Chapter 19

ALAM NIYA NA NAPANOOD KO ANG VIDEO?! BAKIT ALAM NIYA?!


Umusod pa si Miko palapit sa akin hanggang nasa tapat na ng aking tainga ang mga labi niya. Pinatunog niya ang kanyang dila dahilan upang magtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.


"Sabihin mo lang kung gusto mong i-send ko sa 'yo iyong akin, para kung sakaling kailangan mo ng reference." Tinapik niya na ang balikat ko at pasipol-sipol na iniwan na ako.


Kumuyom ang mga palad ko. Bastos na iyon! As if gagawa talaga ako ng video ng kahalayan ng katulad ng kanya! No way I would do it! Over my dead body! But what if I lose, though? Could I simply not keep my word?


Mabilis akong umiling. No. Hindi ako dapat matakot. Miko would surely lose so I shouldn't worry about this bet, anyway. He had no idea that Faye would just going to play with him. Na gagawin lang siyang nitong experimental short-time boyfriend for experience until our graduation.


Pumasok na ako sa room. Natatawa na lang talaga ako na nabubuwiset kapag naiisip ko iyong usapan namin ni Miko. Pinatulan ko na lang para mabawasan naman ang kaarogantehan niya sa katawan. Feeling niya yata lahat ng babae ay excited maging girlfriend niya. Ibahin niya si Faye.


Nahuli ng alis ang last subject namin noong first break. Ang mga kaklase ko ay napatingin sa labas ng bintana. Hindi ko naman dapat papansinin, nang makarinig ako ng bulungan. "Sino iyong guy sa labas?"


Guy? Napasunod tuloy ako ng tingin sa tinitingnan nila. Pati butas ng ilong ko ay nanlaki yata nang matanaw sa labas ng bintana ang isang matangkad na lalaki. Muntik ko pang maisip na hindi siya kasi nakasuot ng polo at may ID pa!


Nakatayo sa labas mismo ng bintana ng room namin. Nakapamulsa sa suot na school pants at halatang may hinihintay. Si Miko! Anong ginagawa niya rito?!


Napatayo agad ako paglabas ng teacher namin. Pinuntahan ko agad siya. Parang tanga talaga itong lalaking ito. Sana kung may sasabihin siya, i-text na lang niya o hintayin niya na lang ako sa bench. Bakit kailangan niya pang magpunta dito sa building namin?!


"Miko naman, anong ginagawa mo rito?!" sita ko agad paglabas ng pinto. "Bakit ka pumunta? Pupunta naman ako sa bench—"


"Michael Jonas?" malambing na boses mula sa likod ko.


Paglingon ko ay aking nakita si Faye na nakangiti. Kay Miko nakatingin.


Pagbalik ko ng tingin kay Miko ay kay Faye rin nakatuon ang mga mata niya. "Hi. Istorbo ba?"


Lumapit si Faye, nilampasan ako na para lang akong design dito. "Nope. Akala ko lang talaga nagbibiro ka lang sa text mo na pupunta ka."


Text? Nagkapalitan na sila ng text? Nagkuhaan na pala sila ng number, pero bakit hindi ko naman napansin na may ka-text si Faye kanina?!


"Canteen?" yaya ni Miko na sa best friend ko nakatingin, as in parang wala talaga ako rito.


Mahinang tumawa si Faye. "Oh, sure. Let's go." Pagkuwa'y makahulugan akong kinindatan ng kaibigan ko.


Magkasama na silang umalis. Nakahabol na lang ako sa kanila ng tingin habang nakanganga. Para akong binuhusan ng tubig na may yelo. Kung ganoon si Faye pala ang sadya ni Miko rito at hindi ako?!





ANO NANG GINAGAWA NILA?


Mauubos ko na yata ang aking kuko sa daliri kakangatngat. Hindi ako makapag-decide kung susunod ba ako sa canteen para tingnan kung ano ang ginagawa nina Miko at Faye, kaya lang ay baka magmukha lang ako roong stalker nila. Pero sila na ba?


