CHAPTER THREE


CHAPTER THREE

OUR furnitures and other things were still in plastics and boxes, napagdesisyunan namin ni Kuya na mag-focus muna sa kaniya-kaniyang kwarto at saka na mag-ayos ng sala at kusina. Kuya took the room with the balcony since praning ako at ayokong may ganong pinto sa kwarto ko. He understood my reason naman so we came to that decision.

The unit has two bedrooms that are adjacent to each other. The living area is just in front of my bedroom, while the kitchen and bathroom are on Kuya’s. The dining area is in between those. 

Itinulak ko ang bago kong biling kama papunta sa pinaka-corner ng kwarto, malayo sa pinto saka sinimulang buuin ang computer desk ko. Focus na focus ako sa ginagawa ko nang may narinig akong kumatok. Halos mapatalon pa ako sa gulat at nakalimutan kong may kasama nga pala ako.

“K-Kuya, need something?” ani ko habang tumatayo sa pagkakaupo sa lapag. Hindi ko rin naman kasi sinara ang pinto ng kwarto ko kaya kitang-kita ko siya roong tinitingnan ang loob. “Need help?”

Umiling naman siya. “Just wanted to ask what you want for lunch.”

Napatingin ako sa relo ko. Oh… it’s past one na. “Would you be ordering na lang? We still haven’t bought groceries and hindi pa naaalis yung stoves at plates sa boxes.”

Kuya nodded. “I’ll just order. What do you want?”

I shrugged. “Anything, but include a soup for me,” sagot ko saka bumalik sa pag-aayos ng desk. Finishing touches na lang at tapos ko na rin. Makakapaglagay na ako ng damit sa closet at drawers ko.

Hindi ko naman na narinig kung may sinabi pa si Kuya pero sure naman na ako sa desisyon niya kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa muli siyang kumatok. I almost salivated at the smell of the food. “Come on. Kain na muna tayo.”

Agad akong umalis sa pagkakaupo na naman sa lapag saka dumiretso sa kusina para maghugas ng kamay. Si Kuya naman ay hinahain ang kakainin namin sa dining table. For four ito kahit dadalwa lang kami. Sabi kasi nila Mommy ay para sa bisita.

After a short prayer, we both ate our hearts out as we conversed about the placing of the furniture for the rest of the area. “Should we buy groceries after settling everything?”

I nodded. “Yeah, though let’s eat outside na lang for dinner, para hindi na madagdagan yung pagod mo.”

“I can still cook, but sure. I’ll just cook tomorrow’s breakfast then.” I smiled at that and continued eating. Nang matapos ay ako naman ang nagligpit at nauna na siyang bumalik sa kwarto niya para tapusin ang pag-aayos doon. 

As for me, I started unboxing and unwrapping our stuff for the living room. I even blasted my Bruno Mars playlist from my phone before I completely started. We have a not-so-small sofa bed and of course, a television set, then a coffee table. I fixed the bookshelf as well, and placed my books on the lower part of it. Since mas matangkad naman si Kuya, edi kaniya yung mas mataas na parte, pahihirapan ko pa sarili ko? Speaking of which… “Kuya, do you want me to unbox your books na rin and place them on the shelf?”

Sakto namang palabas siya ng kwarto niya. “Sure. Abot mo ba?”

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Uso naman upuan ah?” Narinig ko ang mahina niyang tawa bago dumiretso sa kusina, para siguro eh magsimula na ring mag-ayos. 

As for me, I searched for his box of books and basically pushed them to the shelf before unboxing it and getting the chair from the dining area to begin putting the books. 

When the Runaway Baby played next, I did not stop myself from moving to the beat and singing with Bruno Mars. Naririnig ko rin naman si Kuya na sumasabay na kaya napalingon ako sa kaniya at saglit siyang pinanood na ayusin ang mga plato sa cabinet. Mahina na lang akong natawa hanggang sa matapos ako sa ginagawa ko. 

Nang maitulak ko na rin ang malaking plant sa may gilid ng bookshelf ay saka ko kinuha ang final box para sa sala. I took the picture frames and stuck the adhesive hooks so I could hang them there.

Napansin ko naman ang pagtabi sa akin ni Kuya habang nakatingin ako sa picture frames. There were three of them; one is a picture of me and my family, the other one is his and his family, and the last one was a photo of our small group, just the four of us. “Pretty, right?” I asked softly. I kinda miss my family agad.

