Chapter 63
IN FAIRNESS, MASARAP ANG CHICKEN BARBECUE. Pinaliliguan na ni Miko si Baby Mateo sa planggana sa banyo habang kumakain ako ng almusal. First time kong mag-almusal, tapos kanin pa. Heavy meal. Hindi ko lang kasi mahindian ang ulam.
Pagkakain ko ay sakto na ring nakatapos si Miko. Karga-karga niya ang bata na parang shanghai roll dahil sa nakapulupot ditong puting tuwalya. Basa pa ang manipis na buhok nito kaya kitang-kita ang dalawang pirasong puyo sa ulo. Dumidila-dila pa at gusto yatang tikman ang tubig.
Malambing na sinaway ito ni Miko. "Boss, wag iyan. Kahit pinakuluan ang tubig, delicate pa rin. Baka magka-amoeba ka. Yari tayo."
Nang mag-angat siya sa akin ng tingin ay nakita niya ako na nakamasid sa kanila. Pangiti na siya nang nagbawi ako agad ng mata.
Masigla pa rin naman siya na nagsalita. "Bihisan ko lang si baby. Iyong kinainan mo, iwan mo na lang diyan. Ako magliligpit mamaya."
Deadma ko lang siya.
HANGGANG SA WORK AY MAY BAON AKONG BARBECUE. Pinabaunan ako ni Miko. Hindi na ako nakatanggi kasi nailagay niya na sa shoulder bag ko ang tupperware. Ito tuloy, hanggang after shift ay busog ako.
Nag-chat si Mommy pagka-out ko. Nagagalit na raw ang pinsan kong si Dessy kasi bakit daw hindi ko pa ito pinupuntahan sa Buenavista. Parang hindi naman daw ako interesado na ibenta rito ang restobar.
Pinagalitan tuloy ako ni Mommy. Baka raw magbago na ang isip ni Dessy at umatras na sa pagbili. E kailangan na talaga namin ng pera para ma-full na ang bayad sa bahay namin na hinuhulugan pa ang kalahati ngayon. May mga utang-utang pa rin kami na binabayaran mula nang mag-Canada si Daddy.
Mahirap din ang buhay sa Canada lalo pag bago ka. Hindi naman agad ay nakakakuha ng trabaho na may malaking suweldo. Paycheck to paycheck lang sina Daddy at Kuya Zed. Tapos susunod pa kami ni Baby Mateo roon. Panibagong matinding adjustment.
Pagkatapos ng shift ay nag-out na agad ako. Pupunta ako sa Buenavista kung saan nakatira si Dessy. Sana lang ay totoong seryoso ito sa pagbili ng restobar.
SA LOBBY NG OSPITAL AY NAPAATRAS NA NAMAN ANG MGA PAA KO. Natanaw ko na naman iyong babaeng naghihintay sa akin. Nakasuot pa ng unipormeng pangpulis. Ano na naman ba ang ginagawa nito rito?!
Nang makita ako ay naglakad agad papunta sa akin. Ang instinct ko ay umiwas ulit. Pero bakit ba ako na naman ang iiwas? Ako ba ang may kasalanan dito?
"Zandra, mabuti at naabutan kita." Ang ngiti nito ay may bahid ng kung ano... hiya? Nahihiya ito?
Ngayon ko lang napagmasdan si Michelle Suarez. Wala na iyong matapang at parang laging galit na aura. Parang tumanda ang itsura. Namayat. Parang napakaraming problema.
"Zandra, alam ko na galit ka sa akin. Hindi kita masisisi. Pero ina ka na rin. Kaya sana... sana pagbigyan mo ako kahit ngayon lang. Gusto ko lang makibalita sa anak ko."
"Kay Miko? Bakit sa akin niyo siya hinahanap? Kung gusto niyo siyang makita, tawagan niyo. Imposible namang hindi kayo kausapin niyon, e kayo nga pinili niya noon."
"Wala siya sa akin. Umalis din siya agad pag-uwi namin sa Bacao—"
"Kasi pinadala niyo siya sa Manila para mag-aral?" agaw ko sa sinasabi niya.
Napaangat ang mukha niya sa akin. "Zandra... hindi mo ba alam?"
