Chapter 64
LIMA LABAN SA DALAWA.
May dalawang malaking lalaki sa grupo ng boyfriend ni Dessy. Parang bato-bato ang mga katawan, iyong isa ay mukhang may kaya rin sa buhay, parang tiyuhin nga nito, at iyong isa ay parang tambay sa kanto. Despite their sizes, Miko and Francis managed to keep up.
Nang mahimasmasan sa gulat ay sinamantala ko ang pagkakataon, nanakbo ako papunta sa may kalsada. Hihingi ako roon ng tulong. May isa sa mga lalaki na akmang hahabol sa akin, bago nga lang makalapit ay nahatak na ito ni Miko sa kuwelyo. Pinagtatadyakan niya ito. "Saan ka pupuntang hangal ka, ha? May permiso ba kita?!"
Nag-isip naman ako kung paano makakahingi ng tulong. Kinalampag ko ang mga saradong tindahan sa paligid, nagbabaka-sakali na may tao rito. Napatigil lang ako dahil may bumalandra sa harapan ko ang isa sa mga lalaki. Duguan ang nguso nito.
May lalapit na kasamahan na para tulungan dapat ito pero natadyakan na agad ni Miko sa likuran. Sadsad din ito sa harapan ko.
Iyong isang parang bata-bata pa ay dumampot ng bato. I panicked because he was going to throw it at Miko. But just before the guy could throw the stone, Francis struck him in the arm with a stick. The guy screamed and writhed in pain.
Lumingon si Miko, nakasimangot, pero tinanguan lang siya ni Francis. "You're welcome."
Parang napikon siya kaya doon niya ibinuhos ang pikon sa inuupakan niya. He gave the guy two punches and one headbutt.
Nanakbo ako sa may kalsada, pero wala ritong katao-tao na puwedeng hingian ng tulong. Iilan na lang din ang nagdaraang sasakyan, tapos lahat pa ay matutulin. "Shit!"
I took out my phone. I had the barangay number saved. It would be faster if I asked for help there. Pero ipapaderetso ko rin ang reklamo sa pulisya once mahuli na ang mga lalaki. Hindi ako papayag sa areglo!
I would never let them escape after they tried to kidnap me. Walang kapatawaran kahit ang pagbabalak nilang alisan ng nanay ang anak ko! Humanda sila! Lalong-lalo na ang nag-utos sa kanila! Hindi ko siya sasantuhin kahit pa magkadugo kaming dalawa!
Nang may sumagot sa tawag ko sa baranggay ay mabilis akong nagsalita. "Hello! May gulo po rito sa malapit sa school! Please, magpapunta po kayo ng mga tanod!"
Nang matiyak na papunta na ang mga ito ay saka ko bumalik. Pumulot ako ng tipak ng kahoy, just in case. Hindi pa rin sila tapos sa pagbabasag-ulo. Mabuti na lang dahil mukhang parehong matigas bungo ng dalawang pambato ko.
Humihingal na sila pero mukhang enjoy naman sina Miko at Francis, kahit pa pareho na rin silang may mga bangas at duguan ang bibig. Magkatalikuran pa sila habang pasugod sa kanila ang apat na kalaban. Tagdalawa sila.
Iyong boyfriend pala ni Dessy ay nauna na sa dreamland. Hindi na kumikilos habang nakasubsob sa bangketa. Ito ang inunang puruhan ni Miko kanina. Mukhang humihinga pa naman. I was confident Miko would never do something that could backfire on him later.
Dumura ng dugo si Miko sa lupa, saka muling sumugod ng tadyak sa lalaking kalaban na ngayon ay nakatayo na rin matapos sumadsad. Ito iyong malaking lalaki na tiyuhin yata niyong boyfriend ni Dessy. Mukhang malakas ang stamina. Kinabahan na ako dahil mukhang naka-steroid pa ito.
Tumigil lang sila nang makarinig ng pito ng paparating na dalawang motor na may open sidecar, mga tanod ng baranggay na may mga dala-dalang batuta. Magpupulasan pa sana ang mga lalaki nang hawakan nina Miko at Francis. Hindi rin naman basta makakaalis dahil tulog sa bangketa ang pinaka-leader nila.
