Chapter 58

BALANDRA SI FRANCIS SA KALSADA.

Pag tadyak ni Miko sa gate, deretso siya kay Francis na nabigla, kaya hindi agad nakabuwelo. Bagsak sila sa kalsada at doon niya ito binanatan. "Inaka, nagtitimpi lang ako sa 'yo!"

It didn't take long for Francis to recover. Tinadyakan siya nito sa sikmura kaya nawala siya sa ibabaw nito. "Tangina mo rin, Pangilinan! Nagtitimpi lang din ako sa 'yo, dahil tropa ka ng tropa ko! Pero tangina ka, matagal na kitang gustong banatan!"

Ito naman ang umupak sa kanya. Tigagal ako sa kanilang dalawa habang nagbabanatan sila sa ilalim ng liwanag ng buwan. Para akong bumalik noong high school, kapag nakakakita ako ng mga estudyanteng nag-i-square dito sa Brgy. Pinagtipunan tuwing uwian. Iba nga lang ngayon dahil kilala ko ang nagwa-one on one.

Hindi ako agad nakagalaw sa gulat at lalo dahil may bata akong bitbit. Hindi ko alam ang uunahin sa pagpa-panic. Kitang-kita ko lang ang galit nila sa bawat sugod, pero kahit gaano ang sugod nila ay parang hindi sila tinatablan ng sakit. Sadyang matitigas yata talaga ang bungo at sanay sa basag ulo.

They both had tall, probably 6'5", and fit bodies, and they both seemed to be skilled in fighting, thus the fight was fair, and neither of them had the upper hand. And it looked like no once could stop them.

Ang batang karga-karga ko naman na kanina ay mukhang inaantok na, ay ngayo'y buhay na buhay. "Papaaa!" bumubula pa ang laway na irit nito habang pumapalakpak.

Nahawakan ni Miko si Francis sa binti, hinila niya ito kaya siya nakatayo. Francis also got up immediately and they exchanged blows.

Ayaw ko mang may makaalam na kapitbahay, dahil ayaw ko na mapag-usapan, pero sa ingay na nalilikha ng pagbalandra nila sa kung saan-saan, ay malamang sa malamang na mayamaya lang ay may mga magigising na.

Nagsisimula na ring magtahulan ang mga aso sa kapitbahay. Hindi ko alam ang gagawin, kung magsisisigaw ba ako ng tulong o iiwan na lang sila. "S-stop," I said when I finally managed to find my voice. "I said, stop! Ano ba?!"

Tuloy pa rin naman sila. Pagtadyak ni Miko sa sikmura ni Francis ay sumalpok ang lalaki sa yerong gate ng kapitbahay, lumikha iyon ng malakas na kalabog.

Paglapit ni Francis pabalik ay natabig naman ni Miko ang basurahan sa gilid, bumaliktad iyon sa kalsada. Doon na may mga lumabas na tao mula sa kapitbahay. Nagsibukas na rin ang mga bintana ng mga ito, at kanya-kanyang silip kung ano ang nangyayari.

Dumura si Miko sa kalsada, laway na may kasama na yatang dugo, sabay patunog niya ng kanyang leeg.

Hindi sobrang liwanag dahil dim ang ilaw at may kalayuan ang poste ng Meralco pero sapat na para makita kong putok ang gilid ng labi ni Miko, may sugat din siya sa kilay, pero wala siyang paki.

Ganoon din si Francis na duguan din ang bibig. Nagsalubong sila at nagpalitan muli ng suntok. Gaano ba katigas ang bungo nila, kasi parang di talaga nila iniinda?! Parang ako ang nangingilo sa bawat lagapak ng kamao nila sa mukha ng isa't isa.

Karga ko si Baby Mateo nang kandatali-talisod ako na labasin sila ng gate. Doon sa akin napatingin si Miko. Alam kong nakikita niya ngayon sa mukha ko ang takot. Sakto naman na tatadyakan siya ni Francis. Hindi niya nailagan, bumagsak siya muli sa kalsada padapa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang binuhat ni Francis ang pahabang kahoy na upuan sa katapat naming bahay, iyong tambayan sa labas tuwing hapon. Bumaha pa lalo ang takot sa dibdib ko dahil ihahampas nito iyon sa kanya.

Nang mag-angat ng paningin si Miko ay nagtama ang aming mga mata, at umawang ang mga labi niya nang mabasa ang takot sa mga mata ko.


Sinong hindi matatakot? Ihahampas na ni Francis sa kanya ang upuan! Kasya lang ang dalawang tao roon dahil pero solidong kahoy iyon!

Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin habang duguan ang kanyang bibig. Nagsalita siya, mahina pero nabasa ko ang galaw ng kanyang mga labi. "Z-Zandra, ang sakit..."

Miko saw Francis approaching, I waited for him to stand up or even move away, but to my shock, he didn't move. Magkahinang pa ang mga mata namin nang tuluyan nang lumagapak na sa likod niya ang upuang kahoy. Napaubo siya ng dugo habang ang isang kamay ay nakaabot sa gawi ko.

"Miko!" Napatili ako.

Nakarinig kami ng busina mula sa dulo. May paparating na motor na may side car, may tumawag na pala ng mga tanod.

Humihingal si Francis, pawisan ang gilid ng kanyang sentido, bridge ng matangos na ilong, at ang makinis na leeg, nang tumingin sa akin. Parang ngayon natauhan, bumadha ang takot sa mga mata. "Zandra, buhay pa ito."

Buhay? Paanong buhay?! Hindi na kumikilos si Miko sa kalsada!

"Buhay pa ito, Zandra!" Tinadyakan ni Francis si Miko. "Fuck, stop with your act, Pangilinan! Tangina mo, bumangon ka riyan! Hallowblocks nga noon ay di ka tinatablan, tapos mamamatay ka sa kahoy lang?!"

"Stop it!" galit kong sabi. "Please, leave! Bago ka pa mahuli ng mga tanod!" Ayoko nang pahabain ito kung aabot pa kami sa barangay.

Napahagod ng mahahabang daliri si Francis sa kanyang buhok. Dumura siya ng dugo sa sahig bago sa akin tumango. "All right. But I'll be back."

"Alis na!" sigaw ko kasi malapit na iyong mga tanod, at balak niya pa kasing tadyakan ng isa pa ang walang malay na si Miko.

Nanakbo naman na siya paalis, doon siya sa kabilang kalsada. Lumingon pa siya sa akin ng isa. Bumusina nang bumusina ang parating na motor sa kabila. Humarang ako sa mga ito para magkaroon ng oras si Francis makarating sa labasan at makasakay sa dumaraan doong jeep.

"Mga sir, patulong po," kuha ko sa atensyon ng mga ito habang karga-karga pa rin si Baby Mateo. Tatatlo lang ang tanod, lahat ay may dalang batuta na pamalo. Itinuro ko sa kanila si Miko.

Dalawa sa tanod ang bumaba at iyong isa ay balak humabol pa kay Francis pero hinarang ko. "Patulong po muna! Sige na po!" Mas importante ang kalagayan ni Miko.

Napatingin ang mga ito kay Miko na nakahandusay pa rin sa makipot na kalsada rito, at bumalik ulit ang tingin sa akin at sa karga-karga kong batang lalaki. "Ano bang nangyari, Misis?! Ano ba iyan? Nahulihan ka ba ng asawa mo na may kabit?"

"Hindi po!" Kandailing ako.

Tinutulungan na nila si Miko na makabangon. "E ano ito? Ito ba asawa mo? Tapos iyong nanakbo ay kabit mo?"

"Hindi ko po siya asawa... Uhm, yaya po siya ng anak ko," sa pagkataranta ay nasabi ko.

"Ang guwapo naman nitong yaya ng anak mo. Baka naman yaya mo rin ito."

Napikon na ako. "Please, pakitulungan na lang siyang maipasok sa loob," inis ko nang sabi. Nauna na ako sa loob para sumunod sila.

Inalalayan nila si Miko makahiga sa sofa. Inilagay ko muna si Baby Mateo sa crib, para ihatid sa pinto ang palabas na mga tanod. "Pasensiya na po sa abala. Hindi na po ako magre-report sa barangay. Okay na po kami. Pasensiya na po ulit."

Kakamot-kamot ng batok na umalis na ang mga ito. Isinara ko na agad ang pinto at ini-lock. Saka ko na aalalahanin ang kakalat na tsismis bukas, mas importante na mai-explain ko ito muna kina Mommy at Daddy, dahil tiyak na mag-uunahan sa pagre-report ang mga kapitbahay namin kaya makakarating sa kanila ang balita.

Hirap na pag-ubo ni Miko ang nagpalingon sa akin. He had already gotten up. He was holding onto the armrest because he was having a hard time sitting down. Napalapit naman ako agad. "Okay ka lang?!"

He had a wound on the side of his left brow, a cut on the right side of his lower lip, and a bruise on his jaw, but it was his back that was the most concerning. He definitely had a fracture. That was also dangerous because what if his spine had been hit?

Nagdesisyon ako. "Let's go to the hospital!"

