Chapter 57

"PATAYIN NIYA MUNA AKO."


He clicked his tongue, then he coolly put my underwear in the washing machine. Yes, the conversation was only about my undergarments. Hindi ko alam kung paanong napadpad iyon kay Francis!


Tinaasan niya ako ng kilay dahil nakatanga ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, iingatan ko ang mga panty mo. Alam ko kaya ang pakiramdam ng walang magamit na underwear."


Sukat ay muling nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil may naalala. Nang makabawi ay pumiksi ako at pairap siyang tinalikuran.


Nakasalubong ko pa si Mommy na papasok ng kusina noong paalis na ako. Iinom yata ito ng tubig. Nagtaka nang makitang nakasimangot ako.


Hindi pa ako nakakalayo kaya narinig ko pa nang tanungin nito si Miko. "Huy, ikaw, kilala mo nga ba iyong dumalaw na lalaki kay Zandra? Mukhang kilala ka e. Nakita ko na nagsalubong ang mga kilay noong nakita ka sa pinto!"


Nang lumingon ako ay nakita kong sa akin nakatingin si Miko at hindi kay Mommy. Malalamig ang mga mata niya na sinagot ang tanong habang sa akin nakatingin. "Kilala ko po. Siya ang tinik sa lalamunan ko."





TINIK? Anong kadramahan iyon? But Miko's words and how he looked at me stuck in my head. Mukhang kakasama niya kay Mommy sa panonood ng teledrama sa TV ay kung anu-ano nang napupulot niya.


SAVAGE LOVE. DID SOMEBODY, DID SOMEBODY BREAK YOUR HEART? ♫


Next day. Pagbaba ko ay iyon ang aking naabutan. Nagsu-zumba lang naman ang mommy ko at si Miko!


Si Baby Mateo naman ay aliw na aliw na nanonood lang habang nakaupo sa sofa at nakatingala sa kanila. Naglulusak din pala ang bata dahil may nginangabngab na teether toy habang pinapanood sila. Patili-tili pa ang bata minsan.


Si Mommy ay habang umiindak ay panay reklamo. "Miko, ang hirap ng step na iyan, ah! Bakit kasi may ganyan pa?!"


"Ganito po, My," ani Miko na itinuro kung paano ang step.


Hindi roon sa pagtuturo niya ako napatanga, kundi sa tawag niya kay Mommy. Ano raw? 'My'?! As in 'Mom-my?!'


Nasa may tuktok lang ako ng hagdan habang pinanood sila. Marami pa silang sinayaw dahil remix iyong video ng zumba nila. Running Man Challenge, Gasolina, Low, Moves Like Jagger, at My Humps. 


Si Mommy ay pawisan na sa kahahabol sa step, habang si Miko ay chill lang, sakto lang mga galaw niya kahit sa parts na may giling ang step, pero kahit simple lang ay graceful siya. Kahit sa part na medyo hiphop, sakto ang mga pitik niya.


Kung hindi pa lumingon sa akin si Baby Mateo ay hindi pa nila malalaman na nandito ako. "Mamaaa, dansh!" Sabay bato nito ng teether na laruan. Tumama iyon sa puwitan ni Mommy.


"Aray, naman bibi!" reklamo ni Mommy. "Bakit ako ang binato mo, bakit hindi na lang ang papa mo?!"


Saka pa lang ako tuluyang bumaba na kunwari ay ngayon lang talaga pababa. Huminto na si Miko sa pagsu-zumba pero si Mommy ay tuloy pa rin. Desidido kasi itong pumayat bago bumalik ng Canada. Speaking of pagbalik sa Canada, mamayang gabi na ang flight nito.


"Mommy, alam mong aalis ka na mamaya, nagpapakapagod ka pa," sabi ko rito.


Ngumisi si Mommy habang tuloy sa paggalaw. "Nagpapawis lang naman. Liligo na rin ako mayamaya." Sinitsitan nito si Miko. "Pst, Miko! Iyong sapatos ko na gagamitin, nalinis mo na ba?"


Sumaludo naman si Miko. "Yes, My. Hinanda ko na rin pati medyas niyo."


"Very good!" Tapos tuloy na ulit si Mommy sa paggiling na saliwa naman doon sa ginagaya nito sa TV.


Kinarga ko si Baby Mateo. Nakahubo ang bata. "Bakit walang diaper ito?" sita ko kay Miko.


Explain naman siya agad, "Sorry, inalisan ko muna. Paliliguan ko kasi mayamaya kaya pinapasingaw ko muna iyong bird."


Inirapan ko siya at ako na ang nagdala sa bata sa kusina. "Pero sana di mo hinayaan na nakahubo. Paano kung kagatin ng insekto ito? Ang bata ang asikasuhin mo, hindi iyong ang dami mong pinagkakaabalahang kung anu-ano!"


Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko. Naiinis lang kasi ako dahil bakit parang close sila ni Mommy? Ano, sila na ba ang bagong mag-ina sa pamamahay na ito?!


Si Miko naman ay sumunod sa akin. "Sorry na. Nagpaturo lang naman ang mommy mo ng step doon sa zumba. Tapos niyaya na akong mag-exercise daw. Pero napakain ko naman na si baby. Paliliguan ko na lang talaga siya mayamaya."


"Ako na magpapaligo!" Halfday ako sa ospital ngayon dahil nga sa aalis na si Mommy. Ako na ang nagpaligo rito kay Baby Mateo. Paglabas ng banyo ay sinalubong kami ni Miko ng tuwalya.


"Nabasa ka," puna niya sa akin dahil nabasa nga talaga ako sa pagpapaligo sa bata. Malikot kasi itong paliguan.


Hindi ko na dapat papansinin ang sinabi ni Miko, nang mapatingin ako sa aking harapan. Basang-basa nga ako at ang nipis ng shirt na suot ko! At wala pala akong suot na bra sa ilalim nito!


Nang mag-angat ako ng paningin kay Miko ay nakatanga pa rin siya sa akin. Ang gumising sa pagkakatulala niya ay sampal ng munting kamay ng anak namin.


Napatalikod agad ako sa kanila. "M-maliligo na rin ako, ikaw na magbihis diyan!" sabi ko na pilit nagsusungit kahit sa mga oras na ito ay alam kong pulang-pula na ang mukha ko.


"S-sige," sagot naman niya.


Napatakbo na ako pabalik sa kuwarto. Pagtingin ko sa salamin ay napapikit na lang ako nang mariin. Bakit sa dinami-dami ng pagkakataon ay ngayon pa nakita ni Miko ang dibdib ko?!


Pagdilat ko ay sumimangot ako sa salamin. Ano ngayon? Bakit ako nahihiya? Siya ang dapat mahiya dahil bastos ang mga mata niya. Tama bang tingnan niya ang dibdib ng amo niya na nagpapasahod sa kanya?!





AALIS NA SI MOMMY. Gabi pa ang flight ni Mommy pero bago mag-lunchtime ay tumawag na ng Grab. Kanina pa kami nagpapaalamanan. Kanina niya pa rin paulit-ulit si Baby Mateo na niyayakap at hinahalikan.


"Mommy, magkikita pa naman tayo," naiiyak na bagaman nakangiti kong sabi. Sa pangalawang pagkakataon ay mawawalan na naman ako ng ina.


Naiiyak din na niyakap ako ni Mommy. "Talagang magkikita pa tayo! At ayoko na ulit iyong sa sunod na pagkikita natin ay payat at maputla ka na naman! Kaya alagaan mo ang sarili mo, dahil mamaya ay mapagkamalan pang ako ang anak mo at ikaw ang mommy ko!"


Natawa ako kahit naiiyak. "Opo, Mommy. Aalagaan ko po ang sarili ko, kasi ayoko po na kayo ang maging anak ko at ako ang maging mommy niyo."


Hinarap ni Mommy si Miko pagkatapos. "At ikaw, Miko, alagaan mo ang anak at apo ko. Hindi porke't maliit lang ang pasahod sa 'yo ay hindi mo aayusin ang trabaho. Tandaan mo, probation ka pa lang!"


"Opo, My," magalang naman na sabi ni Miko.


Nagusot ang mukha ni Mommy. "Ma'am ang sinabi kong itatawag mo sa akin, bakit ka ba 'Mi' nang 'Mi'?! Hala, basta magtino ka rito! Tandaan mo, iiwan ko iyang anak ko na maganda, kaya dapat pag nakita ko iyan ulit ay maganda pa rin! Ayokong dadatnan ulit iyan na losyang na naman!"


Ang mga mata ni Miko ay bahagyang lumamlam pero ngumiti ang mga labi. "Hindi na po iyon mauulit, My."


"Dapat lang!" Iningusan siya ni Mommy. "At umayos ka, baka porke wala ako ay bigla mong maisipang gapangin ang anak ko—!"


"Mommy, naghihintay na iyong Grab!" biglang sabi ko para matigil na siya.


Kinarga ulit ni Mommy si Baby Mateo bago ibinalik kay Miko. Hindi na nagpahatid sa airport si Mommy dahil baka magkaiyakan lang daw kami roon. Deretso pasok na rin ako sa ospital dahil halfday ako ngayon.


Bago pumasok si Mommy sa backseat ng Grab car ay mahigpit niya akong hinawakan sa pulso. "Zandra, wag ka sanang makakalimot sa plano," seryosong sabi niya. "Anak, tandaan mo, kaunting panahon na lang at ikaw naman..."


