Chapter 40
ANG HIRAP-HIRAP!
What worse was I was having a hard time, while Miko was still sleeping soundly on the foam. Tinanghali na siya ng gising, at oo, hindi na siya nakaabot sa interview at exam niya dapat ngayon sa Epza.
Panay ang tingin niya sa akin na para siyang maamong tuta habang naka-indian sit siya sa foam namin. Kagigising niya lang at gulo-gulo pa ang buhok niya.
Wala naman akong kibo pagpasok sa pinto. Galing ako sa labas dahil nagsampay ako ng ilang pirasong damit namin na kinusot ko kanina sa lababo. Hindi na kasi ako nakatulog kaya naglaba na lang ako dahil wala na rin kaming maisusuot.
Kaunti lang ang sabon kaya pinagkasya ko na lang sa tagdalawang pirasong shirt namin at shorts. Bukod naman ang pagkusot ko ng undergarments. When I remembered the underwear, my face heated up again because I also washed Miko's underwear.
Ngayon lang ako nakapaglaba ng mga damit ni Miko. Usually kasi kapag galing siya sa Manila ay nalabhan na ng kasambahay ng daddy niya ang kanyang mga damit. Mabuti na lang dahil hindi gaanong marumi ang labahin niya. Mababango rin kahit nahubad niya na.
Ganoon din naman sa underwear, malilinis pa rin halos, not sure sa mabango kasi di ko naman inamoy. Basta, binabad ko na lang muna sa sabon bago pikit-matang kinusutan at binanlawan.
"Naglaba ka?" tanong niya kasi may bitbit akong maliit na planggana at basa ang harapan ng malaking shirt ko. Hindi ako sumagot kasi obvious naman, di ba? Nagtanong pa!
"Sabi ko ako na maglalaba sa Sabado," maamong sabi niya.
Umingos naman ako. Siya maglalaba? E naglaba nga siya last week ng mga t-shirt namin, iyong sinampay niya ay may bula-bula pa!
"Zandra, nag-almusal ka na?"
Hindi pa rin ako sumagot. Bahala siya riyan!
Tumayo naman na si Miko, at nagligpit ng higaan. Habang itinatayo sa gilid ng pader ang tinuping foam ay sa akin siya nakatingin. Para pa ring inabandonang tuta ang itsura.
Lumapit na siya sa akin at sinilip ang aking mukha. "Galit ka ba?"
Lalo akong yumuko na kunwari ay busy sa pagbabalik ng planggana sa ilalim ng lababo.
Sinundot niya ako sa tagiliran. "Huy..."
Pumiksi ako at nilampasan siya. Sumunod naman siya.
"Zandra, pansinin mo naman ako..."
Tiningnan ko lang siya ng tingin na blangko.
"Alam ko na kung bakit ka galit. Sorry na. Hindi ko naman alam na tatamaan ako nang malala sa tagay sa akin kagabi."
Tikom pa rin ang bibig ko.
"Sorry na o. Habang nasa labas ka kanina, nag-text iyong HR na magpapasok dapat sa akin. Sabi ay tutulungan niya pa rin daw ako na makapasok sa kompanya nila."
Nakasimangot pa rin ako pero may sumisilip ng maliit na ngiti sa mga labi ko. "Okay. Kumain na tayo. Deretso tanghalian na kasi anong oras na."
Masigasig naman siyang nanguna sa lalagyanan namin ng plato. Pasikat na siya pa ang naghain sa sahig dahil doon kami kakain. At ang ulam namin? Walang iba kundi ginisang sardinas na may malunggay mula sa kapitbahay!
WE'RE STILL GOOD. Kahit hindi natuloy si Miko sa Epza ay tuloy naman ang pasok niya sa talyer ng tito ni Isaiah, dahil saktong umuwi ng probinsiya iyong tauhan doon. Ang duty niya ay umaga hanggang hapon. Three hundred ang bigay kada araw.
Hindi pa agad uuwi niyon si Miko dahil dadaan pa siya sa computer shop na pinaglalaruan nila noon para mag-sideline. In total ay nakakapag-uwi siya ng four to five hundred pesos araw-araw. Bumibili na agad siya ng ulam namin at nag-iipit na para sa renta, tubig, kuryente, at pati sa pang-check up ko.
Sa bigas naman ay lingguhan kami bumili. Kasya na sa amin ang limang kilo na tag-forty pesos per kilo. Nakakatawa lang ang buhay, dahil noong nag-aaral pa ako ng college ay lagi akong may three thousand pesos na pang-load at pang-skincare ko lang.