Umiling siya habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang tagiliran at ang isang kamay ay nakakapit pa rin sa sandalan ng sofa. "O-okay lang ako," hirap niyang sambit. "W-wala ito, malayo sa bituka." Pagkuwa'y muli siyang naubo.

"Anong wala iyan? Anong okay lang? Hayan nga at mukha kang napuruhan!"

"Pahinga lang ito." He looked up at me, his red lips slightly twitching, probably because of the pain. "Okay lang talaga ako..."

"Sigurado ka ba?" Sa itsura niya ay para talagang napuruhan siya. "Bakit ka naman kasi sumugod? Ano bang nasa isip mo at naisipan mong makipag-basag ulo? At ganitong oras pa talaga ng gabi?!"

"Pasensiya na... I'm sorry..."

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa frustration. Ano pa nga bang magagawa ko e nangyari na?! I looked at him. His wound on his eyebrow and the one on the side of his lip were bleeding!

Muli akong napasabunot sa aking buhok. "Fine, stay here! I'll be back!" Nanakbo ako paakyat sa itaas.

Naghalungkad ako sa mga gamit ko. Nang makita ang first aid box ay dinampot ko iyon saka ko binalikan sa sala si Miko.

Sa tuktok pa lang ng hagdan ay natanaw ko na siya, nakasandal na siya sa sandalan ng sofa habang kalmadong nakahalukipkip at naka-de quatro. Nangunot ang noo ko dahil hindi ba sumasakit ang likod niya sa ganoong posisyon?

Nang marinig niya ang pagbaba ko ay umalis siya sa pagkaka-de quatro ng binti. Ang pagkakahalukipkip niya naman ay nauwi sa pagyakap sa kanyang tagiliran. Nanghihina siya sa aking lumingon at napatingin sa hawak kong box. "Ahhh... A-ano iyan, Zandra?..." mahina at hirap niyang tanong.

Instead of answering him, I sat down next to him. I opened the box and took out the cotton, alcohol, betadine, and band-aid one by one.

Miko just looked at me while I prepared everything. Si Baby Mateo naman ay kusa nang nahiga sa crib. Mukhang nag-aantok na, napagod sa panonood ng basag ulo kanina. Nakataas ang mga paa nito habang pipikit-pikit na.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang gamutin ang mga sugat ni Miko sa mukha nang hindi tumingin sa mga mata niya, pero ang importante ay nagawa ko. Naka-survive ako pati sa mga titig niya sa akin na ramdam na ramdam ko.

I treated the wounds on his face before moving on to his fist, which had several scratches. I put a bandage on his two fingers. They were long, carved like candles, and his nails were clean... and I suddenly remembered something.

Dalawa lang talaga ang lalagyan ko ng bad aid, pero habang nakatitig sa mga daliri niya ay may mga alaalang tuksong bumabalik sa akin. Nabuwiset ako kaya lahat na ng sampung daliri niya sa magkabilang kamay, kahit walang sugat, ay nilagyan ko na rin ng band aid.

Nang makatapos ay narinig ko siyang mahinang nagsalita. "Thank you..."

Hindi ako kumibo. Iniwan ko sa center table ang first aid box para siya na ang maglinis ng mga sugat niya bukas. Maingat na kinuha ko na si Baby Mateo sa crib, at iniwan ko na si Miko na mag-isa sa sala.

Hanggang sa tuktok ng hagdan ay dama ko ang paghabol sa amin ng kanyang mga mata. Hindi naman na ako muling tumingin pa, dahil ang generosity ko ay hanggang doon lang ang kaya.

Francis:
Zandra, I'm sorry.

It was a text from last night that I just read today. Nag-reply ako kay Francis upang kumustahin ito, dahil may mga tama rin ito. Mabibigat din ang mga sapak at sipa rito ni Miko. Sinabi ko rin kay Francis na okay na si Miko, in case na iniisip niyang napuruhan niya ito.


Sinabi ko rin na kung puwede, ipahinga na lang muna nito kaysa daanan pa ako sa ospital. Alam nitong nagalit talaga ako sa nangyari, kaya gagawin nito ang utos ko. Pero alam kong hindi ito magpapahinga, kundi magpapalamig lang muna.

Karga si Baby Mateo na bumaba kami. Wala na si Miko sa sofa kaya malamang nasa kusina na. Pagpasok doon ay nagluluto si Miko ng almusal. Pancake na may sliced blueberry. Pasipol-sipol pa siya. Hindi na ba masakit ang mga injury niya?

Tumikhim ako. Nabitiwan niya ang hawak-hawak na kitchen turner. "Ouch," paungol na sambit niya.

