CHAPTER 8
CHAPTER 8
DELAIHLA FRIA HATT
Nakaramdam ako ng pagkahilo na siyang muntikan ko nang ikatumba. Para bang naalis ang kaluluwa ko mula sa aking katawan. Nang mawalan nang balanse ay laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumagsak sa sahig.
Naramdaman ko ang dalawang bisig na siyang sumalo at bumalot sa akin. Agad akong tumayo nang tuwid upang harapin ang lalaking nanampal sa 'kin.
"Ano bang—"
"What the fuck?" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang sumapaw si Dominic. "What's your problem? Wala ka bang mga magulang na nagturo sa 'yo na huwag manakit ng babae?"
Dinuro siya ng lalaki, mga mata ay nanlilisik. Noon ko lang din napansin ang babaeng nasa likuran niya, lumuluha, hindi maipinid ang kanyang mga hikbi.
My forehead formed a crease on top of the confusion as to why this man slapped me for whatever reason.
"Manahimik ka!" Bumaling muli siya ng tingin sa 'kin, palingat-lingat sa gawi ni Dominic. "Girlfriend mo ba 'to?"
Nanggigigil na dinuro ako ng lalaki. Hindi sumagot si Dominic.
"Hindi mo ba alam na puta 'tong girlfriend mo? Binayaran siya ng asawa ng kapatid ko para magbigay ng aliw!"
Muling umiyak ang babaeng kasama niya. Nanatili akong tikom, sariling laway ay nilulunok.
"Nasira ang relasyon nila dahil sa 'yong putangina ka!" Napaatras ako nang akmang sugurin niya ako.
"Kuya!" Agad naman siyang pinigilan ng kanyang kapatid.
Kinuha ko ang aking wallet sa bag at kumuha ng sampung libo. Pinigilan ko ang pangingilid ng aking luha nang muli kong idinapo ang aking tingin sa kanila.
"Ibabalik ko na lang ang pera na binigay niya. Hindi ko na matandaan kung sino ang—"
"Syempre puta ka! Malandi! Pokpok! Bayaran—"
"Watch your words, motherfucker." Kinuwelyuhan ni Dominic ang lalake.
Unti-unti kaming nakakuha na kami ng atensyon mula sa mga taong dumaraan. Ano ba namang buhay 'to! Seryoso ang mukha ni Dominic, mga mata ay nakapako sa mga nasa harapan namin.
Humalakhak ang lalaki. "Ano? Hindi mo nagugustuhan ang sinasabi ko sa girlfriend mo?"
"Excuse me!? Hindi ko siya boyfriend," biglang bulyaw ko.
Nilapitan ko sila at tiningnan nang matalim si Dominic. Tila nakuha naman niya kaagad ang aking senyas nang awtomatiko niyang inalis ang pagkakahawak mula sa kuwelyo ng lalaki. I heaved a heavy sigh.
"Ibabalik ko na lang ito—"
"Bakit!? Mababalik mo ba ang relasyon nila kapag binalik mo 'yang sampung libo sa 'min? Hindi! Sa 'yo na lang 'yang puta ka!"
Pagsasalitaan ko pa sana ang lalaki nang biglang lumipad ang kamao ni Dominic tungo sa kanyang mukha. Napahandusay ang lalaki dahil sa puwersa, sapo-sapo ang kanyang mukha.
"You're so noisy! Fuck you!" Dominic snapped.
Pagkaalingasaw ng paghiyaw ni Dominic ang siyang pagresponde ng mga security guard ng PC sa komosyon. Hinawakan ni Dominic ang kamay ko at agad akong hinila papalayo sa pangyayari. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa na magkahawak.
Hinayaan ko na lang ang sariling magpaanod sa kanyang paghila.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Ano ba? May kamay ako." Inagaw ko mula sa kanya ang bulak na ginagamit niyang panlinis ng aking sugat.
Huminga siya nang malalim saka sumandal sa upuan. Tinupad naman niya ang kanyang sinabing dadalhin niya ako sa isang coffee shop; yon nga lang ay hindi planadong dadalhin niya ako na may bangas.
"Palagi bang may nangyayaring gano'n?" biglang usisa niya.
