Chapter 18

HINDI KITA SASALUHIN.


Kung ganoon, para saan pala ang lahat?!


Wala lang? Sobrang bored niya lang kaya ginawa niya lahat ng inakala kong may meaning?


"Z, is there a problem?" tanong sa akin ni Faye. Pagpasok ko kasi sa room ay nakita niyang namumula ang aking mga mata.


"Napuwing lang," sagot ko. Dahil iyon ang totoo. Alangang iyakan ko iyong kanina? Bakit ako iiyak sa bagay na wala namang halaga?! Taong walang kuwenta?!


"Okay." Umayos na sa pagkakaupo si Faye. "Z, oo nga pala. May favor sana ako."


"What is it?"


"I think I found the right guy na. Iyong sinabi ko sa 'yo na gusto ko pala na i-try magka-boyfriend before graduation. Iyong napili ko, kilala mo."


May kaba na bumundol sa dibdib ko. "Sino?"


Matamis siya sa aking ngumiti at parang bomba na binitiwan sa harapan ko ang sagot. "Your friend, Miko."


"Faye, sigurado ka ba? Babaero iyon!"


"That exactly the point. Kung babaero siya, e di hindi niya ako tatanggihan, di ba? Lalo pa't irereto mo ako sa kanya. Hindi rin naman ako pangit, kaya malamang na gugustuhin niya rin akong maging isa sa mga babae niya."


"Hindi ka niya seseryosohin!" Tumaas na ang tono ko.


"Hindi ko rin naman siya seseryosohin. Quits lang."


"Faye, iba na lang—"


"Siye ang gusto ko, Z," mariin niyang sabi. "Umpisa ko pa lang siyang nakita, naguwapuhan na ako sa kanya. He's not at all my ideal guy, but hey, so what, right? It's only for a short time. I just wanna experience having a boyfriend in high school before we graduate."


Nakatanga na lang ako sa kanya nang pumasok na ang next subject teacher namin. Nag-focus na rin si Faye sa hawak niyang libro para makaiwas sa akin. Dahil sa sinabi niya, hindi na tuloy ako nakapag-concentrate hanggang sa huling klase namin.



BAKIT SI MIKO PA?!


Bakit sa dinami-dami ng nagustuhan ng best friend ko ay si Miko pa? Bakit din ba ako nagagalit nang ganito? Kahit pa magsawa si Miko kay Faye after a week or two, hindi naman masasaktan ang kaibigan ko.


Nakalabas na lahat nang lumabas ako ng room. Maski si Faye ay nakauwi na dahil nagmamadali ito. Pagtunog na pagtunog ng bell, tumayo na agad. Obviously, umiiwas sa mga itatanong ko.


Even after Faye stressed to me that she only intended for a short-term relationship with Miko, I couldn't help but feel uneasy. Marami na akong nakitang naging girlfriend ni Miko, normal na lang na may makita ako na kasama siyang babae, pero parang hindi ko kaya kung best friend ko.


Pagdaan sa canteen ay nakita ko si Miko. Mukhang may kinatagpo na naman doon. Siya na lang mag-isa. Nakaupo sa upuang bato sa labas ng canteen. Nakayuko sa binti niya habang nakangiwi ang mga labi.


Nilapitan ko siya. Naramdaman naman niya ang paglapit ko. Nag-angat siya ng mukha. Wala naman akong sinabi. Nakatingin lang ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Sa pagmumukha niya. Kasi bakit kailangan niya pang maging guwapo?!


Itinaas niya ang isang kamay sa akin. "Wag kang magulo, nangangalay binti ko."


Ah, okay. Nangangalay. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, tinadyakan ko iyong binti niya kung saan ingat na ingat siyang wag masasagi. Napahiyaw siya sa gulat at sakit.


Pulang-pula ang mukha niya nang tingalain ako. "Tangina, anong problema mo?!"


Guwapo. Maangas. Pero kapag galit? Cute like an angry puppy. Kaya isa pa, tinadyakan ko pa ulit siya ng isa.


Muntik na siyang masubsob sa semento. Pag-angat niya ng paningin ay nanlaki ang mga mata ko dahil tingin ko ay nakabawi na siya. Doon ako nahimasmasan. Napaatras ako, pagkuwan ay napatakbo.


"Hoy!" sigaw niya. "Bumalik ka ritong babae ka!"


Sa may bench tambayan ang labas ko mula sa pasilyo palabas ng canteen. Sakto na parating sina Arkanghel, Isaiah, at Asher. Nanakbo ako papunta sa kanila. "Arkanghel, heeelp meee!"


Iika-ika naman na nakasunod na si Miko sa likuran ko. "Arkanghel, hawakan niyo iyan! Yari sa akin 'yang babaeng 'yan! Tangina, tinadyakan paa ko, alam namang nangangalay!"


Si Isaiah ang nagtanong, "Magkano?"


"Tagbebente kayo!"


Sabay-sabay na tumayo ang tatlo paharang sa aking harapan. "Are you serious?!" bulalas ko.


Ngumiti sa akin si Arkanghel na nakiharang din. "Sayang bente, e."


Hinawakan ako ni Asher sa braso sa kaliwa, si Isaiah sa kanan, at si Arkanghel ang nasa harapan ko, inosenteng nakangiti. Oo, naiintindihan ko, kapos si Arkanghel sa pera kaya kailangan niyang gawin ito. Pero sigurado ba talaga siya na ipagpapalit niya ako sa bente lang?!


Bago pa ako makapanumbat, may matigas na braso nang yumakap sa leeg ko. Kasunod niyon ay napairit na lang ako dahil sa limang kutos na natanggap ko. Hindi naman masakit pero, pesteng Miko, nagulo iyong pagkakatirintas ng buhok ko!