Luho palang iyon at di pa kasama ang school allowance. Pag sobra ang kita sa resto bar namin at malaki ang padala ni Kuya Zed galing Canada, ay dinadagdagan pa ni Mommy ang bigay sa akin, kahit hindi ko naman hinihiling.
Ngayon ay hindi na ako nakakahawak ng pera para sa panluho lang. Ang five hundred sa amin ni Miko ay napakalaking bagay na. Ibayong tipid at pagtatabi kami palagi.
Minsan ay sinusuwerte si Miko ng sideline sa resto bar ng tropa niya sa may Biclatan. Kinukuha siyang drummer pag may tugtugan tuwing Saturday night, at kumikita siya ng two hundred fifty para sa three hours. Nauuwian niya pa ako ng lugaw sa pag umuuwi siya sa madaling araw.
Sayang lang dahil sarado at for sale na iyong resto bar namin sa Pinagtipunan, kasi puwede sana siya roong waiter ng buong linggo. Iba pa rin kasi kapag may fixed na work at suweldo. Puwede rin siya roong tumugtog sa gabi for extra income.
HAPON. Umidlip ako at nagising sa ingay sa labas. Pagsilip ko sa bintana ay malilim na pala sa street namin, kaya naka-assemble na roon ang mga kapitbahay na nanay. Naroon na rin ang pinaka-leader ng mga ito. Ang nanay ni Asher na landlady naming si Aling Ason.
"Ano, Boyang, bibili ka ba ng ginto? Bago iyang mga stock ko!" Malakas ang boses nito. Naka-malaking duster, may rollers na pink ang buhok, at may sukbit na bag na kinalalagyan ng mga paninda.
Kahit seaman ang asawa, may trabaho na ang panganay na anak, at may mga paupahan ay hindi pa rin mapirmi ang nanay ni Asher. Rumaraket pa rin ang ginang. Nagpapautang ito ng 5/6 at nagbebenta ng gintong alahas. Nagpapa-ending pa nga raw ito dati pero sinaway na ng mga anak.
"Ason, ang mamahal naman ng paninda mong ginto," reklamo ng kausap nitong kapitbahay.
"Aba, kung di mahal yan, e di hindi yan ginto!"
Di naman naka-rebut si Aling Boyang dahil may kasunod pa ang sinasabi ni Aling Ason.
Nang makita ako nitong nakatayo sa pinto ay kinawayan ako. "Oy, Zandra, gising ka na pala! Gusto mo rin ba ng ginto?"
"Ay, si Zandra!" bulalas ni Aling Marga. Kalalabas lang nito mula sa katapat na bahay. May bitbit iyong bayong. "Zandra, halika! May ibebenta ako sa 'yong make up!"
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Napalabas na ako ng maliit na gate ng apartment. Wala naman akong balak bumili, pero gusto ko lang tumingin ng mga make up.
Inilatag ni Aling Marga ang mga paninda nito sa mesitang kahoy na nasa labas. "O, mga bago ito! Mary Kay!"
Nagsibutingtingan na rin ang iba pa roong nanay. Pati iyong mga nagkukutuhan ay huminto para makiusyoso. May brochure pang inilabas si Aling Marga. Marami pa pala itong paninda. May Sophie Paris, Avon, at Natasha.
Pati si Aling Ason ay nakipag-agawan na rin sa brochure. Ibibili raw nito ang mga lalaking anak bagong brief.
"Naku, kailangan ng mga barako ko ng bagong brief! Noong isang linggo kasi ay nagkasakit ako at hindi nakapaglaba, kaya nagpa-laundry muna kami! Hayun, naubos ang mga brief nila! Ilang piraso na lang ang nakabalik!"
"Baka nangangain ng brief ang washing machine sa laundry shop!" sabi ng isa sa mga tambay na nanay, kasunod ay napahagikhik.
Natatawa na rin ako sa mga sumunod na usapan. Nakakaaliw kasi ang mga ito. Noon ay naiinis ako sa mga tambay na ganito sa street namin sa Brgy. Pinagtipunan, dahil bara sila sa kalsada, pero ngayon ay nauunawaan ko na sila. Sila lang naman iyong mga nanay na gustong mag-unwind minsan. At ito iyong pinakamurang unwind na afford nila.