Ako ang nagpaliwanag sa mga tanod dahil huhulihin din sina Miko at Francis. Sinabi ko na binalak akong kidnappin ng mga binugbog nila. Para may ebidensiya ay pinulot ko agad ang cell phone ng boyfriend ni Dessy at ipinakita sa mga tanod.
Papunta pa lang sa baranggay ay kinuhanan ko na ng video ang convo ni Dessy sa lalaki. Mas mainam ang pa-video para talagang walang lusot. Kumuha pa rin naman ako ng photos and I planned to print everything.
Umamin ang mga lalaki pagdating sa baranggay, dahil wala naman na silang ibang pagpipilian. Nasa akin lahat ng ebidensiya ng pag-uusap nila. Maliban sa convo ni Dessy with her boyfriend, may GC din pala ang mga lintek na ito. GC na "OperationKidnapDessy'sCousin".
Kung hindi ko lang napigilan sina Miko at Francis ay balak pa ulit nilang upakan iyong limang lalaki. Basta, pinaderetso ko na ang mga ito sa pulis. They were arrested the same night. The attempted kidnapping case carried a maximum penalty of six years. Mga nagmakaawa sa akin na i-drop ko ang lawsuit.
Dessy rushed to the police station before the incident became public knowledge. Naka-wig, naka-shades, at malaking jacket para walang makakilala. Noong una ay matapang, tapos biglang nagmakaawa na rin.
"Zandra, don't do this! Nagsisimula pa lang ako na iahon sa hirap ang pamilya ko! Ang mama ko ay kauuwi pa lang galing abroad! May sakit sa puso!"
Dahil more on calls si Dessy at ang boyfriend niya, kaunti lang tuloy ang convo nila. Makakalusot nga siya sa kaso, unlike ng mga lalaki na ngayon ay nakakulong. Mas matibay ang ebidensiya sa mga iyon. Puwede niya pang ilaglag ang mga ito. Pero ang pinagmamakaawa talaga sa akin ni Dessy ay iyong wag nang makalabas pa sa publiko ang nangyaring ito. Isa kasi siyang vlogger.
Dumating pa ang mama niya na tita ko. May sakit nga sa puso. Lumuhod sa harapan ko bilang pagmamakaawa na wag na raw palakihin pa ang gulo. Hindi ko ito kayang harapin, kaya pinatawag ko na lang si Mommy sa mama ni Dessy. Nagkaiyakan ang dalawang nanay.
Ultimately, Mommy decided to sever our relationship with Dessy and her entire family. My mom was not a forgiving person when it came to her child; for Mommy, that was the first and last straw. No more second chances. Our confrontation with the police was our closure. A closure with a restraining order.
KUNG IISIPIN, NAPAKALAKING SAGABAL PA NG NANGYARI. Pero siguro, paraan na rin iyon para tuluyang matuldukan ang kaugnayan ko sa aking pinsan na si Dessy. Iyon na ang huli.
Naging daan din ang insidente para maging civil sina Miko at Francis. Katulad ngayon, dumalaw si Francis sa bahay. No violent reaction from Miko. Pinagtimpla pa niya si Francis ng kape. Kape na asin ang nailagay imbes na asukal.
"Sorry, repa, nalito lang," ani Miko na may mabait na ngiti.
"Okay lang." Mabait din na nakangiti si Francis. "Alam ko namang nagkamali ka lang, pero iyon nga lang, some mistakes don't deserve a second chance."
Nakangiti pa rin si Miko pero may pag-igting na ng panga. "Diyan ka di sure, repa."
"Ganoon ba?" Nakangiti pa rin si Francis, sabay tingin kay Baby Mateo na nakatayo sa crib. "Cute ng baby na ito. Parang ang sarap maging anak."
"Baog ka ba?" Kinarga naman agad ni Miko si Baby Mateo. "Gumawa ka ng sa 'yo."