Nakatakbo na ang mga siraulo nang makabawi ako. Argh! Really? Bakit ba dinadanas ko ito?! Bakit ba kasi ako nadikit sa mga isip-batang mga unggoy na iyon?! At iyong abnoy na Miko na iyon ang gustong maging boyfriend ng best friend ko?!



AATRAS DIN SI FAYE. THAT WAS FOR SURE!


Faye could find a way to get closer to Miko, and while I wouldn't stop her, I wouldn't help her either. Ayoko na magtampo sa akin ang best friend ko kaya bahala na ito sa gusto nito. Pero kampante naman ako na kahit short-term relationship ay hindi uubra sa kanila.


Although Miko was really handsome, he had a lot of flaws. He was a lazy student, most of the things that came out of his mouth made no sense, and he was arrogant. Bonus pa na palamura. At ayaw na ayaw ni Faye ng lalaki na ganoon.


Iyon ang nasa isip ko kaya kampante ako, pero ganoon ba talaga ang mangyayari. Napakaaga pa noong pumasok ako kinabukasan. Akala ko pa noong una ay nanaginip lang ako sa aking nakikita, pero sina Miko at Faye nga ang nasa bench ngayon. Magkatabi sila roon, may kung anong pinag-uusapan.


Tumayo na si Faye at matamis ang ngiti na nagpaalam na kay Miko. Nang wala na ito ay saka ako lumapit. "Kayo na?"


Napataas naman ng tingin sa akin si Miko mula sa cell phone niya.


"Wag kang mag-alala, okay lang na maging kayo," sabi ko sa malamig na tono. "Wala naman siyang balak seryosohin ka, kaya hindi siya masasaktan kahit magsawa ka na."


Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.


"But, even if only for a short time, don't you dare do anything foolish to my best friend. Ituring mo na swerte na magka-girlfriend ka ng katulad niya, dahil kung tutuusin, hindi talaga katulad mo lang ang basta niya papatulan."


Tinalikuran ko na si Miko, pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang bigla niyang hiklatin ang braso ko.


"Hey, ano ba?!" singhal ko sa kanya.


"Anong problema mo?" tanong niya sa patag na boses pero malamig.


Kasing lamig ng mga mata niya nakatingin sa akin habang nakayuko siya at ako ay nakatingala sa kanya. 


Was he angry? Why? Nasaling ba pride niya? Kahit patapon ay may pride pa rin pala.


"Nothing!" mataray na sagot ko. "Ikaw, ano bang problema mo? Bitiwan mo ako!"


Napahagod siya ng buhok gamit ang kabilang kamay, saka napabuga ng hangin. Nang magbalik siya ng tingin sa akin ay madilim na ang mga mata niya. "Hindi ko girlfriend iyong kaibigan mo. Hindi rin magiging kami."


"And why?" Magsisinungaling pa siya riyan?! Akala niya ba uubra sa akin? Akala niya ba pipigilan ko sila dahil—


"Dahil kaibigan mo siya."


What? What did he say? Dahil kaibigan ko si Faye kaya malabong maging sila?


Iyong gulat ko ay nauwi sa mahinang tawa. "Wow, ka-touch. Pero okay lang talaga na maging kayo. Sabi ko nga, hindi naman kayo magtatagal na dalawa."


Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Sigurado ka?"


"Oo!"


"Ang tanong ko, sigurado ka na hindi kami magtatagal?"


"A-ano?" Napalunok ako sa klase ng titig niya. "O-oo, sigurado ako! Hindi ka boyfriend material para magtagal sa 'yo ang best friend ko, plus sabi niya, wala rin siyang balak na magtagal kayo. She only wants you until the graduation—"


"Paano kung mali ka?" Ang mga labi niya na mariing magkalapat kanina ay ginuhitan ng ngisi. "Paano kung lumampas kami ng graduation? O mas tumagal pa?"


"You're dreaming! She only wants you for experience!"


"Pustahan?"


Faye would never! Unless Miko could suddenly turn into the perfect boyfriend, which was quite unlikely to happen. Kaya ang lakas ng loob ko na ngumiti. "Fine! Pero kapag nag-break din kayo after our graduation, bawal ka na ring mag-girlfriend, even fling, for the next two years!"


Aatras na siya dahil kakayanin niya ba iyon? Matitigang siyang malandi siya!


But Miko's answer was straight as a ruler: "Deal! Pero pag ako ang nanalo, pag tumagal nga kami, ano ang mangyayari? Ano namang gagawin mo para sa akin?"


"To be fair, kahit ano. Wala kang maririnig sa akin na reklamo!"


"Alam mo ba kung gaano kadelikado iyang 'kahit ano' mo?"


Lumunok ako para alisin ang bumabara sa lalamunan ko, at tiningala ko siya para matapang na salubungin ang mga mata niya. "You decide! But I am telling you now, I'll win this bet!"


Yumuko siya lalo para mas ilapit ang mukha sa akin. "Okay. Pero pag ako ang nanalo, gagawan mo ako ng video na katulad ng video ko na walang paalam mong pinanood sa cell phone ko."


Umawang ang mga labi ko. "A-alam mo...?!"


Lumawak ang ngisi siya saka pinisil ang pisngi ko. "Oo, at unfair, di ba? Nakita mo na iyong akin, pero di ko pa nakikita iyong iyo."


Tigagal ako sa kanya.


"Maniwala ka, Zandra, matatalo ka sa pustahang ito. Pero wag kang mag-alala, pag nakagawa ka na ng video, hindi ko naman ipapakita sa iba, syempre lalong hindi kay Arkanghel." Ang ngisi niya at tumamis. "For my eyes only, baby."


jfstories
#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top