumbaba siya at pinanood ako na para bang palabas lang ako sa telebisyon. Bahagyang nagdahan-dahan ako sa pag-nguya dahil unti-unti narin akong tinatablan ng hiya sa ginagawa niyang pagtitig.
"Uhm, gusto mo?" tanong ko.
Umiling siya bilang pagtanggi. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko pero panaka-naka ay tumitingin ako sa kaniya para lang makita na nasa akin parin ang atensyon niya. I started to feel uneasy with his gaze. Pakiramdam ko kasi nababasa niya ang isip ko.
"It's rude to stare." I said with a mouthful of hashbrown.
Imbis na sagutin ang sinabi ko ay hindi ko inaasahan ang tanong na lumabas sa bibig niya, "Naaalala mo ba ang mga nangyari kahapon?"
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Tumikhim ako at binitawan ko ang kinakain ko at inabot ang hoodie niya na nasa akin parin at isinuot ko 'yon. "W-Wala naman. Nagshopping, kumain, at uminom."
"May natatandaan ka ng paalis na tayo sa bar?"
Tumingin ako sa ceiling at umarteng nag-iisip bago ko pinilit ang sarili ko at sinalubong ang mga mata niya. "W-Wala."
"Hmm."
Hindi na ako umimik pa at tahimik na lang na kumain ako. Halos maubusan na ako kung saan ibabaling ang mga mata ko para lang hindi siya matignan dahil alam kong tutok parin sa akin ang atensyon niya. Kaya halos yakapin ko si Nyx nang muli siyang sumulpot at ibaba ang pagkain na inorder ni Archer.
"Aiere, here."
Napilitang nag-angat ako ng tingin kay Archer at akmang itatanong ko sana kung ano ang sinasabi niyang nang basta na lang siyang may sinubo sakin. Napipilitang nginuya ko 'yon habang masama ang tingin ko sa kaniya.
Oatmeal lang na may mga prutas ang pagkain niya. May saging at blueberries doon pero maliban do'n ay wala na.
"Yan lang ang kakainin mo?" tanong ko.
Imbis sagutin ang tanong ko ay kumuha siya ng oatmeal at basta na lang isinubo sakin iyon. Paulit-ulit niya iyong ginawa dahilan para hindi ko matapos ang sasabihin ko sa kaniya. Sa panlimang beses niyang inumang sakin ang kutsara ay hinawakan ko na ang kamay niya.
"Nakakahalata na ako ah. Bakit sakin mo pinapakain 'yan?"
"Hindi ako kumakain ng oatmeal."
Kumunot ang noo ko, "Eh bakit umorder ka niyan? Humingi ka kay Nyx ng iba."
"Nag almusal na ako kanina pa."
"So bakit ka umorder? Alam mo bang masama ang nagsasayang ng pagkain? Sabi ng mama ko ang mga taong nag aaksaya daw ng pagkain ay kailangan magtrabaho bilang yaya ng manok ni San Pedro at pakainin ng patuka sa loob ng matagal na panahon bago ka pwedeng makapasok sa langit."
Siya naman ngayon ang natigilan sa sinabi ko. Mukhang nagtatalo ang isip niya kung mananatili pa sa kinauupuan niya o lalayasan na ako para tumawag ng tulong sa mental. Pero may sense naman ang sinabi ni mama. Masama talaga ang mag-aksaya ng pagkain. Sa dami palang ng taong nagugutom ngayon.
"Alam mo Archer-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil isinubo na naman niya sakin ang kutsara niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ikaw ang humingi niyan tapos sakin mo ipapaubos! Bakit ba nag-order ka kung ayaw mo naman?"
"Gusto ko ikaw."
Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit parang iba ang intindi ko? At bakit parang may iba...parang may iba sa akin? Ako ang gusto niya...na ano? "H-Ha?"
"Gusto ko ikaw ang kumain. Dali na."
Sumimangot ako at inilayo ko ang kamay niya. "Ayoko nga."
"Maganda daw to sa hangover. Mas maganda pa tong kainin kesa diyan sa kinakain mo."
