CHAPTER TWO


CHAPTER TWO

NEVERMIND. Nevermind talaga. Ayaw niya sa akin!

Narinig ko ang pagtawa nila Mommy at Daddy sa likuran ko. For sure ako na naman ang pinagtatawanan niya. “Oh, ano, Ate? Kaya mo pa?” dinig kong pang-aasar ni Daddy.

I pouted my lips before putting the fire on the lowest heat. “I give up.” 

Napailing naman si Mommy saka niya sinalo ang niluluto ko. Ang lakas-lakas pa ng loob ko kanina nang sinabi ko sa kanilang ako nang bahala sa dinner namin, tapos ngayon, hindi ko talaga makuha yung tamang lasa ng Sinigang?

Kuya:

Ano bang nilagay mo?

Prettiest Sis:

Patis, pang-asim, asin. Dapat ba may pepper pa?

Kuya: 

🤦🏻‍♂️

Prettiest Sis:

🤨

Kuya:

Sinigang na lang, hindi pa maluto nang maayos. Sigurado ka nang bubukod ka?

I scoffed at his response. Minsan, nakakabadtrip din kausap ‘tong taong ‘to eh. What if siya ang iprito ko nang lumala ang pagiging moreno niya?

Prettiest Sis:

Kaya nga ako nagpa-practice, diba? May halos isang taon pa ako.

It’s been a year since I graduated. In those months, I was able to focus on my business as I reviewed for the boards, and once the exams came, I was able to do my best and thank God, I passed it. At katulad ng napag-usapan namin nila Mommy noon, I started searching for a job, and it did not become that difficult naman since nai-recommend naman ako ni Daddy sa kakilala niya at nung nalaman nilang papasok ako sa requirements nila, I got a slot for the interview.

I could not forget the day I received an email, saying I got the job. For a celebration, nagyaya si Daddy na kumain kami sa labas, and of course, doon kami sa paborito nila, ang walang kamatayang Jollibee. It was a happy day and of course, I informed Kuya the great news, and my other friends, the next day.

After that, I prepared for my first day and all. Ang maganda sa company na iyon ay magaan lang ang vibe nila. Hindi pa naman mabigat ang trabaho dahil panay orientation at training pa lang ang nangyayari.

But of course, my HR internship was different from the real work life. Nang masanay na ako sa takbo ng trabaho, nagsimula na rin akong mag-overtime. Wala naman akong problema roon dahil hindi katulad noon, may kapalit namang pera ang pagtatrabaho ko, and I was very determined to go and live my life in a new environment.

Kaya naman habang nasa process ako ng pag-iipon para sa condo unit ay nag-aaral na rin akong magluto. Kaya lang mukhang mas mahihirapan pa akong magluto kaysa mag-ipon.

“ARI told me something,” panimula ni Kuya. Nasa karinderya kami ngayon at kumakain after shift namin. Nagkataon kasing pareho kaming nag-overtime at nang matapos iyon ay damang-dama ko na ang gutom. 

“Hmm?” Itinuloy ko ang pagsubo ng kanin. Kung magco-condo unit ako, nawa’y may malapit na karinderyang may ganito kasarap na pagkain.

“You’re already searching for condo units?” 

Nilunok ko naman ang nginuya ko at uminom muna ng Coke bago sumagot. “Rough draft pa lang naman. Para aware ako kung magkano ang babayaran. Syempre need ng malupitang ipunan kasi may pa-advance advance deposit pa ‘yun.”

Tumango naman si Kuya saka sinubo yung nasa tinidor niya bago ulit nagsalita. “Matuto ka munang magluto kahit dalawang ulam para hindi ka mamatay agad sa kaka-takeout at para mas makatipid.” Sinamaan ko siya ng tingin at akmang may ipagmamalaki nang muli siyang magsalita. “Hindi kasama ang itlog at instant noodles. Anong plano mo? Araw-araw itlog ang ulam? Kapag tinamad, cup noodles? Tapos mabubuhay sa sardinas at Century Tuna?”

“San Marino na nga, mas mura siya nang kaunti,” I grumbled. Para akong batang pinapagalitan. Minsan mas malala pa siya kela Mommy ah?

Napailing naman siya saka medyo natawa. “Baliw. Hindi rin pwede na gabi-gabi kang lalabas para sa karinderya o Fast Food, kahit food delivery pa ‘yan. Aware ka naman siguro sa mga balita, diba?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Malamang. Eh halos pampalipas na ng oras ni Mommy yung murder documentaries, tas manonood pa siya ng balita na ang ganap eh babaeng deds sa loob ng sariling condo unit.” I rolled my eyes. “Naisip na rin ni Mommy yan, kaya nga hirap din siyang pakawalan ako eh.”

