Chapter 10: Use

A/N: Update would be at least every Saturday from this day. Pupunta ako sa ibang planeta for a few weeks kaya busy busy na naman.


AIERE'S POV

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?"

Pakiramdam ko ay natanggal ang puso ko mula sa pagkakabit at tumalsik iyon sa malayo sa sobrang pagkagulat ko sa biglang nagsalita. Idagdag pa na tahimik ang paligid at akala ko ay ako lang ang nag-iisang tao sa hallway ng headquarters.

Nakahawak sa tapat ng dibdib na nilingon ko ang taong dahilan kung bakit muntik akong atakihin at naningkit ang mga mata ko nang malingunan ko si Hera na tumataas-taas pa ang mga kilay habang may nanunudyong ngiti sa mga labi.

"Bakit may patago-tago ka pang nalalaman? May ayaw kang makita?"

Humalukipkip ako at inginusan ko siya, "Hindi ako nagtatago. Tahimik lang talaga ako dahil madaling-araw na. Tulog na kaya ang mundo, hello?"

"Hindi naman kakaiba para sa mga tao dito na gising sa madaling-araw, hello?" panggagaya niya sa tono ng boses ko.

Pinigilan kong mapapadiyak dahil mukhang matatagalan pa ako sa totoong pakay ko. Kung bakit naman kasi sa lahat ng tao si Hera pa ang nakakita sa akin. Numero uno pa naman 'yang tsismosa at hindi basta-basta mapapatigil kapag curious siya. Nakakapagtaka nga na ang kapatid niya na si Hermes ang naging reporter at hindi siya.

"So sino nga ang tinataguan mo?"

Nag-iwas ako ng tingin mula sa mapanuri niyang mga mata. Pakiramdam ko nababasa niya lahat ng iniisip ko sa paraan ng pagtingin niya. She has this beautiful face and a princess aura to match but she's one hell of an agent. Especially on handling interrogation matters. But I'm innocent and I don't need to be interrogated!

"Wala nga akong tinataguan."

"Oh. Talaga?" nang-aasar niyang tanong habang ang mga mata niya ay may mapaglarong emosyon. "Hindi mo tinataguan kahit ang rakista na 'yon na kasama mo lang a few hours ago na mag-swimming sa fountain? Hindi mo tinataguan ang taong 'yon na kahalikan-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nagpalingon-lingon ako kahit pa wala namang ibang tao na makakarinig. Tumigil ang mga mata ko sa security camera di kalayuan sa amin at pinaningkitan ko iyon ng mga mata. Damn those cameras!

"Wala kang nakita." sabi ko sa kaniya at inilapit ko pa ang mukha ko para bigyang emphasis 'yon. Imbis na lumayo ay nakangiting nakatingin lang siya sa akin.

"Oh really?"

Nameywang ako at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Madaling-araw na at suot parin niya ang nakita ko kanina na suot niya nang madaanan ko silang tumatambay ni Athena kanina sa harapan ng headquarters. That only means hindi siya naka-party self niya at tumambay sa Paige's pero bakit ngayon pa lang siya babalik sa kwarto niya? "Baka hindi ako ang may tinataguan, baka ikaw. Maybe you don't want anyone to see you sneaking out of someone's...room?"

Agad namula ang mukha ng babae at napangisi ako sa nakita. Gotcha! Hindi lang naman ako ang may tinatago. Kung tutuusin lahat naman kami maraming tinatago sa isa't-isa. Masyado kasing mabilis ang balita dito sa BHO CAMP. Mamaya makarating pa sa mga magulang namin na matitinik din.

Mahirap kasing magtago ng sikreto sa mga taong nakakasalamuha namin dito. Bukod kasi sa talagang malakas ang pang-amoy ng mga tao sa balita, we're all agents. Kapag curious kami walang nakakapigil samin na alamin kung anong gusto naming alamin. Hindi man namin malaman eksakto kung anong hinahanap namin, but at least we'll have one solid guess.

