Chapter 7
HINDI na bumalik sa klase si Laila. At nang hanapin ko siya, nakita kong tama ang ibinalita sa akin ni Mikaela-magkasama nga sila ni Maximo. Sa ilalim ng puno at nagkukwentuhan...
Mukhang nakalimutan na ni Laila ang tungkol sa klase namin dahil nag-eenjoy siyang kausap ang lalaking nanakit at
nanloko sa kaniya nitong nakaraan lang. At ako, hindi ko magawang kumilos para paglayuin silang dalawa kahit na may basbas na ako mula skay Tito Ryan. Dahil mahirap sa 'kin na tanggalin ang mga ngiting 'yon na hindi ko naman madalas maibigay sa kaniya.
Totoong mahirap unahin ang tama kung may masasaktang tao. Mahirap pigilan ang isang bagay kung nakikita mong 'yon ang makakapagpasaya sa kaniya.
A tear rolled down my cheek. I quickly wiped it away before turning around and heading back to class. I still tried to listen to the discussion, but my mind kept drifting.
"Mr. Lladones, nakikinig ka ba? Wala naman akong pinapasulat, bakit sige ang kalikot mo sa ballpen mo?"
Kung hindi pa ako siniko ng katabi ko ay hindi ko mapapansing ako pala ang kinakausap ng teacher namin. Huli na para makasagot pa dahil lumapit na siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.
"I knew it! Nagdo-drawing ka na naman! Masyado ka bang in love kay Laila para i-sketch mo siya habang nagkaklase?" bulyaw ni Ma'am Samonte. Kinuha niya ang notebook ko kung sa'n ko dino-drawing si Laila. "Nabalitaan ko rin ang tungkol sa pagiging in a relationship ninyo at hindi ko naman kayo pinipigilan, pero mas mabuting unahin ninyo muna ang pag-aaral ninyo! Tingnan mo, wala na naman siya sa klase. Nasa'n ba siya?" sunod-sunod pa niyang litanya na ang tanging naging sagot ko lang ay...
"H-hindi ko po alam, Ma'am. Sorry."
"Hindi ba't mag-best friend kayo? Bakit hindi mo alam?"
Napabuntong-hininga ako. Tama, best friend lang kami. Best friend.
Mabilis kong binawi ang notebook ko, tsaka itinago sa bag ko. Napunta ang tingin ko sa dako ni Mikaela. Maging siya ay napabuntong-hininga na para bang naaawa sa akin.
At ang awa na 'yon ay umabot hanggang uwian. Muli akong nilapitan ni Mikaela.
"Jaydel, sandali! Usap tayo!" paghabol niya.
Nilingon ko naman siya kaagad na siyang ikinagulat niya. Napayuko siya.
"Hindi ba't kaibigan mo si Laila? At pinahahalagahan niya 'yong pagkakaibigan ninyo. Unlike you, Mikaela. And that's one of the reasons bakit hindi kita magugustuhan," deretsong sambit ko, tsaka siya tinalikuran.
I just don't understand why she keeps on approaching me. First of all, si Laila ang kaibigan niya at hindi ako. She should be more concerned about her than about me, and if anything, dapat nga mas pinagtatakpan niya pa si Laila. Ganoon niya ba ako kagusto para i-set aside ang pagkakaibigan nilang dalawa? Or is Laila really that selfless just to reconsider what we had because of her friend, Mikaela?
Nakita ko na lamang ang mga paa ko na naglakbay patungo sa bahay nila Laila. Sinipat-sipat ko siya roon, pero mukhang wala pa rin siya.
Yumuko na lamang ako para pagsipa-sipain ang mga bato sa lupa at matiyagang naghintay. Pasipol-sipol pa ako habang nililibang ang sarili ko. Siya naman ang ipinunta ko rito, kaya hindi ako uuwi hangga't hindi ko nasisigurong nakabalik siya nang buo.
"Saan kaya sila pumunta? Nag-date ba silang dalawa ni Maximo? Akala ko ba ako ang boyfriend niya? O pantasya ko lang 'yon?" bulong ko sa aking sarili habang nakapamulsa at bumubuntong-hininga.