Napabuga na lang ako ng hangin. Oo, civil na sila sa lagay na ito. Pero at least, di na sila gumugulong sa kalsada habang nagbabasagan ng mukha.
Speaking of mukha. Parang hindi sila galing sa basag-ulo. Magagaling na kasi agad ang kanilang mga bangas pareho. Ano bang brand ng mga bungo nila? Curious ako.
ALAM NA PALA NI MIKO NA NAG-APPLY SI FRANCIS PA-CANADA.
He didn't say a word. He didn't even react. Kahit pa aware na siya na alis na namin ni Baby Mateo next week, I didn't hear anything from him. He just kept doing his job without complaining.
"Kumain ka na." Pinaghainan niya ako ng pagkain sa mesa. Tatlong putahe. Adobong manok, chopseuy, at lumpiang sariwa. Lahat ay luto niya.
Galing ako sa ospital dahil inasikaso ko ang pagre-resign, at pagbalik ko ay napakalinis ng bahay. Malinis, mabango, at busog din ang anak ko na naghihilik na sa crib nito.
Bukod sa putahe na luto ni Miko, may dessert pa pala. May leche plan, pero di niya gawa. In-order niya malamang kay Tita Anya. Nasa takip pa ng tupperware ang logo ng cartoonized na mukha ng apo nito. Ang anak ni Isaiah.
Araw-araw ay ganito. Palaging masasarap ang ulam, palaging may dessert. Palagi ring extra ang linis ng paligid. Pinagsasabay ni Miko ang pag-aalaga sa anak namin at sa pag-aasikaso ng bahay. Talagang uuwi ako para kumain na lang at magpahinga, dahil wala nang ibang gagawin pa.
Iyong mga kapitbahay pala namin, hindi na nakakailang na makasalamuha sa araw-araw. Dati ay madalas akong titigan ng mga ito na para akong sinusuri, lantaran kaming pag-tsismisan ng mommy ko, pero ngayo'y nakangiti na sa akin. Iyong ngiti na hindi plastic, kundi nakikisama. Life here suddenly felt so much easier.
Pagkakain ko ay niligpit na ni Miko ang aking kinainan. Pinanood ko siya habang naghuhugas ng plato. Dahil pala sa taong ito kaya nagbago ang lahat. Siya ang nagsimula ng pakikisama sa mga kapitbahay at nag-extend sa akin ang good treatment ng mga ito.
Naramdaman yata ni Miko na pinapanood ko siya. Lumingon siya at nagulat nang makitang hindi pa ako umaalis ng kusina. Nang makabawi sa gulat ay ngumiti siya. "Hi. May iuutos ka ba?"
Umiling ako. Naglabas ako ng pera sa aking bag. Inilapag ko sa mesa ang three thousand pesos. Two five lang ang usapan na sahod niya, pero dinagdagan ko kahit hindi na mabubuo ang ngayong cut off. Napatingin siya roon pero hindi kumibo.
Tumalikod na ako dahil ayoko nang makita pa ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya.
HINDI NA KAMI NAG-UUSAP NI MIKO.
Nasa bahay na lang ako dahil naghihintay na lang ako ng alis namin ni Baby Mateo. Kaunting ayos-ayos na lang ng gamit ang ginagawa ko. Si Miko naman ay tahimik lang. Minsan ay nagkakasalubong kami. Tipid na ngiti lang ang ibinibigay niya sa akin.
Napipikon ako sa ganoon niya, kasi parang mas gusto ko pa siyang magtanong, magalit kung bakit aalis pa rin kami ni Baby Mateo, at bakit ilalayo ko ang anak niya sa kanya, pero wala talaga. Wala siyang binibitiwan na salita.
Sa pikon ko minsan, sinasadya ko na magkalat o kaya ay mag-utos sa kanya nang sunod-sunod. Wala pa rin siyang sinasabi. Naglilinis pa rin siya kahit halata namang sinasadya ko minsan na magkalat. Tapos, ginagawa niya ang mga utos ko nang walang tanong o reklamo.
