Chapter 20

I WAS FEELING UNEASY.


To be honest, the bet was no longer important to me. Mas inaalala ko na si Miko ngayon. Nandito pa rin kasi siya. As in mula nang magsimula ang ceremony ay nandito na siya. Nag-effort talaga siya without knowing na experiment lang lahat ito for Faye at ngayon na siya nito ida-dump.


He just stood patiently with the crowd, watching the ceremony without complaint, and he did that for my best friend. All for her!


Baka umaasa na pala talaga siya kay Faye. Pumunta pa siya talaga rito, tapos ang ending ay ibi-break lang pala siya. Hindi ko pala siya kayang makitang masaktan!


Sinundan ko si Faye nang magpunta ito sa toilet. Paglabas ng babae ay hinarang ko ito. Napangiti naman ito sa akin. "Hey, Z!"


"Bakit nandito si Miko?" deretsang tanong ko.


Inis na tumingin sa akin si Faye, pero wala akong paki kasi inis na rin ako. She was just using Miko for experience, for relationship experiment. Hindi alam iyon ni Miko.


"Ang sabi mo makikipag-break ka kay Miko ngayong graduation, bakit hindi mo na lang ginawa kanina? Or kahapon? Or through text? Bakit kailangan mo pa siya na papuntahin ngayon? Ipinakilala mo pa talaga siya sa parents mo." Pinapaasa mo iyong tao! Gusto ko pang idagdag.


Humalikipkip si Faye. "Hindi ko pa ba nasabi sa 'yo, Z?"


Nangunot ang noo ko. "Ha? Anong di mo pa nasasabi?"


"That I've changed my mind. I'm not going to dump Miko anymore. I am planning to keep him."


"What?!" Napamulagat ako. "Pero hindi ito ang sabi mo!"


"Nagbago na nga ang isip ko. I find him nice naman pala. He is nice, charming, and a breath of fresh air. Tapos nalaman ko pa, ako lang ang GF niya na umabot nang lampas one month. Meaning he is serious about me."


"But, Faye... You know how flawed that guy is! Alam mo bang may bukod kaming usapan? Nag-yes ako dahil alam kong ibi-break mo rin siya sa huli. Pero the point here is nakipagpustahan siya sa akin—"


Itinaas niya ang isang kamay to cut me off. Di niya na ako pinagsalita, like she didn't wanna hear anything bad about Miko.


"Listen, Z. Kakausapin ko siya at ipagtatapat ang unang plano ko.
Hindi ko na siya pakakawalan, so ano man ang usapan niyo ay wala na rin akong pakialam. I like Miko. At tingin ko, wala man sa plano niya ay na-fall na rin siya sa akin. Can't you see? Tumitino na siya. Lagi na siyang naka-complete uniform, di na nagka-cutting. It was all because of me."



Nanghihina akong napabagsak balikat. Faye had a point. Totoo nga na nagbago na si Miko. He changed for the better, and it was all because of her.


"Miko is doing his best to suit me because he knows that I am out of his league. It's like I am having a challenging project, ang 'operation patinuin siya'. It's so thrilling and I loved it, so I am keeping him."


Kuyom ang mga kamao ko na napayuko nang iwan na ako ni Faye.





TAPOS NA ANG CEREMONY.


Wala si Faye kahit saan. Ang sabi ng mommy nito ay bumalik daw saglit sa room namin. Nagtaka naman ako dahil madilim doon at baka naka-lock pa nga, kaya anong gagawin doon ni Faye?


Sinundan ko ito dahil nag-aalala ako. Pero sana pala ay hindi na ako sumunod.


Ang naabutan ko kasi, nakatayo si Faye at Miko habang magkaharap sa tapat ng pinto. Nag-uusap sila nang masinsinsan sa dilim.


Aalis na dapat ako para bigyan sila ng privacy, nang biglang tumingkayad si Faye. Inabot nito si Miko. At dito mismo sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kasunod na pangyayari— Ang marahang paglalapat ng kanilang mga labi!



I LOST.


Hindi na kailangang klaruhin pa, dahil obviously ay talo na ako. Graduation night na pero sila pa rin. And they even kissed after the ceremony! Faye finally fulfilled her fantasy!


Dapat nanginginig na ako sa nerbiyos dahil kailangan kong gawin iyong video na sinasabi ni Miko. Iyon ang kabayaran sa pagkatalo ko. Pero hindi ako nanginginig ngayon. Sa halip ay para akong nakalutang na walang maintindihan.


Hanggang pag-uwi ay tigagal ako. Ni hindi na ako lumapit pa kay Faye para magpaalam. May mga classmate din na nagpaalam sa akin pero ni hindi ko man lang nangitian.


Hindi ko na rin nakita pa si Miko. Hindi ko alam kung nasaan nagsuot ang lalaking iyon, at wala akong pakialam. Sana masaya siya. Pakasaya siya! Ayun, from 'experiment' ay isa na siya ngayong 'thrilling project'!


Sa bahay ay wala naman kaming handa at nagkasagutan pa ulit sina Mommy at Daddy kaya pumanhik na ako sa kuwarto. I just wanted to rest dahil pagod ako.


Nakahiga na ako sa kama wearing my favorite pair or purple pajamas. Pabaliktad ang higa ko dahil nakatingin ako sa dream catcher na nakasabit sa headboard. Siguro ay huling beses ko na itong magagawa. Plano ko kasing sunugin na iyon bukas.


