CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
BEFORE I graduated, I already laid out my plans. They were organized, all the way to being what I believed was successful. Sure na trabaho right after gumraduate. Masyado nga siguro akong money-driven and success-starved para ilatag lahat yun.
Fortunately, I have my ever-loving family who cares so much about my health — mentally and physically. They're not the traditional parents na mamadaliin akong magtrabaho at kumita para tulungan ang pamilya sa financial matters namin, instead, they were the ones who told me to take a break — to breathe.
“What do you want to do now, Ate?” Mom asked me three days after my graduation.
Hmm… I continued cutting my pictures para madikit sa scrapbook ko mamaya pag-uwi. “Pwede pong ayusin ko muna saglit yung business ko po while preparing for the board exams ng psychometricians, then magta-take po ako nun, though if hindi po ako pumasa, keri lang naman po, diba?”
Bigla namang umimik si Daddy na siyang nagda-drive. “Okay lang naman. Kung anong gusto mo, ‘nak.”
Napangiti naman ako. I’m too lucky to be part of this family. “Gusto ko lang po talagang pumasa para pampadagdag sa pangalan, pero kung hindi naman, hindi naman po masyadong big deal sa akin. Then after the exams, I can start searching for work na po.”
“Ipu-push mo pa rin ba sa med, Ate?” tanong ni Ari na akala ko eh tulog na.
Tinapos ko naman ang paggugupit sa loob ng kotse at nagsisimula na akong mahilo, saka iyon itinago sa bag ko saka sumandal sa upuan. “I wanna push being a child psychologist, but iipon muna ako ng pangpa-aral sa Master’s. So HR muna susubukan ko.”
“Alam mo namang kaya ko pa rin naman alalayan ang pagma-master’s mo, ‘nak, diba?” ani Daddy na siyang ikinangiti ko.
“Yes, Dad. I know naman po, but kay Ari na lang na tuition po ang isipin mo po tapos ayun, yung dates niyo naman ni Mommy,” pang-aasar ko na siyang ikinasama ng tingin ni Mommy pero tinawanan lang namin ni Ari, lalo na at nagsimula na namang harutin ni Daddy si Mommy.
Nang makauwi kami ay dire-diretso ako sa work desk ko saka hinablot ang scrapbook ko sa drawer para maidikit ang mga picture.
Katulad noong graduation ng dalawa pa naming best friends, kumpleto kaming apat nila Kuya, Kamila, at Mariana sa graduation ko. Nangingiti naman akong dinesignan ang scrapbook naming apat.
Graduation na lang ni Kuya ang kulang dito sa scrapbook namin ah? May pa-party rin kaya siya?
Bigla namang pumasok sa isip ko ang graduation party ko nung nakaraan. I had a talk before with Mom and another with Dad, and they were both fine with my plan. Kaya naman nung nag-uusap-usap kami ng iba ko pang circle of friends at tinatanong ako kung anong plano ko soon, naichika ko rin sa kanila ang tungkol sa pagsasarili kong condo unit.
“WOW, kung kailan natapos sa college, saka magdo-dorm, ah?” loko ni Lia, isa sa college OG tropa ko na nakaranas din ng dorm noon, pero maloko at tumatakas kapag gabi para mag-bar.
We laughed with her as I shrugged my shoulders. “Welp, at least mararanasan kong mag-dorm, diba?”
“So ano? Solo ka? Eh sabi ni Tita hindi ka marunong magluto ah?” pang-aasar naman ni Rebecca. Isa pa ‘tong nakapag-dorm simula ng mag-college eh.
Basically, silang apat, nakapag-dorm na during our college days, ako lang talaga ang hindi. “Grabe naman ‘to. Parang wala kayong tiwalang matututunan kong magluto ah?”
“Ay wala talaga,” panonoplak ni Thea habang tumatawa pa nang pang-asar. “Si Tita na nag-share noon, ultimong hotdog nasusunog mo raw.” Mas tumawa pa silang apat.