Tumango naman siya, obviously agreeing with my mom. “Being alone is really scary. There was even news about a person who lived alone, dying inside their dorm. Ilang araw din bago nadiskubre ang katawan niya sa loob. No one knew about their situation. So paano kung magkasakit ka? Sa ugali mong ‘yan, hindi mo sasabihin sa pamilya mong may sakit ka. Ultimong sa akin, di mo sasabihin dahil iisipin mong istorbo ka. Eh paano kung lumala ang pakiramdam mo? Edi mas delikado—”

“I know, Kuya. Kaya nga I had a thought of asking you if you wanna share a condo unit with me,” I blurted out, acting as if this isn’t an embarrassing thing to say. “But don’t really take it seriously, I know your responsibility with your siblings, hindi ka rin pwedeng bumukod talaga—”

“I’ll ask my parents about it.” Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya. Aba’y— “I’ve already mentioned renting a condo unit din naman after I graduate. Practically speaking, mas okay kung magkasama na nga lang tayo. Mas tipid pa.”

Dahan-dahan akong tumango. My mind was slowly processing his answer. “Hindi pa ako mamamatay dahil…” Agad nagningning ang mga mata ko. “May pagkain! OMG!”

Natawa naman siya habang nakatingin sa akin ang singkit niyang mga mata. “Kaawa-awa ka naman kung hindi ka makakakain ng lutong bahay.”

Napangisi ako saka tumuloy sa pagkain. Yown! Legit nang hindi ako matitigok at magugutom. Thank you, Lord, for giving me an amazing best friend slash kuya.

THE day I have been waiting for has arrived. I was able to save up enough money for my condo unit — ayy namin pala. condo unit namin ni Kuya. 

“Oh, Kuya, ikaw na bahala riyan kay Amara. Salamat talaga rito,” rinig kong sabi ni Daddy kay Kuya Cayden.

“Ate…” Napaharap naman ako kay Mommy. Seryoso siyang nakatingin sa akin. “Kahit anong mangyari, lalake pa rin ang kasama mo, ha? Ganito lang kami dahil kilala na namin yung bata at may tiwala kami sa’yo, pero at the end of the day, lalake pa rin si Kuya, ha?”

Napangiti naman ako. “Yes naman, Mommy. Don’t worry. Also, every week naman po eh uuwi ako, tas ta-try ko pong tumawag every day.” But I know that no matter what I say, Mom would still worry, and I love her more because of that.

Nilingon ko naman si Ariana na halatang nagpipigil umiyak sa pamamagitan ng pagmamaldita. “‘Wag kang maging pabigat kay Kuya, Ate, ha?”

I rolled my eyes. “Siraheads. Sino ba ang kapatid mo? Ako o si Kuya?”

“Both.”

Sinamaan ko siya ng tingin bago napangiti at ginulo ang buhok niyang laging nakaayos. “Mami-miss din kita. ‘Wag kang pabigat kela Mommy, maghugas ka ng pinggan,” pang-aasar ko na lang din, pero hindi nagtagal ay nagiiyakan na kaming apat. 

Ultimong si Daddy ay naluluha na rin. Mahihiya sana ako dahil may ibang tao, kaya lang naalala kong si Kuya lang ‘yun kaya pinagpatuloy ko ang pagngawa.

“Medyo OA rin kami, ‘no? Kala mo antagal naming hindi magkikita.” Mahina akong natawa kahit tuloy-tuloy pa rin ang mga luha ko sa pagbagsak.

Inabutan naman ni Kuya ng tissue saka ibinalik ang tingin at atensyon sa kalsada. Dinala na namin ang kotseng binili ni Daddy para sa akin last year, pero syempre si Kuya ang nagda-drive. Unless, gustuhin niyang bumangga kami sa pag-iyak ko.

“Hindi kita nasamahan kela Tita kanina.”

“That’s fine. I’ve already talked to them about it. Though baka bumisita rin daw sila minsan. Or si Colby kapag napatagal sa school events tapos maaga ang pasok bukas.” He was referring to his younger brother, the same age as Ari.

“Sure sure, no problem with that. Even my parents consider doing that, at yun din ang plano ni Ari. Though, house warming ata ang balak nila, pati sina Thea bibisita para manggulo.” Binuksan ko naman ang radyo ng kotse, nakasanayan na gawin kapag kami-kami nila Mommy ang magkakasama. “Balak ko rin ayain sina Kamila at Mariana na mag-overnight,” nakangisi kong sabi. Dati ko pa talaga naisip yun kaya sakto rin na kasama ko si Kuya. “Okay lang din ba sa’yo kung mag-iinuman kami nila Lia?”

Tumango naman si Kuya. “Just give me a heads up. Would they also spend a night there?”

Napahagikgik naman ako. “Most likely..? Is that okay?”

“Yeah. They seem like good people rin naman.”

Excited akong tumingin sa kaniya. “Feeling ko makakasundo mo rin sila. Plus nandoon naman si Mylo, lalake-lalake moments.”

Tinawanan naman niya ako saka siya nag-focus sa kalsada. As for me, I enjoyed the comfortable silence between us and the soft sound on the radio as I stared outside the window. 

I can’t wait for this new chapter of my life. For sure it’ll be a lot different and well… hopefully, ain’t boring.

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top