Silent listener lang ako, pero ang dami ko nang nalalaman tungkol sa buhay-buhay ng ibang tao. Kahit nga iyong hindi ko kilala ay alam ko ng may kabit, may anak sa labas, at alam ko na ring twice a week lang pala maligo iyong nagtitinda ng scramble sa kanto.
Kahit pa 80% ng usapan at tsismis, ay may konsensiya naman ang mga marites dito. Kapag nagiging mainit na ang topic, binabago na nila at kanya-kanyang hugas kamay na.
"'Ne, kumusta ba buhay may asawa?" Tinanong ako ni Aling Boyang. "Mahirap sa simula, ano? Hayaan mo, pasasaan ba't makakaraos din kayo."
Sumabat naman si Aling Marga. "Masarap kamo sa simula. Ang hirap ay nasa bandang gitna. At kahit umabot pa sa katapusan, mahirap pa rin. Kaya dapag pinipili nating mga babae ay iyong lalaki na hindi lang sa umpisa magaling."
"Mabait at masipag naman ang asawa nitong si Zandra. Pogi pa."
"Iyon nga ang problema riyan, kasi pogi," ani naman ni Aling Diday. "Minsan ay kahit matino ang lalaki, e mga higad naman na makakati ang lumalapit. Kailangan maging alisto ka at mahigpit, dahil baka mamalayan mo na lang, na-peste na pala ang asawa mo."
"Siya nga, Zandra!" maliksing sang-ayon ni Aling Boyang. "Kaya wag mong hihindian ang asawa mo sa gabi. Habang kaya pa at di pa ganoon kalaki ang tiyan mo, pagbigyan mo nang pagbigyan! Mahirap nang matukso pa sa iba iyan!"
Siniko ako ni Aling Ason. "Naku, Zandra, 'wag kang makinig sa mga iyan dahil mga tigang iyan!"
Natawa naman si Aling Boyang. "Nagsalita ang hindi tigang!"
Tumalim ang mga mata ni Aling Ason. "Aba, Boyang, parang gusto mo yatang masingil sa utang mo sa aking hanggang ngayon ay nakakaisang hulog ka pa lang!"
Umakting naman si Aling Boyang na kunwari ay nag-zipper ng bibig. Nagkatawanan naman kaming mga nakikinig.
Sa ilang oras din na nasa labas ako ay nagkautang na ako kay Aling Marga ng onhand niyang sandals sa Natasha. Hindi ko na kinaya ang temptation. Ang cute-cute kasi ng sandals, at noong aking sinukat ay parang ayaw nang maalis sa paa ko.
Papadilim na nang maalala kong hindi pa ako nagsasaing at pauwi na si Miko. Nagpaalamanan na rin ang mga kasamahan kong nakatambay sa kalsada, dahil mga hindi pa rin nakakapagluto ng hapunan at pauwi na rin ang mga asawa ng mga ito.
Si Aling Ason naman ay sinundo na ng panganay na anak nito na kauuwi lang galing trabaho. Pagbaba sa kotse ay dumeretso agad dito. "Anak ng teteng ka, Ason! 6:00 p.m. na nasa labas ka pa? You're grounded! No cellphone ka for one week!"
Binatukan lang naman ni Aling Ason ang panganay na anak. Natatawa na lang naman ang ibang mga ka-nanay. Kinindatan naman ni Kuya Abel ang mga ito habang akbay-akbay ang ina.
Umuwi na rin ako at nagsaing na. Sa ulam ay hindi ako nagluto dahil pagkagaling ni Miko sa talyer ay dederetso siya sa grocery store para sa stocks namin. Baka bumili na rin siya ng ulam. Sana spam!
Pagkaluto ng kanin ay narinig ko na ang pagkalansing ng gate. Bumukas ang pinto at pumasok si Miko. Malawak na napangiti ako nang makita ang bitbit niyang grocery bags. OMG!
"Nakabili ka ng spam na sinasabi ko?" excited na salubong ko sa kanya. Nag-request kasi ako ng spam. Miss ko na kasi iyon.
"Oo." Inilapag niya sa sahig ang mga plastic bags. "Hindi nga lang iyong spam na mahal, pero masarap din. Luncheon meat."
Nasinag ko sa plastic ang tinutukoy niya. Ang ngiti ko ay tumabingi nang mabasa ang sa lata ang hindi pamilyar na brand.
"E nakabili ka ba ng whitening soap ko?" Inutusan ko kasi siya na ibili ako ng mild whitening soap na puwede for pregnant woman, dahil nagda-dark na ang balat ko.
