Chapter 17

DID WE FORGET ABOUT OUR FIRST KISS?


Ang gulat sa mga mata ni Miko dahil sa paghalik ko sa kanya ay sandali lang, dahil matapos ang ilan lang na segundo, mahigpit na rin niyang yakap-yakap ang katawan ko.

We kissed as if it were our first kiss, as if we had never shared a kiss before and it was the first time feeling and tasting each other's lips. Matapos ang ilang minuto ay humihingal kami pareho. Idinikit niya ang noo sa noo ko. Nakapikit siya kaya kitang-kita ko ang mahahaba niyang pilikmata.

Binasa niya ng laway ang ibabang labi saka dumilat para mapanuksong tumitig sa mga mata ko. "Sobrang gutom ka na ba, kaya pati ako tinatiyaga mo na?"

Magaan ko siyang sinikmuraan. Mahina naman siyang tumawa saka ako muling niyakap. "Bango kahit walang ligo."

Muli ko siyang sinuntok. "Naligo ako kagabi bago ako kinidnap ng mga petty mong chaka old friends!"

Muli siyang natawa. "Sabay pala tayong naligo. Naligo rin ako kagabi, e bago ko kayo puntahan sa bukid, para di naman nakakahiya sa 'yo. Savior mo, fresh."

Ah, kaya pala natagalan siya kagabi ay dahil naligo pa siya!

Hinalikan niya ako nang mariin sa noo bago binitiwan. "Dito ka pala muna. Kukuha lang ng malalapang. Tomguts na rin ako, e."

Napahawak ako sa aking tila namagang mga labi nang mag-isa na lang ako sa kuwarto. Okay lang ba talaga ito? Ang lahat ng ito? Kasi kung hindi, bakit wala akong nararamdamang mali?

I waited for Miko. It was more than thirty minutes before he returned. Kumatok muna siya. Pagbukas ko sa kanya ay ang dami niyang bitbit. Bukod sa isang plato na puno ng pancit canton at pandesal, ay meron din siyang bitbit na paper bag.

Sa kama niya ibinagsak lahat. Ang laman ng paper bag ay dalawang bottled mineral water, cookies, at ilang chips. Lumabas pa pala siya para bumili. "Mabuti may gas pa si Donya Dessy, nakapagluto pa ako ng canton. Itong pandesal naman, sakto na may dumaan nang pumunta ako sa grocery sa labasan."

Sa pancit canton naman na nasa plato ay nag-share kami. Dalawa ang tinidor na bitbit niya kaya walang naging problema. Gutom na talaga ako at nagkapalitan na nga kami ng laway at hininga, mag-share lang sa isang plato ay aarte pa ba ako?

Nagsalo kami sa iisang plato at halos magkauntugan kami ng ulo. Sinabunutan ko siya para hindi muna siya makakuha, tinuktukan naman niya ako, hanggang sa huli ay nagbigayan na kami. Sa huling subo ng pancit canton ay hindi na siya nakiagaw. Busog kaming dalawa at taob ang plato.

Nang makatapos kumain ay siya ang nagligpit ng kalat habang ako ay nakasandal lang sa headboard sa kabusugan. Iyong mga chips at tirang mineral water ay inilagay niya sa bedside table para daw kapag nagutom kami mamaya. Iyong plato naman ng pancit canton ay ibinaba niya sa kusina.

Pagbalik ay pasubsob siyang humiga sa kama. Hindi ko naman siya magawang sawayin kahit siksikan, dahil mukhang antok na rin talaga siya at pagod pa. Sa halip pa na sawayin ay natagpuan ko ang sarili na hinahaplos ng aking kamay ang malambot na buhok niya.

Napaungol si Miko subalit hindi dumilat. Tila nasarapan pa. Maliit na napangiti ako. Cute din talaga itong patapon na ito. My cute and gentle delinquent.