I glanced at my wall clock. It was already 12 midnight. Kanina pang 8:00 p.m. natapos ang graduation. Kung may mga kanya-kanyang celebration man, siguro patapos na rin ngayon o kaya ay tapos na talaga.


Naghahalo ang gutom ko at boredom. Walang pagkain na puwedeng kainin at wala ring Internet dahil hindi kami nakabayad ngayong month. In short, dapat itulog ko na lang ito. Pumikit ako sa pananalig na baka makatulog, pero wala. Dumilat lang din ulit ako.


Dumapa ako sa pagkakahiga sa kama. Naisip ko sina Miko at Faye. Sa mga oras kaya na ito, magkasama pa rin kaya sila? Malamang. Pareho silang plan succeeded e! Pareho sila ngayong happy!


But did Miko really like Faye? Did he really change because of my best friend? Good for him then. Sa wakas, tumino na rin siya. Sana mas tumino pa siya na sa sobrang tino ay maski langit mahiya siyang tanggapin!


Nakasubsob ako sa unan nang mag-beep ang phone ko. Tamad na hinablot ko iyon mula sa bedside table. Nang makita ko kung kanino galing ang text ay napabalikwas ako bigla.


Pariwarang Friend:
Labas ka


Ha? Labas? Bakit?


Nagkusot pa ako ng mga mata kasi baka naghahalusinasyon lang ako. Pero totoo talaga ang text. Kandahulog ako sa kama sa pagbaba para takbuhin ang bintana. Sumilip ako at nakita ko agad ang matangkad na lalaking nakatayo sa labas. Si Miko!


Nakapamulsa siya sa suot na jeans habang nakatingala dito sa akin. Alam niya ba na dito ang bintana ng kuwarto ko?!


Ah, ito na nga lang kasing kuwarto ko ang bukas ang ilaw sa buong kabahayan. Pero ano nga ang ginagawa niya rito? Nasaan si Faye? Di ba dapat ay magkasama sila?!


Baliktad pa ang pagkakasuot ko ng tsinelas sa pagkataranta na lumabas. Dalawang beses din ako na muntik pang mahulog sa hagdan. Pagbukas ko ng gate ay nakatingin na siya sa akin.


Ganoon pa rin ang suot. White shirt na pinatungan ng mint green na varsity jacket, sa pang ibaba ay itim na jeans, at sapatos ay low-cut na Vans. Kahit pipitik-pitik ang ilaw sa malapit na lamp post ay kitang-kita ko pa rin kung gaano siya kaguwapo sa dilim.


Iyong pagkakanganga ko ay tumikom din agad. So what pala kung guwapo? So what kung nagtino na siya? May GF na siya, seryoso na sila sa isa't isa, kaya pakialam ko ba sa kanila?!


"Anong ginagawa mo rito?" masungit kong tanong pagkalapit ko.


"Umalis ka agad, di ko pa nabibigay graduation gift ko sa 'yo."


Napanguso ako. "Gift? Anong gift?!"


"Hulaan mo."


"Paghuhulain mo pa talaga ako?" Nabuwiset naman agad ako. "Tulog na ako nang istorbohin mo, tapos paghuhulain mo pa ako? Kung tadyakan ko kaya ang ngala-ngala mo?!"


Mahinang natawa naman siya. "Mukhang masama gising mo."


"Masama talaga! Ang ganda-ganda ng panaginip ko na inistorbo ng text mo! Kaya kung ayaw mong samain ka sa akin, sabihin mo na kung ano ba iyang pesteng gift mo na iyan, kahit pa feeling ko ayaw ko niyan!"


Hindi naman siya na-offend. Parang lalo pa ngang naaliw. Parang tanga talaga. Ano ba kasing nagustuhan ng best friend ko dito? Ang dami-daming pag-e-experimentuhan pero ang napili pa ay ang abnormal na ito!


Lumapit si Miko at sa gulat ko ay yumuko siya sa akin habang ang mga mata ay nanunukso. "Zandra, ang regalo ko sa 'yo... Nakipag-break na ako sa best friend mo."


Sukat ay muli akong napanganga. "A-ano?!"


"Alam niya simula pa lang ang pustahan natin, maliban sa pusta mo. Nakipusta nga rin siya, na mahuhulog ako sa kanya. Pero ito ang ending, walang nahulog."


Mas nanuot pa sa akin ang sinabi niya noong una na wala na sila ni Faye, kaysa sa kaalamang meron din silang pustahan. "T-talagang wala na kayo?"


Yumukod pa siya at binulungan ako. "Iyon nga ang graduation gift ko sa 'yo. Congratulations, selosa kong pekeng pinsan. Single na ulit ako."


Iyong panlalaki ng aking mga mata ay saglit lang. I was... happy. I couldn't believe it, but I was happy!


Nang makabawi ay bago siya sa akin makalayo, nahigit ko na siya sa kuwelyo ng jacket niya. Siya naman ang pinanlakihan ng mga mata. And dang, he looked so cute with his dumbfounded expression. I almost forgot that this puppy was already well trained.


Hindi ako dapat nawalan ng tiwala. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Nagtagal kayo ni Faye. Kung hindi ka pa nakipag-break, hindi pa talaga kayo magbi-break. Meaning, you still won. And you must get your prize." No. It was now a reward.


Ang lalamunan niya ay umalon. "Z-Zandra..."


Mainit naman ang mga mata na nginitian ko siya. "Kaya Miko, saan tayo? Dahil iyong video, gagawin ko na para sa 'yo."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top