Nakangising tinapik-tapik ko sa balikat si Hera, "Adios amigo!"

Pasipol-sipol na nilagpasan ko siya at nagmamadaling naglakad ako sa totoong pakay kong puntahan. Kailangan ko ng magmadali dahil baka may makakita na naman sa akin. Wala pa ako sa tamang katinuan para humarap sa kahit na sino.

Matapos kasi ng nangyari kanina sa fountain at magising ako mula sa kahibangan ko ay basta ko na lang nilayasan si Archer pagkatapos kong itapon sa kaniya ang hoodie niya. Wet and dripping, I didn't care. Ang mahalaga lang sa akin no'n ay makaalis at makapagtago. Kaya kahit walang pagkain sa flat ko ay wala akong choice kundi tiisin ang gustom ko dahil hindi ako makababa sa dining area. Mag-o-order sana ako sa Craige's ang kaso ang hudyong Ocean ay nakita pala ang naging kahibangan ko dahil kasalukuyan siyang naka-break at palakad-lakad no'n at dahil malapit lang ang fountain sa Craige ay kamalas-malasang nakita niya ang nangyari.

Kaya bago pa niya matapos ang pang-aasar niya sa akin, at pagkatapos ko siyang palulanan ng death threats, ay binaba ko na ang telepono at hindi na nag-order pa.

And now here I am. Malapit ng kainin ng large intestine ko pati ang natitirang utak na meron ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng dining area at nang makita ko na walang tao maliban sa ilang junior agent ay masayang pumasok na ako. Pero hindi pa tuluyang sumasara ang pintuan sa likod ko at hindi pa ako masyadong nakakalayo mula roon ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakaupo sa kaliwang bahagi ng dining area. Nakatalikod siya sa akin at malayo din ang kinaroroonan niya kaya hindi ko siya napansin.

Seriously? Sa lahat ng tao na makikita ko ngayon ay 'yung pang huling tao sa mundo na gusto kong makita?

Hindi malaman ang gagawin na nakatayo lang ako doon habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan ni Archer na tahimik na kumakain. Mabuti na lang at tahimik ang naging pagpasok ko at mabuti na lang naka-headset siya.

Napapitlag ako at napatakip sa bibig ko nang parang nanadiya ay nagsimula ng kumilos ang lalaki na mukhang tapos na sa pagkain. Hindi ko na naisip ang naging kilos ko at basta ko na lang tinakbo ang nakabukas na bintana sa kanan ko na mas malapit sa akin kesa sa pinto at animo may super power na basta ko na lang tinalon 'yon.

Mahina akong napamura nang maramdaman kong sinalo ako ng mga halaman sa labas ng bintana na hindi katulad sa mga cartoon ay hindi naman talaga nakakatulong sa mga ganitong pagkakataon. Sa totoo lang, mas nakakasakit pa sila. Proof of that is probably my arms that are bleeding right now.

Pero hindi ko na pinansin 'yon at kumaripas na ako ng takbo paalis sa lugar na 'yon. Dinala ako ng mga paa ko sa kinaroroonan ng BHO CAMP Hospital. Mabuti narin 'yon dahil wala akong balak pumunta sa Craige's dahil pagtitripan lang ako do'n.

Nang makapasok sa loob ay una kong nabungaran ang head nurse na si Miss Concordia na kasalukuyang kausap ang isa sa mga nurse doon. Napatingin siya sa akin at kaagad na kumunot ang noo niya.

Sa lahat ng staff sa BHO CAMP, si Miss Concordia ang pinakamasungit sa mga agents. Hindi naman kasi ang pagiging matandang-dalaga niya ang sanhi ng kasungitan niya kundi ang trauma niya sa kakulitan naming mga lumaki dito sa BHO CAMP.