Bakit ganoon? Bakit parang ako pa ang apektado sa pag-alis ko? Naiinis ako. Kahit ako ay hindi na maintindihan kung ano ang gusto ko. Para akong baliw na naiinis kay Miko!
PATAPOS NA AKONG MAG-EMPAKE.
Ang kulang na lang ay mga sapatos ko. Parang nagdadalawang isip na rin ako na magdala kasi puro luma na pala ang sapatos ko. Pero kailangan. Nagtitipid ako kaya ayokong bumili ng bago.
Bumaba ako para kumuha ng sapatos. Pagbukas ko pa lang ng shoe cabinet ay natigilan na ako. Bakit may mga kahon ng sapatos dito? Nike, Aldo, Nine West, Tory Burch, Coach, at Michael Kors. Bakit may mga ganito rito?!
Pinagkukukuha ko ang mga kahon ng sapatos at isa-isang binuksan. May mga care card pa sa loob. Lahat pambabae. Sneakers, flats, formal black shoes, wedges, espadrilles, sandals, at slides. Higit sa lahat, ang mga ito ay puro size ko!
Bakit? Gusto kong isigaw sa mukha ni Miko iyong tanong na iyon. Okay na ako, e. Okay na akong wala kaming pansinan kahit nakakainis dahil ang sipag-sipag niya araw-araw at gabi-gabi.
Pero bakit may paganito pa siya?! Dang it! Why was he making this harder than it had to be?! Napatingala ako dahil namimigat ang aking mga mata. Lumayo ako sa shoerack na nanlalabo ang paningin. Shit, shit, shit!
Napatakbo na ako sa banyo. Ang balak ko ay maghihilamos ako. Pero pagdating sa lavatory ay lalo lang akong na-frustrate. Kasi dito, dito sa lababo, may nakalagay na facial wash. Iyong pinakamalaking lalagyan ng brand na ito, 250g.
Shit talaga kasi ito iyong dating facial wash na gamit ko. Ito iyong facial wash na gusto ko sanang ipabili kay Miko noong unang beses na nag-grocery kami. Ito iyong hindi namin nabili dahil pamasahe na lang ang pera namin. Napahikbi na ako at nauwi sa mahinang paghagulhol.
"ZANDRA..."
Luhaan akong lumingon sa pinto ng banyo kung saan siya nakatayo. Humihikbi akong nagsalita. "You. Wala ka na bang ibang alam gawin sa buhay kundi paiyakin ako?"
His lips parted when he saw my tears. "B-bakit ka umiiyak?"
Dinampot ko ang facial wash at ibinato sa harapan niya. "Miko, I want to die hating you!"
Lumamlam ang mga mata niya.
"I want to hate you! I want you to repay me for all the tears I shed for you! While you were sitting comfortably inside your mother's car, I was bleeding where you had left me! Walang lingon-likod na iniwan mo ako sa Buenavista matapos kitang sundan, kahit kaoopera ko pa lang!"
Napayuko siya. Ang mga palad ay nakakuyom.
"Kumikirot nang malala ang tahi, hindi makalakad nang deretso, kasi hindi pa ako okay. Pero mas mahalaga sa akin noon na puntahan ka. Kasi gusto ko ng buong pamilya. Ilang beses kitang pinili, pero ilang beses mo rin akong iniwan sa ere. At ang pinakamasakit ay iyong huli. Because you never come back to me!"
Nakayuko pa rin si Miko.
"I really want to hate you. I should still be hating you." Napahilamos ako ng palad sa aking luhaang mukha. "But why... why I don't feel that way now?"
Doon siya napataas ng tingin sa akin. Namimilog ang mga mata niya sa akin.
"I don't hate you anymore!" I sobbed. "It's so unfair! Why am I even feeling guilty for hating you during the times you abandoned me?!"
It was frustrating because even though I still had no idea about what happened to Miko after he left me, I felt like I understood him already. I felt like I was already hurting for him.