Why should I bother, though? For sure Miko would ruin things on his own. Hindi ko dapat alalahanin. Pero napatayo pa rin ako sa huli, ang kaso ay late na. Tumunog na ang bell. Tapos na ang recess.


Pumasok na si Faye, at natanaw ko rin si Miko sa pinto ng room namin. Inihatid pa niya talaga si Faye?! Pagpasok ni Faye ay sinalubong siya ni Nicola na kaklase namin. "Faye, is that your BF? Anong section?"


May iba pang nagtanong kay Faye, at may narinig din akong simpleng pumuri na guwapo raw si Miko. Hindi raw familiar kaya tinatanong kung ka-grade ba namin ito. Si Faye naman ay isang misteryosang ngiti lang ang isinagot sa lahat ng tanong.


Nang maupo si Faye sa aking tabi ay hinihintay ko siya na magkuwento, at gusto ko siyang balaan ulit na siraulo si Miko, kaya wag niyang seseryosohin. Babanggitin ko rin sana ang pustahan namin, pero naglabas na si Faye ng libro para magbasa. Meaning: bawal ang maingay kaya di na ako puwedeng magsalita.


Napatitig na lang ako kay Faye. Kapag ganito ay di siya talaga maiistorbo, but when the bell rang for the lunchbreak, she was the first to get up and leave.


I ran after Faye to ask her to join me for lunch because I badly needed to tell her about the bet, but as I was about to reach her outside our building, I saw a guy waiting for her there. Miko. Nanigas na lang ako habang nakatanaw sa magkasama nilang pag-alis.





"MAGMA-MIGRATE NA KAYO SA CANADA?"


Hindi ko na hinintay si Faye noong uwian dahil nahalata ko nang iwas talaga ito na aking makausap. Pagtunog ng bell ay nauna pa ito na tumayo. Sa kabilang daan naman ako dumaan para hindi ko sila makasalubong. Ayokong maging istorbo sa mga taong obviously ay ayaw magpaistorbo.


Dumeretso na ako ng uwi paglabas ng gate ng school. Bahala na sina Miko at Faye. Hahayaan ko silang i-enjoy ang relationship nilang pang-short time lang, dahil si Faye ay nag-e-experiment lang, while Miko was just playing along.


Sa tapat pa lang ng pinto ng bahay namin ay naulinigan ko na ang usapan sa loob. Boses ng mama ni Arkanghel na si Tita Roda nagsalita.


Sinagot ang tanong nito ng nagmamalaking boses ng mommy ko. "Oo, Mare. Pero matagal-tagal pa naman ang migrate namin sa Canada dahil hihintayin pa naming maka-graduate sa college si Zandra. Kaya baka try naming mag-asawa na mag-tourist muna."


Tumikwas ang isang kilay ko. May ganoong usapan ba talaga?


Dama naman ang pagka-inggit sa boses ni Tita Roda. "Aba'y buti pa kayo, makakaalis na sa Pilipinas!"


"Ano ka ba naman, Mareng Roda. Pagka-graduate ni Arkanghel, e di mag-migrate din kayo. Puwede namin kayong tulungan kung gusto niyo, tutal hindi naman na iba ang pamilya niyo sa amin."


"Talaga ba, Mareng Jesela? Aba'y thank you! Isa iyan sa pangarap ko, ang maialis sa Pilipinas ang pamilya ko!"


Pumasok na ako sa pinto dahil hindi ko na matiis ang usapan nila na kung saan-saan na nakararating.


"Ayan na pala ang aking unica hija!" masayang sabi ni Mommy. "Anak, pumunta ang Tita Roda mo dahil nangungutang siya ng pang-kuryente nila. Naikuwento ko rin pala ang plano nating pagma-migrate."


Ngumiti sa akin si Tita Roda. "Kumusta na, Za? Di ka na pala nadadaan sa compound namin, ah? Hayun, lagi tuloy malungkot ang binata ko. Alam mo namang crush na crush ka niyon, torpe lang talaga kaya tiklop pag nandiyan ka na."