"Ano ho? May dapat ba akong malaman?"
"Noong araw na sumama sa akin si Miko at iwan ka niya sa Buenavista... iyon din ang araw ng libing ng lola niya."
Nagulat ako. "P-patay na ho si... Lola Mameng?!"
Ang matandang iyon ang tanging kakampi ko sa bahay nila noon. Ito rin ang mahal na lola ni Miko. Wala na ito?
"ZANDRA!"
Paglingon ko ay si Francis. Papasok ang lalaki ng lobby.
"Magkakilala kayo?" Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng mommy ni Miko. "Francis, di ba?" she asked Francis. "You're friends with my unico hijo, di ba? Natatandaan kita. Ang tangkad mo na lalo. Nag-mature na. Kumusta na? Nagkikita ba kayo ng anak ko?"
Nang makita ito ni Francis ay nagsalubong ang kilay ng lalaki. Nagtataka bakit siya ang tinatanong nito tungkol kay Miko.
Nang makakuha ng chance na umalis, ay umalis na ako. Mabibilis ang mga hakbang ko patungo sa lobby.
"Zandra, sandali lang!" sigaw na habol ni Mrs. Suarez. "Please, let me see my son! Let me talk to my son!"
Nakasakay na ako sa baby bus nang may tumabi sa akin. Pagtingala ko ay si Francis. "Bakit ikaw ang ginugulo niyon?"
Nagkibit ako ng balikat. "Ewan ko."
Nang nasa Malabon na ay ihahatid na naman dapat ako ni Francis sa sakayan ng tricycle nang sabihin ko na magdyi-jeep ako. He asked and I said I was going straight to Buenavista. Francis frowned his brow when I mentioned Dessy.
Nagtaka na lang ako dahil hanggang sa pagsakay ng jeep sumama siya. As in sinamahan niya ako hanggang sa Buenavista!
The street leading to Dessy's house was still the same. May kasikipan, may ilang tambay, at marami na nga lang nadagdag na bagong tindahan. Ang mga bahay rin ay mga nagkaroon na ng second floor ang ilan.
Dessy's house was located at the end of this alley. May kalayuan sa ibang kabahayan, kaya nga gustong-gustong gawing kuta noon ng mga rebeldeng kabataan. Ngayon ay may mga katabi na itong bagong bahay. Madilim pa rin pero hindi na ganoon kaliblib.
Their old big rusty gate was still the same. Ini-expect ko pa naman na pinalitan na dahil nga sa kumikita na si Dessy ngayon sa vlogging. Pero maging ang bahay nila ay parang wala namang nagbago. Hindi pa rin pinapaayos. Ni hindi pa napapasemento ang lupang daan.
Pumasok kami ni Francis sa loob. Inaalalayan niya ako dahil maputik ang daan, gawa ng kauulan pa lang. Sa harapan ng bahay ay may nakaparadang kulay pula na Toyota Vios. Kotse yata ni Dessy.
Pagkalapit namin sa bahay ay meron naman palang nagbago roon kahit paano. Nagkaroon ng bakal na screen door, grills ang mga bintana, at may aircon na sa sala. "Come in," malamyos na boses mula sa loob.
Pumasok ako sa sala. Si Francis ay naiwan sa labas.
The only thing that had changed in here was the new flatscreen TV, sala set, and window-type aircon. Mula sa kusina ay lumabas ang babae. Muntik ko na siyang hindi makilala kasi sobrang puti at kinis niya na. She was wearing a nightgown that almost showed off her big breasts.
Dati naman nang may itsura si Dessy, pero mas maganda siya ngayon. Blonde na rin ang buhok niya, ang katawan niya ay super sexy, pero iyong dibdib niya? Parang hindi naman yata ganito kalaki at kabilog noon? Pero bagay naman sa kanya.
Maliban sa pisikal na itsura, siguro ay nagbago na rin naman ang ugali niya. Nag-mature na rin siguro. Lahat naman kasi ng tao ay maaring magbago. Nginitian ko siya. "Good evening, Dessy."
Bibilhin niya ang restobar namin kahit hindi sigurado na mapapakinabangan niya, kaya doon pa lang ay dapat magpasalamat na ako sa kanya. She was only doing that out of charity, because she knew that we were in need of money. She wanted to help us.
