Chapter 56
"ZANDRA, MAHAL NA MAHAL KITA."
Iyong mga salitang akala ko ay hindi ko maririnig. Ngayon ay naririnig ko na.
"I love you. Wala akong pakialam kung maniwala ka. Basta, mahal kita. Ikaw ang pipiliin ko kaysa sa mommy ko, sa lola ko, sa pag-aaral ko, sa tropa ko, sa trabaho, o kahit saan at kanino. Kahit palagi kang magalit sa akin, ang uuwian ko ay ikaw at ikaw pa rin."
Sobrang saya ko. Sobrang saya na nakalimutan ko na lahat-lahat. Iyong paghihintay ko nang walang kasiguraduhan, iyong pagpapakatanga ko minsan, at kahit iyong mga simple niyang pagkukulang. Lahat iyon ay natabunan. I was so happy. So foolishly happy...and in love.
Ngayon, ito ako, nakaratay sa kama, pawisan habang lamig na lamig ang katawan. In my delirium, I was thinking about him again. Sabi ko, di ba na hindi na? Pero ito, kahit ayoko na, kahit nakakapagod na, siya at iyong pangako niya ay pabalik-balik pa rin sa akin na parang sumpa.
"Zandra, anak, ano ka ba naman?!" nanginginig na boses ni Mommy ang nagpamulat sa namimigat kong mga mata. "Pilitin mo na gumaling, paano ang anak mo kapag may nangyari sa 'yo?!"
It had barely been three months following my CS operation. Mula noong unang araw, hands on na ako sa pag-aalaga sa baby ko. Maraming nilalakad si Mommy sa Manila tungkol sa titulo ng lupa namin, dagdag pa na nagkaproblema ang bentahan ng aming restobar, kaya hindi rin ako nito natutulungan. Kaya ako lang lahat, ako lang mag-isa, at walang katuwang.
Kahit masakit pa ang tahi, ako na ang nag-aalaga, kumakarga, nagpapaligo, at maging naglalaba sa mga damit namin ng baby ko. Wala na kaming washing machine, naibenta na kasi halos lahat ng appliances namin noon, kaya lahat ng paglalaba ko ay labang pamano-mano.
Sa totoo lang, bukod sa nakakapagod ay ang hirap talaga ng walang katuwang. Wala akong mautusan sa mga panahong nahihirapan ako at kailangan ng tulong. Sa mga panahong para akong nababaliw kaiisip, wala man lang akong mapaglabasan ng bigat ng dibdib.
Ang hirap-hirap. Kahit minsan ay gusto kong magsabi kay Mommy, ay kinakain ako ng hiya, because I knew that deep inside her, she was still disappointed with me. Kaya para makabawi, kapag natutulog na ang baby ko at tapos na ako sa mga gawain, ang pahinga ko ay pagre-review para sa board exam. Ang kaso, dahil doon ay ilang oras na lang lagi ang tulog ko.
Magtatatlong buwan pa lang si Baby Mateo nang magsimula akong makaramdam ng panlalamig kahit pinapawisan, sumasakit din ang ulo ko, iba't ibang parte ng aking katawan, at madalas akong hinang-hina. Ilang araw lang ay bigla na akong kinumbulsyon ng lagnat. Ang dahilan: binat.
I was not sent to the hospital since we did not have the money. Kuya Zed had not yet received his monthly paycheck in Canada, and we had returned half of what the buyer had paid for our house. Hindi na kasi matutuloy na bibilhin ang bahay namin, kaya kailangan naming isauli ang bayad. Hindi na namin maisauli ng buo kaya hinuhulug-hulugan namin monthly.
"Bakit naman ngayon ka pa nagkaganyan?" naiiyak nang himutok ni Mommy. "Bakit ngayon pa na hirap maka-sideline ang daddy mo sa Canada?! Nataon pa ring mahina ang kita ng kuya mo! Iyong sustento naman ng nakabuntis sa 'yo, isang libo lang kada isang linggo! Minsan lang suwertehing magdalawang libo!"
Hindi pa tapos si Mommy na linisin ang mga pinaglinisan ko ng tahi, umiiyak na naman si Baby Mateo sa crib. Hindi na tuloy alam ni Mommy kung ano ang uunahin. Nagkakandamura na siya sa pagkataranta.