Isa si Miss Concordia sa mga staff na normal na mga nagtatrabaho lang para dito. Alam ko na may hula na siya sa totoong trabaho namin pero hindi 'yon nakakatulong para itrato niya kami bilang espesyal. I can even remember those days that she used to chase me and my brother because we're bound to sneak in to different parts of the hospital. Kahit pa sa surgery rooms.

"Ano na namang ginagawa mo dito, Aiere Roqas?" nakahalukipkip na tanong niya.

Napapakamot sa ulo na nginisihan ko siya, "Ngayon lang ako babalik dito ate Conky sinusungitan mo pa ako."

Mas lalong nalukot ang nakakunot na niyang noo sa tinawag ko sa kaniya. She hates that name and I knew that. Pero sadiyang dumulas na 'yon sa bibig ko katulad ng mga pagkakataong tinatawag ko siya no'n nung bata pa ako.

"Nang minsang pumunta ka dito, binasag mo ang salamin sa office ng mga magulang mo."

Oopsie. Forgot about that one. "Mabait ako ngayon. Gusto ko lang kumain kaya ako nandito."

Pati ang nakikinig lang na dalagang nurse ay mukhang naguluhan sa sinabi ko. Hindi ko sila masisisi. Bakit nga naman ako dito pupunta kung gusto kong kumain?

Nawala ang kaguluhan sa mga mata ni Miss Concordia at pinameywangan niya ako, "Hindi to restaurant."

"Sabi ko nga." natatawang sabi ko. "But I love hospital food so...bye!"

"Aiere Roqas!"

Napatigil ako sa akmang pagtakas at nilingon ko ulit ang head nurse na tinawag ako. "Po?" May kinuha siya sa counter at minuwestra sa aking lumapit ako. Lumapit naman ako sa kaniya ng ilang hakbang pero huminto din ako nang makita ko ang alcohol at bulak na inilabas niya. "Ayaw."

"Lumapit ka dito at ng magamot 'yang sugat mong dumudugo."

"Ayoko. Bye bye!"

Pagkasabi ko niyon ay mabilis na tinakbuhan ko na siya. Wala akong balak magpagamot sa kaniya dahil takot akong gantihan niya lalo na at may alcohol na involved. Numero unong sakit kasi kami ng ulo niya nang mga bata pa kami ni kuya. Kami kasi sa lahat ng mga 'chikiting' noon ang lagig nakatambay dito dahil dito nagtatrabaho ang mga magulang namin.

Tinahak ko ang daan papunta sa office ng mga magulang ako. Mabuti na lang at saktong pagpasok ko roon ay nandoon sina mama at papa na kasalukuyang mga nakasalampak sa sahig at naglalaro ng chess board game na nasa harapan nila.

Parehas silang nag-angat ng tingin nang pumasok ako pero mabilis ding inalis ni mama ang mga mata niya sa akin para lang igalaw ang isa sa mga pyesa sa harapan niya. Napailing na lang ako dahil hindi napansin 'yon ni papa. Minsan hindi ko alam kung matalino ang ina ko o sadiyang wais lang siya.

"Aiere, mah bebe!" ngiting-ngiting bati sa akin ni papa. "Anong meron at napunta ka dito? Sinong umaway sa'yo? Papaupakan na ba natin sa kuya mo?"

Pinaikot ko ang mga mata ko bago ko itinaas ang mga kamay ko para makita nila ang braso ko na may ilang mga galos at dumudugo na. "Pahinging band-aid, Pa."

Nagkukumahog na tumayo si papa at pumunta sa stainless table sa isang bahagi ng office. Nagkanda-bangga bangga pa siya sa sobrang pagmamadali habang si mama naman ay tinitigan lang saglit ang sugat ko bago binalik ang atensyon niya sa paglalaro slash pandadaya niya.

