Chapter 5

FRIENDS NA. FRIENDS LANG.


It might sound crazy but it was real. I was now friends with Michael Jonas Pangilinan. My very first boy friend. As in boy friend with 'space'.


Hindi na rin pala ako naaasar sa kanya. In fact, happy ako pag nakikita ko siyang pakalat-kalat. Just like now. Nasa bench siya ngayon at busy sa paglalaro sa kanyang cell phone. Pansin na pansin siya sa kinauupuan, palibhasa matangkad, maputi, makinis. Okay fine, guwapo.


Pero as usual, naka-incomplete uniform na naman pala itong lalaking ito. White shirt lang and no polo, black school pants na paturok ang dulo, rubber shoes na black and white Adidas. Wala pang suot na ID, at akala mo batas na sa bench pa talaga tumambay. Akala mo ay hindi siya nabato kahapon lang ng eraser ng dumaan na teacher dito.


Gigil na gigil sa kanya iyong teacher dahil incomplete uniform na nga, long hair pa, tapos nakasuot pa ng black headband. Hindi lang iyon, may maliit na silver na hikaw pa rin siya sa isang kilay, sa magkabilang tainga, at napakaliit na silver dot sa gilid ng matangos na ilong. Ang tigas pang sumagot na at least ay mabango naman daw siya. Well, he was not wrong.


Nilapitan ko siya. "Hi, my delinquent friend!"


"O?" tamad na sagot niya na hindi sa akin tumitingin. Ganito talaga siya kapag naglalaro sa cell phone, kahit may magsaksakan sa harapan niya ay hindi talaga siya mag-aangat ng tingin.


"Where is Arkanghel?" hanap ko sa kanya kay Arkanghel.


And yup, like na like ko pa rin ang friend niyang si Arkanghel del Valle. Tanggap ko na pala kahit poor lang si Arkanghel. In fact ay mas lalo ko pa nga itong nagustuhan dahil sa aking mga nalaman tungkol dito. So what if Arkanghel was poor? At least, he was not like the other boys na irresponsible and immature.


Nalaman ko mula kay Daddy na masipag si Arkanghel. Tuwing Saturday at Sunday ay suma-sideline ito sa talyer ng isa nitong tiyuhin. Hindi rin daw ito madalas humingi ng baon sa mama at papa nito. At kahit lalaki ay gumagawa ito ng mga gawaing bahay, naglalaba ng sariling mga damit, at nagsasaing. See? Such a good guy! Really a boyfriend material!


And yup, si Michael Jonas ang madalas kong mapagtanungan kung nasaan si Arkanghel, dahil mas madalas ko siyang makitang pakalat-kalat sa kung saan-saan.


"Ewan," tamad na sagot niya naman. "Baka mamaya andiyan na iyon. Hintayin mo na lang."


"Okay." Naupo ako sa tabi niya at nakinood sa nilalaro niya. Itinulak naman niya ang noo ko gamit ang kanyang mahabang hintuturo.


"'Wag ka magulo, naglalaro ako rito, e!"


Lumabi ako. "Sungit."


May mga dumaang girls. Sinitsitan siya pero hindi niya pinansin kasi nga naglalaro siya. Ako na lang ang ngumiti sa mga ito. Bago pa ako isumpa ng mga babae niya ay inunahan ko na ang mga ito. "Pinsan niya ako."


Kahit naglalaro ay napasimangot naman siya. "Gagi, kailan pa kita naging pinsan?"


"Wala na akong pinsan, in-uncousin ko na just like what you told me. Kaya ikaw na ngayon ang pinsan ko." Paraan na rin para mabawasan iyong mga nang-iirap sa akin na mga kaharuan niya rito sa school.


Naglabas din ako ng phone ko. Nakakalimang text na ako kay Arkanghel mula kagabi pero wala pa rin itong reply. Wala rin ito kagabi nang magpunta ako sa compound ng mga ito. Pumunta ako dahil kinuha ko iyong aking biniling puppy kina Isaiah.


Siniko ko si Michael Jonas. "Uy, can you text Arkanghel for me?" Baka sa kanya kasi ay mag-reply. Because, you know, Arkanghel was kinda shy.


"Teka, tapusin ko lang ito."


