Chapter 55

MAY PASOK NA NAMAN BUKAS.


I was finally able to do a general cleaning of my room, something I'd been dreaming of doing for quite a while. Pagod na pagod ako nang makatapos. Okay na iyon. Sulit na ang off ko. Kung meron lang di nasulit sa off ko, ay iyon ang first time na di kami nakapag-bonding ng baby ko. Para akong nag-off din bilang isang mommy.


Nakakakonsesiya kaya hinanap ko si Baby Mateo noong hapon. Paglabas ko ng kuwarto ay napatigil ako sa hagdan nang marinig na may nagbi-videoke sa ibaba. OPM duet song na madalas kantahin sa ASAP. Nagbi-videoke si Mommy? Sino naman kaya ang ka-duet nito?


"Bakit 'di magawang limutin ka?" Isang maaligasgas at buong boses ang nagpatayo ng lahat ng balahibo ko. No! It can't be! Mommy would never


Pero iyon ulit na boses, buo na malambing. "Bawat sandali, ika'y naaalala. Tangi kong dasal sa Maykapal, makapiling kang muli..."


Sinundan iyon ng boses ni Mommy na with feelings at kinulot pa, "Bakit 'di ka maalis sa isip ko? Ikaw ang laging laman nitong puso ko. Kahit pilitin kong damdami'y magbago, ikaw pa rin ang hinahanap ko...!"


Napasilip agad ako sa sala. Sina Mommy at Miko, may tag-isa silang microphone. Si Mommy ay nakaupo sa sofa at si Miko ay nakatayo sa gilid habang karga pa sa isang braso si Baby Mateo. Nakatutok sa screen ng TV ang mga mata nila pareho!


"Hanggang ngayon..." Si Mommy na mangiyak-ngiyak pa habang bumibirit. May pagkumpas pa ng kamay. Talaga ngang nakipag-duet ito kay Miko!


"Hanggang ngayon..." second voice naman ni Miko. Chill lang kahit may bitbit na bata sa kaliwang braso.


Were they serious? Talagang nagko-concert talaga sila rito sa sala?! At ang bubwit na si Baby Mateo naman ay behave lang na karga ng ama. Ito ang VIP audience nila.


"Ikaw pa rin ang iniibig ko... Ohhh..!" Si Mommy na napatayo na sa mula sa sofa para makabirit. With hampas pa sa hangin. "Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko! Ikaw lamang hanggang ngayon...!"


Si Miko naman, sa kanya ay parteng mataas din. "Dapat ba nating pagbigyan? Ang ating mga puso'y muli pang buksan? At ibibigay lahat, ang pag-ibig na tapat sa 'yo... Sa 'yo... Oh..."


Napatanga ako kasi alam ko namang magaling siyang kumanta, pero more on R&B, rap, hiphop lang ang madalas niya kasi noong kantahin. Hindi ko alam na ganito kataas ang boses niya! Pati nga si Mommy nang tingnan ko ay nakanganga rin kay Miko!


Sa sumunod na birit ay di na yata kinaya ni Mommy, kaya si Miko ulit. "Hanggang ngayon ikaw pa rin ang iniibig ko...! Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko... Hindi ko na kayang mag-isa. Ikaw lamanggg... Hanggang ngayon... Whoahhh...!"


Napairit at palakpak si Baby Mateo na karga-karga niya. Hinalikan niya naman ito sa noo. "Ayos ba, pogi?"


Nang tumikhim ako pagkatapos ng kanta ay saka lang nila ako nakita. Naibaba ni Miko ang microphone. Parang nahiya. Ay, meron pala siya niyon?


Si Mommy naman ay ngiting-ngiti. Kinurot si Miko sa tagiliran. "Hoy, ayos ka pala sa kantahan, e! Naku, malamang narinig ng mga kapitbahay ang duet natin! Sila e laging nag-aarkila ng videoke pag may handaan, pero mga sintunado naman! O ngayon, narinig nila tayo! Manigas sila sa inggit!"


Maliit na ngumiti lang si Miko, saka tumingin sa akin. "Hi. Gusto mong magmeryenda?"


Si Baby Mateo ay kumawag nang makita ako. "Mamaaa, kwargaaa!"


Inabot niya sa akin at kinuha ko naman. Imbes kausapin siya, ang bata ang kinausap ko. "Hello, baby ko. Nag-afternoon nap ka ba, ha?"


"Naaap!" sabi nito sabay bungisngis. Ipinagmalaki na naman ang dalawang pirasong ngipin.


