CHAPTER 7

CHAPTER 7

DELAIHLA FRIA HATT

"Seryoso ka ba?" hiyaw ni Stephanie, hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa 'kin.

Umirap ako. "Sasabihin ko ba sa 'yo kung hindi totoo?"

Mahina siyang natawa sa sinabi ko, sapat upang bulabugin ang huni ng mga ibon dito sa bakuran. Isinalo na namin ni Stephanie sa aming pag-aalmusal ang pagchi-chismisan.

"Pero ang swerte mo," sumimsim siya sa kanyang tasa ng kape, "Hindi ka na mahihirapan na hanapin siya. Palay na ang lumalapit sa 'yo, kaya tukain mo na!"

Sumandal ako sa aking kinauupuan saka humalukipkip.

"May naiisip na akong plano kaya hindi na 'ko mahihirapan sa gagawin ko."

"Sure ka ba d'yan? Baka mamaya, ikaw ang masasaktan niyan sa dulo."

Napabuntonghininga ako kasabay ng aking pagtayo.

"Dito ka muna at gigisingin ko muna ang prinsesa nang makapag-almusal na siya."

Tumango si Stephanie. "Sige, kukuha na lang ako ng makakain niya."

Nginitian ko lang siya saka ako tuluyang nagtungo sa 'king kwarto. Nangunot ang aking noo nang makarinig ako ng isang mahinang tunog pagdating sa silid. Animo'y mayroong umuugong na hindi ko maintindihan.

Binuksan ko ang pintuan at agad namang nanlaki ang mga mata ko sa 'king nasaksihan.

"Aksana!"

"Ate!"

Naibagsak niya ang kanyang hawak, sapo-sapo ang kanyang dibdib na halatang nagulat. Sumimangot siya saka ako inirapan.

"Bakit ka ba nanggugulat?" inis niyang bulyaw.

Hinablot ko sa kanya ang hawak-hawak niyang sex toy. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong i-lock ang drawer na pinaglalagyan nito?!

"Bakit mo pinapakialaman 'to!?" iritable kong sambit.

"Eh, bakit ka may ganyan? May pink bang pututoy? Tapos gumagalaw pa," asik niya saka naupo sa kama.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa pinagsasabi niya.

"Huwag mong pakialaman ang gamit ni ate mo," sermon ko.

"Edi sorry na," nakairap niyang pagkakasabi. Napailing na lang ako. "Eh, bakit ka nga may ganyan, Fria? Nakakakiliti 'yong kulay black!" natatawa niyang kwento.

Bumilog ang mata ko. "Ano!?"

"Nakakakiliti dito oh." Tinuro niya ang kanyang likod at humagikhik. "Nama-massage ang likod ko. Akin na lang 'yan! Dadalhin ko sa school para ma-massage ang likod ng kaibigan ko roon!" Tuwang-tuwa pa siya sa pinagsasabi niya.

"Hindi p'wede! Magagalit ako kapag nakita ko ulit na hawak-hawak mo 'to," seryoso kong wika.

Nawala na parang bula ang kanyang ngiti. Humalukipkip siya saka niya ako tiningnan nang masama.

"Ang panget mo!" Binato niya ako ng unan na kaagad ko rin namang nailagan.

Mahina akong natawa saka ko siya nilapitan upang kilitiin. Napahalakhak siya, dahilan upang palarong sabunutan ang buhok ko.

"Ikaw ah! Anong pututoy 'yang sinasabi mo? Bad 'yon. Baby ka pa!" muli kong sermon.

Humaba ang kanyang nguso saka inikot-ikot ang kanyang maliit na daliri sa 'king buhok.

"Eh kasi. . . 'yong classmate ko na lalaki, nakikipaglaro sa harap ng blackboard tapos naghuhubaran sila ng short kasama brief," hagikhik niya. Marahan niyang inilapit ang kanyang bibig sa 'king tenga. "Maliit ang pututoy nila."

Pinakita niya pa sa 'kin kung gaano 'yon kaliit na siya namang ikinahagalpak ko ng tawa. Napakasalbahe!

"Bad 'yan! Dapat hindi ka tumitingin."

"Paano ako makakaiwas, eh huli na ang lahat, Fria? Nakakainis ka, alam mo ba 'yon?" Tumayo siya mula sa pagkakahiga at agad na nagtungo sa CR.

Humalakhak ako saka siya sinundan.

"Bilisan mo para maihatid na kita sa school," marahan kong pang-aapura.

Dumungaw ang ulo niya, may abot-langit na ngiting nakapinta sa kanyang mukha.

"Talaga! Excited na 'ko!"

Napailing na lang ako at naupo sa kama para hintayin siya. Iginala ko ang aking mga mata hanggang sa napako ang tingin ko sa isang cute-sized picture namin ni Cattalina. Kinuha ko 'yon at bumalik sa pagkakaupo sa kama. Ito 'yong picture noong nasa Paris kami.