Hindi naman kasi ito ang klase ng sugat na kailangan ipag-alala. Alam 'yon ni mama kaya hindi siya natataranta. Bihira naman mawala ang composure ni mama. Well except that time that I sliced open my leg because me and my brother were playing with knives. Halos himatayin siya no'n sa pag-alala lalo pa at umiiyak ako ng sobra at nilagnat pa ako kaya kinailangan ma-confine. She stayed with me all night at the hospital. Si papa no'n kasi ay kailangan samahan si kuya.

She might be weird and the most child-like mother to have but she's still a mother. May mga gano'ng moment kasi ang mga ina. Alam nila kung kailan dapat mag-alala sa hindi. Alam nga nila ang iba't-ibang meaning ng mga iyak namin ni kuya. Like our cries can tell her what we want.

On the other hand, my father is the most doting father there is. That's one of his many charms. Basta pagdating samin ni kuya, wala siyang pakielam kung magmukha siyang kakaiba. He even danced the hula dance with me during a mother-daughter recital because at that time, mama has a big surgery to attend to.

"Hindi magagamot ng band-aid 'yan. Kumuha ka ng alcohol, Wynd." sabi ni mama na tutok parin ang atensyon sa board game.

Nakasimangot na umiling ako, "Ayaw!"

Nag-angat ng tingin sakin si mama at pinananingkitan ako ng mga mata. Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil baka maisipan pa ni mamang injectionan ako kahit hindi naman kailangan.

Lumapit na sa akin ang papa ko na may dalang mga gamit. Sumusukong inabot ko na lang sa kaniya ang braso ko dahil wala naman akong magagawa. But of course as always, as he worked on me quietly, hindi man lang ako nakaramdam kahit kaunting sakit.

"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni papa habang nilalagyan ng gasa ang sugat ko.

"Tumalon po ako sa bintana."

Nag-angat ng tingin sa akin si papa na mukhang nagtaka sa sinabi ko. "Mula sa kwarto mo? Hindi kaya kailangan ipatingin ka na namin at baka may internal injuries ka? Hay nako, Aiere. Kailan ka ba matututo na hindi ka marunong lumipad? Wag mong panindigan ang pagiging hangin natin at pangalan lang 'yan."

Sunod-sunod na pumasok sa utak ko ang mga pagkakataon no'ng bata pa ako kung saan ilang beses akong nasusugatan dahil kung saan-saan ako tumatalon habang may hawak na stick. Pakiramdam ko kasi noon air bender ako at kaya kong i-control ang hangin. My father is a wind after all and I'm an air. Wow. I do belong in this weird family.

"Nag-short cut lang po ako."

Mukhang lalong naweirduhan sa akin ang ama ko pero hindi na siya nagkomento pa at tinapos na lang ang ginagawa. Pagkaraan ay marahang tinapik niya ang protektado ko ng mga sugat at animo isa ako sa mg apasyente niya ay binigyan pa ako ng lollipop. Which reminds me...

"Gutom na ako, Pa." nagpapaawang sabi ko.

"Eh di pumunta ka sa Craige's. O kaya bakit di ka pa kumain sa dining area?"

"Ayoko do'n. Mga pangit ang tao do'n. Kuha mo na lang ako ng hospital food, Pa, please? Ikaw lang ang gwapo sa mundo eh."

Sunod-sunod na napakurap siya habang nakatingin sa akin. Pagkatapos niyon ay lumingon siya kay mama na ngayon ay huli na niya sa aktong pandadaya. Lumapit siya do'n at itinulak ang noo ni mama gamit ang hintuturo niya bago ginulo ang mga pyesa sa board game.

"Kausapin mo nga 'yang anak mo." sabi ni papa na naglakad na palabas. "Uutusan lang ako binola pa ako. Mag nanay nga talaga."

Napangisi ako at tinawag ko siya, "Pa!"

"O?"

"Love you!"