Napahagikhik si Mommy. "Naku, Mare! Sabihan mo iyan si Arkanghel na wag kamo siyang torpe! Dapat umayos siya dahil boto na kamo ako sa kanya! Pero okay rin naman iyang ganyan na wag muna magmadali, basta lang ba lagi niyang babantayan itong si Zandra!"


Napahagikhik din si Tita Roda. "Kow, Mare! Di mo na kailangang sabihin, dahil iyong binata ko e hindi napapakali hanggang hindi nakakatiyak kung nakauwi na ba itong dalaga mo. Palaging nag-aalala kamo."


Nagtuloy sila sa pagkukuwentuhan nang umakyat na ako sa itaas. Pagpasok sa kuwarto ay ibinagsak ko sa kama ang aking katawan. Gaano ba kasi katorpe si Arkanghel para umabot pa sa ganito katagal? Bakit iyong iba ay mabilis naman?





I WOULD NOT LOSE. Baka nga one week pa lang sina Faye at Miko ay mag-break na sila. Knowing my best friend, hindi ito magpu-put up sa isang lalaking maraming flaws. Faye was just having fun as planned.


Faye would just enjoy the experience and then would finally leave Miko after. Mapapabilis pa iyon kapag nakita na nito ang mga ugali ng lalaking iyon. Excited na ako, kaya lang ay ano ba itong nakikita ko ngayon?


Masyadong maaga ang pagpasok ko kaya baka naman nagha-hallucinate pa ako sa antok. May natatanaw kasi akong matangkad na lalaki na nakatayo sa may bandang bench. Parang kamukha ni Miko. Pero malabo e. Bukod kasi sa clean cut, naka-complete uniform pa ang isang ito.


But then the guy looked at me. Ganoon na lang ang paglaglag ng panga ko nang masilayan siya nang malapitan. Tumaas ang sulok ng kanyang bibig sa nakikitang reaksyon ko.


Wait! Was this guy really him? As in Michael Jonas Pangilinan the delinquent?! May hawak ang phone sa kaliwang kamay, nakasuot ng polo, naka-black shoes, and his hair, naka-clean cut?! Oh. My. Gosh!


Siya nga. Si Michael Jonas Pangilinan. Naka-black shoes, nakasuot ng polo at hindi basta nakasampay lang sa balikat niya, may backpack na itim sa likod, at may suot na ID. Hindi lang iyon, hindi na long back ang buhok, wala ring suot na hikaw sa tainga, ilong, at wala rin akong natatanaw sa dila niya. And, boy, he looked so matino!


He stepped closer to me. Akala ko hihinto, pero palampas sa akin ang hakbang niya. Papunta sa gate kung saan ngayon ay papasok na ang bagong dating na si Faye. Sinalubong niya ito. Kinuha ang bitbit na bag, pagkuwa'y sabay silang naglakad na papunta sa Grade 12 building. Ihahatid niya na ang best friend ko sa room namin.





MATAGAL NA NAKAUPO AKO SA BENCH. Wala naman akong iniisip. Maaga pa. Ayoko pang pumunta sa room. Basta nakaupo lang ako sa bench habang nakayuko. Nakatitig lang ako sa lapag nang may humintong pares ng panlalaking sapatos sa harapan ko.


Napakurap ako at parang may sariling utak ang mga labi na ngumiti. "Mik—" Pero sa aking pagtingala ay ang seryosong mukha ni Arkanghel ang aking nakita. "Arki..."


Tinaasan ako ni Arkanghel ng kilay, saka siya naupo sa tabi ko. May kinuha siya sa bulsa ng kanyang slacks. Purse na black. Naglabas siya roon ng dalawang five hundred na buo at inabot sa akin. "Mukhang hindi ako ang inaasahan mo, pero ito. Hulog ko iyan sa mga utang nina Papa sa inyo."


Napatitig ako sa inabot niya sa aking pera. "Hulog?"


"Oo. Iyong huling utang namin na pang-kuryente, dalawang libo iyon, di ba? Tapos may utang pa kami noong nakaraan na seven hundred pa. Ito muna iyong bayad. Iyong iba, kapag naka-sideline ulit ako sa talyer sa weekend."