Pakiramdam ko ay parang lumipad ang utak ko sa mga panahon na kasama ko siya. Sa isang iglap lang ay agad na rumihestro sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa bago ako tuluyang umiwas at lumayo sa kanya.

Ang totoong dahilan ng lahat-lahat kung bakit kailangan kong manmanan siya patungkol sa aking trabaho at bakit siya ang habol ni Dinoques.

Si Cattalina ay anak ng isang sikat at malaking impluwensyang lider ng isang organisasyon na kagaya namin, at Gorqyieds ang pangalan no'n. Kalaban n'yan ang isang organisasyon na matagal kong pinaglilingkuran noon.

Kaya siguro nang malaman ni Dinoques iyon, mas lumakas ang kanyang loob na mapapabagsak niya ang Gorqyieds dahil hawak niya si Cattalina. . . na hawak niya ang isang pang anak ng boss ng organisasyon na 'yon.

Gagamitin niya ang kaibigan ko sa gusto nitong mangyari at higit sa lahat, ang unica hija ng namayapa na dating pinuno ng Gorqyieds ay nasa pangangalaga ni Dinoques noon. Dahil alam ni Dinoques na iyon din ang hanap ng pinuno ng Gorqyieds, gagawin niyang hostage si Cattalina at ang anak ng naunang pinuno ng organisasyon para mapabagsak ito.

Sa tagal ng pagtatrabaho ko kay Dinoques ay halos alam at kilala ko na ang mga nagtatrabaho sa Gorqyieds, nangunguna s'yempre ang namumuno roon, ang ama ni Cattalina na si Lucio at si Cylion—kapatid ni Lucio. Sumunod ang kapatid ni Cattalina na si Dominic, pangalawa ay si Hylo, pangatlo si Kristoff, at ang panghuli ay si Steven.

Sa bawat galaw at kung paano sila kumilos ay kilalang-kilala ko na dahil matagal ko na silang minamanmanan dahil utos na rin 'yon ni Dinoques.

Ganito na lang din siguro kabigat para sa akin ang konsensya ng pangtatraydor ko sa kanya bilang kaibigan. Dala-dala ko pa rin hanggang ngayon na halos hindi ko pa kaya na magpakita sa kanya sa personal.

"Sino 'yan, Fria?"

Napatingin ako kay Aksana ng marinig ang boses nito. Agad akong naahon mula sa pagkakalunod sa aking iniisip. Nakatapis siya ngayon ng tuwalya. Tumayo ako at kinuha ang uniform niya sa cabinet.

"Bestfriend ko," tipid kong sambit.

"Talaga? Ang ganda niya! Gusto ko siyang makita, p'wede ba?"

Natigilan ako. Naglakad ako papunta sa kanya at pinunasan ang kanyang buhok.

"P'wede naman pero. . . hindi ko pa alam kung kailan."

Ngumiti siya saka hinalikan ang pisngi ko.

"Okay! Maghihintay na lang ako."

Tinanguan ko lang siya saka siya sinuotan ng medyas. Sinunod ko ang pagsuklay ng kanyang pula at kulot na buhok. Habang inaayusan siya ay muli na naman siyang nagsalita.

"Fria, may tanong ako." Bahagya niyang inayos ang kanyang ribbon. "Bakit malaki 'yong ganyan mo?" itinuro niya ang dibdib ko, "Tapos sa 'kin, ang liit. Parang walang umbok kagaya sa 'yo."

Kinuha ko ang kanyang bag at hinawakan ang kanyang kamay.

"S'yempre, baby ka pa."

Lumabas na kami ng kwarto at nagtungo sa bakuran. Naabutan ko si Stephanie na may kausap sa phone. Nang malingon niya kami ay bahagya niya namang ibinaba 'yon sabay kaway kay Aksana.

"Good morning, Axe!"

"Good morning din, Tita Stephanie!"

Naupo kami, sinimulan nang pakainin ang aming prinsesita. Sinubuan ko na lang siya para mas madali dahil male-late na siya sa school.

"Alam mo ba, Tita? Si Fria, may pink na pututoy doon sa drawer niya," hagikhik ni Aksana na parang tuwang-tuwa siya sa pagke-kwento.

Napairap na lang ako saka siya pinainom ng tubig. Humalakhak si Stephanie at tiningnan ako.

"Nakita niya?" natatawa niyang tanong.

Umirap ako ngunit suko ring napatango. "Oo. Nakalimutan ko kasing i-lock yung lalagyanan no'n."

At sa saliw ng mahalumigmig na hanging nagmamasid sa amin sa paligid ng bakuran, nagsanib ang aming mga matutunog na halakhakan.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Heto na 'yong invitation card mo sa kasal ko."

Inabot sa 'kin ni Rose ang isang kulay rosas na papel na siyang pinalamutian ng nanginginang na glitters. May angking halimuyak din ito na parang wangis ng isang matamis na bulaklak.