Imbes maawa sa sarili ko dahil iniwan niya ako, parang mas gusto kong maawa sa kanya kasi mag-isa lang siya. Ewan ko. Nakakagago lang. Sobrang nakakagago!
"And you know what's more absurd, Miko?" I cried, staring into his eyes. "Despite the pain that you caused me, my heart still flutter whenever our eyes met. Hindi ako makapaniwala kung gaano ako katanga para makaramdam ng ganito para sa 'yo!"
"Zandra..."
"Nang umalis ka. Nang iwan mo ako. Kahit nahihirapan ako sa araw-araw, kahit gusto na kitang kalimutan, letse lang kasi naiisip pa rin kita! At ang nakakainis, ako lang ang nag-iisip sa 'yo! Ako lang!"
"Zandra, iniisip din kita."
Napahagulhol na ako nang malakas.
"Zandra, palagi kitang iniisip. Kayo ng baby natin. Palagi kayong laman ng puso at isip ko, kahit nasaan pa ako."
"Sinungaling ka," iyak ko. "Nakakagalit ka talaga! Sobrang nakakagalit ka!" Hikbi ako nang hikbi. "Sobra... sobra... nakakagalit... why are you only saying that now?" When I saw the tears welling up in Miko's eyes, I sobbed even harder. "Don't look at me like that! And please, stop crying! Hindi ako maaawa sa 'yo!"
Pumasok na siya sa banyo at hinawakan ang pisngi ko. "Tahan na... Tahan, Zandra..." Umiiyak din siya pero ako ang pinapatahan niya. "Tahan na..."
I looked up at him as I cried. "Please, Miko, just tell me that you never loved me. Just be a bad person till the end..."
Malungkot siya sa aking ngumiti. "Hindi ako magsisinungaling sa 'yo."
"No!" Walang lakas na hinampas ko siya sa balikat. "You have to say it to me so that I can leave you!"
Dapat galit ako. Dapat masama siya para hindi ako nahihirapan nang ganito.
"I need to remember everything that you did to me! Giving me hope, making me believe in you, just to abandon me in the end! I need to remember all of that!" Pinaghahampas ko siya, na tinanggap niya naman lahat. Nang mapagod ako ay niyakap niya ako.
Hinahagod niya ang likod ko upang payapain ang aking nadarama. "Zandra, alam kong wala akong karapatan, pero dahil makapal ang mukha ko, sasabihin ko pa rin ito sa 'yo. Mahal kita."
Lalo lang akong napaiyak. "Oh, fuck you, Michael Jonas..."
Kinotongan niya ako nang mahina. "Tss, tama ka na, nakailang araw na tayong nagaganoon."
"Siraulo ka talaga!"
Mahina siyang tumawa, iyong tawang basag. "But, Zandra, seryoso ako. I really love you. I am not sure when it started, but I am certain it never ended." Nang mapaiyak na naman ako ay inalo niya ako. "Hush... Tahan na..."
"You're making me cry, you jerk!"
"Alam ko," he said softly as he rubbed my back. "Napakasama ko. Palagi na lang kitang pinaiiyak. Pero totoo iyon, Zandra. Hindi naman natapos iyong nararamdaman ko. I am not saying this to hold you back. You are still free to leave me."
Sandaling tumahimik si Miko na tila nag-iisip. Mayamaya ay mahina siyang napamura. Tila merong napagtanto.
"Parang alam ko na pala kung kailan nagsimula." Tumingala ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin pero may luha na ang mga mata. "Zandra, I think I have loved you sincerely from the very beginning..."
"Aalis na kami ni baby sa susunod na linggo..."
Tumango si Miko at hinalikan ako sa noo. "Yeah. Let's live the remaining days like this. Na parang walang mangyayaring pag-alis. Iyong parang hindi iisipin ng kahit sino, kahit natin, na may katapusan pala lahat ng ito..."
Tumango rin ako at yumakap sa kanya nang mahigpit. Naghiwalay lang kami noong narinig na naming umiiyak ang baby namin sa crib.
DUMATING NA ANG ARAW.