“Yeah… pretty…”

Napangiti ako lalo habang nakatitig pa rin sa picture frame ng pamilya ko. Yeah, I miss them already.

Nang mapansing nagsawa na ako sa kakatitig, Kuya asked me about the groceries. And I went to my room to take some clothes and a towel then proceeded to the bathroom to take a quick bath since I’ve been sweaty ever since we went inside the unit.

Paglabas ko naman ng CR ay nakita ko si Kuya na nasa sofa at may bitbit din towel at mga damit. Maliligo rin daw muna siya kaya naman kinuha ko ang accessories ko saka medyo nag-ayos. Kaya lang lipstick lang naman nilalagay ko para hindi mahalatang anemic ako.

Hinayaan ko namang medyo basa pa ang brown kong buhok. Kaya lang panigurado eh ica-clamp ko na yun mamaya kapag nainitan ako kahit basa pa. Mahaba na kasi ang buhok ko’t umaabot na sa bewang pero ayoko naman ipagupit dahil plano ko pang ipa-perm. Though ipapa-full bleach ko ba o perm? Napailing na lang ako saka lumabas ng kwarto.

Sinisimulan ko namang ilista ang mga dapat naming bilhin — based sa grocery bonding naming pamilya — sa cellphone ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng CR. Umupo naman ako sa sofa saka hinintay na pumasok si Kuya sa kwarto niya at mukhang may aayusin pa rin naman siya.

Nakumpleto ko naman na ang listahan ko nang saktong lumabas na si Kuya at naka-bag pa. “You listed the grocery items?”

Tumango naman ako saka kinuha ang susi ng kotse ko na nasa counter table. “Ano pang ipapadagdag mo?” Binigay ko kay Kuya ang cellphone ko saka kami lumabas ng unit. 

Napansin ko siyang nagta-type na nang makapasok kami sa elevator. Sumandal lang ako sa may likod at medyo napapapikit pa sa antok at pagod. “Lahat ba ng flavor ng cup noodles eh plano mong bilhin?” natatawa niyang tanong.

Ngumisi naman ako. “Essentials.”

Napailing na lang siya saka nagpatuloy sa pagbabasa at pagta-type. “I think it’s complete now.” Inabot niya na sa akin ang phone ko saka ibinigay ko naman sa kaniya ang susi ng kotse.

“I’m updating Mom,” inform ko nang makapasok na kami sa kotse at pinindot ko ang call kay Mom. “Mommy! Katatapos lang po naming mag-ayos ng mga gamit, tapos ngayon ay magg-grocery na po kami ni Kuya.”

“Buti naman. Anong tinanghalian niyo?”

“Nag-order lang po si Kuya sa Jollibee. Hehe.” Napansin ko naman ang mahinang pagtawa ni Kuya at naka-connect ang call sa kotse kaya dinig niya lahat.

“Okay naman kayo ni Kuya so far?”

“Yes po, Mimi. Kayo po? Musta? Miss na po ako ni Ari?” I playfully asked even though I could feel my heart clenching.

“Asa ka! Baka ginugulo mo na riyan si Kuya ah?” dinig kong sigaw ni Ariana. 

Mahina naman akong natawa. “Ang bait-bait ko kaya. Diba, Kuya?” 

Natawa na rin si Kuya saka sumagot. “Okay pa naman si Mara, Ari. Balitaan kita kapag ginulo ako.”

Napataas naman ang kilay ko saka natawa. “At pagtutulungan niyo pa ako ah?” Tumawa lang lalo si Kuya kaya napailing na lang ako. “We’re almost there na, Mimi, Riri. Bibili na rin po kayo ng pang-ulam?”

“Oo, malapit na mag-alas singko eh. Ingat kayo ah? Tawag lang kapag may kailangan.”

“Yes po, Mimi. Love you.”

“Love you too.”

“Love you, Ari,” sabi ko agad at baka magtampo na naman ang bata.

“I love you too, Ate! Ingats kayo ni Kuya.” Napangiti naman ako nang mapansing parang maiiyak na naman siya. Hindi pwede, kasi iiyak din ako. 

After ending the call, Kuya also parked the car. “Okay, grocery time.”

Inabutan naman ako ni Kuya ng tissue bago tuluyang bumaba ng kotse. “Iyakin talaga,” pang-asar niya na sinamaan ko lang ng tingin bago ko pinunasan ang mga pisngi at mata ko.

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top