My fingers gently caressed his slightly long hair. His silence and lack of resistance encouraged me to keep going, and I dared to trace his forehead to his thick eyebrows with my fingertips. Doon sa kaliwa na may ahit sa gitna. Binagtas ko iyon papunta sa silver na hikaw na naroon.

My index finger continued till it touched the high and straight bridge of his nose, then to his flawless cheeks, and all the way down to his red lips. Gusto ko lang damahin iyon ng dulo ng aking daliri, kung malambot ba talaga, nang bigla siyang dumilat.

Babawiin ko na ang aking mga daliri nang bigla niya iyong hulihin gamit ang kanyang bibig, ang hintuturo ko ay marahan niyang kinagat. "Miko!"

Nakahiga siya habang nakatunghay ako sa kanya at kagat-kagat niya ako sa daliri. Ang nanunudyo niyang mga mata ay biglang nahaluhan ng init. Mula sa pagkakakagat sa daliri ko ay kanya iyong sinipsip.

I gasped at the same time I knew my entire face was turning red. But I was unable to pull my finger. It was as if it had become a stone inside his mouth.

Nang iluwa niya ang daliri ko ay parang malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala. Ganoon ang pakiramdam. Hindi ko maintindihan.

Hindi pa ako nakaka-recover sa gulat nang bigla siyang umangat. Muli na lang akong napasinghap nang ang malaking palad niya ay umabot sa batok ko, kasabay nang paghila niya sa akin at muling pagdidikit ng mga labi namin.

Napasubsob ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. He was kissing me again, his lips were conquering mine so passionately!

Miko shifted our positions, and I was now beneath him. He kept kissing me while his weight was on top of me. Hindi ako makahinga pero sa paraang masarap. Hindi naman ito kasalanan, di ba?

Ang mga labi ko ay gumanti sa galaw ng mga labi niya, dahilan upang mapaungol siya. And dang, why it sounded so hot?!

May naramdaman ako na matigas sa bandang ilalim ng aking katawan, at doon lang siya sa aking humiwalay. Humihingal siya na ngumisi sa akin. "Di ba nagpapaturo ka paano aakitin si Arkanghel, bonus lesson mo ito."

Sa sinabi niya ay parang lumipad lahat ng sarap at pagkahibang na aking nararamdaman.

Umalis siya sa ibabaw ko at pabagsak na nahiga sa aking tabi. "Matulog ka na para makapagpahinga ka." Pagkatapos ay tumagilid na siya patalikod sa akin.

Malalim na ang paghinga niya ay ako'y tulala pa rin. Bonus lesson? His kissing me was just a bonus lesson?!

Parang iyong emosyon ko, ganoon iyong utak ko, ang gulo. Lumipas pa ang mahabang sandali bago ako kinain ng pagod at puyat, doon pa lang ako nakatulog. Nang makatulog ay naghanap ako ng unang mayayakap, pero wala akong makapa.

Akala ko ay wala na talaga, nang may humigit sa kamay ko, at pagkatapos ay nakulong ako sa kung anong mainit at mabango. Ang balak ko tuloy na power nap lang ay nagdere-deretso.

Pagmulat ng mga mata ko ay 3:00 p.m. na sa wall clock. Napabalikwas ako ng bangon. 7-hour straight akong nakatulog!

Nasaan si Miko? Siya agad ang hinanap ng mga mata ko. Sa paahan ko siya ng kama natagpuan. Tahimik na nakaupo sa edge habang nakayuko. Kailan pa siya gising? Bakit hindi niya ako ginising?

Nang maramdaman ang pagbangon ko ay tumayo siya. "Hinahanap na ako ng mommy ko sa amin. Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?"

Nagulat ako dahil ang lamig ng pagkakatanong niya. Masama ba ang gising niya?

Hinanap niya na ang mga tsinelas namin sa sahig. Napaalis naman agad ako sa kama. Panay ang sulyap ko sa kanya pero tahimik lang talaga siya. Kahit hindi ko pa alam kung bakit ay hindi naman ako manhid.