Bago ang ngayon, inubos namin ni Miko ang natitirang isang linggo na katulad ng hiling ng mga puso namin. Sabay-sabay kaming kumakain sa mesa, nanonood kami ng TV sa gabi, pinapaarawan namin si Baby Mateo sa umaga, at sa gabi ay sa kuwarto ko na rin pinapatulog si Miko. Sa gitna namin si Baby Mateo.
I knew I would look back and miss all the moments we shared. But that was all. I would just feel lonely at times, and the next day, I would finally be fine.
Alam din iyon ni Miko. Wala akong narinig sa kanya ni minsan na gusto niya kaming pigilan sa pag-alis. Alam niya na kailangan ko ito. Na kailangan namin ito. He even said that he still had a lot to do so it was okay for us to leave him, but his eyes betrayed his words...
AIRPORT. Inihatid kami ni Miko. Siya ang may karga kay Baby Mateo mula sa taxi hanggang dito. Ako naman ang nagtutulak ng trolley na may lamang isang malaking maleta. Habang papasok kami ay panay ang halik niya sa ulo ng bata.
Sa buong sandali ay namumula ang mga mata niya. Nang kukunin ko na sa kanya ang anak namin ay doon na bumuhos ang mga luha niya. "Z-Zandra..."
Hinaplos ko ang pisngi niya. Yumuko naman siya para damahin ang palad ko sa kanyang balat.
"Mag-iingat ka rito," sabi ko sa pilit na pinapatatag na tono.
Niyakap niya ako at hinalikan nang mariin sa ulo. "K-kayo rin. Alagaan mo ang sarili mo roon. Tapos alagaan mo ang baby natin."
Pinilit kong ngumiti pagkahiwalay sa kanya. "Syempre, gagawin ko iyon."
Miko nodded, his lips trembling. His tears streamed like waterfalls. "Oo naman," he said with his voice shaking.
I started crying too.
"Ikaw iyan, Zandra, e. Alam ko at makakaasa ako na aalagaan mo talaga ang baby natin. Panatag ako na hindi mo siya papabayaan. Kasi mahal na mahal mo siya. Mahal na mahal mo ang baby natin."
Si Baby Mateo ay para bang nakaramdam. Napahikbi na ang munti nitong mga labi. Tapos mayamaya ay nag-iiyak na. "Papaaa...!" Ayaw nitong bumitiw sa kanya. "Papaaa!"
Kinuha ko na sa kanya kahit ayaw pang bitiwan ni Miko. Niyakap niya kami. Tinulak ko na siya kasi kailangan na naming pumasok ni Baby Mateo. "Miko, aalis na kami."
"Z-Zandra... Zandra..." He didn't mind that his voice was broken, he was in tears, and all the people at the airport were looking at him. "Zandra..." he called my name over and over.
My heart felt like it was being crushed into a million pieces. I turned my back on him while I still could. "Bye, Miko..."
Pumasok na kami ni Baby Mateo habang tulak-tulak ng isang kamay ko ang trolley. Tinulungan kami ng staff sa loob. Si Miko naman ay nasa likod. Sumisigaw na siya roon. "Zandra!"
I did not want to look back. I did not want to see him. But he kept on shouting. His voice was broken. Umiiyak pa rin si Miko. Alam ko na umiiyak pa rin siya!
Shit, hindi ko rin natiis. Nilingon ko rin siya ulit. Luhaan siya na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko pa kung paano manginig ang mga labi niya at pumatak ang mga luha niya. Hindi na talaga siya astig.
Bago ako tuluyang pumasok. Naulinigan ko pa ang huling sigaw niya. Sigaw niya na alam kong babaunin ko hanggang makarating ako sa Canada.
"ZANDRA, MAHAL NA MAHAL KITA! MAGHIHINTAY AKO! HIHINTAYIN KITA! KAHIT MATAGAL! BALIKAN MO AKO, ZANDRA! MAHAL NA MAHAL KITA!"
#BadLoverbyJFstories
(Hi! We have a new series, Asylum Series. #1 Grovel At My Feet is now live. You may check it anytime :) )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top