"Salamat," nakangiti kong tugon nang tanggapin ko iyon.

Pagkatapos ng anniversary celebration ng Poufiasse Club ay napag-alaman kong nag-resign na rin si Rose. Agad naman siyang nakaalis dahil valid naman ang reason niya kung bakit siya magre-resign.

"At heto rin pala 'yong susuotin ng kapatid mo! Gusto ko nakalugay ang buhok niya, ah. Naku! Mukhang pinaglilihian ko ang kapatid mo, Delaihla!" hiyaw niya.

Kumunot ang aking noo.

"What do you mean?"

Lumawak ang kanyang ngiti saka ilang beses na tumango. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa tiyan niya.

"B-buntis ka?"

Napapitik siya sa hangin. "Natumpak mo!"

Umangat ang kamay ko at mahinang hinila ang kanyang buhok.

"Buntis ka pala, pero bakit ka uminom ng alak no'ng anniversary party?!"

"Aray ko naman! Konti lang naman 'yon!"

Binitiwan ko ang buhok niya at inirapan siya.

"Siraulo ka talaga! Gusto mo bang may mangyaring hindi maganda sa anak mo?" sermon ko.

Inirapan niya ako at hindi sumang-ayon sa sinabi ko. Sira talaga ang babaeng 'to!

"Oh, siya! Dumaan lang talaga ako rito para iabot sa 'yo 'yong invitation. 'Wag kayong mawawala ng kapatid mo roon, ah? Toodle-loo!"

Iiling-iling akong kumaway sa kanya hanggang sa unti-unti na siyang hindi masundan ng aking paningin. Dumiretso na lang din ako papunta sa reception para itanong kung anong room number ang papasukan ko para sa trabaho ko ngayon.

"I'm sorry, Ma'am, pero wala pa pong nakapag-book sa 'yo."

Kumunot ang noo ko.

"What? Paki-check nga ulit. Nag-text, 'yong kaibigan ni Rose na may nakapag-book na sa 'kin."

"Okay, Ma'am." Muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa register. "Wala po talaga, Ma'am."

Napahilot ako sa 'king sintido. "Paki-check na lang ulit. Last na."

Dinaplisan muli ako ng tingin ni ateng receptionist bago muling nagtipa sa keyboard. Nakatingin lamang ako sa kanya habang hinihintay ang resulta.

"It was me who gave the previous receptionist the request to cancel your client's booking."

Pareho kaming natigilan ng receptionist nang biglang may nagsalita sa gilid. Lalong kumunot ang noo ko nang lingunin ko kung sino 'yon.

Ugh! Dominic.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa 'yon?" naiinis kong bulalas.

Kainis! Paano ako hihila ng pera niyan ngayon? Hindi naman ako makakapag-serve ngayon sa bar dahil sarado 'yon tuwing Lunes. Malas! Mukhang uuwi na lang ako. Baka bukas meron nang naghihintay na kliyente ko.

Suminghal ako saka siya tinalikuran. Dali-dali akong lumabas ng building ng PC.

"Wait!"

Mas binilisan ko ang aking paglalakad. Ramdam ko ang yabag ng kanyang mga paa papalapit sa akin. Pero walang nagawa ang aking pagmamadali nang mahablot niya ang braso ko, dahilan upang pwersahan akong mapaharap sa kanya.

"Ano ba talagang problema mo?"

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "I just want to talk to you."

"About what?" Binaklas ko ang kanyang kamay na nakahawak sa 'kin.

"About the anniversary party. I just want to say sorry."

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, hinahanapan ng bakas ng sincerity ang kanyang paghingi ng tawad.

"Nasabi mo na ang dapat mong sabihin. Nag-sorry ka na. P'wede na ba akong umalis?"

Napabuntonghininga siya. "Can we talk? Let's get some coffee. My treat."

"Pero ang swerte mo, hindi ka na mahihirapan na hanapin siya. Palay na ang lumalapit sa 'yo kaya tukain mo na!" Umugong ang boses ni Stephanie sa aking tainga.

Ang swerte ko nga talaga.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti saka tumango.

"Sure."

Napagmasdan ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Isang mapanlarong ngisi ang kanyang natamo mula sa 'kin bago ko siya tuluyang tinalikuran.

Mukhang hindi na nga ako mahihirapan.

Halos lumipad ang aking isip nang magsimula akong maglakad. Saka ko lang namataan ang isang lalaking nagmamadaling maglakad tungo sa aking direksyon, mga mata'y nangingislap na animo'y isang tigre. Noon ko lang din napagtantong tila ako talaga ang puntirya niyang lapitan.

Ni hindi na ako nakalasap ng karagdagang mga segundo upang makasinghap.

The next thing I heard was a loud slap that stung my cheek, giving me a taste of my own blood from my lips.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top