"Syempre!" Nag-squat siya sa sahig para magkalkal. Excited naman akong naghintay. Isang rectangular box na kulay puti na kita sa loob ang orange bar soap. "Tsaran! Ito na ang pampaputi mo!"
Nabura ang ngiti ko. "What is that?"
"Sabong pampaputi!" masayang sagot naman niya habang nakatingala sa akin. "Kojic acid!"
"I know, but why Kojic?"
"Di ba pampaputing sabon? O ayan. Ang benta nga niyan, nakipag-unahan pa ako kasi baka maubusan."
"Because it's cheapest in the market," pigil ang inis sa boses na sabi ko. "Fine, it is effective, but it can make skin more sensitive to the sun. Lalo ngayong tag-init!"
It differed on the brand but most kojic soaps had a strong concentration that may irritate and dry up skin, particularly sensitive skin like mine. I'd tried it before but I didn't like it a bit. Puwera na lang siguro if mamahaling brand.
Napakamot ng pisngi si Miko. "Sorry, iyan kasi iyong mabenta saka mura doon. Kaunti lang kasi iyong budget. Bumili pa ako ng mga delata natin."
Hindi na lang ako nagsalita pa pero sa loob-loob ay naiinis ako. Ang init ng panahon, wala pa kaming aircon, for sure na manlalagkit ako sa Kojic. At wala na nga akong lotion, magko-Kojic pa ako. Baka mangaliskis na ako sa dryness niyan.
Saka di ba naisip ni Miko na buntis ako? Kabilin-bilinan ko pa na maghanap siya ng mild lang at puwede sa buntis. Pero iyong matapang pa talaga ng beauty soap ang binili niya dahil lang sa mura?!
Niligpit ko na ang mga pinamili niya sa grocey nang magtanong siya. "Ano ito?"
Paglingon ko ay hawak niya ang kahon ng sandals na kinuha ko kay Aling Marga. "Sandals," sagot ko naman. Di ba obvious?
"Alam ko na sandals ito. Ang ibig kong sabihin, saan galing?"
"Sa kapitbahay, kay Aling Marga. Inalok niya ako kanina, utang saka puwede hulugan. Nahiya ako tumanggi kaya kinuha ko na. Mura lang naman pati, saka wala rin akong sandals na pang-alis e."
Salubong ang mga kilay niya nang magtaas ng tingin sa akin. "Di ka naman umaalis."
"Pag nagpapa-check up sa center. Para naman di ako naka-tsinelas lang."
"Magkano saka kailan ang bayad?"
"Four hundred kasi Natasha iyan. Two months to pay."
Napakamot si Miko ng ulo pero siya naman ang di na nagsalita.
Hindi naman ako palaging nagpapabili, di rin ako nagrereklamo kahit palaging delata ang ulam, at okay lang din sa akin kahit naglalakad lang kami tuwing magpapa-check up sa center. Kaya wala naman sigurong masama na kumuha ako ng sandals na hulugan.
Pagkakain namin ay naunang naligo si Miko. Ako ang sumunod dahil mas matagal akong maligo. Paglabas ko ng banyo ay nakalatag na ang foam namin at nakahiga na siya habang nagsi-cell phone gamit ang cell phone ko.
Maaga pa, 9:00 p.m. pa lang pero dahil wala naman kaming TV ay wala rin kaming pagkakalibangan. Nakiki-online lang siya sa akin minsan o kaya nagsa-soundtrip kami sa phone ko.
Nilingon niya ako at hindi nakaligtas sa akin ang paghagod ng paningin niya sa aking katawan. Nakatuwalya lang ako pero may underwear naman ako sa loob. Ayoko kasi na nababasa ang aking damit kaya pinapa-air dry ko muna ang buhok ko. Kunwari ay hindi ko napansin ang mga tingin niya kaya malaya siyang tumingin-tingin sa akin.
Sa peripheral vision ko ay bumaba na sa aking mga binti ang titig ni Miko. Tumalikod naman ako dahil nilagay ko ang aking pinaghubaran sa basket na lalagyanan ng marumihan naming damit. Inayos ko rin iyong kanya dahil basta niya na lang isinalampak.
Nang matapos at hindi na talaga tumutulo ang buhok ko ay nagsuot na ako ng t-shirt na malaki. Sa pang-ilalim naman ay maiksing cotton shorts na kinuha ko rin sa pahulugan. Hindi na ako nagsuot ng bra dahil matutulog naman na.