Hindi man kami okay noon, baka posible naman kami kahit maging casual ngayon. But Dessy didn't return my smile. Sa halip sinuri niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nakangiti pa rin naman ako. "Ah, nandito ako kasi sabi ni Mommy, puntahan daw kita—"
"Pumunta ka dahil lang sa bibilhin ko ang restobar niyo? Pero noong nagtsa-chat ako sa 'yo, deadma mo?" Ngumisi siya. "Sobrang naghihirap ka na ba talaga, Zaza?"
Nag-init ang pisngi ko sa hiya. "I'm sorry kung hindi kita na-reply noong nagtsa-chat ka—"
"Akalain mo iyon, ano?" she cut me off. "You, who used to be a princess, are now a pauper. Naghirap na, disgrasyada pa."
My expression turned serious. "Are you going to buy the restobar or not?"
Humalukipkip siya dahilan para lalong bumilog ang kanyang dibdib. "Can I just think muna, Zaza?"
"Pero ang sabi mo kay Mommy, bibilhin mo," matigas kong sabi. "Kaya mo nga ako pinapunta rito sa inyo."
He picked up a vape from the center table and took a puff. "Zaza, ang sabi ko kay Tita Jesela, pumunta ka para makapagdesisyon ako. So ito, may desisyon na ako. Hindi ko na bibilhin."
Hinawi ko ang matamis na usok na ibinuga niya sa akin. "H-hindi iyan ang sabi mo kay Mommy..."
"Come on, 'couz. Bukod sa dami ng aayusin doon sa lumang restobar niyo, ay nasa parte pa ng barangay na hindi na pansinin ng tao. Kaysa doon ay pupunta na lang ang mga kabataan sa SM Rosario o kaya sa Padi's Point sa Bacoor o Dasma, di ba?"
"M-marami naman puwedeng gawin doon. It's a commercial space. Tapat ng kalsada—"
"I already told you. I don't want the property. Tapat nga ng kalsada pero patay na lugar naman. Saka, bakit uunahin ko iyon? Ito ngang bahay namin ay di ko mauna, kasi kakukuha ko lang ng condo sa Manila. Hindi ka ba nag-iisip? Echos lang ba talaga na matalino ka?"
My hands balled into fists.
"Matalino ka nga pala, kaya nga pagka-graduate ay nabuntis ka agad. Tapos kanino ka nga pala nagpabuntis? Sa tarantadong si Miko? Nasilaw ka sa angas niya at kaguwapuhan? E kumusta naman? Ilan na kayong naanakan niya? Saka, sinusustentuhan ka man lang ba?"
"Aalis na ako, wala naman pala akong mapapala rito." Tinalikuran ko na siya, but she was not done yet.
"Sabagay, Zaza, di ka naman lugi. Nag-enjoy ka naman sa paggawa niyo ng baby niyo. Noong nalasing iyon dito dati, sinundan ko noong umihi sa likod ng bahay namin. Damn, girl. He got a monster dick. I bet you really enjoyed being fuck by it—?"
Dessy couldn't finish what she was saying because the door suddenly opened. Sa isang iglap lang, a tall man entered and went right towards her, to strangle her. Napasinghap ako. Si Francis!
Dessy's eyes widened as she turned pale. "A-hg... Angke!"
"Hindi ka pa rin talaga tumitino?" Pulang-pula si Francis habang sakal-sakal niya sa isang kamay ang leeg ni Dessy.
Pinaghahampas naman siya ni Dessy na parang malalagutan na ng paghinga. "L-let me go, j-jerk! Urgh! L-let me... go!"
Natakot naman na ako dahil baka mapatay si Dessy kaya inawat ko si Francis. "That's enough, Francis!" Kapag nagpadala siya sa galit, mababaliktad pa kami. "Bitiwan mo na siya! Baka mapaano siya!"
Niyuko ako ni Francis. Ang madilim at seryosong mga mata niya ay nababanaag na ayaw niya pang bitiwan si Dessy, pero nang makita ang pagmamakaawa ko ay doon lumuwag ang hawak sa babae.