"Zandra, may hotcake akong ginawa," sabi ni Miko kahit hindi ko siya kinakausap. "Iyong gaya ng binibili natin dati sa Buenavista pag hapon. Iyong may asukal at maragarine. Wait, ikukuha kita." Hindi niya na ako hinintay, excited na siyang umalis.


Nang wala na siya ay kinuyumos ko ng halik si Baby Mateo. Natigilan din ako habang nakangudngod ang nguso ko sa malambot na pisngi ng bata, kasi what if nag-kiss din dito si Miko kanina?!


Nang tingnan ko ang bata ay nakabungisngis pa rin sa akin. Lumabi naman ako. Mabango ito, amoy baby, pero may humahalong ibang bango. Amoy lalaking guwapo—na papansin at matigas ang bungo.


Si Mommy na matapos iligpit ang microphone at patayin ang TV ay nilapitan ako. "In fairness diyan sa tatay ng anak mo, ah? Magaling pala kumanta. Parang noong nakapanuhan ko, ganyan iyong mga nakaka-duet ko sa contest tuwing fiesta sa bayan!"


Napatingala pa si Mommy habang nagdi-daydream tungkol sa sinasabi nitong kabataan. Madalas nga siyang sumali ng singing contest noong teenager siya. Palagi siyang nananalo kung di third runner up ay fifth. At least, sakay lagi sa Top 5.


Sinitsitan ako ni Mommy pagkuwan. "Pst, Zandra, hindi mo naman babalikan iyon, di ba?"


Napalingon ulit tuloy ako sa kanya. "Po?"


"Natanong ko lang naman," nakangusong sabi ni Mommy. "E iyong ganoong pagmumukha, may talent pa, tapos pinagsisilbihan ka pa, baka lang naman rumupok ka. Baka maisipan mong balikan bigla. Naku, ha? Wag kang makakalimot na on process na ang papel niyo ni Baby Mateo sa—"


"Alam ko, Mommy," putol ko sa sinasabi niya.


"Maigi lang na di mo kalimutan. Sa ngayon, okay lang iyan na nandito. At least, napakinabangan natin siya." Sabay hagikhik ni Mommy.


Pagbalik ni Miko mula sa kusina ay may bitbit na siyang plato na may hotcake. Boyish ang kanyang pagkakangiti. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mommy. Sukat ay napasimangot ako. Nagtaka naman siya pero napayuko na lang.


Hindi ko rin kinain ang dala niyang hotcake. Inakyat ko na si Baby Mateo sa kuwarto ko. Tutal nakakain na ang bata kaya pinadede ko na lang noong gumabi. Hindi na kami bumaba. Kahit noong may kumatok sa pinto, hindi ko na pinagkaabalahang tingnan pa kung sino ito. Umalis na rin naman ito matapos ang ilang minuto.



MAY PASOK NA AKO SA WORK. Karga-karga ko si Baby Mateo pagbaba nang hagdan noong umaga. Akala ko ay madadatnan pa namin si Miko na natutulog sa sofa, dahil maaga pa, pero wala na siya roon. May mga kumakalansing sa kusina kaya malamang na nandoon na siya.


I walked into the kitchen, and I really did find him there. He was wearing a purple kitchen apron and inside was a white shirt. Sa ibaba niya ay naka-jersey shorts siya na Chicago Bulls. Basa pa ang buhok kaya mukhang bagong ligo, and I could still smell the fresh scent of the soap he used.


He did not see us immediately as he was busy with what he was doing. Sa kaliwang kamay niya ay meron siyang hawak na spatula na pinaiikot niya sa mga daliri. May background music din siya sa phone niya na nasa mesa.


Minsan ay ginagawa niya pang drums iyong mga takip ng kaldero,  pinagpapapalo niya ng spatula habang nagsa-soundtrip siya. Kumakanta rin siya habang tatango-tango. "So what if we get drunk? So what we smoke weed? We're just having fun! We don't care who sees! So what we go out? That's how it's supposed to be, living young and wild and free...!"


Napatigil lang siya nang marinig si Baby Mateo. "Weeeed!"


Napatay niya agad iyong sounds at naibaba ang spatula. "Gising na pala kayo." Tabingi ang ngiti niya. "Uhm, nagluto pala ako ng vegetable egg muffins para kay Mateo. Maliligo ka na ba? Pakakainin ko na siya."


Ibinigay ko naman sa kanya ang bata. Yumapos agad ito sa leeg niya. "Papaaa!"