"Bakit?" Napalapit ako habang karga-karga si Baby Mateo. Napatingin ako sa mga daliri niya, wala na iyong inilagay kong mga band aid kagabi.

"Wala, kumirot lang iyong likod ko," sabi niya. "Sorry."

Pinaupo ko si Baby Mateo sa high chair at nilagyan ng seat belt doon. "Dito ka muna, baby." Si Miko naman ay nilagyan na ng pinalamig ng pancake ang bata para may mangabngab na habang nakaupo.

Pagbalik niya sa lababo ay napangiwi siya ay muling napahawak sa kanyang tagiliran. Nang tumingin siya sa akin ay pilit siyang ngumiti. "Okay lang ako. Wala ito." Tapos bigla siyang umubo.

"Patingin ako ng likod mo," sabi ko sabay punta sa likod niya. Bago pa siya nakaiwas ay itinaas ko na ang t-shirt niya. Napatanga ako kasi makinis ang likod niya at balbon, at wala man lang pasa o kahit pamumula.

Dapat mapanatag na ako, kaya lang hindi porke't walang sugat sa likod ay okay ka na. Mas okay nga kung may sugat kaysa wala, dahil paano kung nasa loob pala ang tama o pagdurugo?

"Wala nga sabi," sabi niya sabay iwas sa akin. "Dito lang medyo masakit." Tukoy niya sa kaliwang balikat. Itinaas niya nang kaunti ang manggas ng kanyang shirt, may pasa siya roon pero di ganoon kalaki. Parang mas napatitig pa nga ako sa firm na braso niya kaysa sa pasa.

He used to lift weights even when he was only a senior high school student. Kahit pumayat siya noong nagsama na kami, banat naman siya sa gawain, lalo noong pumasok siya sa pagko-constructions, kaya okay ang mga braso niya noon. But his bicep muscles were now more aesthetically pleasing than before. Napainom tuloy ako bigla ng tubig.

Pagkainom ko ay pormal na ulit ang aking mukha. Hindi ko na siya pinansin dahil sa totoo lang ay wala naman akong pakialam. It was just that I was concerned about leaving Baby Mateo with him all day. What if something happened to him while he was taking care of the child?

Bago ako umalis ay ilang beses ko pa siyang nakitang napangiwi tuwing kikilos. Nag-aalala tuloy ako hanggang sa makapasok sa trabaho. Hindi na tuloy ako nag-OT, kahit puwedeng mag-OT. Pagsapit ng time ay deretso na ako uwi.



MIKO WAS NOT GETTING BETTER.

Pasimple ko siyang pinagmamasdan. Ilang araw na pero hirap pa rin siyang kumilos.

Kahit ganoon ay ginagawa niya naman lahat ng gawain sa bahay. Hindi rin siya pumapalya sa pag-asikaso kay Baby Mateo. Pero may mga pagkakataon na hirap siyang lumakad. Natamaan din ba siya sa binti? Inaalala ko pero wala akong maalala.

Maybe sa paglagpak niya sa sahig ay nagka-sprain din siya sa paa? Puwede ring dahil sa tama sa likod niya. Kapag hindi ako nakatingin ay nauulinigan ko rin siyang pasimpleng napapaungol sa sakit.

Ibinili ko siya ng maraming salonpas at pain reliever. Pabagsak ko lang iyon na inilapag sa harapan niya habang nakaupo siya sa sofa at nagtitiklop ng mga damit na kanyang nilabhan. Napaangat ang tingin niya sa akin sa gulat.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ibabawas ko iyan sa suweldo mo."

Iniwan ko na siya ulit, pero bago ako umalis ay may kung anong kislap sa mga mata niya ang aking nahuli. I was not sure if I was just mistaken or what.



THE BRUISES ON MIKO'S FACE WERE GRADUALLY FADING. Nakita ko siya na nakasimangot habang nakatingin sa salamin noong papasok na ako sa work. Bakit parang hindi siya masaya na gumagaling na ang bangas niya?

Samantalang noon ay ayaw na ayaw niya na mababangasan ang mukha niya kahit na kaunti. Kapag nakikipag-basag ulo siya noon ay ingat na ingat siya sa mukha niya.

Para kay Miko ay mukha niya ang pinakamahalaga. Mahilig pa nga siya manghiram noon ng salamin. Super vain niya na halos siya na nga ang nakaubos ng pulbo ko noong high school kami. Kaya bakit ngayon ay ganito siya?



I WENT HOME EARLY AGAIN TODAY. Nagbago kasi ng sched at hindi naman ako OT. Malapit na ako sa gate nang matanaw ang isang motor sa labas.