"Fuck you, Angke!" hiyaw ni Dessy na humihingal. "Bakit ka nandito?! Trespassing kang hayup ka! I will sue you! Trespassing, assault, and grave threat!"
He looked at her. "Okay, but I'll break your neck first."
Napaatras si Dessy, and as she did so, she tripped and fell to the floor. "Fuck you! Fuck you! Get out of here! You worthless people!"
Hinarap ako ni Francis. "At ikaw? Ano bang pumasok sa isip mo para makipag-transact sa babaeng iyan?" His voice was calm but serious. "You should know her better than anyone else."
"What's this, huh?!" sigaw ni Dessy. Mula sa paghingal ay nakangisi na sa amin. "Zaza, don't tell me na si Angke naman ngayon? Nice one, 'couz! You really like chasing big D... I mean dreams!"
Tinadyakan ni Francis ang binti ni Dessy. The woman writhed and cursed. "Ahhh! Fuck you, Angke! Gago ka! Gago ka!!!"
"Tara na, Zandra." Hindi na ako hinintay ni Francis na makapagsalita. Hinuli niya na ang pulso ko saka ako hinila.
Nilingon ko pa si Dessy na nakasalampak sa sahig habang namimilipit at matalim ang mga tingin sa amin. Bago kami makalabas sa pinto ay nakita ko pa ito na hinahagilap ang cell phone nito.
Hanggang makalabas kami sa bahay nina Dessy, hanggang sa may street, at sa tapat na ng highway ay hindi pa rin ako binibitiwan ni Francis. His face was serious, and I could see his jaw tightening.
"O-okay na ako rito, Francis," sabi ko. Nadamay ko na siya sa katangahakan ko, kaya okay na. "Salamat sa pagsama. Uuwi na ako mag-isa."
Nang may dumaang jeep ay sumakay na ako. Nang lingunin ko siya sa gilid ng kalsada ay nakaawang ang mga labi niya habang nakahabol ng tingin sa akin. Nag-iwas naman na ako ng mga mata.
Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap ni Francis, pero tingin ko ay hindi na yata kailangan. He would not listen to me anyway. Paalis na rin naman ako at ang baby ko ng bansa.
Mabilis lang ang panahon. Noong nakaraan ay nagbibilang pa kami ni Mommy ng buwan. Ngayon ay linggo na lang. Napasandal ako sa sandalan ng jeep. Kaunting-kaunting panahon na lang.
11:40 PM NA AKO NAKABABA SA BRGY. PINAGTIPUNAN. Napakadilim dahil nataon pang sira ang lamppost papasok sa daan. Ito ang kalye kung saan nakatayo ang Governor Ferrer Memorial High School. Walang katao-tao rito tuwing gabi dahil sarado na ang mga tindahan sa tabi-tabi.
Nangangalahati na ako at may kalayuan na sa highway nang mula sa madilim na saradong tindahan ay may mga bulto na lumabas. Mga lalaki na ang bilang ay nasa lima. May kaba na pumitik sa loob ng dibdib ko.
Kaswal lang ako na nagpatuloy sa paglalakad. Alanganin nang bumalik dahil gumigilid na sa akin iyong isa sa mga lalaki. Hanggang palibutan na nila akong lima.
"S-sino ba kayo? Anong kailangan niyo? Tagarito ako sa Pinagtipunan, hindi ako dayo." Baka kasi napagkamalan lang ako na tagalabas.
"Anak ako ni Zoren Asuncion. Dating may ari ng restobar sa labasan," paliwanag ko pa. Kaya lang ay noong nabistahan ko sa liwanag ng buwan ang kanilang itsura, ay hindi ko sila namumukhaan. Hindi sila tagarito sa aming baranggay!
Iba-iba ang edad nila. Merong mukha nang tiyuhin, merong bata-bata pa, may mukhang tambay lang, at ang isa sa kanila ay mukhang may kaya. Isa lang din ito na merong itsura, kaya lang ay mukhang may tama. "Hi. BF ako pinsan mo."
Pinsan ko? Itinaas niya ang iPhone na hawak. Lumiwanag iyon ay nakita ko roon ang picture ko.
