Chapter 41

WALA NA SI MIKO PAGGISING KO.



Nagising ako na nakakumot na at sa ilalim ay maayos na ang suot na shorts at maging ang underwear sa loob. Naka-steady na rin sa akin ang aming maliit na electric fan.


I got up and saw a plate and a bowl near me. Sa tabi niyon ay plastic na may lamang sopas. Iyong nabibili na tag fifteen pesos sa kanto. Napangiti ako.


May papel din na may nakasulat. Medyo nahirapan nga lang akong basahin kasi parang kinahig ng manok ang penmanship.


It read: Hindi na kita hinintay magising. Kumain ka na ng almusal. May sinaing na rin diyan para sa tanghalian. Sa ulam, nagbilin na ako sa kariderya sa labasan. Dadalhan ka mamaya ng sinigang na hipon. Bayad na iyon. May iniwan din ako diyang 50 pangmeryenda mo. Sa hapunan ako na bibili ng ulam. Before 7pm diyan na ako. –Miko Ganado


Nag-init ang pisngi ko sa huling nakasulat. Bruho talaga iyong lalaking iyon. Pero mayamaya lang ay natagpuan ko na lang ang aking mga labi na nangingiti ulit. Nakakainis, parang tanga.


Kahit naman kasi abnormal si Miko ay thoughtful naman ang lalaki. Kinain ko na agad ang sopas na iniwan niya dahil gutom na ako. Tinanghali na ako ng gising dahil nga sa pagiging ganado niya kagabi.


Pagkakain ay humilata pa ulit ako. Isa ito sa masasabi kong masarap mula nang bumukod kami. Kahit tanghali na ay puwede akong humilata nang walang sumasaway sa akin.


Anytime rin na gusto kong matulog, maligo, o kumain ay puwede. Wala sa aking sisita kahit kailan ko maisipang maglinis o magpahinga. Wala rin akong kailangang pakisamahan dahil hindi naman ako nakikitira. Hindi man malaki itong tinitirahan ko, pero daig ko pa ang nasa palasyo dahil ako ang reyna rito.


Napansin ko rin na unti-unti na akong gumagaling sa gawaing bahay na dati'y hirap ako. It seemed that recognizing my strengths and shortcomings on my own was more helpful than having someone give me orders and criticize me all the time.


Nang feel ko nang bumangon ay saka lang ako bumangon. Nagligpit ako ng higaan at nagwalis bago hinanap ang cell phone ko. Natagpuan ko iyon sa ibabaw ng orocan. Full bat. Nag-charge si Miko bago umalis.


Dahil wala siyang cell phone ay share kami muna sa phone ko. Dito siya nag-o-online at minsan ay nakiki-ML pag nagpapahinga siya.


Dito rin sa cell phone ko siya itini-text ng pinapasukan niyang may ari ng talyer, kino-contact ng sina-side-line-an niyang drummer sa resto bar, at dito rin nagti-text iyong company mobile ng HR na kakilala niya sa Epza.


May text dito iyong tropa niyang may resto bar sa Biclatan. Tinatanong kung puwede raw siya sa Saturday na mag-vocalist kasi may sakit iyong vocalist. Wag na raw mag-drums dahil mas kailangan ang kakanta. Two hundred daw ang bayad plus porsyento kada song request ng mga customer.


Pumasok na ako sa banyo para umihi at deretso maligo na. Napangiwi ako nang makita ang maliit na lababo roon na may mga maliit na buhok. Nag-ahit na naman ng bigote si Miko nang hindi nililinis mabuti ang lababo!


Ako na ang naglinis dahil araw-araw naman ay ganito. Nililinis niya man ay may natitira pa rin. Hindi pa roon natapos ang aking inis dahil nakita ko ang toothpase namin. Parang nilamukos ang itsura.


Napahingal na lang ako. Sinabihan ko na siyang ayusin ang pagpisil sa toothpaste pero nakakalimot pa rin siya parati.


Dineretso linis ko na ang buong banyo bago ako naligo. Paglabas ko ay fresh na sana, pero naalibadbaran na naman ako nang makita ang hinubad niyang damit na nakasampak sa gilid ng marumihan. Parang binilot niya at basta ishinoot lang. Hindi man lang inilagay nang maayos!


Inayos ko ang marumihan at hinagilap ang tuwalya niyang ginamit dahil malamang na hindi na naman niya nai-hanger. Tama nga ako. Nakataklob iyon sa galon namin ng mineral water.


"Kalma, Zandra, kalma..." kausap ko sa aking sarili. "Kalma..."