"Jaydel! Ikaw nga! Anong ginagawa mo rito? Almost 8 p.m. na, ah."
Agad akong napalingon at hinanap ang boses na 'yon. Nakita ko si Laila na naglalakad habang kapit-kapit ang strap ng backpack niyang beige.
"Laila, ikaw pala. Ano kasi..." Napakamot ako sa ulo ko.
"Hinintay mo ba akong makauwi? Pasensya na hindi ako nakapasok, may ginawa lang ako."
Tinagpo ko ang mga mata niyang may nililihim. Bumigat ang paghinga ko at sa pagkakataong 'yon, hindi ko na napigilang deretsuhin siya.
"Nagkabalikan na ba kayo?" mahina kong tanong. Parang may napilas pa sa puso ko nang bigkasin ko 'yon.
"Huh? Nino?"
"Ni Maximo... I saw you with him earlier. Magkausap kayo sa garden, kaya hindi ka pumasok sa class. Kayo na ba ulit?"
Sandali siyang hindi nakasagot. At ang katahimikang 'yon ang lalong nagpatotoo sa mga hinala ko.
"Jaydel, it's not what you think..."
Naglaho ang ngiti sa mga labi niya na siyang lalong ikinabigat ng loob ko. Kanina, habang magkausap sila ni Maximo, hanggang tainga ang ngiti niya, pero ngayon, naalis ko ang ngiting 'yon sa pamamagitan lang ng isang tanong.
Napahaplos ako sa batok ko dahil sa inis. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko habang nakatitig siya sa akin at napapalatak ako ng tawa.
"It's fine, Laila. Sige... Kung gusto mo kaming pagsabayin, ayos lang o kaya ikaw ang bahala. Kung break na tayo, basta nandito lang ako. Kapag sinaktan ka ng lalaking 'yon, handa kitang saluhin... pasayahin... gamutin ang p-puso mo. Basta lagi lang akong nandito para sa 'yo."
Nabasag ang boses ko. Bakit ba pagdating sa kaniya, ang hina-hina ko? Kahit na nagawa ko nang maging lalaki sa harap niya nang isang beses, hindi ko pa rin mapigilang mawalan ng lakas para lumaban. Pakiramdam ko palagi, wala ako sa posisyon.
Nilapitan niya naman ako at hinaplos ang pisngi. A soft smile graced her soft red lips.
She slowly shakes her head. "No, Jaydel. Pumayag lang akong mag-usap kami so I can also come clean. Hindi naman pala talaga siya nag-cheat sa akin."
I scoffed and gritted my teeth. "So, kayo na nga ulit ni Maximo?"
"No?! You are my boyfriend now, so why would I accept his offer? I told you I went to him to explain that I already have you. Kaya huwag ka nang magtampo, okay? Sorry for telling you just now. Nag-isip-isip lang din ako, and I realized I should take the responsibility for asking you to be my boyfriend. Takot ko lang sa 'yo, 'no?"
Naalala ko ang pagbabanta ko sa kaniya na wala nang susunod pagkatapos ko.
Natakot ba siya sa akin nang sabihin ko 'yon?
Ibinaba niya ang kamay niya at hinawakan ang mga kamay ko. Both of her hands are caressing mine.
"Nakakatawa. Kinilig ako nung sinabi mo 'yon... Bumilis ang tibok ng puso ko. At sa sandaling 'yon, pinangarap kong maging totoo ang banta mo. Sana nga wala nang dumating pagkatapos mo, Jaydel, kasi gusto ko ikaw na 'yong last."
Hindi ko na napigilang yakapin siya. Wala na akong pakialam kung marinig niya ang malakas na pintig ng puso ko dahil para sa kaniya naman 'yon lahat.
Hinaplos ko ang buhok niya habang ikinukubli ang patuloy kong pag-iyak sa mga langit. A subtle fragrance from her welcomed me. I didn't know what scent it was but it seemed to possess the power to soothe even the most restless parts of my heart... as if it was urging me to be brave.
"Walang katapusan 'to, Laila. Hindi matatapos 'yong atin. Hindi ko hahayaan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top