Nang patayin ko na ang ilaw at tumabi na ako kay Miko ay ramdam ko ang pagiging balisa niya. Alam ko naman, e. Alam na alam kong may mga gabi na nahihirapan siya. Pero nagpapatay malisya ako.
Hindi siya nagtatangka kahit pa alam ko na gusto niya. Maybe he was worried about my reaction.
Bumalik sa akin ang usapan namin ng mga nanay kanina sa labas. Lalaki lang si Miko, may pangangailangan siya, pero kahit puwede niya sa aking kunin ay hindi ko naman ibinibigay. What if ma-temp nga siya sa iba?
Unang-una, hindi pa malinaw kung ano talaga kami ni Miko. Hindi niya ako mahal. Pangalawa, nagsisimula na rin kami sa buhay kung saan pareho kaming nahihirapan. Paano kung ma-realize niya na puwede namang maging magaan ang buhay niya kung bibitiwan niya ako? Paano na ako?
No. Miko would not do that to me. I believed in him and decided to continue believing in him. Kung temptation lang din ang issue, hindi niya na kailangang lumayo pa.
Tumalikod na ako ng higa kay Miko but I didn't sleep too far from him. Hindi kagaya nang nagdaang mga gabi na OA ang space namin. He noticed it in an instant, and it was now up to him if he would take it as a signal.
I could tell he was having a hard time as I heard his breathing deepen. I slowly moved closer to him, until our bodies made contact with one another, causing him to groan.
I waited until Miko could no longer hold back. My heart pounded, and my stomach tightened when I felt his big hand on my hip.
Nagpanggap ako na hindi apektado kahit laksa-laksa na ang kaba ko. Iyong di ko naman pag-imik ay nagbigay ng lakas ng loob kay Miko. Ang paghawak niya sa balakang ko ay naging mararahang paghaplos at maiingat na pagpisil.
Kamay pa lang niya at pagkalabit-kalabit ng kanyang mahahabang daliri ay para na akong lalagnatin. But I was still not saying anything. Sinikap kong huwag mag-react dahil baka huminto siya.
Nang bumaba ang kamay niya sa aking hita kung saan nakalilis ang maiksing shorts na suot ko ay napatakip ako ng aking bibig. Damang-dama ko ang mainit na palad niya sa aking balat, at bawat haplos niya para akong kinukuryente sa paraang masarap.
Umusod na sa akin si Miko at binulungan ako habang tuloy pa rin siya sa paghaplos. "Zandra, gusto mo ba?"
I didn't answer but I didn't stop him either. Mas dumikit pa ako sa kanya at sapat na iyon para hindi siya huminto.
One of his hands that was on my thigh went inside my shorts. Nang maramdaman ko ang mahahabang daliri niya sa gilid ng aking underwear ay doon na umalpas sa bibig ko ang impit na ungol.
"Ibuka mo onti," mainit na bulong niya sa tainga ko.
Gusto ko siyang sampalin sa bunganga pero mas gusto ko palang sundin iyong utos niya, so I did what I was told. I spread my legs, allowing his hand and fingers to explore freely.
His large hand cupped my sex, sending a shiver down my spine to the point where I couldn't hold back a moan. He began palming me for long enough to get me so wet and ready.
Napahalinghing na ako sa pigil na pigil na ungol. While Miko's hand was doing that, I could feel his hardness pressing on my back. It felt as if a rough piece of wood was stabbing my spine.
Hindi pa ako nakakabuwelo sa paghinga ay ibinaba niya na nang tuluyan ang shorts ko. I thought it was only one of his fingers he was pushing inside me, but it was far too large to be a finger. My eyes widened when I realized what it was.
It pressed against my entrance as his palm continued to touch me. When he felt that I finally adjusted a little to him, he thrust his way all the way in.
Miko kept his manhood in there for roughly a minute before he started shoving it inside and out of me. I was running out of breath. There was still some discomfort, but the pleasure was too strong that it overpowered it immediately.
Maliban sa paghinga ko, tunog ng naglalabas-masok na bagay sa isang basang lugar, ay maririnig din ang paghingal ni Miko, mahihinang pagmumura, at pag-ungol na para siyang mamamatay na.
Mahinang nakagat niya na ako sa balikat habang yakap-yakap ako. Bumilis ang galaw niya. And we were still in that position when I felt something hot surged inside of me.
Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako, pero bago ako nakatulog sa pagod ay may ibinulong si Miko sa akin habang habol niya pa rin ang kanyang paghinga.
"Zandra, mahal kita..."
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top