He didn't want to talk about it. Just like the first time, he wanted to act cool about it again, like it never happened.


Nauna siyang lumabas, titingnan daw muna niya ang lagay sa ibaba. Matapos ang ilang minuto ay saka niya na ako binalikan. "Tara, habang nasa banyo ex-cousin mo. Naliligo dahil may session na naman mamaya ang mga sunog-atay at sunog-baga."

Hanggang sa paglalakad namin papunta sa labasan ay tahimik kami. Nag-jeep kami na pa-Malabon. Mauuna akong bababa dahil sa Bgry. Pinagtipunan lang ako. Kaya noong bumaba ako ay nagulat ako dahil sumunod na bumaba si Miko.

Hindi pa rin ako umimik na nauna nang maglakad sa kanya. Nakasunod naman siya habang nakapamulsa. Nang malapit na sa kanto ng street kung saan ako nakatira ay doon ko narinig siyang nagsalita. "Zandra."

Okay, tama nga sila. Pag matalino raw sa acad, tanga sa ganitong bagay, kaya ayun, isang tawag niya lang, lumingon ako agad.

Hindi siya sa akin nakatingin, sa ibang direksyon nakatuon ang kanyang mga mata. "Iyong bonus lesson natin kanina, wag mo iyong gagawin kay Arkanghel."

"B-bakit?"

"Basta wag." Nang tumingin siya sa akin ay halos malunod ako sa kaseryosohan ng mga titig niya. "Ang bonus lesson natin, para lang sa ating dalawa."

Nakaawang pa rin ang mga labi ko nang tumalikod na siya. Umuwi na raw ako tutal nandito na sa street. Gusto ko pa sana siyang habulin para tanungin pero nagsuot na siya ng earphone sa magkabila niyang tainga.

My lips twitched when Miko was gone. Ang gulo. Ang gulo ni Miko pero di ba magulo rin ako?

Dahil bakit kumakabog nang ganito ang aking dibdib samantalang hindi ko naman siya gusto?!


UMUWI NA AKO SA AMIN. Pagpasok ko sa pinto ay nagulat ako na nasa amin iyong lalaking sinadya ko sa Parañaque, iyong Zed! Nakaupo ito ngayon sa aming sofa kaharap sina Mommy at Daddy!

Ang mukha ni Daddy ay seryoso, habang ang kay Mommy ay hindi maipinta. Ang pagdampot ng tasa ng kape sa mesita ay padabog. Si Zed naman ay nakayuko lang habang ang mga kamay ay magkasalikop.

Nang makita ako ni Daddy ay halos magbuhol ang mga kilay nito. "Saan ka galing? Napapadalas yata ang paglabas-labas mo ng walang paalam, ah?"

Si Mommy ay sumunod din sa akin ng tingin. "Kaninang 7:00 a.m. nang puntahan kita sa kuwarto mo, pero wala ka na! Tapos ngayon ka lang 4:00 p.m. uuwi?! Hindi ka naman dating ganyan! Kanino mo nakukuha ang ganitong rebeldeng ugali?!"

Pigil ang emosyon na magalang na sumagot ako, "Gumawa lang po ako ng project sa bahay ng kaklase ko. Hindi ako nakapagpaalam kanina dahil mga tulog pa po kayo."

Hindi naman nabawasan ang galit ni Mommy. "Bakit kailangang ikaw ang dumayo sa bahay ng kaklase mo para gumawa ng project sa kanila? Paano kung malamok sa bahay nila at ma-dengue ka?!"

"Hayaan mo na," awat ni Daddy kay Mommy, antimano ay hinarap ako. "Anak, nandito ngayon ang Kuya Zed mo. Tutal nagkakilala na kayo, pinapunta ko siya ngayon dito."

Si Mommy ay napaingos. "Hindi naman sila dapat magkakakilala kung di dahil diyan sa pabidang panganay mo!"