Naghintay naman ako pero panay ang kalabit ko sa kanya para madaliin siya dahil patapos na ang break. Nakukulitang nagti-text na tuloy siya.


Saglit lang ay mag reply na sa kanya si Arkanghel. "O nasa canteen daw. Puntahan mo na. Putik, ang gulo mo, mamamatay ako, e!"


"Thankie!" Nakipag-apir ako sa kanya na tinanggap naman niya pero nasa phone nakatutok ang mga mata dahil nagsisimula na namang maglaro.





I FINALLY FOUND ARKANGHEL, BUT HE'S WITH A GIRL!


Napatigil ako sa paghakbang. Natagpuan ko nga si Arkanghel sa canteen, pero hindi sina Isaiah ang kasama niya, kundi isang estudyanteng babae na chubby at may magandang mukha. Namumukhaan ko ito, isa sa nakalaban ko sa spelling contest noong pinagsama-sama ang lahat ng level last year.


Si Arkanghel ay salubong ang mga kilay nang tumingin sa akin. "Zandra, bakit?"


Napalunok muna ako bago humakbang. No, ayaw kong tingnan ang kasama niyang babae, kaya nag-focus lang ako sa kanya. "Tini-text kita hindi ka nagre-reply," nakalabing sagot ko.


I tried my hardest to stay calm, pretty, and sweet, kahit pa nakakaramdam ako ngayon ng inis. Naiinis ako. Naiinis ako dahil sino itong kasama niyang babae? Di ba iwas siya sa girls, even to me, pero bakit dito ay hindi?!


Napakamot naman ng ulo si Arkanghel at parang namroblema. Siguro ay naalala niya na ang bilin sa kanya ng daddy ko noong last na nangutang ulit sila sa amin ng papa niya, na he must look after me. But what was he doing now? What if my text to him was important like I got kidnapped or something, but he didn't read it? What would happen to me?!


"Bakit ka pala nagti-text?" tanong niya na nakangiwi ang mga labi.


Nag-pout ulit ako bago sumagot. "Pumunta kasi ako kina Isaiah kagabi dahil kinuha ko na iyong binili kong puppy sa kanila. Sabi ko dadaan ako sa inyo after, di ba? Dumaan ako kaso wala ka naman. Mama mo lang nandoon."


Dumaan ako sa kanila kasi ipinasabay rin ni Daddy iyong pagdala sa kanila ng inuutang ng papa niya na seven hundred. Pambayad daw nila sa kuryente.


Napakamot ng ulo si Arkanghel. "Ah, may laban kasi kami kagabi."


Ah, iyon pala. Kumalma na ako. I thought kasi na umiiwas talaga siya, hindi naman pala. Nangingiti nang hinampas ko ang braso niya. "Hmp puro laro. Nakalimutan mo pa na pupunta ako."


"Sorry naman," sabi niya na pasimple sa aking lumayo.


Hindi naman iyon nakaligtas sa akin, pero kunwari na lang ay hindi ko napansin. Iyong babae naman na kasama niya ay nagpaalam na.


"Arkanghel, una na ako sa room," anito sa patag na tono.


Napatingin tuloy ako rito. Sa malapitan ay doon ko lang natandaan ang pangalan nito. Oh, right! This girl was Susana Alcaraz. Ito rin pala ang winner sa spelling contest. "Oh, Alcaraz?" I smiled at her kasi friendly naman ako.


Tumingin ito kay Arkanghel na parang hinihintay na siya ang magsalita, pero wala siyang sinabi. Bakit ganoon? Bakit parang naghihintayan silang dalawa?


Naunang umalis si Susana Alcaraz, and Arkanghel followed her. I shouldn't overthink because they were just friends, right? Right?


Bumalik ako sa bench na masama ang loob. Naririto pa rin pala si Michael Jonas. Naupo ako sa tabi niya at nagbuntong-hininga ng mga five times yata. Sa pang-six ay saka siya tumingin sa akin. "Problema mo? Basted ka?"


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Excuse me?!"


"Ha? Bakit, dadaan ka?"


"Agh, ewan ko sa 'yo!"


May dumaang dalawang babae sa harapan namin. Iyong isa ay halatang ini-spot-an siya.


"Iyan, may bago ka na namang haharutin."


