CHAPTER FOUR


CHAPTER FOUR

IT has been three days since we got into our unit and well, as expected, wala kaming nagiging problema ni Kuya. We both leave the place at 6 AM para pumasok sa kaniya-kaniyang work. We go in opposite directions and so far, madalas na mas maaga siyang nakauuwi kesa sa akin kaya naman ready na lagi ang dinner namin. 

Katulad nung mga nakaraan, naabutan ko na naman si Kuya na nasa sala at nagla-laptop. “You know, you’d really end up wearing glasses if lagi kang nasa tapat ng laptop,” ani ko habang sinasara ang pinto at sinasabit ang susi sa hook.

Napatingin naman siya sa akin saka ngumiti. “Welcome back.”

Napangiti rin naman ako. “Yeah. Have you had dinner?”

Umiling naman siya saka ibinaba yung laptop sa coffee table. “Go and change your clothes. I’ll prepare our dinner.”

Tumango na lang ako saka pumasok sa kwarto para makapagpalit ng pambahay. As usual, shorts at t-shirt lang ang suot. Muntik ko pang tanggalin ang bra ko dahil nakasanayan sa bahay — at nakakahinga ang mga dede ko — kaya lang may ibang tao pa rin naman. 

Though hindi naman ibang tao si Kuya. Kuya ko siya, so wala na dapat hiya-hiya rito?

I grumbled and fixed my bra before leaving the room. 

Agad ko namang naamoy ang bango ng Afritada. Kulang na lang eh maglaway ako sa sarap nun.

After a short prayer, we began eating. “Itadakimasu,” nakangisi kong sabi na ikinailing ni Kuya.

“Lagi ka bang nago-overtime?”

Napatingin naman ako kay Kuya saka umiling. “‘Di naman, pero madalas lang. Maraming nagbi-birthday eh. Saka pabor na rin sa akin yun para mas maraming pera. Magbabayad ako rito, magbibigay ako ng kahit kaunti kela Mommy, tapos mag-iipon pa ako ng para sa Master’s ko.”

Napatango naman siya. “Every weekend din ang live selling mo, diba?”

Ako naman ang tumango. “Dagdag ding kita para mas mabilis sumakses.” Napangiti naman siya. Akmang tutuloy ako sa pagkain nang may maalala ako. “Ayy, Kuya. This Sunday, pwede na bang pumunta sina Lia?”

Inabot naman ni Kuya ang phone niya sa gilid saka tiningnan ang kung ano roon. “Sure. Though Sunday ako ng gabi pa makakauwi so baka maabutan ko kayo sa sala.”

“Hindi rin naman siguro. May mga pasok kinabukasan eh. So hanggang dinner lang ata kami tapos eeskapu na sila.” Tahimik naman siyang tumuloy sa pagkain, kaya tinuloy ko ang pagdaldal. “Ikaw ba, Kuya? Mga tropa mo, hindi pupunta rito? Either nasa labas naman ako or magkukulong lang sa kwarto eh.”

Saglit naman siyang napaisip. “Sure. I’ll try to ask them. We’d only play games, I guess. ‘Di naman sila umiinom eh.” 

Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Parang sinasabi mong palainom kami ah?”

“Hindi ba?” pang-asar niya. 

Ngumuso naman ako. “Ni hindi pa nga kami nagba-bar eh.”

Napailing na lang siya saka mahinang natawa. “Balitaan mo ‘ko kung magba-bar kayo at magpapasundo ka.”

Napangisi ako roon. “Kaya tamang desisyon talagang magkasama na lang tayo eh. Edi lesser worry sina Mommy.”

“Kumain ka na nga lang.” Tumango ako saka itinuloy ang pagkain. 

Nang matapos ay ako ang taga-hugas ng pinggan tutal siya ang taga-luto. Nang matapos ay sinamahan ko si Kuya sa sofa at kinuha ang remote ng TV. Nakaupo siya at ako naman ay humiga at isinandal ang ulo sa armrest. 

Nang mapansin ni Kuya na medyo hirap ako sa pwesto at naka-fetus position ay inialay niya ang thighs niya para patungan ko. Ngumisi naman ako saka ipinatong ang legs ko roon. Pinatungan naman niya ang legs ko ng unan at doon niya pinatong ang laptop niya. 

I played the movie I wanted to watch and as usual, nag-react na naman siya. 

“Walang kasawa-sawa?” naiiling niyang tanong habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop.