"Si Zandra ang pumunta kay Zed!" napipikon nang sagot ni Daddy kay Mommy. "Anong ini-expect mo? Magsinungaling si Zed sa kapatid niya? Sa tingin mo ay uubra, e gayong parang pinagbiyak na bunga ang itsura nila?!"

Lumakad ako papunta sa kanila. Saka lang tumayo si Zed. "Dumaan lang ako, Zandra, dahil sa Sabado na ang lipad ko pa-Canada."

"Ang girlfriend ng Kuya Zed mo ay umuwi lang last month, noong isang araw naman ay ikinasal sila sa huwes. Sabay ang flight nila papuntang Canada next week. Doon na siya magtatrabaho."

Isang nurse daw ang napangasawa ni Zed na tatlong taon na sa Canada. Nauna ito roon at bumalik lang para sa kasal nila. Si Zed naman ay manager ng fastfood at nakaka-apat na taon na sa Taiwan, ngayon ay pa-Canada na.

"Ngayon pa lang tayo nagkakasama, pero paalis na ang kuya mo." Hindi naitago ni Daddy ang lungkot sa boses.

Ngumiti si Zed. "Pa, puwede ko naman kayong kunin kung sakali. Puwede kayong mag-tourist doon."

Si Mommy na kanina pa nakasimangot ay biglang nagliwanag ang mukha sa narinig. "Tourist?" ulit nito. "Puwede mo kaming kuning tourist pa-Canada?!"

Magalang na tumango si Zed. "Puwede naman po. Magagawan naman po ng paraan."

Malawak na napangiti na si Mommy. "Naku, pag-usapan natin iyan! Gusto ko talagang makarating ng Canada! Puwede rin ba kami roong tumira? Paano ba?" Hanggang sa parang si Zed na lang ang kasama ni Mommy sa sala.

Napailing na lang ako at sinamantala na ang pagka-busy nila, umakyat na ako sa kuwarto ko para magpahinga. Ang paghiga ko sa kama ay pabaliktad. Hindi ako sa uluhan umulo kundi sa may bandang paahan. Why?

Because I wanted to stare at what was hanging over the headboard. My lovely lavender dreamcatcher.

HE WAS THERE, MICHAEL JONAS PANGILINAN. Lunes. Patapos na ang breaktime. Natanaw ko siya, nakangiti, his boyish smile that displaying his dimples. May mga kasama siya pero siya lang ang nakikita ng aking mga mata.

Humakbang ako palapit dahil kung magulo siya, magulo rin talaga ako.

He didn't notice me because he was busy talking to Asher. The context: mainit ang ulo ni Asher, tapos nabangga ito sa balikat ng dumaang mga lalaki. Hindi nag-sorry iyong mga lalaki dahil mga pa-cool, kaya gusto nang banatan ni Asher, pero inawat ni Miko.

"Tangina naman, bunso. Wag na kasing masyadong maangas, dahil graduate na iyong kuya mo, wala ka nang back up dito. Hindi naman puwedeng ako lagi sasalo sa 'yo, dahil paano kung matiyempuhang mabangasan mukha ko? E di baka matupad na pangarap mong maging mas guwapo sa akin niyan?!"

Tunog walang kuwenta ang sinasabi niya, pero pinakinggan ko pa rin. Very Miko. So annoying and cool at the same time.

Padabog namang inalis ni Asher ang pagkakaakbay ni Miko saka ito nag-walk out. Mukha lang maangas si Asher, pero sa kanilang magkakaibigan, ito ang pinakamatampuhin, bugnutin, at asar-talo. Pinakabata ito na sumunod kay Miko, bunso rin sa bahay, at balita ko ay paborito ng nanay, kaya kahit damulag na ay parang baby pa rin.

"Tangina kasi," himutok ni Miko nang maiwan na siya. "Nasaan ba kasi si Lai? Putik, ako tuloy nagbi-babysit sa toyoin niyang syota!"