Lumingon siya sa akin at pinaningkitan ng mga mata bago niya ibinaling iyon kay mama na nakangiting nag flying kiss sa kaniya bago siya tuluyang lumabas na. Gaganiyan-ganiyan lang 'yan si papa pero kahit ano atang hilingin ko o ni mama pinagbibigyan niya. Kay kuya lang siya talaga medyo naghihigpit dahil para daw isa lang ang spoiled sa amin. Hindi nga lang 'yon effective dahil kung anong spoiled ko sa ama ko ay gano'n din naman si mama kay kuya.

Lumapit ako sa kinauupuan ni mama at sumalampak din ako sa sahig. Naghihikab na sumandal ako sa balikat niya at yumakap sa bewang niya.

Inaayos ang mga pyesa ng chess sa harapan niya na nagtanong siya, "Sino na namang umaway sa'yo?"

Imbis na sumagot ay lalo lang akong sumiksik sa kaniya. Ayokong sabihin sa kanila ang mga nangyayari kasi kahit ako hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko o ang mga nagaganap sa buhay ko. I know my heart. I know what it feels. Pero sa mga oras na 'to, pakiramdam ko kahit ang puso ko ay kasalukuyang nag sick leave at ayaw akong paliwanagan.

"Problemang puso ba 'yan?" tanong niya ulit.

"Hindi po ako in love."

"Hindi ko naman sinabing in love ka. Hindi lahat ng problemang puso eh tungkol sa pagiging in love. Pwedeng naguguluhan ka, broken hearted, o may sakit ka sa puso." sabi niya at nilingon ako. "Napaghahalataan ka."

Sinimangutan ko siya at muli na lang akong pumikit at hinayaan kong i-comfort ako ng yakap niya. I may be a grown up but I still love the comfort that my mother brings me. Kahit na kinukulit niya pa ako.

"Mabuti din ang ganiyan. Alam mo naman ang mga kasamahan mo dito sa BHO CAMP, daig pa ang GM sa dami ng sakop."

"GM?"

"Group message. Ghas! Hindi mo alam 'yon?"

My body shake with controlled laughter with the way she sounded to me. Daig pa niya ang maarteng teenager sa paraan ng pagsasalita niya na para bang diring-diri siya sa idea na hindi ko alam ang sinabi niya. Ano bang magagawa ko kung hindi na uso ngayon ang GM na 'yon. Uso na kasi ang GC o group chat.

"Anyway, kabayong bunteys. Mabuti na 'yan at matuto kang pag-isipan ang mga bagay ng sarili mo lang. Minsan kailangan 'yon ng tao para hindi naiimpluwensyahan ang mga desisyon mo. 'Yon nga lang siguraduhin mo na alam mo kung hanggang saan ang limitasyon mo. Dahil dadating ang oras na kinakailangan mo din magsabi. Lalo na sa pamilya mo."

"I know." I said in a whisper. "I just don't want an issue right now."

I just don't want to explain everything now that I'm still confuse. Dahil hindi ko malalaman kung saan ko sisimulan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat ko sabihin.

"Sabagay naiintindihan kita. Nong panahon namin, ganiyan din kami. Mga walang filter ang bibig kaya kahit pinakasimpleng bagay kumakalat. Ayan tignan mo ang papa mo, ilang taon nang pinagdudusahan ang pa-fake news ko sa kaniya noon."

"Anong fake news, Ma?"

"Pinagkalat ko kasi na three inch lang ang tatay mo." humahagikhik na sabi ni mama. "Hindi nila alam talong-talo niya ang tito Ice mo pati na ang dakilang tito Cloak mo. May close to nine pa si Fierce na nalalaman no'n. FYI, solid nine ang ama mo."

Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap sa kaniya at para bang nasa horror movie na dahan-dahan ko din siyang nilingon. Did I just heard my mother talk about...about...about my father's...my...

"Oh my God, Ma!" I screamed, my voice piercing to the quiet ambiance of the hospital. Hindi na ako magtataka kung kahit taong naka-comatose ng ilang buwan na ay bigla na lang babangon ngayon.