"Zandra, ano ba?! Alam mo namang kaya nga hindi na kami nag-anak ng daddy mo, kasi ang hirap mag-alaga! Hindi na ako sanay mag-alaga ng baby, hindi ko kaya ito!" Sa frustration ay nailabas na tuloy ni Mommy ang mga hinanakit niya.
Sinikap kong makabangon kahit hirap na hirap. Tutulungan ko si Mommy, pero napaluhod lang ako sa sahig. Nataranta na naman tuloy si Mommy na balikan ako. Tapos lumakas pa lalo ang iyak ni Baby Mateo, kasi siguro ay gutom na. Ayaw nito ng formula milk na binili namin dito.
"Mommy, susubukan kong padededehin sa akin..."
"Anong ipapadede mo? Ayan nga, naudlot ang gatas mo! Wala nang lumalabas! Paano ka kasi magkakagatas, hindi ka makakain nang maayos! Suka ka pa nang suka!"
Mag nag-doorbell kaya iniwan muna kami ni Mommy. Nang makalabas siya sa pinto ay sinikap kong tumayo ulit. Even though my knees were shaking, I tried my hardest to move closer to the crib. "Baby ko..."
Nagkakawag ang sanggol na batang lalaki. Kinarga ko ito sa aking mga bisig, doon lang ito tumahan sa pag-iyak. Ako naman ang sumunod na naiyak. "I'm sorry, baby ko... I'm sorry, ang hina ni Mommy. Pero pangako, magpapagaling ako para sa 'yo... Hindi ka iiwan ni Mommy..."
Nang bumalik si Mommy ay nakasimangot. Tatanungin ko pa sana siya kung sino ang nag-doorbell, pero nang makita ang bitbit niyang mga plastic bag, ay hindi na ako nagsalita. Alam ko na.
"Pagbukas ko ng gate, wala nang tao sa labas. Iyang mga iyan ang nakita ko." Inilapag ni Mommy ang mga plastic bag sa sahig na ang laman ay nasisinag. Dalawang malaking pack ng diaper, baby wipes, at ilang baby cleansing products.
This was the third time this had happened, so it was not new. Hindi na bago ang may magdo-doorbell, pagkatapos ay paglalabasin ay imbes na tao, mga plastic bag ng baby necessities ang matatagpuan. Nangyayari ito kadalasan tuwing katapusan ng buwan.
Nang lumabas na ulit si Mommy ng kuwarto ay nilapitan ko ang mga plastic bag, habang karga-karga ang natutulog nang si Baby Mateo. I went for the plastic bag containing baby garments, only to smile bitterly. Pink baby clothes, pink socks, and floral swaddles. It had been three months, yet the fool who was sending stuff here still didn't know the baby's gender.
"He's a fool..." mapait kong sambit habang nangingilid ang mga luha sa mata. Tiningnan ko ang sanggol na karga-karga. "Your father is a fool... not only for knowing your real gender... but also for leaving us... for leaving you..."
Nang gabing iyon, kahit hirap na hirap pa ako, sinikap kong ako ang mag-aalaga sa anak ko. Sisiguraduhin ko na magpapagaling na ako. I would be strong, and I would work hard so that I could provide my son with all he could possibly need in life, leaving him with no need for anything else or anyone else. I wanted him to see that it was enough, even if it was just the two of us...
"ZANDRA!!!"
Isang sigaw na nagpamulat sa namimigat ko pang mga mata. I wondered why I wasn't in bed, why Baby Mateo wasn't in my arms, and who was this man who was holding me right now? And why did his handsome face look so worried?
"Zandra, ang init mo! May sakit ka!" Boses niya ulit na pasigaw pero puno ng pag-aalala. Para na siyang maiiyak sa pagkataranta.
Mula sa itaas ay nakarinig ako ng iba pang ingay. "Anong nangyari?" Boses iyon ni Mommy na parang kagigising lang. "Ano iyan? Anong nangyari sa anak ko?!"
Naramdaman ko ang pagkakagulo sa paligid. Umangat ang katawan ko mula sa sahig. Kinarga ako ng lalaking may hawak sa akin. Sa sumunod na naalimpungatan ako ay nakahiga na ako sa malambot na higaan. May nagpupunas din sa braso ko ng malamig na basang bimpo.
"Ano ba naman iyan? May sakit pala siya, bakit pa siya pumasok kanina sa ospital? Mabuti na lang talaga at bumaba na kahit paano ang lagnat." Nabosesan ko si Mommy. "O siya, Miko, sa kuwarto ko muna patutulugin ang anak niyo."