Sinamaan ko sila ng tingin. Mga kaibigan ko ba talaga ‘to? “Marunong naman akong magluto ng itlog, magsaing, saka may canned sardines naman at noodles ah?” Mas lumakas naman ang tawa nila.
“Hulaan ko, men, kung ba’t ka magdo-dorm,” ani Mylo pagkatapos nilang mahimasmasan. Si Mylo ang natatanging lalaki sa circle namin pero katulad ni Kuya, hindi siya naiilang na kasama kami. Okay lang din ang girlfriend niya sa amin. Parang yung gf ni Thea.
Nakita ko naman ang ngisi nilang apat, hanggang sa inakbayan ako ni Lia. “Sabihan mo ‘ko kung kailan tayo pupunta sa bar ha?”
Natawa naman ako. Buset, ito na nga ang sinasabi ko eh. Kung ang OG high school circle ko eh mga tahimik at good girls, good boy, itong circle na ‘to ang ilang beses na akong niyayayang mag-bar.
“Kalmahan niyo nga. Ang usapan namin nila Mommy, after a year pa ng pagtatrabaho ko, ako bubukod, so sorry, at hindi pa ako pwedeng mag-bar.” Agad nagsi-angal ang apat pero gets din naman nila ako kaya hindi na sila nagpilit pa.
“Pero may narinig ako kay Ari ah?” panimula ni Thea, pero ang kislap ng mga mata niya ay kakaiba. Ba’t parang nakakatakot ‘to? “Niloko mo raw sila Tito na isasama mo si Kuya niyo sa condo unit…”
“Para magluto. Yun lang,” agad kong putol sa sasabihin niya at baka kung anong sabihin nito.
“Ahh… magluto…” sabay-sabay nilang sabi.
Ah shit… Ba’t ba nakikichismis itong si Thea kay Ari? “Joke lang naman. Itong mga ‘to kung ano-anong iniisip.”
“Luh. May sinabi ba kami?” inosenteng kuno ni Thea na sinegundahan naman ni Mylo.
“Ako, wala. Kayo ba?” Pigil na pigil ‘di lumabas ang ngisi ng hinayupak ah?
“May nangangamoy ano… defensive.” Sinamaan ko ng tingin si Lia. ‘Pag ito, chinika ko yung tungkol sa ex, iyak ‘to.
“Pero cino-consider mo nga?” tanong ni Rebecca na siyang minsan eh ang pinakamatinong kausap sa apat.
I shrugged. “Oo. I mean wala namang masama, diba? If ever, dalawang bedrooms naman, share lang kami sa condo unit. Edi mas tipid pa sa bills, tas sure na makakakain ako nang maayos.”
Saka pumayag din naman si Daddy agad nung pinitch ko yung idea na yun. May tiwala sila kay Kuya kasi nga kuya-kuyahan namin siya at ilang taon na rin naman nilang kilala yung best friend kong ‘yun. Mas sigurado rin silang hindi ako mamamatay sa gutom kapag kasama ko si Kuya kasi magaling din siya magluto.
“Ahh… mala-dorm mates…” pang-aasar nung tatlo sa gilid namin.
Mahina namang natawa si Rebecca. “Aware siya sa plano mo?”
Agad akong umiling. “Hindi ko pa nababanggit, saka sudden idea lang naman yun. By the time na magco-condo unit na ako, for sure, makakalimutan yun nila Daddy at hahayaan na lang nila akong mag-isa.”
“Ahh… makakalimutan naman pala,” dinig kong pamb-bwiset nung tatlo pero hindi ko na lang pinansin kuno.
Bahala sila riyan. Sure naman kasi ako. Kaya ko naman mag-isa. Edi mag-aaral akong magluto. Kaya yun. Ako pa? Eh si Amara Louise Sarmiento yata ako. Basta I set my eyes on my goal, I can do that. Kahit ang pagluluto pa.
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top