Humalakhak lang siya sa reaksyon ko at nakatingin pa sa kisame na para bang witch na may naalalang magandang memorya. Nandidiring napalayo ako sa kaniya at umupo ako sa sofa habang hinihila ko ang mga tenga ko na parang biglang nag-apoy.

Ganoong tagpo ang naabutan ni papa na may dala-dalang tray ng pagkain. Nagpalipat-lipat ang tingin niya samin ni mama na tumatawa parin.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya kumuha na ako ng rice meal, sandwich, at syempre kailangan healthy kaya may gulay at prutas. Alam kong hindi ka mahilig sa saging, Aiere, kaya orange na lang ang sa'yo. Kay mama mo na lang 'to dahil mahilig siya sa saging-"

"Pa!"

MABILIS na napahinto ako sa paglalakad at ikinubli ko ang katawan ko sa puno na malapit sa akin. Papunta kasi sana ako sa maliit na convenience store na nandito din sa BHO CAMP. Katatapos lang ipagawa 'yon ni Den at alam ko opening no'n kahapon. New franchise iyon kasi ng isa sa family business nila. Iyon nga lang ay mukhang mauudlot pa ako. Sana lang hindi sa pupuntahan ko ang pakay niya.

Sumilip ako mula sa puno at mabilis din ako nagkubli nang makita kong napahinto si Archer sa paglalakad niya na mukhang nararamdaman na may nakatingin sa kaniya.

Magtatatlong linggo na kasi mula nang huli ko siyang makita. Wala din naman siya dito sa BHO CAMP ng ilang linggo dahil sa shoot nila at sa ilang events kaya hindi naman ako nahirapan na taguan siya. Iyon nga lang nabalitaan ko kahapon na dumating na ang Royalty dito sa BHO CAMP.

Gusto ko lang naman bumili ng chips at almond milk. Nag-ke-crave kasi ako. At saka pakiramdam ko may kailangan akong bilhin eh. Kasi tumawag si mama kanina at tinatanong kung nag stock na ba daw ako sa flat ko. At dahil alam kong pagagalitan ako ay sinabi kong meron kahit wala naman. Kabilin-bilinan kasi ni mama na 'wag namin hahayaan ni kuya na mawalan ng stock ng mga necessities at pagkain. Well si kuya for sure hindi namomoblema ngayon dahil hindi naman no'n hahayaan si Athena magutom.

Napabuntong-hininga ako at naglakad na lang ako pabalik sa headquarters. Malas ko lang talaga minsan. Dapat siguro alamin ko na ang magiging schedule ni Archer pag nandito siya sa BHO CAMP para hindi ako nahihirapang iwasan siya.

Muli akong sumilip sa naglalakad na palayo na si Archer. Nang makita kong nakalayo na siya ay nagsimula na rin akong maglakad pero paminsan-minsan ay nagtatago ako para masiguradong hindi niya ako makikita.

Mukhang sa Craige's siya pupunta. Mabuti naman at for once nakisama sa akin ang tadhana. Mabilis akong lumiko pahiwalay sa daang tinatahak ni Archer at tinakbo ko ang papunta sa convenience store ni Den na ang pangalan ay DEN. Very creative.

Pumasok ako doon at muli akong nagpasalamat sa langit nang makita kong ang cashier na lalaki at ang isa pang empleyado na babae lang ang nandoon. Nagmamadaling kumuha ako ng basket at pinagtatapon ko doon ang mga nadampot ko na chips, inumin, at nang may makita din akong sliced fruit pack ay halos ubusin ko lahat 'yon at inilagay sa basket.

Nang matapos ako ay plastado na ang ngiti sa labi ko. Pero mukhang imbis na matuwa din ang dalawang empleyado ay parang nasindak pa sila sa ngiti ko. Maybe I look like a serial killer or something.

"Wala ba kayong plastic?" tanong ko sa cashier na lalaki nang makita kong nilalagay niya ang mga pinamili ko sa paper bag.