"Hindi mo naman kailangang bayaran. Papa mo ang may utang niyon. Siya ang dapat magbayad. Iyong kita mo sa sideline mo sa talyer, itabi mo iyon para sa studies mo."


"May tabi pa naman ako. Basta, tanggapin mo na iyan. Pabigay na lang kina Ninong. Pakisabi, maghuhulog ulit ako." Tumayo na siya at aalis na ulit nang mapahawak ako sa laylayan ng suot niyang shirt.


Napatigil naman siya at tumingin muli sa akin, pero hindi ako sa kanya nakatingin, kundi doon sa labasan ng canteen. Mula kasi roon ay lumabas sina Miko at Faye.


Paliko sila rito sa bench. Papunta sila rito. Nang hawakan ni Faye ang braso ni Miko ay napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng shirt ni Arkanghel.


Akala ko ay magagalit si Arkanghel, pero sa aking gulat ay biglang hinawakan niya ang kamay ko. Natulala ako nang hilahin niya ako patayo. Hawak niya ang kamay ko, habang nakatingala ako sa kanya at siya ay sa aki'y nakayuko. At iyon ang tagpo na nadatnan nina Miko!


Paglingon ko sa kanila ay nakatingin sila sa amin. Faye was smiling sweetly, but Miko's expression was serious.


Nang bumaba ang tingin ni Miko sa magkahugpong na mga kamay namin ni Arkanghel ay kitang-kita ko ang pagdilim ng kanyang mga mata.


"Oh, my!" Faye happily exclaimed. "You're Arkanghel, right?" tanong nito kay Arkanghel. "I'm so happy, nakaharap ko na rin ang guy na laging bukang-bibig ng best friend ko."


Nang maramdaman ko na bibitiw na sa akin si Arkanghel ay ako naman ang humawak sa kamay niya. Hindi ko siya hahayaang bumitiw. Not now. Especially not now!


Nakangiti at masigla rin ako na nagsalita, "Arki, she's Faye, my best friend. S-sila na pala ni Miko." Walang imik si Arkanghel. Wala ring imik si Miko.


"Z, Miko and I have a plan na mag-snacks mamayang uwian. Why not come with us? You know, double date?"


"Ha?" Napatingala ako kay Arkanghel. No reaction ang lalaki. Pagtingin ko naman kay Miko ay nakataas ang kilay niya, like he was confident that Arkanghel would say no. Nakaramdam ako ng asar kaya sa gigil ko ay ako na ang sumagot. "Sure!"


Napapalakpak si Faye. Si Miko naman ay nagsalubong ang mga kilay. Ang reaksyon naman ni Arkanghel ay hindi ko na tiningnan dahil baka lumubog lang ako sa lupa dahil sa hiya.


Basta siniglahan ko pa rin ang aking boses. "Yeah, sure. Sama kami ni Arki. Kita na lang tayo sa uwian. But for now, Arki and I have to talk muna. Kasi may pinag-uusapan kami bago kayo dumating. Right, Arki?" Tapos hinila ko na si Arkanghel palayo.


Mabuti naman dahil nagpahila naman si Arkanghel. Walang destinasyon na matino ang mga hakbang ko, at dito kami nakarating sa corridor ng bagong gawang building na katabi ng building ng Grade 11. At least, malayo na sa bench. Saka lang ako huminto.


Nang harapin ko si Arkanghel ay seryosong-seryoso ang aking mukha. Inilabas ko ang ibinayad niya kanina sa aking dalawang five hundred. "I'll give this back to you, pero bayad ka pa rin. You just have to come with us later. You can't say no because I will get mad at you and tell Tita Roda."


Napakamot siya ng kanyang tainga sa pagbanggit ko sa mama niya.


Pero desperada na talaga ako. "If you say no, I'll tell my mom too. Sasabihin ko na iniwan mo ako sa ere, and for sure she'll get mad din at sisingilin niya kayo sa utang niyo kahit wala pa kayong pambayad. Tapos pagmumulan pa iyan ng away ng families natin. Gusto mo iyon?!"


Inilahad niya ang palad sa harapan ko. Napakurap naman ako.