Nginisihan ko naman siya. “You’re my soda pop, my little soda pop,” kanta ko habang ginagalaw pa ang mga balikat ko.

Napatingin siya sa akin at sa TV saka napailing, pero nakangiti naman. “Hulaan ko. Kapag pumunta sina Mariana at Kamila rito, papanoorin niyo pa ‘yan ni Kamila.”

Mas ngumisi ako. “Ang pogi kaya ni Jinu. Pero Baby bias ko. Tas kaniya naman si Mystery, so hayaan mo na kami.” I even let my tongue out before I focused my eyes on the movie.

By the end of the movie, nakita ko siyang inaabutan na ako ng tissue at wala na ang laptop sa may paanan ko. Nakikinood na rin ang porkchop.

“Ba’t kasi nangyari ‘yun? Pwede naman siyang sa likod na lang ni Rumi eh,” reklamo ko habang tuloy pa rin sa paghagulgol. 

Si Kuya na ang nagpatay ng TV. “Eh baka kung hindi niya hinarangan, tatamaan pa rin si Rumi, syempre doon siya sa siguradong ligtas si Rumi.” Mas lalo akong umiyak. “Pang-ilang panood mo na ba ‘yan? Umiiyak ka pa rin.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Lakampake, eh sa maganda siya eh.” I wiped my tears away. “Siguro nakaka-sampu na ako.” I blew my nose.

Natawa naman siya. “Come on. Let’s go to bed. May pasok pa bukas.”

Tumango naman ako saka nag-ayos ng pagpasok sa kwarto. “Thanks ulit for today, Kuya.” 

Tumango naman siya. Pareho na kaming nasa tapat ng kaniya-kaniyang pinto. “Anytime. Goodnight, Mara.”

“Nighty night, Kuya.”

SUNDAY came and after spending my Saturday with my family, the housewarming with the OG college tropa came. And like what Kuya said, nasa family niya siya today. 

“Balita balita sa radyong sira,” panimula ni Lia, na agad sinundan ni Thea.

“Ano nang relasyon ng ating Amara sa kunwarian niyang kuya?”

Sinamaan ko sila ng tingin saka ko inabot ang baso nilang may alcohol. Kung pwede lang na ethyl o isopropyl ang ilagay eh. “He really is my kuya.”

“Hindi magkadugo, hindi stepbrother, kundi magkaibigan.” Halos magmukha pang poetic si Mylo nang tumayo at sabihin yun nang may damdamin.

“Hater ba kayo ng platonic friendship between opposite sex?” singhal ko saka uminom ng Smirnoff. 

Mahina namang natawa si Rebecca. “Syempre hindi.”

“Pero yung inyo, kaduda-duda,” halos sabay-sabay na sabi nung tatlo. Sinamaan ko naman silang lahat ng tingin. 

“Mga siraulo. Ang sabihin niyo eh mga malilisyosa lang kayo.”

Natawa naman silang apat kahit ansama-sama na ng tingin ko sa kanila. “Amara, magpakatototo ka nga. Sa sobrang dali mong mahulog at magkagusto sa tao, never ka nagkagusto sa best friend mo?” seryosong tanong ni Becca na agad ikinatahimik nung tatlo, at nakatitig na sa akin. ‘Di masyadong halata na mga chismoso sila eh, ‘no?

Napaiwas naman ako ng tingin saka humalukipkip sa unan habang nakasandal sa sofa. 

“Ayy tang ina,” malutong na bigkas ni Thea.

“Sinasabi ko na! Sinasabi ko na eh!” kairitang sigaw pa ni Lia.

Natawa naman si Mylo. “Wala na, men. Kaya pala defensive.”

Sinilip ko naman si Rebecca na siyang napapailing at nakangiti. “Wala pa akong sinasabi ah?”

“Di mo na kailangang sabihin,” sabay-sabay nilang sabi. Amp. Ano ‘to? Nag-practice ba sila?

“So kailan mo nagustuhan?” tanong ni Rebecca na ikinatahimik na naman nilang tatlo.

Muli akong umiwas ng tingin bago sumagot. “Nung grade 9.” Agad nag-ingay ang tatlo pero pinatahimik naman ni Becca. “Pero I did not push it. I swear. Masyadong mahalaga ang friendship namin. Hindi pwede.”

“Ito na naman po si anteh sa kaniyang commitment issues,” Thea mumbled.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “It’s not just about my commitment issues, okay? But our friendship. Besides… I got over it already. And for sure, siya rin naman.” I almost whispered the last sentence pero malakas ang pandinig ni Thea. 