Tumango ako at yumakap na kay Mommy. Napabuga ako ng hangin nang wala na ang sasakyan. Hindi naman ako nakakalimot. Bakit ako makakalimot? Walang dahilan...





HAPON SA OSPITAL. I was at the Emergency. May sinugod na naman. Mag-bayaw raw na nagkasaksakan. Magulo sa Emergency dahil may ilang pulis din. Seeing a police uniform suddenly gave me chills.


My fellow nurses were calling at me to assist them, but I couldn't move from where I was standing. Kung hindi pa may tumulak sa likod ko na  kamaganak ng isang pasyente ay hindi pa ako makakakilos.


Ang mga kamay ko ay sala-sala sa itinutulak na trolley ng mga gamot. Tagaktak ang pawis ko at hindi ako makatingin sa mga pulis na naririto. It was funny that I was more afraid of police uniforms than of blood and dying people.


Nakahinga lang ako nang normal nang ang maiwan sa Emergency ay mga pasyente na lang at mga kamag-anakan ng mga ito. Siniko ako ng kasamahan kong nurse. "Zandra, okay ka lang? Namumutla ka."


"O-okay lang..." Nang makitang wala na akong maitutulong dito ay lumabas na ako ng Emergency. Akala ko ay makakabalik na ako sa toka na trabaho ko, pero mali pala. Dahil iyong mismong dahilan kung bakit ako ganito, ay siya pa pala talagang makikita ko.





"ZANDRA, IKAW BA IYAN?"


Napaangat ang paningin ko sa nakatayo sa aking harapan. Isang babaeng pulis na may maiksing buhok na panlalaki, matangkad, maskulado ang katawan para sa isang babae, at bahagyang sunog sa araw ang balat.


"Zandra, ikaw nga!" Nagliwanag ang pangahang mukha nito. Iyong mukha na hindi ko akalaing makikitang ngingiti nang ganito sa akin.


Napaatras ako nang magsimula siyang humakbang. "Zandra, bumalik ako rito noong nalaman kong dito ka nagtatrabaho. Pero nataon yata na wala ka. Mabuti na lang natyempuhan kita ngayon. Kumusta ka na?"


Even though I felt nauseous, I tried to walk past her. But she chased me down the hallway. "Wait, Zandra! Please, alam kong galit ka, pero please! Gusto ko lang itanong kung nagkita na kayo ni MJ Ko?!"


Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad palayo. Bakit ko ba siya nakita pa? Ano bang kailangan niya?


"Zandra, nasa Cavite na ba ulit si MJ? May nakakita sa kanya, kaya baka kako nagpakita na siya sa 'yo. Zandra, gusto ko lang naman malaman kung kumusta na ang anak ko?!"


Binilisan ko ang aking mga lakad kahit kandabangga-bangga na ako sa mga nakakasalubong sa daan. Mabuti at may pintong nakabukas. Pumasok ako roon agad. Humihingal ako habang tagaktak ang pawis sa mukha.


Ano pa bang gusto niya? Bakit ako ang tinatanong niya tungkol kay Miko? Hindi ba sila nga ang magkasama noon, dahil siya ang pinili ng anak niya? Kaya bakit ginugulo pa niya ako?!





"YOU'RE NOT OKAY."


OT na naman. Mahigit tatlong oras akong OT, pero ayos lang. Nalibang ang isip ko. Ngayon nga lang ay pagod na pagod akong umuwi. Tulala ako mula sa pagbaba ng Tricycle sa kanto ng Pinagtipunan. I just stopped when someone spoke in front of me.


What I saw when I looked up was a tall man with worried eyes. Francis Molina. Paladesisyon talaga ang taong ito. He didn't ask me if I was okay, rather he said that I was not okay.


"You're smiling now."


Sumeryoso ako ulit. Bakit na naman siya nandito? Siguro ay galing na naman siya sa ospital, pero dahil OT ako ay naghintay siya sa wala. Kaya siguro dito dumeretso. Isa rin talagang matigas ang bungo.


11:00 p.m. na kaya sarado na ang mga kapitbahay at wala nang katao-tao sa maliit na kalsada rito sa street. Naglakad ako at nakasunod naman si Francis sa likod ko.


Hindi ako agad pumasok sa gate namin para harapin muna siya. "Francis, you don't have to do this anymore. Ayoko nang pagurin mo pa ang sarili mo. You know from the start that—"


"I'm applying for Canada."


"A-ano?"


Ngumiti siya. "Baka kasi doon ko makita iyong para sa akin. O baka... doon niya ma-realize na ako ang para sa kanya."


"Y-you know that I am..." I couldn't finish my sentence as I was still in shock.


"Hindi niya alam na aalis ka, di ba?"


Nang hindi ako makasagot ay nangingiti siyang napailing.


Nang tumingin ulit sa akin ay sumeryoso na ulit. "Hanggang kailan siya sa inyo?"


Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na para magtanong pa ako. "He watches over my son and takes care of the house."


"You won't change your mind, will you, Zandra?"


"Hindi," matigas kong sabi dahil tuwing iyon ang usapan, may kung anong nati-trigger sa akin.


"Don't you really have a plan of becoming mine?


"Sinabi ko, Francis. Hindi ako—"


"Then how about I become yours?"


Nagulat ako nang biglang yumuko sa akin si Francis.


My eyes widened as he lightly rested his head on my shoulder. "Sa 'yo na lang ako, Zandra... Kahit saktan mo pa ako..."


Nang bahagya siyang lumayo ay wala akong nakitang angas sa mga mata niya, sa halip ay nakita ko ang paghihirap niya. Natulala ako.


"If you accept me, I swear to never do anything to make you unhappy."


Bakit sa dinami-rami ay sa akin siya nagkaganito? Sa maiksing panahon ay alam niya naman kung gaano ako kakomplikado. Parang nabasa niya naman ang nasa isip ko. Inilapat niya ang dulo ng mahahabang daliri sa aking noo.


"I deserve to go through this. Dahil kasalanan ko. Dahil noong nakaupo ka pa lang sa bench noon, kung sana kinuha na kita, hindi ka na sana nakita pa ng iba."


Tinabig ko ang kamay niya. "Anong sinasabi mo?!"


"Na hindi dapat si Michael Jonas ang—"





"ANONG TUNGKOL SA AKIN ANG PROBLEMA MO?"


Napalingon ako sa pinto. Hindi ko man lang narinig na bumukas. Nakatayo si Miko sa dilim habang palapit sa amin. May kumawag sa kaliwang braso niya, at ganoon na lang ang pag-awang ng mga labi ko dahil karga niya pala si Baby Mateo.


Tumingin siya sa akin. "Umiiyak ito na nagising dahil hinihintay ka, nandito ka na pala." Walang kahit ano sa tono niya, pero malamig ang mga mata niya.


"N-nag-OT kasi. Kauuwi ko lang din. Papasok na rin ako.," nauutal na sabi ko, na ewan ko ba kung bakit. Para akong nahuli ng asawa ko na may ginagawang masama kahit wala naman, at kahit wala rin naman akong asawa.


Humakbang na ako para umalis na si Francis at sumunod na sa akin si Miko, pero wala sa kanilang tuminag.


Si Francis na nakatingin kay Miko ay bumaling ang paningin sa batang lalaki. "Hi, baby. I'm your mom's... friend."


I could see Miko's jaw tensing, but he remained calm. "May balak ka bang hintayin na may mga kapitbahay na makakita sa 'yo rito?"


"Why?" Francis also spoke calmly and casually, "Wala naman akong nakikitang mali. Wala namang asawa iyong dahilan kung bakit nandito ako."


Francis was not done yet. He even smiled at Miko. "Wala rin naman akong intensyon na makakasama kay Zandra. Nothing to worry, because I am raised well by my parents."


"Miko, tara na sa loob." Sumingit na ako dahil baka kung saan pa sila mapunta. Pero hindi pa rin talaga tumitinag ni isa man sa kanila.


"Sandali, may bisita tayo. Hindi basta puwedeng iwan na lang ito basta rito." Ngumiti rin si Miko pero may kaba akong nararamdaman. "Don't worry din, repa. Napalaki rin naman ako sa amin, hindi ko nga lang masabi kung maayos. Pero at least, napalaki."


"Francis, umuwi ka na," sabi ko na hindi inintindi ang sinabi ni Miko, dahil kinakabahan na talaga ako. "Sige na, please, Francis."


"Okay, Zandra, magpahinga ka na. Bukas na lang—"


"Bukas?" sabat ni Miko. "Babalik ka pa? Sarap naman ng buhay mo, wala kang pinagkakaabalahang iba."


"Meron, pero kaya ko namang balansehin depende sa halaga. Kung may gusto, may paraan, di ba?"


"Ano iyan, new year's resolution mo?"


"Not really, man. Pero kung curious ka kung ano ang new year's resolution ko... ito."  Nakipagtagisan siya ng ng tingin kay Miko. "I don't intend to just sit back and watch anymore."


Iyong ngiti ni Miko ay mas lumamig. "Zandra," patag at mahina ang boses na tawag niya sa akin. "Pakihawak muna." Inabot niya sa akin si Baby Mateo...


...na sana pala ay hindi ko inabot. Bakit?


Dahil pagbalik ng tingin ko kay Francis ay nakabalandra na ang lalaki sa kalsada. At saglit lang ay umiirit na at pumapalakpak sa tuwa ang anak ko, dahil sa labas ay nagkakagulo na sila. Binabanatan na nina Francis at Miko ngayon doon ang isa't isa!


jfstories
#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top