"Salamat po. Ako na po munang bahala kay Zandra."
"Sige, babalikan ko lang dahil baka magising." Pagkuwa'y nakarinig ako ng pagsara ng pinto.
Nang magmulat ako ng mga mata ay naaninagan ko ang lalaking nasa gilid ng kama. Nagpipiga siya ng bimpo sa maliit na planggana. Magaan niya akong pinunasan muli ng bimpo sa katawan.
Doon ko lang napagtanto na nakahubad na pala ako. May isinuot siya sa aking t-shirt na bago. "Sorry, kailangan mong magpalit. Basa ka ng pawis. Don't worry, isang mata ko lang nakadilat, iyong isa nakapikit."
Kinumutan niya ako pagkatapos. May nilagay siya na malamig na bimpo sa noo ko. Nang magmulat ako muli ay nataranta siya. "Bakit? May masakit ba sa 'yo? Anong gusto mo?"
Right, I knew this man. He was Michael Jonas Pangilinan. Ang laki at baritono ng maaligasgas na boses niya, pero para iyong batang nag-aalala. Nag-aalala pero may bahid ng lambing. Panaginip ba ito? Kasi ganitong-ganito noon iyong gusto kong marinig ko.
Ganito rin iyong itsura niya na gusto kong makita noong may sakit ako. Iyong kahit namumula ang mga mata sa pagod at antok, mas lamang doon ang pag-aalala. Pero hanggang sa mapagod na lang ako noon sa pag-iilusyon, walang nangyaring ganoon.
"Zandra..." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa pisngi niya. "Bakit ka umiiyak?"
I was crying? Pero bakit ako umiiyak? At bakit tinatanong niya? Bakit may pakialam siya?
"May masakit ba sa 'yo? Sabihin mo sa akin."
Kahit hirap ay sinikap kong ibuka ang mga labi. Ang mga salita roon ay kusang namutawi. "I hate you..."
Ang pag-aalala sa mukha niya ay sandaling nabura, napalitan ng lamlam ang mga mata niya. Pagkuwan ay maliit na ngumiti siya. "Alam ko."
"I hate you so much. I hate you so much that it hurts."
Sumubsob siya sa kamay ko. Ang malapad niyang balikat ay bahagyang nanginig. My dried lips formed a faint smile. What I saw was enough. But only for now. Because I wanted more. More suffering for this man...
TANGHALI NA AKO NAKABANGON KINABUKASAN. Natuloy ang lagnat ko, kaya tumawag ako na hindi papasok sa ospital. Mabuti na lang dahil wala masyadong pasyente.
Hapon noong bumaba ako. Nakahiga si Miko sa sofa habang nakadapa sa dibdib niya si Baby Mateo. Pareho silang naghihilik mag-ama.
Si Mommy na galing sa kusina ay kinibitan ako ng balikat. "Iyong anak mo, sobrang kulit kanina kaya ayan, bagsak. Iyong tatay naman, kanina pa pagod kakaalaga at kakaasikaso sa bahay. Tapos, puyat pa sa pag-aalaga sa 'yo kagabi, kaya ayan, baksak din."
Naiwan akong nakatingin sa mag-ama na nasa sofa. Nakabaling sa gawi ko ang mukha ni Baby Mateo, kaya kitang-kita ko ito. Parang small version ng dinadaganan nito ngayon. Sakto pa na pareho silang nakanganga.
Naupo ako sa upuan na malapit at pinakatitigan sila. Ngayon ko lang ito nagawa, kaya siguro hindi ko na napansing nalilibang na ako sa pagtitig sa kanilang dalawa. Iyong pinagbiyak na bunga na kasabihan ng matatanda, totoo pala. May guguhit na dapat na ngiti sa mga labi ko, pero wala pa man, ay agad ko nang binura.
Patayo na ako nang marinig si Miko na magsalita. "Zandra, nandiyan ka pala." Nagising na siya. Namumula pa ang mga mata pag lingon ko.
Nagmamadali siyang bumangon at kinarga si Baby Mateo papunta sa crib. Kandagewang-gewang pa siya dahil siguro antok pa. Magdamag niya akong binantayan kagabi, pagkatapos ay nag-alaga pa siya kay Baby Mateo mula kanina.