Tumango ako saka sumimsim sa kape. "Oo."
Napailing na lang siya at humalukipkip. Itinuon ko ang aking atensyon sa seryoso niyang mukha saka dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Bigla 'yong kumibit dahil nakita niya na nakatingin ako roon. Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha at inirapan siya.
"Bakit ka nagtatrabaho sa whorehouse?" he asked.
I rolled my eyes.
"Hinila mo ba ako papunta rito para tanungin ako tungkol diyan?" irita kong saad.
Mahina siyang natawa sa sagot ko. Dinig ko tuloy ang malalim niyang boses, animo'y bagong gising.
"Fine, another question. You know how to defend yourself, right?" Agad akong tumango, may halong pag-irap. "Bakit 'di mo pinagtanggol sarili mo?"
Napakamot ako sa 'king ulo. Bakit ba tanong nang tanong 'to?
"Edi napatay ko na siya kung gano'n."
Natigil ang usapan namin nang dumating ang in-order ni Dominic na pagkain. Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain.
For the next couple of seconds, only the clinks of cutlery were audible amid the café air. Napatid lamang ang katahimikan nang muling umimik si Dominic.
"Cattalina gave this to you." Nilahad niya sa 'kin ang isang maliit na sobre.
Bumaba ang tingin ko roon. Kaagad ko 'yong kinuha at binuksan. Isang liham.
Isinara ko ang sobre, iniisip na basahin na lamang ang nilalaman no'n kapag nasa bahay na ako. Kinuha ko ang dalawang litratong kalakip nito. Kumunot ang noo ko nang makita ang dalawang bata na karga nina Levin at Cattalina sa larawan—isang lalaki at isang babae.
"Her children," imik ni Dom.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ang ganda at gwapo! Kung sakaling ipakikilala ko si Cattalina kay Aksana, may bago na siyang kalaro! Nakakatuwa naman.
"Lauro is the oldest, and his little sister is Cazy. She's a spoiled brat just like her mom," pagkukwento pa ni Dom na mas ikinalawak ng ngiti ko.
Bigla namang nawala ang aking tingin sa litrato nang maramdaman kong mag-vibrate ang aking cellphone. Agad ko namang biningwit 'yon mula sa 'king bulsa.
"Sasagutin ko muna." Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti saka ko sinagot ang kanyang tawag.
"Hello?" bungad ko.
"Fria! Kauuwi lang namin ni Tita Stephanie. Akala ko, mamayang gabi ka pa aalis. Nagbago na naman ba ang schedule mo?"
Mahina akong natawa at napasuklay sa 'king buhok. Ito talagang si Manang Aksana.
"Uuwi na rin ako, Axe. May kausap kasi ako ngayon."
Binalingan ko ng tingin si Dom. Naningkit ang aking mga mata nang mag-igting ang kanyang panga.
"Sino? Lalake ba 'yan? Baka kunin ka niya sa 'kin!"
Hindi ko na napigilang tumawa. Napahawak ako sa 'king labi upang ikalma ang sarili.
"Sayong-sayo lang ako."
"Talaga ba? Sige na nga, hihintayin kita sa pag-uwi mo. I love you!"
"I love you too! Mwah!"
Natatawang binaba ko ang tawag at binalingan ng tingin si Dom. Ganoon pa rin ang kanyang hitsura.
"You have a boyfriend?" seryoso niyang tanong.
Natulala ako sa sinabi niya. Boyfriend?
Napakamot ako sa 'king ulo, iiling-iling. "No. Hindi mo lang naintindihan."
"No, I already understand." Tumayo na siya at inayos ang kanyang sarili.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng coffee shop. Nagpresenta siyang ihatid ako sa waiting shed kung saan ako maghihintay ng jeep.
Bumaba ang tingin ko sa sapatos ko, itinutuon ang pansin sa magulong pagkakasintas nito.
"Pahawak." Inabot ko sa kanya ang bag ko na agad naman niyang hinawakan. "Okay lang ba sa 'yo?" I asked, to which he gently nodded.
Yumuko ako at inayos ang aking sintas.
"Bagong buhay! Bagong buhay!"