"Akina iyong binayad ko. Di ba sabi mo, ibabalik mo?"


Napanganga ako. "Oh..." Pagkatapos ay napangisi ako. Ibinalik ko agad sa kanya ang dalawang five hundred. "It's a date then! Wala nang atrasan, okay?!"


"Bayad na iyong 1K, sabi mo. Wala na ring bawian."


"Sure!" masayang sabi ko nang tumalikod na siya. Ang saya-saya!


Kahit nakaalis na si Arkanghel ay ang ligaya ko pa rin. Napawi lang ang pagkakangiti ko nang may pumasok sa corridor. Si Miko. Pabalik na siya sa room nila at dito siya dumaan. Katulad kanina, madilim ang eskpresyon niya.


Dito nga pala iyong papunta sa building ng Grade 11. Hindi ko siya dapat papansinin pero siya ang naunang pumansin sa akin. "Ligaya mo."


Nakasimangot na tiningala ko siya. "Masama bang maging maligaya?!"


"Pumayag lang si Arkanghel na makipag-date sa 'yo, yumabang ka na."


Sa aking inis ay nahablot ko ang polo niya. "What did you say?!"


Nakakaloko naman siyang ngumiti. "Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo, Zandra."


"Ikaw, ang tingnan mo kung hanggang saan ang yabang mo. Faye will surely break up with you after graduation, or maybe even before." Dahil iyon ang plano ni Faye na di niya alam. "You'll lose and I'll laugh at you!"


Hindi siya nakangisi ngayon pero mas masahol ang nasisinag ko sa mga mata niya. "Tatawa ka pa rin ba kapag natalo ka? Kasi ikaw ang matatalo sa pustahang ito. Kaya ngayon pa lang, alalahanin mo na iyong video ko na pinanood mo, para makapag-practice ka na."


Umabante siya at yumuko sa akin. Tumatama ngayon sa aking leeg ang mainit niyang hininga. Bago niya ako iniwan, nag-iwan pa siya ng mga salita. "At kawawang Arkanghel, kasi iyong video na gagawain mo, ako lang ang makakakita."





MAGKASAMA NA NAMAN SILA.


Katulad nang mga nagdaang araw, magkasama na naman sina Miko at Faye. Kung hindi nagkukuwentuhan sa bench, kumakain sa canteen, ay inihahatid naman ni Miko sa sakayan pauwi ang best friend ko.


Nauna na ako sa room. Wala naman gaanong ginagawa dahil clearance week na. Late pumasok si Faye at inihatid na naman siya ni Miko sa pinto.


"Hi, Z!" Masaya bati ni Faye at naupo sa tabi ko.


She seemed to be enjoying this short-term relationship with my fake cousin. Siguro naman nakuha na niya ang hinahanap na thrill bago maka-graduate ng high school, and that was to have a boyfriend.


"Tapos ka na sa clearance mo?" malambing na tanong niya sa akin.


"Patapos na." Ngumiti ako at sabay na kami na nag-ayos ng mga ipapasa pang project. Tinulungan pa niya ako sa mga mali ko at sinamahan magpasa.


Ganoon pa rin si Faye, iniintindi ako palagi. Nakaka-miss lang siya dahil palagi nang si Miko ang kasama niya poag breaktime, kaya this time ay niyaya ko siya na sumabay sa akin sa lunch, and I was so happy when she said yes.


Nakakapit ako sa braso niya habang palabas kami nang matanaw namin si Miko na lumiko sa building namin. Ano na namang ginagawa niya rito?!


"Oh, Z!" sambit ni Faye. "Di ko alam na susunduin ako ni Miko ngayon. Sabay yata ulit kami."


"But you supposed to eat with me," pigil ang tampo sa boses na sabi ko. "May sasabihin ako sa 'yo." Gusto ko rin sana na magkausap na kami. Ilang linggo niya rin akong iniiwasan at ito na sana ang chance ko.


Pero umiling si Faye. "Bawi ako sa 'yo next time, Z. I really want to enjoy this experience so I hope you understand." Tapos iniwan niya na ako para lumapit kay Miko at yumapos sa braso nito.