Ang mga mata niya ay naging masuyo nang marinig ang sinabi ng bata. Nginitian niya ito. "Good morning, pogi. Tomguts ka na? Gusto mo na bang tsumibog?"


Iniwan ko na sila sa sala. Dumeretso na ako sa banyo para maligo. I walked straight to the shower and nearly froze because the water was so cold. Umulan nga pala kaninang madaling araw. Ginaw na ginaw tuloy ako.


Miko was already feeding Baby Mateo in the high chair when I finished bathing. He smiled when he saw me. "Ginawan kita ng kape. Kape ka muna habang mainit."


Nilapitan ko lang si Baby Mateo para haplusin ito sa ulo, pagkuwa'y umalis na ako.


Hahanapin ko pa lang ang uniform ko sa ospital na nursing scrubs dahil hindi pa ako nakakapaplantsa, nang lumabas si Mommy mula sa kuwarto. Bitbit niya ang mga naka-hanger na scrubs ko. Napatanga ako kasi plantsado na ang mga ito.


"Tulog ka na yata kagabi, kinakatok ka ni Miko, di ka raw nagbubukas. Ibinigay niya muna sa akin. Plinantsa niya ito kagabi, para isusuot mo na lang. Pati iyong sapatos mo na gamit, nilinis niya."


Hindi ako umimik na kinuha kay Mommy ang mga gamit ko.


"Pasasama rin pala ako sa kanya mag-grocery mamaya. Io-orient ko siya kung paano at ano-ano ang mga dapat bilhin. Para alam niya na ang gagawin kapag umalis na ako. Si Baby Mateo ay dadalhin na lang namin. Mag-Grab na lang kami."


Aalis na nga pala si Mommy sa darating na Sabado. 


"Naku, kailangan pala na di ako mag-ayos masyado pag-alis namin mamaya. Kasi what if isipin ng mga makakakita sa amin na magkaedad lang kami ni Miko? Tapos baka mapagkamalan pang ako ang nanay ni Baby Mateo! Hay, bakit kasi ang baby faced ko? The struggle is real!" 


Napangiwi naman ako. Kulang pa ba sa tulog si Mommy?


Pumasok na ako sa kuwarto at hinayaan ito roong mamroblema. Nagmamadali na ako paalis pagbaba ko. Iyong kape na ginawa sa akin ni Miko ay inihabol niya pa sa akin sa may pinto. Gumawa pala siya ng bago kasi lumamig na raw iyong kanina. Magkape raw muna ako bago pumasok, pero hindi na. I told him to just give it to Mommy.


Hinalikan ko sa pisngi si Baby Mateo, tapos umalis na ako. Nakalimutan ko na ngang magdala ng payong, nakalimutan ko pa ang aking jacket. Umaambon-ambon pa naman nang papunta na ako sa labasan. Tuloy ay sumakit ang ulo ko pagdating sa ospital.


Hindi na ako nakainom agad ng gamot dahil busy sa Emergency. Nagkaroon ng banggaan sa daan. Lasing na driver ng sedan na bumangga sa blind spot ng isang truck. Syempre, iyong kawawang truck driver ang makukulong. Hay, naku, bakit kasi meron pang mga taong lasinggero?!


Umandar ang buong maghapon na pagod na pagod ako. Tapos ang lamig-lamig pa ng pakiramdam ko. Kung sana lang kasi ay merong magpapahiram sa akin ng jacket...



I WAS EXHAUSTED WHEN MY SHIFT ENDED. Mukhang sisipunin pa ako dahil nararamdaman ko ang pagtulo ng tubig sa aking ilong. Ininuman ko agad iyon ng maraming tubig, para ma-hydrate ako. Nag-mental note ako na uminom agad ng Biogesic pagkauwi, para hindi ako matuloy sa lagnat.


Pag-out ko ay lalo akong nilamig dahil ang lakas ng hanging panggabi. Pagpunta sa waiting shed ay may tao roon na nakaupo. Hindi ngayon pasaway ang ilaw kaya nakikita ko siya. He was wearing a navy blue hoodie jacket, a pair of jeans, and white Adidas sneakers. "Francis..."


"Good evening." He stood up when he saw me. "Sorry, I'm from QC, at naisipan ko na dito na naman bumaba, dahil pa-out ka na. Samahan lang sana kita na maghintay ng masasakyan kasi gabi na..."


Hindi ko na siya masagot kasi nangangatog na ako. Napansin niya naman iyon. Bigla niyang hinubad ang kanyang suot na hoodie jacket. Ang natira sa kanya ay iyong shirt niya sa loob na kulay black.