"Ikaw ito, di ba? Zandra ang pangalan mo? My sweet Dessy sent me your pic. Gusto niya na turuan ka ng leksyon. Once I did it, she will finally post me on her socmed. She will finally announce to her fans that she's already have a boyfriend."
"Anong gagawin nating leksyon diyan, bata?" tanong noong maedad na sa isa sa mga lalaki na kasama nito. Tiyuhin yata nito na isinama rito.
"Sandali lang!" singit ko. Hinarap ko iyong boyfriend kuno ni Dessy. He must be the leader. "Paano ka naman nakakasigurado na ipakilala ka talaga ni Dessy na boyfriend niya?" Malakas ang kutob ko na pinapaasa lang ni Dessy ang lalaking ito. "Palampasin niyo na lang ako, I swear, kalilimutan ko ito!"
Wala akong karapatang makipagmatigasan sa kanila, dahil mas importante sa akin ang kaligtasan ko. Meron akong anak ako na naghihintay sa pag-uwi ko.
"Please, think about the consequences of the crime you're about to commit. At please, maawa naman kayo. May anak ako. Kung gusto niyo, magso-sorry na lang ako kay Dessy! Just please, let me go!"
Wala nga lang talagang balak ang mga ito na pakawalan ako. Kahit magsisisigaw ako, may makakarinig ba? Paano kung lalo silang ma-provoke? Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos. I should think of something. I must outsmart them!
"Ilagay niyo iyan sa sasakyan." Itinuro ng boyfriend ni Dessy ang isang puti na L-300 sa dilim. "Sa lumang bahay namin sa Ternate natin iyan dadalhin!"
Pahakbang na sa akin iyong isang lalaki nang bigla itong mapasigaw. Kitang-kita ko ang pagtulog ng dugo sa sentido nito—dahil may bumato rito!
"SUBUKAN MONG HAWAKAN ANG KAHIT DULO NG BUHOK NIYA, HINDI KITA TITIGILAN HANGGANG HINDI KA NALULUMPO."
A deep voice from behind me. I looked at it and saw a tall man walking from the highway. Sinundan niya ako. "F-Francis...!"
"Sabi ko na sa 'yo, Zandra, ihahatid kita," kaswal na sabi niya pero iyong mga malalamig na mata ay nasa mga lalaki nakatuon.
"Ang tapang mo naman, pogi," sabi ng lalaking maedad na. "Isa ka lang, lima kami."
Nakakalokong ngumiti si Francis. "Sino may sabi?"
Nang sundan ko ang tinitingnan niya ay ganoon na lang ang aking pagsinghap. Sa likod ng boyfriend ni Dessy, doon sa paliko sa may school, may isa pang matangkad na lalaki na bagong dating. Naka-shirt at nakapamulsa sa suot na-sweatpants habang malamig ang mga mata na sa amin nakatingin!
"Ang tagal mong umuwi, kaya iniwan ko muna si baby sa kapitbahay. Nasa atin sila." His tone was casual yet his eyes serious. "Kaya naman pala, naharang ka ng walang bilang na nilalang dito."
My lips trembled as they parted. "M-Miko..."
"Repa, matagal-tagal na rin. Kaya ba?" nakangising tanong ni Francis sa kanya habang nilalaro nito sa kaliwang kamay ang bagong pulot na bato.
"Saks lang, repa. Di naman nakakalimot mga ugat-ugat ko sa katawan," sagot naman ni Miko na pinapalagutok ang mga daliri sa kamay.
"Sa akin na tatlo, dalawa lang sa 'yo. Okay ba sa 'yo hatian?"
"Medyo greedy kang hayup ka, pero puwede na. Basta, akin itong leader nilang hangal."
"Sinong hangal?!" angal naman ng boyfriend ni Dessy. "Ang yayabang niyo! You think I will let you—" Hindi na nito natuloy ang sinasabi dahil nahawakan na ito ni Miko sa ulo at naitulak pasubsob sa semento.
Ang pagkakanganga ay hindi na nawala. Dahil nang hablutin ako ni Francis ay siyang sugod nito papunta sa mga lalaking nakapalibot sa akin, at si Miko naman ay isang malakas na sipa ang pinawalan sa sikmura ng boyfriend ni Dessy. Tigagal na lang ako sa nangyayari.
So much for a despidida party!
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top