"Ay wala po ma'am. Pinagbabawal po kasi ni misis Chandler kasi daw masama daw sa environment."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Una dahil hindi pa ako sanay na Chandler na ang tawag kay Den at pangalawa hindi ko alam na environmentalist na din pala ang taong 'yon. Good move though. Masyado ng toxic ang mundo para lalo pang dagdagan ang mga plastic sa mundo. "Eco bag na lang."

"Fifty po ang isa."

"Ang mahal naman!" angal ko dahil dalawa ang kailangan ko at napapakunot noong sumilip ako sa loob ng counter kung saan nando'n ang mga eco bag. "Ano 'yan gawa sa ginto?"

"Hindi naman po ma'am kaso may tatak po kasi ng banda ng asawa niya."

Inangat niya ang eco bag at pinakita sakin ang print no'n. May mukha ng asawa niya do'n na artistically naka-double exposure pa para dramatic ang effect. Kuha iyon ng asawa niya na si Rushmore habang nasa stage at tumutugtog ng guitara. Sa baba no'n ay may logo at pangalan ng banda.

"Ang ganda po no, Ma'am? Halos maubos nga po no'ng opening 'yang mga 'yan eh." kinikilig na sabi ng isa pang empleyado na nag ngangalang Renzel ayon na rin sa nametag niya.

"M-May iba pa niyan?" Ngiting-ngiti na inangat niya ang apat pa na eco bag na may print naman ng mukha ng iba pang miyembro. Napalunok ako ng makita ko ang seryosong mukha ni Archer. Itinaas ko ang kamay ko at itinuro ko 'yon. "Yan na lang."

"Fan din kayo, Ma'am ni sir Archer?" tanong ng cashier na si Olly nang i-abot na niya sa akin ang isang eco bag ng pinamili ko habang inilalagay pa ang iba sa isa pang bag.

"Hindi. Trip ko lang siyang gawing alila." sabi ko at nang mukhang hindi niya nagets ang sinabi ko ay muli akong nagpaliwanag, "I will make that eco bag my slave. Gagamitin ko 'yan ng paulit-ulit at ididispatsa ko pagkatapos."

"Ahh, gusto mo lang pala akong gamitin."

Napapitlag ako sa bagong boses na nagsalita. Boses na pamilyar na pamilyar sa akin dahil paulit-ulit ko iyong naririnig sa utak ko nitong mga nakaraang linggo. Nanghihilakbot na tumingin ako sa likod ko habang tinatanggi ko sa isip ko na tama ang naririnig ko.

But as fate try so hard to ruin my life, and succeed, he stand there with his eyes on me while his lips curved into a teasing smile.

A part of me is lighting up as I look at him since it's been quite a long time since I last saw him. Pero kaagad kong ibinaon ang pakiramdam na 'yon dahil alam kong hindi tama. Hindi dapat.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko nagawang makakilos nang hubadin niya ang hoodie niya at ibinalot 'yon sa bewang ko. Hindi na rumehistro sakin ang ginagawa niya dahil bago pa siya makapag-angat ng tingin at malunod na naman ako sa mga mata niyang nangungusap, ay dala-dala ang eco bag na tumakbo ako palabas ng convenience store na iyon.

Years of my training were put into good use when I sprinted into a run, so fast that I might break the record of whomever the fastest agent there is.

Nang makabalik ako sa headquarters ay hindi ko pinansin ang ilang mga agent na nagtatakang nakatingin sa akin dahil hindi parin ako tumitigil sa pagtakbo. Dire-diretso lang ako hanggang makarating ako sa kwarto ko at pabalabag na isinara ko 'yon nang makapasok.

Hinihingal na napasandal ako sa pintuan. I can't believe I just did that. I just ran away, very obviously, away from him.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa pintuan na tulala lang habang hawak ko parin ang eco bag. Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko nang marealize ko na iisa lang 'yon. Well damn. Kailangan ko pang balikan 'yung isa pa.