Kapag nagalit ako ngayon ay wala ring mangyayari, kaya ako na lang magsasampay. Binitbit ko na iyon palabas kasama ang tuwalya na aking ginamit.


Paglabas ng pinto ay nakadungaw rin pala sa labas ang kapitbahay na si Aling Boyang. Katapat ko mismo ang bungalow na bahay nito. "Tinanghali ka na, Zandra, ah!"


Kinawayan ko rin ang ginang. "Good morning, Aling Boyang! 10:00 a.m. pa lang po!"


"Aga umalis ng mister mo kanina, ah. Sipag talaga. Iyong asawa ko rito e porke't day off, nakahilata pa!"


"Maigi na iyang nasa poder mo, kaysa nambababae!" sabat naman nang bagong labas sa katabi kong apartment, si Aling Ising.


Si Aling Ising ay sixty years old na biyuda at may kinakasamang fifty years old na binatang tricycle driver, si Mang Buboy. Ang mga anak ng babae ay malalaki na at may kanya-kanya na, kaya dalawa lang ang magka-live in sa apartment. Iyon nga lang ay nitong nakaraan, madalas mag-away ang dalawa dahil lapitin daw ng chicks si Mang Buboy.


"Hay, naku! Subukan niyang mambabae, tatagpasin ko ang itlog niya nang di na mapakinabangan! Aba, kulang na nga ang sahod niya sa amin, magdadagdag pa siya ng palamunin!"


"Ay, naku ang Buboy ko naman ay hindi naman babaero, kaso siya ang nilalapitan ng mga babae! Guwapito kasi at may sariling tricycle! Susme, kung puwede lang akong palaging umangkas sa kanya para bantayan siya ay ginawa ko na!"


Si Aling Ason na nagwawalis ng kalsada sa tapat ng bahay nito ay umabot na pala rito, at nakisabat, "Hoy, ang lalaki, kahit hindi bantayan ay hindi iyan papatol kung siya ay matinong nilalang!"


"Naku, Mareng Ason, hindi mo ba alam ang kasabihang 'kapag palay na ang lumapit sa manok, tutukain na iyan ng manok.'"


Sumimangot si Aling Ason. "Kailan pa nagkapaa ang palay? Sa pagkakaalam ko, manok ang may paa! Kaya hindi basta-basta matutuka ang palay, kung hindi rin mismo ang manok lumapit para tumuka!"


Nanahimik ang dalawang kapitbahay, Mga napaisip.


"Walang paa ang palay para lumapit sa manok. Maliban na lang kung nakakalat talaga ang palay.



Pero syempre, dahil nakakalat lang ang palay ay malamang na maalikabok at marumi iyon. Kaya manok na sabik, walang taste, at marumi lang din ang tutuka roon! Aba'y kung ganoon lang din, katayin na lang ang manok dahil marumi na rin iyon!"


Napanguso si Aling Boyang. "Aba'y sayang ang pamilya ng manok kung kakatayin na agad. Puwede naman bigyan ng second chance baga!"


"E di bigyan mo hanggang one hundred chance ang spoiled na manok! Wag kang manghinayang dahil sayang nga naman ang dumi niya! Maipapamana pa iyon sa pamilya!"


Nang tumalikod na si Aling Ason ay umismid si Aling Boyang. "Ito talagang si Mareng Ason, porke't mga lalaki ang anak niya ay grabe magsalita. Pasalamat siya dahil wala siyang anak na babae!"


Si Aling Ising naman ay sumang-ayon sa aming landlady. "May point naman si Ason. Maruming manok lang din ang tutuka sa maruming palay. Pero mahirap nga naman pag ikaw iyong nasa mismo ng sitwasyon."


Sinitsitan ako ni Aling Boyang. "Ikaw, Zandra, guwapo ang asawa mo. Hindi imposibleng walang lalapit diyan. Kaya ihanda mo na ang sarili mo."


"Bata ka pa, Zandra. Tama na muna iyang isang anak lang muna. Pagkapanganak mo, magtrabaho ka. Wag mong iasa lang lahat sa asawa mo. Dapat sa babae ay may naiipit na sariling pera, para anuman ang mangyari ay hindi naman kawawang-kawawa."


Hindi na lang ako umimik. Madali lang kasing sabihin iyon, pero paano ba gagawin? Sino ang mag-aalaga sa anak ko kung magtatrabaho ako? Parang hindi ko yata kayang ipagkatiwala ang baby ko sa ibang tao.


Aling Ising seemed to have read my sentiment. "Hindi mo naman kailangang lumayo. Umuuso na ngayon ang online selling. Magtinda-tinda ka ng kahit anong matitinda mo. O kaya maghanap ka ng online work. Nakapag-aral ka naman siguro kahit paano."