Seryoso ang mukha ni Miko at ngumiti lang nang yumuko sa best friend ko. Pero bago tumalikod ay pasimple niya akong nilingon, na parang iyon talaga ang highlight nang pagpunta niya rito ngayon. At mula sa pagkakangiti ay nakakalokong nginisihan ako ng kanyang mapupulang mga labi.


Magkasabay na silang umalis habang nakatayo pa rin ako rito. Kumuyom ang mga palad ko.




TULOG ANG KUTONG LUPA SA BENCH.


Walang pakialam si Michael Jonas Pangilinan kahit may mga napapatingin sa kanya na nagdaraan. Nakaupo siya sa bench, nakalaylay ang ulo sa sandalan, at nakabukaka ang mga hita. Nakanganga pa.


Nakakainis lang dahil merong mga babaeng estudyante na nagtutulakan pag napapadaan sa harapan niya. Tuwang-tuwa na makita siyang tulog. Meron ding pasimple pa siyang kinukuhanan ng photo.


Ang sabi ni Isaiah kanina, puyat daw si Miko dahil lumaban sila kagabi ng pustahan sa computer shop. Di raw agad nakatulog kahit nang umuwi na. Kawawa sana, kaso ay lamang iyong pagkabuwiset ko sa awa.


Saka paanong maaawa? E mukhang enjoy pa nga ng hudas na ito iyong atensyon ng mga nagdaraan. Dito pa talaga siya nagpaabot ng antok sa bench kung saan open space. For what? Para mapag-fiestahan siya ng mga girls?!


Buwiset ako sa kanya kaya naisipan kong gumanti. Wala si Faye kaya nilapitan ko si Miko. Sakto dahil may bitbit akong pentel pen sa bulsa. Balak kong sulatan iyong noo niya. Ano kayang magandang i-drawing?


Dahil nakalaylay ang ulo niya ay kailangan ko pa tuloy lumapit pa. Kailangan ko ring yumuko at dumukwang sa kanya. Nakakalang ang isang palad ko sa sandalan niya habang nakaluhod ang isang paa ko sa kabilang gilid niya sa bench. Talagang pose na pose ako para lang maisagawa ang maitim kong plano.


Kagat-labi pa ako habang unti-unting inilalapit ang dulo ng pen sa kanya, syempre lumapit din ang mukha ko sa mukha niya. Malapit na malapit na nang biglang may nagsalita sa likod.


"Tangina, mga exhibitionist!" Si Asher!


Paglingon ko ay hindi lang ito ang dumaan, kasama rin si Isaiah na laking-laki sa amin ang mga mata, at pati si Arkanghel na kumakain ng chips pero biglang napatigil.


Napailing ito sa akin. "Really? In front of my Piattos?"


Oh, no! Sa gulat ko ay nabitiwan ko tuloy ang pentel pen, nahulog iyon sa likod ng bench, doon sa may mga tanim kaya hindi ko na makita. Pagtingin ko pa sa mukha ni Miko ay muntik na akong mapasigaw dahil nakadilat na pala siya!


"Do-drawin-an lang kita sa mukha!" mabilis na paliwanag ko.


"Anong gamit mong pang-drawing? Dila mo?" sabat ni Asher. "Ew, yuck! Mga bastos!" Sabay OA na pagtatakip ng mata.


Nayakap naman agad ni Arkanghel si Asher kahit magkasing laki silang dalawa. Si Isaiah naman ay humarang pa rito at dinuro kami. "Mga walang modo! Baby pa itong bunso namin, tapos pinakikitaan niyo ng live show?! Paano kung ma-trauma ito?!"


Seryoso ba siya sa baby bunso nila? E damulag na si Asher!


Pagtingin ko ulit kay Miko ay halos nakayakap na pala ako sa kanya, nakasaklang pa ang isang binti ko sa gilid niya. Iyong pagkagulat sa mukha niya ay wala na, sa halip ay nakataas na sa akin ang isang kilay niya.