Nasa gano'n akong isipin nang marinig ko ang doorbell ko na tumunog. Sa pagkagulat ko sa pagbasag no'n sa katahimikan ay malakas akong napatili at hindi ko napigilang hindi ihagis palayo sa akin ang hawak ko na bag.

Get a grip, Aiere Roqas! This is not me. Hindi ako ganito kasabog. Ano bang problema ko? It was just a kiss. Walang ibig sabihin 'yon. Masyado lang kaming nadala sa sitwasyon. Masyado akong emosyonal ng mga oras na iyon at si Archer ay malamang gano'n din. At higit sa lahat, matagal na 'yon! Nawala na sa mouthwash, toothbrush, at ligo ang pagkakamali naming dalawa.

Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang pintuan ng hindi tumitingin sa camera o sa peephole man lang. Alam ko na kasi kung sino ang nando'n.

Conceal don't feel. Paulit-ulit ko 'yong nilagay sa utak ko nang tuluyan ko nang buksan ang pintuan. Pero tila biglang naglaho 'yon at naibaon sa pinakailalim ng utak ko nang muli kong masilayan si Archer.

He stand outside my door holding an eco bag with his face on it as if it was the most natural thing in the world. Inabot niya sa akin ang bag at animo robot na kinuha ko naman iyon sa kaniya. "Bigla ka na lang umalis, naiwan mo 'to."

"M-May...may importante kasi akong kailangan gawin. Nakalimutan ko." pagdadahilan ko.

Sumilip siya sa loob ng flat ko bago muling tumingin sa akin, "May kasama ka diyan?"

Umiling ako at nagtatakang sinalubong ang tingin niya, "Wala. Bakit?"

"Iniisip ko kasi kung anong importante ang kailangan mong balikan. I never saw a woman run as fast as you did just to get away from me."

I can hear the question in his voice but he said it so casually as if not to embarrass me. Hindi ko naman siya masisisi. The last time I officially ran away from him was when I threw his wet hoodie on his face and ran. Officially kasi iyong ibang pagkakataon na tinakbuhan ko siya ay hindi naman niya alam.

"N-Nag ge-general cleaning kasi ako. Dadating kasi si mama kaya kailangan ko ng magmadaling maglinis."

"I'll help you."

"Wag na!" Mabilis kong binago ang tono ko nang makita ko ang pagtataka niya sa bigla kong pagsigaw. "W-Wag na. Kaya ko naman mag-isa."

"Tutulungan na kita. Wala din naman akong ginagawa." sabi niya at bahagya akong tinulak papasok para makapasok na rin siya sa loob. "And here, I bought this for you. I know you usually have stock for things like this pero binili ko na din kasi baka kailangan mo. I asked Renzel, yung staff sa DEN para ipili ka."

Kinuha ko sa kaniya ang maliit na paper bag na binigay niya at sinilip ko ang laman no'n. Nanlamig ang katawan ko at animo itinulos ako na kandila nang makita ko ang nilalaman niyon. Now I know kung ano pa ang hindi ko nabibili. At kung bakit tinatanong ni mama kung may mga stock pa ko. And that also explains the hoodie.

Kung nasa mobile games lang ako ngayon, hindi lang ako na-double o triple kill. Pakiramdam ko na-penta kill na din ako. Because inside the paper bag is a sanitary napkin. I just had my period without me knowing, I had a stain, and Archer just simply lend me his hoodie without making an issue about it.

"For the record, Aiere..."

I tried to revive my muddled brain and turn it back to normal as I looked up into Archer's eyes. Wala man ang ngiti sa mga labi niya ay hindi maikukubli iyon mula sa mga mata niyang nagniningning.

"What?" I whispered.

"You can use me all you want. I wouldn't mind, babe."


____________End of Chapter 10.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top