“Gago! Sinasabi ko na eh.”

“Ano raw? Ano raw?” dinig kong pangungulit ni Lia kay Becca.

“Kaya pala ganon makatingin,” react naman ni Mylo kaya ibinato ko sa kaniya ang yakap kong unan.

“Antagal na no’n. ‘Wag kayong pro-friends to lovers trope. Enemies to lovers ako.”

Ngumisi naman silang lahat. Kahit si Lia, dahil mukhang naikwento na sa kaniya ni Becca. “So naging mag-MU kayo noon pero pinili niyong ‘wag ituloy para sa pagkakaibigan niyo?” pagkaklaro ni Becca.

Umiling naman ako agad. “Never. Walang MU na nangyari. Nasabi ko sa kaniyang crush ko siya, umamin din naman siya, pero pareho kami ng takbo ng utak noon. Mas importante sa amin ang pagiging friends namin. After that, parang wala nang nangyari. Walang awkwardness. Sandamakmak na crushes ulit ang meron ako sa batch namin saka sa org ko, tapos siya, nagka-gf nung Grade 11. Ako pa nga ang mastermind nung pagyayaya niya ng relasyon doon sa girl. Plus, friend ko rin si girl.”

“At walang problema doon sa gf na best friends kayo ni kuya mo?”

I nodded at Lia’s question. “Wala naman kasi siyan po-problemahin. Ever since chinika sa akin ni Kuya na gusto niya si girl, never na kami nagkaroon ng gala or anything na kaming dalawa lang ang magkasama. Wala rin namang po-problemahin yung girl sa chats namin, kasi nagchichikahan lang kami kapag may hihingin akong tulong sa acads or kapag may malaking chika na binagsak sa akin.”

“Ayos, good girl best friend naman pala,” react in Thea na alam kong nang-aasar lang.

“Eh kasi best friends lang naman talaga ang turing namin sa isa’t isa. Kung iu-upgrade, kapatid na ang pinakamataas.”

Nanahimik naman sila saka tumango-tango, pero ang mga mata ay nananatiling mapang-asar. “Eh ngayon ba? May romantic feelings ka na ulit sa kaniya?” 

Konti na lang ihahampas ko na ‘tong bote kay Becca eh. Kanina pa tanong nang tanong amp. “Wala nga. He’s the kuya I never had. Maybe because panganay ako at sanay na dapat strong para sa kapatid ko at sa mga magulang ko, so I’m craving for an older sis or a kuya.”

This time, ang pagtango nila ay hindi na pang-asar. “Oh, sige, fine. Pero magkakaroon pa rin ako ng times na aasarin ko kayo sa isa’t isa, pero lilimitahan ko naman,” nakangising sabi ni Thea na sinegundahan naman ni Lia.

Napailing na lang ako. “Pareho lang kayo ni Ari.” Mas lalo naman sila nang-asar nang marinig yun. 

Pagdating ng alas syete ng gabi ay dumating na si Kuya. Naabutan niya tuloy kaming nagkakagulo sa Uno. “Cayden! Tara, laro?” aya ni Mylo.

Tumayo naman ako saka nilapitan si Kuya. “Last game na dapat namin, pero want mo sumali? Tutal siraulo naman silang lahat eh.” Narinig ko silang nagreklamo habang napangiti naman si Kuya. “We ordered pizza, pasta, and chicken. I can reheat them if you haven’t eaten dinner yet.”

“Grabe, ganyan pala mag-alaga ang isang Amara Sarmiento,” dinig kong bulong ni Thea na obvious namang nagpaparinig. 

Nilingon ko siya saglit para samaan ng tingin pero nginisihan niya lang ako.

“It’s okay. I can do it myself naman,” sagot ni Kuya saka dumiretso sa pinto ng kwarto niya. Tiningnan niya naman ang mga tropa ko. “Enjoy lang kayo. I’ll just change clothes then I’ll be back.”

Napangiti naman ako. “Oki, Kuya. Bihis well.” 

Nang makapasok siya sa loob ay sinimulan ko nang magpainit ng pizza sa microwave. “Grabe ka na, Amara. Tapos kapag kami ang makikikain, ayos lang kahit ginawin kami sa lamig ng pagkain?” reklamo ni Lia na ‘di ko naman pinansin. Manigas siya riyan.

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top