"Don't worry, bagong laba iyan," sabi niya nang makita akong nag-alangan. "Saka, naka-Grab naman ako buong biyahe. Hindi iyan naalikabukan."


Nangangatog talaga ako kaya hindi ko na tinanggihan. Mabango naman iyong hoodie jacket, mukhang bagong laba nga. Ibabalik ko na lang agad mamaya. Sumabay na si Francis sa akin sa baby bus dahil napansin niyang masama ang pakiramdam ko. Tahimik lang naman siya. 


Malapit na kami sa Tejero saka lang siya mahinang nagsalita, "Sorry, nagiging habit na iyong paghihintay ko sa 'yo tuwing dadaan ako rito. Gabi ka na kasi palagi nauwi, at hindi ko lang mapigilan talaga na mag-alala sa 'yo."


Gusto ko na sanang ituloy na iyong balak na pagkausap sa kanya, kaya lang ay hinang-hina ang aking pakiramdam. Buong biyahe na nakalungayngay lang iyong ulo ko sa sandalan ng upuan. 


Francis knew that I wasn't feeling well, so he insisted on accompanying me to Pinagtipunan despite my objections. Nagpa-special siya sa tricycle papunta sa baranggay namin. Seryoso ang kanyang ekspresyon kaya parang ang hirap niyang awayin.


Hindi na lang ako nagreklamo dahil hindi ko na kaya na maglakad papunta sa sakayan at maghintay na magpuno ang tricycle ng pasahero. Pagbaba sa kanto ng Pinagtipunan ay nag-aalala ako na may makakita kay Francis na kapitbahay. Ayokong makapag-ambag na naman ng topic sa tsismisan session ng mga kapitbahay ko.


I was relieved that he grasped what I was worried about. Huminto siya bago pa sa street namin. "Dito na lang ako, Zandra. Tatanawin na lang kita."


Naglakad na ako papunta sa amin. Ramdam ko naman na hindi pa rin umaalis sa kanto si Francis. Umalis lang siya noong nakapasok na ako sa gate namin. Sa sobra ding sama ng pakiramdam ko, nakalimutan ko na palang isauli sa kanya ang jacket niya...



BAKIT MADILIM? 


Hindi na ako kumatok sa pinto dahil meron naman akong susi. Madilim ang buong sala, siguro ay nasa itaas na sina Baby Mateo at Mommy. Pero bakit pati ilaw sa hagdan ay kailangang patayin? Wala akong makita kaya kinapa ko ang switch ng sala, para lang mapasigaw dahil nakaupo pala si Miko sa sofa!


Nakaupo siya roon, nakabuka ang mga hita, nakapatong ang mga siko sa tuhod, habang tahimik na nakayuko. Gising pa siya!


Napahawak ako sa aking dibdib. "Ano ba? Nakakagulat ka!"


Tumayo siya at malamlam ang mga mata na tumingin sa akin. "Ngayon ka lang."


Inaabangan niya ba ang oras ng uwi ko? Hindi naman talaga fixed ang oras ng uwi ko. Minsan ay nali-late ng isang oras kapag di agad ako nakaka-out o kaya pag naabutan ng traffic sa Tejero.


"Nag-OT ka ba? Pagod ka? Gusto mong kumain? Maghahanda ako—"


"Hindi na." Iwinasiwas ko ang kamay ko. Mas gusto kong matulog na. Higang-higa na ako dahil nga masama ang pakiramdam ko.


May sasabihin pa si Miko nang magsalubong ang makakapal na kilay niya nang mapatingin siya sa jacket na suot-suot ko. "Wala kang dalang jacket kanina pagpasok mo."


"Malamig paglabas ko ng ospital kanina, giniginaw ako, mabuti na lang dahil merong nagpahiram sa akin ng jacket. Tinanggap ko na dahil malinis naman at mukha pang bago pa..." Nginitian ko siya. "Spare jacket niya lang siguro ito."


Dalawang ulit na umalon lalamunan niya, bago siya nagsalita sa mahinang boses at sa tono na mababa. "Iyong nagpahiram sa 'yo ng jacket... Lalaki ba?"


Sinalubong ko ang mga mata niya. "Oo."


Hindi sumagot si Miko pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Nilampasan ko naman na siya. Nasa may unang baitang na ako nang magsalita siyang muli.


"Congratulations, Zandra. You're doing a good job torturing me."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top