"Pero wag ka rin masyadong magpakitang gilas sa asawa mo na kaya mong kumita, kasi dalawa lang ang mangyayari. Puwedeng masagi mo ang ego niya o baka dumepende na lang siya sa 'yo. Wag mo pa ring alisin sa kanya ang titulo na provider at padre de familia."


Pagpasok ko sa apartment ay busog na ako sa mga paalala nila. Ganito araw-araw, kaya kahit wala akong TV ay nalilibang ako. Daig ko pa ang nagkaroon ng napakaraming nanay dahil sa mga kapitbahay. Iyon nga lang, kahit simpleng payo lang ang mga iyon ay tumatanim na pala sa akin nang malalim. Hindi ko namamalayang nagdadala na pala sa akin ng isipin.


DARATING BA TALAGA ANG ARAW NA IIWAN AKO NI MIKO?


Would he leave me for another girl? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ulit ng galit, kahit wala pa naman.


Pagkatapos ng galit ay may iba pa akong naramdaman... takot. To be honest, I was not confident that he would not eventually leave me for another woman later on. Although I was now pregnant with his child, we were now living together, and he promised not to abandon me, those were not enough assurance that he would stay.


Pero ako ba? Kung sakali ba ay papayagan ko siya? May sagot na ako. Hindi. I would not let him leave me. I refused to set him free.


Kahit dumating pa ang araw na sukang-suka na siya sa akin, magtiis siya. Aba, matapos niya akong paglabahin ng mga brief niya, paglinisin ng pinag-ahitan niya ng bigote sa banyo, pagligpitin ng higaan niya, at paglampasuhin ng suka niya, hahayaan ko siyang iwan ako? Magkamatayan na lang kaming dalawa!


Napagbigyan ko na rin siya kagabi kaya hindi niya na iyon maidadahilan o maisusumbat sa akin, if ever man mag-isip siya ng palusot. Siya ang first and last ko, kaya ang kapal naman ng mukha niya kung sakali. 


Pero kung talagang gustong-gusto niya nang kumawala at sumama sa bago niyang babae, hindi na siguro ako para magpakababa pa. Hahayaan ko na rin siya dahil sino ba siya? Duh. But I would not let him leave unscathed.


Idedemanda ko siya ng VAWC, na Violence Against Women and Children. We lived together and had a child, so even if we weren't married, a case was still possible. I would fight for my emotional health, and if proven guilty, he could be punished with up to twenty years in prison or a fine of up to P300,000 pesos.


Kahit makabayad siya ng fine ay hihingan ko pa rin siya ng child support. Wala akong pakialam sa galit ko sa kanya, basta dapat siyang magsuporta dahil obligasyon niya iyon. Hindi ko hahayaang iyong babae niya lang ang makikinabang sa pera niya, dahil karapatan din iyon ng anak namin.


Namewang ako at ngumisi na parang timang. Feeling ko ay nangyayari na talaga kahit hindi pa naman. Nabatukan ko ang sarili pagkuwan. Hindi naman siguro ganoon si Miko. Napalabi ako. Kahit naman makalat siya sa bahay, manginginom, maligalig, kuripot, ay masipag naman siya, reponsable, at mula nang mabuntis ako ay huminto na siya sa pambababae.


Nakangiti na ako hanggang sa dumating ang sinigang na deliver ng karinderya sa may labasan. Bayad na ito ni Miko. Talagang sinigurado niyang may masarap at may sabaw na ulam ko.


Tumungo ako sa kaldero namin para kumuha na ng kanin, para lang bumagsak ang balikat ko dahil hilaw lang naman ang kanyang iniwan sa aking sinaing.


Ngumiti pa rin ako. Okay lang, at least, he tried. Saka edible pa rin naman siguro kahit hilaw. Sasabawan ko na lang para lumambot. Sumandok na ako at sumubo para lang mapamura.


"Shit, ano ito, bato?!" Ang tigas-tigas ng kanin! Impit na napahiyaw na lang ako sa asar. "Miko!!!"




TOTOO PALA NA ANG PAG-AASAWA AY MAHIRAP NA MASARAP.


Nang masimulan na ni Miko noong gabing iyon na galawin ako, ay ginabi-gabi niya na. Namihasa na. Hindi naman ako nagrereklamo kasi aaminin ko, gusto ko rin.


Minsan nga ay ako pa ang nauuna kay Miko na mangalabit. Ewan ko ba, bigla na lang akong naging mahilig. Siguro kasi ang guwapo-guwapo niya palagi sa paningin ko, tapos palagi pa siyang mabango.