E busy pa rin siya sa phone niya kaya ako na lang ang tinanong ng tamad. "'Tingin mo?"


Napahimas ako sa aking baba habang nakasunod ng tingin doon sa babae. "Hmn, okay lang. Maganda."


Ilang minuto na lang ay tutunog na ang bell. Tapos na siya sa wakas maglaro sa phone at ngayong nananalamin na roon. Patay ang screen at doon niya tyinatyagang sipatin ang sariling repleksyon.


Humarap naman ako sa kanya at inalis ko iyong dahon na nahulog sa buhok niya. Hindi naman siya kumibo. Ang tainga niya ay namumula dahil siguro sa init ng katanghalian.


Inilabas ko ang aking maliit na rechargeable portable mini fan at itinapat sa kanya. Parang na-relax naman siya. Yumuko pa para daw doon sa bandang likod niya ang mahanginan. Tinapat ko naman doon.


Dumaan sa harapan namin ang mga kaibigan niya na sina Isaiah at Asher. Sinigawan siya ni Asher. "Hoy, mga talande, Chapter 5 pa lang kayo!"


Nag-dirty finger siya sa mga ito na ginantihan naman ng dalawa at may kasamang pagdila pa.


Tumayo naman na ako dahil magbi-bell na. Tumayo na rin si Michael Jonas. Ganoon lang tapos naghiwalay na kami na walang paalamanan.





MABILIS LANG NATAPOS ANG MAGHAPON. Sa last break ay hindi na ako lumabas dahil nag-advance lesson ako for our next subject. May quiz sa susunod kaya nag-aral na lang kami ng best friend at seatmate kong si Faye.


Pagtunog ng bell ay nakatayo na agad ako. Pinalabas na kami kaya nagpaalam na ako kay Faye at nauna na sa pinto. Bitbit ko ang aking purple bag na pumunta sa Grade 8. Pupuntahan ko sa room nila si Arkanghel. Kung hihintayin ko kasi ang lalaki ay baka tumakas lang, kaya pupuntahan ko na lang.


Panay ang haplos ko sa aking buhok habang naglalakad papunta sa Grade 8. Siguradong magugulat si Arkanghel. Na-excite ako na makita ang reaksyon niya. Pagdating ko ay uwian na rin nila. Nagsisilabasan na ang iba niyang mga classmate.


Nakasalubong ko sa daan si Michael Jonas. Pag hindi naglalaro ay ganito, may kausap na namang babae. Inginuso niya iyong room nila. "Andon!"


"Thankie!"


Paglakad ko ay narinig ko pa na tinanong siya ng babaeng kausap niya. "Ano mo iyon?"


Sinagot naman niya. "Pinsan ko raw."


Dere-deretso naman na ako sa room nila. Dahil nasa labas naman na halos lahat ay pumasok na ako sa loob. "Arkanghel!"


Napatingin sa akin iyong ibang estudyante na nasa loob pa. Gulat naman ang mukha ni Arkanghel nang mag-angat ng mukha sa akin. Nakaupo pa siya sa upuan niya. Hay, what a cutie!


Kinapitan ko siya agad sa braso at hinila patayo. "'Lika na. Ngayon ka bumawi. Mga tatlong Magnum ice cream lang, okay na ako."


Nasa mukha naman niya ang pagkagulat pa rin. Ramdam ko rin ang paninigas niya sa aking pagkakahawak, pero hindi niya ako tatabigin dahil bukod sa gentleman siya, ay sa kanya kaya ako ipinagkatiwala ng aking daddy!


Pero hindi pa kami nakakalayo sa room nila nang bigla siyang huminto. Para bang hinintay niya lang talaga na makalayo kami nang kaunti. Pagtingala ko sa kanya ay seryoso ang mga mata niya nakatingin sa akin. Napalunok naman ako. Galit ba siya?


Bumukas ang kanyang mga labi. "Alam mong wala akong pera pambili ng Magnum ice cream, di ba?" Pati boses niya na kahit mahinahon ay seryoso rin.


Oh my gosh! Natutop ko ang aking bibig nang ma-realize. Oo nga pala, hindi nga pala siya rich. Malamang na maliit lang ang baon niya. Napaka-insensitive ko. Siguro na-offend siya. I should say sorry and—


"Umuwi ka na, Za. May kasabay na akong uuwi." Hindi niya na hinintay ang pagsagot ko. Tinalikuran niya na lang ako basta.


