Chapter 8

PARANG sasabog ang puso ko dahil sa sobrang kagalakan. Yakap-yakap ko ang taong matagal ko nang minamahal, at hinahayaan niya lang akong gawin 'yon. Just a while ago, I almost convinced myself that she didn't like me. But now that I know she talked

to her ex-boyfriend and cleared things up about us, I can't stop

smiling from ear to ear. Daig ko pa ang nanalo sa lotto kahit pa man ako tumataya.

Pero naputol ang tuwang 'yon nang may sumitsit sa amin.

"Psst. Ano 'yan, ha? Jaydel?"

Kapwa kami napabitiw ni Laila sa isa't isa nang sitahin kami ni Tito Ryan na naroon na pala sa gate at pinagmamasdan kami. Sa likod niya ay nando'n din si Tita Lileth na humahagikgik ng tawa.

"May hindi ba ako alam sa inyong dalawa ng anak ko, ha?" dagdag pa ni Tito Ryan.

"Ikaw, Jaydel, sumasalisi ka," kantyaw naman ni Tita Lileth. Napakamot ako sa ulo.

"Ahh... w-wala, Ma. He was just so happy. Alam ninyo naman si Jaydel, mahilig mangyakap. May permission ko naman po, kaya don't worry."

Naglakad si Laila papalapit sa kaniyang mga magulang tsaka nagmano. I did the same, pero si Tito Ryan, ginulo-gulo ang buhok ko.

"Jaydel, Jaydel, baka gusto mo naman akong abisuhan muna kung tinutupad mo na ang bilin ko," wika niya habang makahulugan akong tinitingnan.

"Ahhh... ano po kasi, Tito Ryan..."

Naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Tita Lileth. "Alam ninyo kayong dalawa? Kung hindi kayo mag-best friends, paghihinalaan ko na talagang may namamagitan sa inyo. Tingin mo, Pa? May relasyon na ba ang mga bata?"

"Iyan nga ang gusto kong malaman. Jaydel, Laila, may hindi ba kayo sinasabi sa amin? Sabihin ninyo na habang maaga pa."

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Laila. Pakiramdam ko, ito na ang pagkakataong sabihin ko sa kanila ang totoo-mapatunayan kay Laila na malinis ang intensyon ko sa kaniya-na totoong mahal ko siya. Kung kaya niyang maging vocal sa nararamdaman niya, dapat ganoon din ako. Alisin na ang kaba at magpakalalaki.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko tiningnan sina Tito Ryan at Tita Lileth.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at para akong maiihi sa salawal.

"T-tito Ryan... Tita Lileth, o-okay lang po ba na ligawan ko si Laila?" sinserong pagpapaalam ko sa kanila.

Napasinghap si Tita Lileth at ang kamay niya ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Si Tito Ryan naman ay maangas na ngumisi na para bang gustong sabihin na tama ang hinala niya.

"Anong ligaw ang pinagsasasabi mo d'yan, Jaydel? Boyfriend na nga kita, 'di ba?!"

Napanganga ako nang sumabat si Laila. At kitang-kita ko kung paanong nagbago ang mga reaksyon nila Tito Ryan at Tita Lileth.

"A-anong sabi mo, Laila? Boyfriend mo na si Jaydel?" paninigurado ni Tita Lileth.

"Opo, Ma! Boyfriend ko na po si Jaydel," walang muwang na sagot ni Laila na para bang hindi niya nababasa ang sitwasyon.

"Kailan pa?" sabat naman ni Tito Ryan sa seryosong tono na siyang ikinakilabot ko. Patay... Mukhang may mayayari ngayong gabi.

"Noong nasa hospital pa po ako, bago ako muntikang mawala."

"A-anong sabi mo?" Lumingon sa akin si Tito Ryan na nanlilisik ang mga mata. Kahit ilang dipa ang layo ko sa kaniya, parang nararamdaman ko ang init ng galit niya. "Totoo ba 'yon, Jaydel? Ibig sabihin, kayo na pala ng anak ko, bago ko siya ihabilin sa 'yo?"

Napakamot naman ako sa ulo at ang ibabang labi ko ay nakagat ko. "O-opo. Hehe."

"Eh, ayos ka pala, eh! May paligaw-ligaw ka pang nalalaman ngayon, kayo na pala! 'Di ba't sinabi kong protektahan mo si Laila sa mga sira-ulo? Ikaw naman pala 'tong umakyat-bahay na! Niloloko ninyo ba kami?"

Halos sugurin na ako ni Tito Ryan nang humarang si Laila sa harap ko.

"Dad? Calm down, okay? Ako naman ang nag-offer kay Jaydel na maging boyfriend ko. Kaya huwag na kayong magalit sa kaniya. Hindi ako nagpaligaw dahil alam kong wala namang gusto sa akin si Jaydel. Favor lang 'to para maramdaman ko pa ring buhay ako, kahit na posible akong mamatay any time. I just want someone to love, at grateful ako na hinahayaan ako ni Jaydel na gawin 'yon sa kaniya. 'Di ba, Jaydel?" mahabang paliwanag ni Laila na nagpatamlay sa akin.

Namutla ako. Maging ang mga reaksyon nina Tito Ryan at Tita Lileth ay napuno ng pagkadismaya. Lalo na nang sumagot ako.

"Ahhh... o-oo. T-tama ka, Laila."

Ngumiti siya sa akin habang ako ay tuluyan nang nanghihina.

Gusto kong sisihin ang sarili ko ng mga oras na 'yon.

Bakit ba lagi akong umaatras?

Bakit ba hindi ko kayang sabihin at panindigan nang harap-harapan na mahal ko naman talaga siya?

At bakit ba napakahirap niyang kumbinsihin?

Akala niya ba laro-laro lang itong lahat?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top