Medyo mahirap na nga lang dahil nga sa tiyan ko. Hindi man ako malaking magbuntis ay nag-iingat pa rin kami sa aking baby bump. Nagpapa-load talaga siya para mag-search ng safe positions. He always made sure that he would not hurt me even a bit.


Iyong hirap naman ay iyong palagi pa rin kaming kapos. Natuloy na pala siya sa Epza. Mabuti na lang kasi mabait iyong kakilala niyang HR doon. Tinulungan siya kahit to follow pa ang ibang requirements niya. Nilibre pa nga siya ng pang-medical.


Hindi nga lang talaga sapat sa bayad sa renta, kuryente, tubig, pangbigas, at ipon namin sa panganganak ko ang kinikita niya. Nagbabayad pa kasi kami ng mga utang. Nakakapagtabi man kami ay naaagad din para sa ibang vitamins ko na hindi libre sa center at may bayad din iyong ultrasound.


Dahil sa lumalaki na rin ang tiyan ko, hirap na akong magkikikilos, pero kailangan ko pa ring kumilos. Kung hindi kasi ako kikilos ay walang magliligpit sa bahay, wala kaming kakainin, at walang malinis na damit na susuutin.


Bandang 7:00 p.m. ay wala pa rin siya kaya nag-check na ako ng phone. Minsan kasi ay nakiki-text siya sa katrabaho. He had no text today. Nagpunta naman ako sa account niya para lang magtaka kasi naka-log out.


Why did he log out? I tried to open the account but the password had changed. Nagpalit na pala siya. Kumiling ang ulo ko. Did he forget to mention it to me?




DUMATING SI MIKO BANDANG 8:00 p.m. na. Gutom na gutom na ako kaya nagluto na ako ng ulam. Nakipitas ako ng malunggay sa kapitbahay at nilagyan ko ng natitira naming stock na sardinas. Kung hinintay ko pa siya ay baka puti na ang mga mata ko sa gutom.


Pagpasok ni Miko sa pinto ay pinamewangan ko siya. "Bakit ngayon ka lang?!"


"Traffic sa Tejero."


Bago siya lumapit sa akin ay naghugas muna siya ng kamay at naghilamos sa lababo. Umiwas naman ako sa kanya nang akma niya akong hahawakan sa bewang.

"Aw, sardinas." Napangiwi siya pagkakita sa ulam, pero saglit lang. "Wow, sarap iyan."


Inirapan ko siya dahil alam ko namang nagsasawa na rin siya sa ganitong ulam.


Naghubad lang siya ng t-shirt, at siya na ang kumilos para maghain ng pagkain namin. Sa lapag ulit kami kakain pero may maliit na kaming lamiseta kaya hindi na sa mismong tile nakapatong ang mga plato.


Pagkakain ay siya na rin ang naghugas ng mga pinagkainan, bago siya pumasok sa banyo para maligo. Iyong hinugasan niya nga lang ay hinugasan ko ulit, dahil alam kong hindi iyon 100% na malilinis. Palaging kung hindi may sabon pa ay meron pang kanin-kanin.


Iyong pinaghubaran niya naman na damit ay ako pa ang nag-ayos sa marumihan. Napapagod na lang ako na magsabi nang paulit-ulit kaya ako na lang ang gumagawa kahit nakakabuwiset na.


Paglabas niya ng banyo ay ngiting-ngiti pa siya pero nakamamatay na irap ang ganti ko sa kanya. Nagtataka naman siya na nakahabol na lang sa akin ng tingin. "Tabi! Ako naman ang maliligo!" masungit kong sabi.


Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hinawi ko siya na parang kurtina para makapasok na ako sa banyo.


Nang mabasa ng tubig at mapreskuhan ay saka lang lumamig ang ulo ko. Miss ko na si Miko.


Paglabas ko ay nakapaglatag na siya ng higaan namin. Naka-boxers na lang siya habang nakahiga at nagsi-cell phone. Ayon sa naririnig kong sounds ay naglalaro siya ng ML. 


"Ukinam—" Mapapamura pa siya kung hindi lang niya ako nakita.


Narinig ko na lang siyang bumubulong ng AFK daw muna siya.


Pagkababa ng phone ko ay nakangiti siyang lumingon sa akin. "Tara, buntis, masahiin kita."


Masahiin ba talaga?


Tumabi na ako sa kanya sa higaan. Tumayo naman siya saglit para patayin ang ilaw. Ang natira na lang naming liwanag ay iyong galing sa ilaw sa labas. Para kaming may free lampshade.


"Kumusta maghapon mo?" tanong niya sa akin habang minamasahe ako sa palad.