Tatawagin ko pa sana siya nang may mga dumaan ng ibang estudyante sa aking harapan. Nakita ko rin na nanakbo na si Arkanghel patungo sa gate ng school namin.


Tulala ako na nakatayo na lang sa pinag-iwanan niya sa akin. Nagalit siya. Nagalit si Arkanghel sa akin. No, I didn't want him to hate me. No. He must not hate me. No!!!


May bumangga sa balikat ko. Tatlong babae na naghahagaran. Nag-sorry pero mukhang hindi sincere. Gumatong iyon sa nararamdaman ko, lalo pa't amoy pawis ito. Sa frustration ay napasinghal tuloy ako. "Ano ba? Don't you have eyes?!"


Tumigil naman ang mga ito. Nagsikuhan. "Gagi, in-english tayo! Don't have eyes daw, beh!"


Iyong ibang mga estudyante sa gilid-gilid namin ay naghagikhikan habang nakatingin sa amin. What was funny?!


"Sorry na nga, Miss," anang ng kasama ng nakabangga sa akin pero nakangisi pa rin. "Ikaw naman kasi, paharang-harang ka, kundi ka ba naman tulig din!"


Tulig? Did she call me tulig?! It was a Caviteño term similar to the word 'stupid'!


"Miss, ikaw naman pala nakaharang, e," sabat ng isa sa mga nakikiusyosong estudyante sa tabi. Nang lumapit sa akin at maamoy ko ito ay parang lumabo ang paligid dahil nahilo ako.


Nang lingunin ko ay isang babaeng maiksi ang buhok at may isang pirasong hikaw sa tainga. Naka-blouse pero may t-shirt sa loob. Sa boses na pilit pinapalaki ay na-gets ko na tomboy ito. Ngiting-ngiti sa akin kaya kita ko ang naninilaw na ngipin.


Napaatras ako. "Don't come near me!" asik ko rito. Ang sister ng best friend kong si Faye ay tomboy rin pero mabango at malinis. Tapos mabait pa iyon at hindi palasabat. "Oh, my gosh, you're amoy patis!"


Napasipol ito. "Kow, dang yabang naman nento, ah!"


Iyong kasama sa nakabangga ko ay mukhang masungit. Umabante ito papunta sa akin. "Tanginang ito! Ang arte, puta! Pa-english-english ka pa! Ano bang problema mo, ha?!"


"I don't have a problem!" alma ko naman. "Kayo ang may problema! Naghaharutan kayo at nabangga niyo ako dahil hindi kayo tumitingin sa dinaraanan niyo! Then, you don't know how to apologize sincerely!"


At ano ang masama kung nag-e-english ako?! Crime ba na mag-english sa public school?!


"Gagi, pinapalagan ka," sulsol dito ng kasama nito.


Iyong mga nasa tabi naman ay nagsisigatungan na. "Away o, away!"


Iyong mga estudyante matitino ay sinasabing awatin kami, pero walang nakikinig. Walang pakialam na patingin-tingin lang iyong iba, habang iyong iba naman ay kaysa umawat ay nagtsi-cheer pa.


Tinulak ako sa balikat ng babaeng lalong ginanahan dahil sa hiyawan sa gilid. "Kilala mo ako, ha? Kilala mo ako?!"


Oh, my gosh! She really pushed me!


"Ano, ha?" maangas na sabi nito sabay tulak ulit sa akin sa balikat ko. "Taray mo, ha? Kaya mo ako? Kaya mo?!"


Nag-panic na ako. Ayaw kong makipag-away. Hindi pa ako napaaway sa buong buhay ko, at wala akong balak. Hindi ko naman akalaing mauuwi sa ganito. Binangga kasi nila ako e, tapos di sila maayos na nag-sorry. Bakit sila pa iyong galit?!


"Ano ka ngayon," nakangising sabi ng kasama ng nagtulak sa akin. "Dami mo kakantiin, tropa pa naming si Cherry Rose napili mo! O, gago, 'yan napala mo!"


Iyong Cherry Rose na tumutulak sa akin ay nakangising itinulak ulit ako. "Ano, ano ha?!"