"Sorry, di kita nakita agad. Nakatulog kasi ako. Okay na ba pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Nagluto ako ng sopas. Gusto mo bang ipaghanda kita—"
Hindi ko na siya pinatapos. Nilagpasan ko na siya at dumeretso ako sa kusina.
Ako ang nagtimpla ng gatas ko at kumuha ng tinapay. May nakita akong sopas sa kaserola pero hindi ko pinansin. Kumakain na ako nang pumasok si Miko sa kusina. Nang makita niya ang kinakain ko ay lumungkot ang kanyang mga mata.
"Ayaw mo ba ng sopas? Gusto mo bang magluto ako ng iba—"
"Nakikita mo bang kumakain na ako?" malamig kong putol sa sinasabi niya.
"Ah, sorry. Akala ko kasi gusto mo nang—"
Tumayo ako at inilagay ang mug ng pinag-inuman ng gatas sa lababo. Bumalik na ako sala, at hindi naman na siya humabol. Naiwan siya roon sa kusina na tahimik na nakayuko.
NOONG GABI AY MAY BISITA RAW AKO. Si Miko ay nasa sala habang karga-karga ang inaantok nang si Baby Mateo. Naghinang ang aming mga mata pero ako ang naunang nagbawi.
Lumabas ako para puntahan ang sinasabi ni Mommy na bisita ko. Madilim sa labas ng gate at mabuti na lang din dahil sarado na ang mga kapitbahay. Tiyempo ang bisita ko.
Nakasuot ng kulay puti na shirt ang matangkad na lalaki sa labas. Napatingin siya sa akin at alanganing ngumiti. "Hi."
"Hi, Francis," kaswal ko na ganting bati. "Why are you here?" Ito ang unang beses na naglakas-loob siyang puntahan ako rito sa bahay namin.
"Pasensiya ka na. I went to the hospital after returning from Manila and waited for you for an hour, but you weren't there. Nag-alala na ako kasi kagabi ko pa alam na masama ang pakiramdam mo."
"I had a fever, but I'm fine now." Nakatagilid ako at hindi nakaharap kay Francis, kaya sa peripheral vision ko, nakikita ko na may humawi sa kurtina ng bintana sa sala.
Inaninag ko kung may tao ba roon, pero hindi ko makita dahil pinatay na ang ilaw sa loob. Mukhang naiakyat na si Baby Mateo sa itaas. Tikhim ni Francis ang nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.
"Zandra, can I ask you something... something that I still don't have the right to ask you?"
I couldn't concentrate on what Francis was saying because I saw the living room's curtain move again in my peripheral vision. Ano ba kasi iyon?!
"Zandra, I know I don't have the right to ask you about your personal affairs. Ni hindi mo pa ako pinapayagang ligawan ka. Pero titigasan ko na mukha ko..."
Sa sobrang pagka-distracted ko, nasabi ko tuloy, "Ah sige, go lang."
Ayun, tumuloy talaga. "Zandra, will you go back to him now that he's back?"
Hindi ako agad nakasagot dahil nagulat talaga ko na tatanungin niya iyon. Nawala tuloy ang atensyon ko sa maligalig na kurtina.
"No," nang makabawi ay sagot ko kay Francis. I answered him not because I wanted to give him hope but because that was the truth. "But, Francis, that doesn't mean I'm going to look for someone else to replace him. My priority is my child."
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako sa dilim, pero parang tumingin si Francis sa likod ko, bago siya sa akin ngumiti. "Sapat na ang sagot mo sa akin, Zandra. Wala naman pala akong karibal, kaya ayos lang sa aking maghintay kahit pa matagal."
Napahilot ako ng sentido. "Are you really going to do this?"
Yumuko sa akin si Francis, at hindi na siya ngayon nakangiti. He was now serious. "Do you really think that everything began when you became my nurse?"
"Hindi ba?" naguguluhan kong balik. Although we met several times in high school, but we never talked. The first time we had a conversation was when he was confined to the hospital, and I was assigned to be his nurse.
Nanatili siya sa aking nakayuko habang nakapamulsa. Matagal na nakatitig lang sa aking mukha. Kung hindi pa kami nakarinig ng kalabog sa loob ng bahay ay hindi pa ako ulit mapapaatras.