Napaalis ako bigla. Hiyang-hiya. Masama ang tingin na ibinato ko sa mga tropa niya. "Ampapangit niyo!" sigaw ko sa kanila sabay walk out. Lumingon ulit ako. "Puwera kay Arki pala! Basta pangit kayo!" Pagkatapos ay saka na ako nagtuloy sa pagtakbo.





NIGHT OF THE GRADUATION.


Excited ako na maka-graduate at bukod doon ay may iba pang dahilan ang excitement ko. Ngayon na ibi-break ni Faye si Miko. Oh, I couldn't wait to see that loser's face after my best friend had dumped him.


Or was this really excitement or nervousness? Nakita ko kung paano sineryoso ni Miko ang relasyon nila ni Faye, what if seryoso na pala siya talaga sa best friend ko?


Gusto ko na mag-break sila because I didn't want to do that video, but I also couldn't help but be sad for Miko. Would he be hurt once Faye dump him tonight?


Pagdating sa school ay inaayos na ang pila. Pumila na rin ako. I saw Faye. Nakasuot ng toga sa labas ng school uniform. Naka-make up at kinulot ang buhok. Bukod sa mas gumanda sa ayos ay kakaiba rin ang glow. Kinawayan niya ako. Kumaway rin naman ako.


Iyon ang glow na wala ako. Kanina sa bahay ay inuna pa ng parents ko ang pagsasagutan kaysa asikasuhin ang pag-aayos para sa importanteng araw na ito ng aking buhay.


Nagtatalo sina Mommy at Daddy kung saan ako pag-aaralin ng college. Ayaw ni Mommy na sa public university ako mag-enroll. Ang gusto pa nito ay humingi kami ng sustento monthly mula sa half brother kong si Kuya Zed na nasa Canada na.


Tinawagan pala ni Mommy si Kuya Zed nang hindi alam ni Daddy. Ni hindi ko pa nga iyon ka-close pero gusto na agad ni Mommy na ito ang sumagot sa college tuition fee ko. Tuwang-tuwa naman si Mommy kasi nag-yes si Kuya Zed.


Kalahati na ng ceremony nang tumayo si Faye habang nakatingin sa hawak na cell phone. Pagdaan niya sa akin ay may sinabi ito. "Zandra, he's here!"


Who?


Umalis na si Faye, at nakahabol ako ng tingin dito. Saan ba ito pupunta? Kasisimula pa lang ng ceremony. Sa gilid kung saan naroon ang mga nanonood ng graduation ay may isang kumuha sa atensyon ko.


Isang matangkad na lalaki ang naroon, nakasuot ng white shirt na pinatungan ng mint green na varsity jacket, sa pang ibaba ay itim na jeans at low-cut na Vans. Si Michael Jonas Pangilinan!


Yumakap agad sa bewang ng lalaki si Faye at tumingala sa kanya habang nakangiti. Natigilan ako dahil ganoon ba ang itsura ng nag-e-experiment lang at may balak nang makipag-break tonight?!


Pinabalik na ni Miko sa Faye pero ayaw pa ng babae. Nakalabi pa na yumakap pa ulit. Pagbalik ni Faye ay ngiting-ngiti ito. Nang magtama ang mga mata namin ni Miko ay tinaasan niya lang ako ng kilay.


Iyong mabagal na sandali ay biglang bumilis dahil lang sa kaalamang nandito ngayon si Miko. Nagulat na lang ako dahil sa pagkalutang ko ay pinapipila na pala ang mga graduates upang umakyat na sa stage.


Hindi man ako valedictorian o salutatorian ay may dalawang medal ako. Si Mommy ang umakyat sa akin sa stage para sa akin. Nakasimangot pa nga ito na mukhang katatapos lang makipagtalo na naman kay Daddy.


Nang kukuhaan na ng photo ay hindi ko makuhang ngumiti, unlike sa iba, lalo kay Faye na maganda ang pagkakangiti ng mga labi. Pagkatapos pa tawagin isa isa sa pag-akyat ng stage, pagbaba ay ipinakilala ni Faye si Miko sa mga magulang. Hindi ko na iyon kinayang tingnan pa...





jfstories#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top