"Okay lang. Noong hapon ay lumabas ako para makipagkuwentuhan sa mga kapitbahay."


"Aba, mukhang kasapi ka na talaga ng sorority ni Aling Ason, ah," tukoy niya sa nanay ni Asher na leader dito sa street.


Iningusan ko siya.


"Naku, kung katropa ka na nila, hindi ako papayag na hindi ikaw ang muse nila. Ikaw yata pinakamaganda rito sa street na ito."


Iyong irap ko sa kanya ay may kasama ng maliit na ngiti. "Siraulo."


Ewan ko ba kung kailan kami nagsimulang maging ganito ka-casual at ka-natural ni Miko. Iyong parang normal na mag-asawa. Iyong parang nagmamahalan talaga. But I must admit, I kind of like it.


Nang yumukod na siya sa akin ay alam ko na agad kung ano ang kasunod. Maybe because I was really waiting for this. To our nightly routine. Sabi nga ng kapitbahay, habang kaya pa ay sulitin. At iyon nga ang ginagawa namin. Miko leaned down, and I met his lips, and we shared a fiery kiss for several minutes.


Isa sa mga napansin ko kay Miko ay gustong-gusto niya na hinahalikan ako. Walang gabi na hindi ako nauubusan ng hininga dahil sa paulit-ulit niyang paghalik sa mga labi ko.


Just as now, he was not content with merely kissing me passionately; his warm huge hand went from my neck to my nape, intensifying the kiss even further. I let him kiss me for as long as he wanted, and all I did was breathe through my nose to prevent myself from being out of breath.


Sa wakas, natapos din siya. But I was still catching my breath when I moaned because he sucked the soft spot in my neck.


Itaas niya ang suot kong shirt at ang ikinulong agad ang isang dibdib ko sa kanyang palad. Nang laruin niya ng mahahabang daliri ang dulo niyon ay sinabunutan ko siya. Nakangisi siya nang mag-angat ng paningin. "Sinusulit ko lang kasi malapit na akong magkaroon ng kaagawan dito."


Pinisil ko ang matangos niyang ilong, pero wrong move dahil dinilaan niya ang palad ko. Kahit dim ang liwanag ay kitang-kita ko kung gaano kapungay at kainit ang mga mata niya. Nakakapaso.


Nang mahubad niya na nang tuluyan ang damit ko ay napayakap ako sa sarili. Hinawi niya naman ang mga braso ko. Napaiwas na lang ako ng tingin nang hagurin niya ng mainit na titig ang kahubaran ko.


I was embarrassed because my body shape was now a little different from before, but Miko didn't seem to care about that. Just like the other nights, he worshipped my breasts as if they were the most beautiful breasts he'd ever seen and touched his whole life.


Miko placed a soft kiss on my baby bump before going down, as if he were asking for permission for what he was about to do to me. May ibinulong pa siya roon pero hindi ko naman narinig, kaya hindi ko alam kung ano iyon.


When he went down between my thighs and took off my shorts and underwear, I just bit my bottom lip so hard.


Miko kissed me there as well, so deeply and wildly that I found myself moaning his name over and over. He seemed to enjoy it that he did his best to make me feel good, so I would moan his name even louder.


When he felt that I was finally ready, he then claimed my whole being. Katulad nang mga nagdaang gabi, pinanood ko siya kung paano siya mapapikit, mapakagat-labi, at mapatingala sa bawat pag-ulos niya sa pagitan ng aking mga hita.


Nang matapos ang lahat ay pareho kaming humihingal. Hinalikan niya ako sa noo ang magaan. Nakatulog ako na nakayakap sa kanya habang inaayos niya ang pagkakakumot ko.


Pero nagising din ako agad dahil naramdaman ko ang pagbangon niya. Pumunta siya sa banyo. I was about to go back to sleep when the phone vibrated under his pillow.


Ha? Why was it there? Bakit wala sa ibabaw ng orocan kung saan madalas itong nakalagay? Bakit din naka-silent? Wala na akong alam sa nangyayari kapag nakatulog na ako sa pagod, kaya wala akong idea kung bumabangon pa ba siya para maglaro o ano.


This was the first time I noticed he kept his phone near him at night, so I couldn't help but be curious about who texted him. Wala naman kasing ko-contact sa amin sa ganitong oras, unless there was an emergency.


I checked who it was and found out it was from an unsaved number. Ngayon lang nag-text, o ngayon lang ba talaga? As I read the message, my heart sank and tears welled up my eyes. Kasi hindi ako makapaniwala na ito ang aking mapapala matapos kong magtiwala.


Unknown Number:
Pst! Napatulog mo na ba yang asawa mo? Online ka na. <3


JFstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top