Isang ngiti naman ang muli kong nakita kay Francis. Ang kanina ring seryoso niyang mga mata ay makikitaan ngayon ng pagkaaliw. "You know that I'm your friend before anything else. You can always run to me."
"T-thank you, but I don't nee—"
"I understand you don't need a friend, yet I'm your friend. And I can't tell whether you're lucky or unlucky because I'm a special type of friend. I'm willing to do everything for friendship, like..." Ang ngiti niya ay naging madilim. "I can also be a tool that you can use as you please."
Hindi na ako nakapagpaalam kay Francis. Nagmamadali na akong bumalik sa bahay dahil para akong kinilabutan bigla. Ang lalaki naman ay blangko lang ang mga mata na inihatid ako ng paningin.
Madilim na sa sala pagpasok ko, at ang ilaw lang ay iyong sa itaas ng hagdan. Muntik na tuloy akong mapatili nang makitang may aninong nakasandal sa gilid ng pintuan.
"TAPOS NA KAYONG MAG-USAP."
Napatingala ako kay Miko nang humakbang siya palapit sa akin. Hanggang leeg niya lang ako. Swabe lang ang boses niya, hindi malamig, hindi rin ganoon katigas, but still, there was something in it.
Mabuti dahil nakabawi agad ako ng pagkagulat. Naalibadbaran agad ako sa kanyang tanong. "Ang alam ko, nasa Canada ang daddy ko. Hindi ako na-inform na ikaw na pala ang daddy ko ngayon."
Nanatili naman siyang kalmado habang nakayuko sa akin. Iyon ang nababaan ni Mommy na tagpo. "Ano ba iyan, bakit patay ang ilaw rito sa sala? Nasa labas pa si Zandra, ah!"
Si Mommy yata ang nag-akyat kay Baby Mateo sa itaas. Bumaba ito ngayon dahil mukhang tulog na ang bata. Nang makita kami ni Miko ay nagpalipat-lipat sa amin ang tingin nito. "Hoy, anong ginagawa niyo sa dilim, ha?!"
"Kapapasok lang po niya," sa halip ay magalang na sagot ni Miko kay Mommy. Ewan ko kung sagot ba iyon o sumbong.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Si Mommy naman ay tinanong ako. "Anak, sino ba iyong bisita mo? Ayaw pumasok noong pinapapasok ko kanina. Pa-mysterious. Ganoon mga bet ko noong kadalagahan ko, eh. Pero iyon nga lang, sa daddy mo ako bumagsak."
Hindi ko naman na sinagot si Mommy. Tumuloy ako sa kusina dahil bigla akong inuhaw. Iinom muna ako bago umakyat sa itaas at tabihan si Baby Mateo.
Pabagsak kong ibinaba ang baso. Aawayin ko na sana siya, dahil bakit siya sumunod, pero natigil ako dahil may dala siyang basket ng mga labahin. Ah, okay, maglalaba pala siya. Good. Para naman di sayang oras kung itutulog niya lang.
Wala siyang kibo nang lumapit sa washing machine na nasa gilid ng banyo. Kung makakilos siya ay kalmado lang na para bang wala ritong ibang tao. He didn't even bother to look at me. What? Inaartehan niya ako nang ganiyan?!
Napipikon ako kaya tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Nakataas ang isang kilay na kaswal niya lang akong tiningnan, pagkuwa'y bumalik na ulit sa ginagawa. Nagsasalang na siya ng mga labahin sa washing machine.
Pinanood ko lang naman siya. Aba, marunong na pala talaga siyang magbukod-bukod ng mga dekolor at puti. Habang nakatingin ay natigilan ako. Iyong mga huling inaalis niya kasi sa basket ay mga damit ko na. Hey, did he go to my room to get my laundry?!
Iyong shock ko ay may isya-shock pa, kasi iyong huling mga hugot ni Miko ay mga maninipis na saplot na. My face flushed because right at this moment, he was now holding my undergarments!
"Hoy!" Napasigaw na ako.
Pero kaswal na tiningnan niya lang ako habang hawak ang mga gamit kong panty. "Don't worry, magseselos lang ako, pero hindi ako magdadala ng used underwear mo sa trabaho."
"What the..." Nakanganga ako nang muli sa pagiging kaswal ay dumilim ang mga mata ni Miko.
"At mas lalong hindi ako papayag, na makita ng Francis Molina na iyon, kahit garter lang ng underwear mo. Patayin niya muna ako."
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top