Pumasok ako sa gate at saktong labas ng isang matangkad at guwapong lalaki sa pinto. Pamilyar. Naka-sombrelo na itim, shirt ng puti, at jersey shorts lang. Sa paahan ay itim na Adidas slides. Bubulong-bulong habang hinihimas ang kamao. "Lakas trip amputa!"

"Isaiah?" sambit ko nang makilala ang lalaki.

Nagulat naman ito nang makita ako. "Oy! Hi, Zaza!" Nagmamadali niyang itinago sa likod ang kanyang kamao. "Dinalaw ko lang si Kupal—este, iyong bitter na ex mo."

Kinakapatid ko si Isaiah katulad ni Arkanghel. Alam ko ay graduating na siya ng engineering o baka graduate na. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Sige bye, Zaza! Pinapunta lang ako ni Miko,me sakit daw siya. Check ko lang kung buhay pa. Ge, una na me!"

Batok na lang ni Isaiah ang nalingunan ko sa bilis niyang tumalilis palabas ng gate.

Tumawag si Mommy sa phone kaya hindi agad ako nakapasok sa loob. It was about thirty minutes before I went inside. Miko didn't know I was home yet. Bukas ang TV sa sala.

Sa sofa ko siya natagpuan. Nakahiga siya roon habang nakadapa si Baby Mateo sa dibdib niya. Mukhang pinapatulog niya ang bata, at ang ending ay pati siya'y nakatulog na rin.

Lumapit ako sa kanila matapos kong mag-alcohol ng kamay sa pinto. Mukhang katutulog lang nila. Mukha ring parehong pagod kasi parehong mahinang naghihilik. Para talagang pinagbiyak na bunga.

Since Miko was sleeping, I was free to watch him. My forehead furrowed as I noticed something. Parang sumariwa iyong putok ng gilid ng kanyang labi, samantalang magaling na iyon sa huling pagkakatanda ko. Anong nangyari?

At sandali, sa kaliwang parte ba talaga iyong putok ng labi niya? Hindi ba sa kanan?

Kinuha ko sa ibabaw niya ang tulog na bata, at inilagay sa crib. Pinakpak ko ang malusog nitong munting higa nang bahagyang maalimpungatan. Nagising na rin si Miko, at naramdaman kong bumangon na sa likod ko.

Lalo akong nagtaka nang makitang pati iyong magaling ng bangas niya sa pisngi ay biglang sumariwa. Hindi nga lang basta nanariwa, kundi lalo pa yatang lumala. "Anong nangyari?"

Napahawak naman siya sa kanyang pisngi, saka bahagyang ngumiwi sa sakit. "Ah, nakuskos ko kanina pagligo, hindi pa kasi masyadong galing kaya sumariwa ulit. Siguro nasa loob talaga iyong tama, kaya ang tagal gumaling."

Was there such a thing? Sa dami ko nang nabasang libro, parang rare noong sinabi niya.

Naglakad siya at may pahawak pa sa likod. Masakit pa rin ang likod niya?

I followed him to the kitchen. Kukuha lang ako ng tubig sa ref nang makita roon ang naka-tupperware na salad. May nakasulat sa ibabaw: Kulitis Special Salad. P250. Blk 10, Del Valle Compound., PK 2. PS. Bawal utang. Pwede kung close tayo.

"Ah, sorry, di ko agad nasabi," sabi ni Miko. "Dumalaw pala si Isaiah kanina. May tinanong lang sa akin. Kanya galing iyang salad, gawa ng mama niya paninda. Ninenok niya yata."

Umiyak si Baby Mateo, kaya nataranta si Miko na puntahan ang bata sa sala. Nakalimutan niya tuloy ang kanyang cell phone sa mesa.

Hindi ko na dapat titingnan, pero nakita kong iyon pa rin ang wallpaper niya. Kami ni Baby Mateo! Bakit hindi niya pa rin pinapalitan?!

I picked it up in annoyance. I was planning to give it to him and ask him to change the wallpaper, but suddenly it vibrated. May text. Alam ko na agad kung kanino galing dahil nag-appear sa screen iyong banner notification ng text.

Papi Isaiah:
Musta, kupal, balita? Naniwala ba? Tangina mo sakit ng kamao ko—

Hindi tapos ang text dahil naka-lock iyong phone. Ayokong mag-usisa. But I already got the gist of what was going on. My teeth gritted. An idea played in my mind, then my eyes darkened as I looked towards the living room.

Okay, Miko, ganito ang gusto mo? Sige, humanda ka dahil pagbibigyan kita!

jfstories
BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top