Mas malakas na sa pagkakataong ito kaya nanlaki ang aking mga mata dahil alam kong babagsak ako. Pero hindi iyon nangyari. Hindi ako bumagsak. Hindi ako bumagsak dahil may sumalo sa aking mula sa likuran ko. Isang pares ng malalaking kamay ang humawak sa aking balikat!


"Problema rito?" mahina at malamig na boses ng isang lalaki na pamilyar.


Nanahimik ang paligid. Kahit si Cherry Rose at ang mga kasama nito ay parang nawalan bigla ng mga dila.


Napatingala ako patalikod sa lalaking may hawak pa rin sa aking balikat. Ang una kong nakita ay ang makinis na leeg niya, ang Adam's apple niya, paakyat sa kanyang mukha. Napanganga ako nang makilala siya nang tuluyan. Michael Jonas Pangilinan!


Nang makabawi si Cherry Rose ay parang mula sa pagiging tigre ay naging kuting ito. "Miko, kilala mo iyan?"


"Oo." Iginilid ako ni Michael Jonas. "Ano ngang problema? Pinsan ko ito."


"Aw, pinsan mo?" Ang mga kaibigan ni Cherry Rose ay biglang nagsikalmahan. "Gago, pinsan pala ni Miko, jol!"


Niyuko ako ni Michael Jonas. "Okay ka lang? Ano ginawa sa 'yo?"


Umiling ako. "I just wanne leave. Please." Sige na, ako na ang mali, dahil hindi ko na kaya ang amoy rito. Mabuti sana kung amoy lang niya ang maamoy ko dahil mabango siya, ang kaso ay sari-sari ang amoy rito.


Tiningnan niya lang iyong mga nang-aaway sa akin, pagkuwan ay hawak niya pa rin ang isang balikat ko na hinila na ako palayo. Parang papel naman na nagpatangay ako. At nakakapagtaka dahil walang nagtangka na humabol sa amin.


Hindi ako nagreklamo kahit malayo na kami ay akbay niya pa rin ako. Siguro kailangan ko rin ito as detox. Kumbaga ay pambawi sa mga naamoy kong mga kakaibang amoy kanina. Pasimple pa akong napapasinghot kasi bakit uwian na ay ang bango niya pa rin? Hindi ba siya pinagpawisan sa room nila?


Sa labas ng gate niya na ako binitiwan. Namewang ang isang kamay niya at ang isa ay nakahawak sa kanyang batok, habang nakatingin sa akin na para akong batang pasaway at siya naman ay ang aking bantay.


Napanguso ako habang nakayuko. Hinihintay ko na pagsabihan niya ako, na bawasan ko ang arte ko, dahil nasa public ako, at posible akong mapaaway sa ganitong ugali, pero wala siyang sinabi. Walang sermon na kahit ano.


Narinig ko ang pag-tsk niya. Pag-angat ko ulit ng paningin sa kanya ay nakahalukipkip na siya. Hindi siya mukhang galit o naiinis. Kalmado siya habang nakatingin na sa ibang direksyon. Wala akong idea sa tumatakbo sa isip niya. And, funny that I wanted to know...


"Ano iyang tingin na iyan?" sita niya nang mapansing titig na titig ako sa kanya.


"Uhm, you will not tell me to change my attitude?" maliit ang boses na tanong ko. Kasi di ba ganoon dapat? Dahil kung siya ang best friend kong si Faye, o ang daddy ko, ay malamang na pangangaralan niya ako na ayusin or bawasan ko ang aking maarteng ugali.


"Bakit?" tanong niya na parang mas naasar pa dahil bakit ganoon ang tanong ko.


"Uhm, because nga ang arte ko, di ba?"


"Ano ngayon?"


"Uhm, maarte ako... Kaya mapaaaway ako sa ganitong attitude ko..."


"Bakit mo babaguhin sarili mo para sa ibang tao? Kung ganyan, e di ganyan."


I pouted my lips again. "Paano pag napaaway ulit ako?"


"E anong ginagawa ko? Display?"


I didn't expect that he would say that. Ang mga labi ko ay napaawang sa kanya.


But then, biglang nakakaloko na nginisihan niya ako. "Alangang pabayaan kita, e magpinsan tayo."


jfstories
#BadLoverbyjfstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top