"Pst!" tawag ko.

Only then did Miko notice me. Iyong gulat na agad pumalit sa kaninang inaantok na mga mata ay huling-huli ko.

I stepped closer to him because why not? If I didn't do something to find out what I wanted to know, how could I know for sure?

Matamis akong ngumiti, kasing tamis ng aking pagbati. "Hi. May meeting mga teacher mamaya kaya maaga ang uwian."

Tumaas ang isang kilay niya. Alam ko na iyon, he was silently asking: 'ano naman?'

Nakangiti pa rin ako. "Wala lang, gusto ko lang itanong, tutal maaga ang uwian, itu-tutor mo ba ako ngayon? You know, the lesson you were talking about last time."

Napakurap siya. Wala na kahit anong pagka-antok o katamaran sa mga mata. And it thrilled me.

Tumingin ako sa stage kung saan may inaayos doon. May program kasi bukas. Pupunta ang mga representative ng mga college school upang hikayatin ang mga graduating student na sa school nila mag-enroll.

"So? Ano na, Miko? Dalawang buwan na lang, graduation na. Di ba dapat magmadali na ako sa pang-aakit kay Arkanghel habang nasa iisang school pa kaming dalawa?"

"Wala nang lesson."

"Oh?" Bumalik ang inosenteng tingin ko sa kanya. "But you said you would help me. That you will teach me. Have you changed your mind? If so, may I ask why?"

Matagal siya na nakatingin lang sa akin bago madilim ang mukha na napabuntong-hininga. "Busy ako."

Nanatili pa rin akong nakangiti habang hinuhuli ang mailap na mga mata niya. "Hindi ba puwedeng sumingit sa hectic schedule mo? Kahit ako na ang mag-adjust. Excited na kasi akong akitin si Arkanghel, kaya sana matulungan mo ako."

"Ayoko na," malamig na sabi niya.

"Oh..." Nilungkutan ko ang tono. "Pinaasa mo ako tapos ganito?"

"Tsk." Nakukunsumi na napahagod siya ng kamay sa kanyang buhok. "Kung gusto mo si Arkanghel, mag-isa kang gumawa ng paraan. Wag mo na akong idamay, busy ako—"

"Busy on what? Sa bilyar?" agaw ko sa sinasabi niya. "Sa pagtulog sa armchair mo kahit may klase kayo? Sa pagi-games sa phone? O sa pagtulala sa bench tuwing breaktime?"

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Napikon na ako. "Come on! Why are you backing out now? What did you realize? Sabihin mo sa akin ang dahilan mo dahil hindi kita titigilan. Nananahimik ako, pero ginulo mo ako! Pinaasa mo ako! Kaya ano ang ini-expect mo? Matatahimik na lang ako basta dahil lang sinabi mo na ayaw mo na?!"

Natulala si Miko sa akin.

Napabawi naman ako. "I mean, pinaasa mo ako sa offer mo na tuturuan mo ako kung paano akitin si Arkanghel, umasa na ako!"

"Baka ma-fall ka sa akin," sabi niya na dahilan para ako naman ang matulala.

"A-ano?"

"Iyon ang dahilan. Baka ma-fall ka." Madilim ang mga mata niya nang nakakalokong ngisihan niya ako. "Kaya ngayon pa lang, Zandra, tigil mo na."

Nakapamulsa na tumalikod na siya para bumalik sa room nila dahil kanina pa pala tumutunog ang bell. Kami na lang ang estudyante rito.

Dapat umalis na rin ako pero ayoko. Lakas-loob na humakbang ako pahabol sa kanya. "Paano kung ma-fall nga ako?!"

"Wag."

"B-but why?"

Huminto siya at nang lumingon ay nakangiti sa akin, ngiti na hindi abot sa mga mata niya. "Dahil, Zandra, hindi kita sasaluhin."

jfstories
#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top