"Mas masarap to."
Bago ko pa makuha ang nuggets sa plato ko ay inagaw niya sakin 'yon at isinubo. Nanghihilakbot na ilalayo ko na sana ang plato ko pero hinila niya ang natitirang hashbrown na nandoon at tinatlong kagat lang 'yon. Hindi makapaniwalang napaawang ang labi ko dahilan para isubo niya sakin ang kutsara na may lamang oatmeal.
"I can't believe you." I said while chewing.
"You'll thank me later."
Padabog na inagaw ko sa kaniya ang kutsara at ako na ang kusang sumandok sa oatmeal para matigil na siya. Mukhang tama naman siya dahil unti-unti ay nararamdaman ko ang pagtigil sa pag-ikot ng tiyan ko na kanina pa hindi mapakali.
I squint my eyes at him but he just looked at me calmly. Katulad ng normal-self niya ay hindi siya nakangiti. Tanging ang mga mata lang niya ang nangungusap. He looks like he's in deep contemplation, staring at me as if I'm the reason why his brain is trapped in a mess of thoughts.
"Aiere?"
"O?"
"Pakikapa nga yung susi ko sa ilalim ng lamesa."
Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo sa sinabi niya. Is he seriously asking me to...to...omg. "Bastos ka!"
A smile lift the corner of his lips. Bahagya siyang yumuko sa ilalim ng lamesa na parang may inaabot at sandali lang ay muli siyang umayos ng upo. Itinaas niya ang kamay niya. Keys are dangling on his fingers. "My keys. Nahulog."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at ikinuyom ko ang mga kamay ko. Walang duda na alam na niya na natatandaan ko lahat ng nangyari kagabi.
His cellphone sitting on top of the table ring but he ignored it and looked at me straight into the eyes. "You do remember."
"M-May tumatawag."
Tuluyan na siyang ngumisi sa pag-iiba ko ng usapan. Inabot niya ang phone niya at sinagot iyon habang nanatiling nasa akin nakatutok ang mga mata niya. I was trapped inside his eyes. His eyes that rarely show his real emotions.
That's why I've seen it clearly this time. The moment his eyes went blank as if they have been drain of everything and catapult them to the depths of pandemonium. As if life has been covered by coldness, extinguishing its flame.
"When?" he asked, his voice barely above a whisper. "I'll be there."
Binaba niya ang tawag at kinuha ang gamit niya sa lamesa at tumayo na. Walang salitang lumabas siya ng Craige's. Nagmamadaling kinalas ko ang IV drip ko at iniwan yon at pagkatapos ay sinundan ko siya. Hindi ko na pinansin ang narinig kong pagtawag sa akin ni Nyx.
Hinabol ko siya hanggang sa nakita kong papunta siya sa villa niya. Dumiretso ako doon at mabilis na tumakbo. I grasp his wrist and stopped him when I finally catch up to him. "What's happening?"
"Nothing you should concern yourself about."
Natigilan ako sa malamig niyang boses pero pilit na isinantabi ko iyon. "Ilang beses ka ding nakielam sa buhay ko. So this time I'm the one who will butt into your life."
Hindi na siya sumagot at tinalikuran lang ako. Nang makita kong binuksan niya ang sasakyan niya at akmang sasakay na ay mabilis na binuksan ko ang pintuan ng passenger side at pumasok ako sa loob. Nakita kong natigilan siya sandali bago siya tuluyang pumasok.
Bago pa siya may masabi ay kinabit ko na ang seatbelt ko at pagkatapos ay humalukipkip ako habang ang mga mata ay tutok lang sa harapan ko.
After a few moments, he quietly maneuvered the car and speed away. Papunta sa lugar kung saan man siya pinapapunta ng tumawag sa kaniya.
Papunta sa rason kung bakit nagawa kong masilip ang kaguluhan sa mga mata niya. There's nothing that I want more now, than to know why he suddenly shut off. I want to know why in a blink of an eye, I suddenly had the glimpse of the demons he's been hiding.
_________Chapter 8.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top