Napatayo ako nang marinig ko ang paghiyaw ng barker. Noon ko lang ulit nalingon si Dom na seryoso pa rin ang hitsura.
"Salamat pala sa libre mo," tanging sambit ko na lamang.
"Aalis na 'ko. Bye!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Pumasok kaagad ako sa jeep at tulalang sinariwa ang mga nangyari sa akin ngayong araw sa kalagitnaan ng biyahe.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Boses ni Aksana ang kaagad na sumalubong sa akin pagkauwi ko ng bahay. Kumunot bigla ang noo ko nang sumunod ko namang matulinigan ang boses ni Stephanie.
"Ayaw ko nga!"
"Isang beses lang naman! Please? Para kay Tita Stephanie mo."
"Ayaw!"
Lalong lumakas ang boses ni Aksana hanggang sa magkasalubong kami sa harap ng pintuan. Ang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng saya.
"Fria! Nandito ka na!" Tumakbo siya papalapit sa 'kin. Niyakap niya ang aking hita.
Yumuko ako at hinalikan ang kanyang noo. "Kumain ka na ba?"
Tumango siya. "Oo!"
"Axe—oh, nandito ka na pala, Delaihla," ani Stephanie, habol-habol ang kanyang hininga.
Nginitian ko siya na siyang bahagyang napawi nang makita ko ang kanyang hawak—isang pares ng maliit na heels.
"Para saan 'yan?" usisa ko.
Nginuso niya si Aksana na parang tuko na nakakapit sa 'king binti. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Binuhat ko si Aksana at hinalikan ang kanyang pisngi.
"May binibigay si Tita Stephanie sa 'yo," malambing kong saad sa kanya. Humaba ang nguso niya at pinaglaruan ang kanyang daliri.
"Ayaw ko nang heels! Gusto ko lang 'yong rubber shoes," she murmured.
Nagkatinginan kami ni Stephanie. Tumawa lang siya saka tumango. Bahagya siyang bumulong na ayos lang daw naman kung ayaw ni Axe ng heels. Papapalitan na lang daw niya 'yong item sa department store.
"Tanggapin mo pa rin 'yon kasi binigay 'yon sa 'yo ni Tita Stephanie mo. Gusto mo bang magtampo sa 'yo si Tita Stephanie? Sige ka, hindi mo na siya makikita kapag nagtampo siya sa 'yo," pabirong pananakot ko kay Aksana.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nagpupumilit siyang bumaba kaya dahan-dahan ko siyang inilapag. Tumakbo siya papunta kay Stephanie at niyakap siya.
"Sorry na! Tinatanggap ko na 'yong regalo mo."
Napangiti si Stephanie at binuhat si Aksana. "It's okay, baby. Love pa rin kita."
"Love din po kita!"
Nang matapos ang kadramahan ng dalawa ay agad ko namang ipinahinga ang aking sarili sa upuan sa may sala.
Dinama ko ang pagod na nanalaytay sa aking buong katawan.
Marahan kong binalot ang aking sarili sa isang marahang yakap nang makaramdam ako ng tila may kulang sa akin. Napabalikwas ako ng tayo at hinanap ang bag ko.
"Stephanie?"
Agad na natuon ang kanyang atensyon sa akin. "Bakit?"
"May dala ba 'kong bag pauwi rito?"
Bahagyang kumunot ang kanyang noo at saka umiling. "Parang wala."
Nanlaki ang mata ko. "Ano!?"
May mga importanteng gamit doon sa bag ko! Tumakbo ako palabas ng bahay para bumalik ng PC. Akmang lalabas na 'ko ng tarangkahan namin nang biglang mayroong bumusina.
Agad akong natigilan nang mamataang may tumigil na isang itim na Lamborghini sa harap ng bahay namin. Nanlaki ang mga mata ko nang iluwal ng pintuan ng sasakyan si Dominic.
Napaawang ang labi ko. "D-dom. . ."
Hindi ko na siya napigilan na buksan ang gate. Kusa niyang pinatuloy ang sarili sa loob habang may iniaabot sa 'kin. Ang bag ko! Kasabay niya ring inabot ang isang sobre na kaagad ko ring kinuha kasama ng bag.
"Paano mo nalaman ang address ko?" Halos umigpaw ang aking kilay sa pagtatanong, pinagmamasdan ang kanyang hitsura na hindi mo mababakasan ng kahit anong emosyon.
"Sinundan kita," tipid niyang saad.
Napabuntonghininga ako. "S-salamat sa paghatid nitong bag ko. . ."
Tumango lang siya, tipid na ngumisi. "You're welcome—"
"Sino ka!?"
Sabay kaming napatingin sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Aksana na may hawak na pana at palaso. Nakatutok 'yon kay Dominic. Pakiramdam ko ay parang sinuntok ang aking dibdib sa kaba dahil magkaharap silang dalawa ngayon!
It's okay, Delaihla. Calm down. . . hindi niya naman siguro napansin. Hindi niya iyon mapapansin.
"Aksana! Ibaba mo 'yan," agad kong responde.
Nilingon ko si Dominic. Imbis na mabakasan ng takot, para bang natuwa pa siya! Bigla naman akong kinabahan.
"Ayaw ko! Sino ba siya, Fria? Sabi mo sa 'kin na walang kukuha sa 'yo!" malakas niyang atungal.
Napaiwas ako nang bigla niyang binitiwan ang palaso. Nanlaki ang mata ko nang pagmasdan kung paano 'yon mabilis na lumipad sa ere. Binalingan ko ng tingin si Dominic, dinarama ang mabilis na pagtibok ng puso. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang nakaiwas siya.
"Cool," sambit niya, bahagyang nakangisi. Lumapit siya kay Aksana.
"Teka—"
"Hi, what's your name?" kaswal niyang tanong sa kapatid ko.
Kumunot ang noo ni Aksana. "Anong 'What's your name?' Ayaw ko sa 'yo. Huwag mo 'kong hawakan!"
Nilapitan ko si Aksana at binuhat. Nagulat pa 'ko nang biglang hinampas ni Aksana si Dom.
"Bad ka! Kukunin mo si Fria sa 'kin. Ayaw ko sa 'yo!" Sa pagwawala niya ay kanyang nahagis ang kanyang pana tungo sa lupa.
Natahimik ang paligid nang mamataan namin kung naputol iyon. Maski ako ay nagulat dahil matagal na rin 'yon sa kanya.
"A-ang pana ko. . ."
Yumuko si Dom at kinuha ang pana. Marahan siyang lumapit sa amin.
"I'll just buy you a new bow," wika niya kay Aksana.
Napalabi si Aksana at nangilid ang luha. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay pumalahaw ng iyak.
"Fria! Nasira. Sinira niya!" humihikbi nitong sambit.
Nagkatinginan kami ni Dom. I let out an awkward smile, my heart was still pounding like crazy. Kailan ba siya aalis dito!?
Tinanguan niya lamang ako, hindi na muling umimik. He slowly walked away until he was out of our gate. Sumakay siya sa kanyang kotse at agad na pinaandar 'yon papalayo.
Nanatiling umiiyak si Aksana kaya naman marahan kong hinaplos ang kanyang buhok.
"Shh. . . Bibili na lang tayo ng bago. Huwag ka nang umiyak," pag-aalo ko.
Umiling siya. "Kukunin ka niya sa 'kin. S-sabi mo akin ka lang."
I softly chuckled. "Ano ka ba naman. Hindi nga ako mawawala sa 'yo. Hinatid niya lang sa 'kin ang bag ko kasi nakalimutan kong kunin sa kanya."
Bigla siyang tumigil sa kanyang pag-iyak. Hinarap niya 'ko at pinunasan ang kanyang luha. "Talaga?"
"Opo."
Muling nangilid ang kanyang luha.
"Ang p-pana ko," naiiyak muli niyang sabi.
"Bibili ako ng bago, okay? Huwag kang mag-alala," saad ko at saka sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri.
"Promise?"
Ngumiti ako at tumango. "Promise."
"Okay!" Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mga labi.
"I love you, Fria!"
Hinagkan ko siya nang mahigpit at naglakad papasok sa loob ng bahay.
"I love you too. I love you so much, my baby."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top