Chapter 6

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Laila nang makita ko siyang tumayo mula sa kaniyang upuan.

"Magsi-cr lang."

UMALIS DIN ako sa upuan ko na siyang ipinagtaka niya. Kahit five minutes na lang bago magsimula ang klase, sinundan ko pa rin siya.

Napansin niya naman ako. "Oh, ikaw? Saan ka pupunta?"

"Saan pa? Eh 'di, sasamahan ka."

Pinalo niya ang braso ko. "Baliw! Anong samahan? Pupunta ka sa girl's comfort room? Ang OA mo na, ha!"

Inirapan niya ako tsaka naghalukipkip bago tuluyang umalis. Wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik na lamang sa kinauupuan ko. Wala naman sigurong mangyayari sa kaniyang masama. OA nga lang siguro ako. Hindi niya naman siguro makakasalubong ulit 'yong Maximo Cuevas na 'yon.

Kainis. Bakit kasi walang c.r. sa loob ng classroom namin? Now I can't keep an eye on Laila to see if she's okay. Ayoko namang isipin ng mga taong makakakita na manyak ako para sundan pa si Laila sa banyo. It's probably better if I just stay put-and get my thoughts under control, too.

"Jaydel, pwede ba tayong mag-usap?"

Tumunghay ako para makita kung sino ang tumawag sa akin. Hindi ko inaasahang lalapitan niya pa ako pagkatapos ng mga sinabi ko sa kaniya noon.

"Tungkol saan, Mikaela?" usisa ko habang patuloy na sinisipat ang pintuan kung pabalik na ba si Laila.

"Ahhh... ano kasi... gusto ko lang naman malaman kung kayo ba talaga ni Laila? Kasi ano... baka nagkukunwari lang kayo, para tigilan na kita?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Halata bang nagkukunwari kami ni Laila? Hindi... Totoo ang sa amin. Mabilis lang nangyari, pero hindi kasinungalingan ang relasyon naming dalawa ni Laila. At isa pa, bakit naman ako magkukunwari para tigilan niya lang ako? Hindi ako nahihibang para gumamit ng ibang tao.

"Mikaela, pasensya ka na. Ayoko namang masaktan ka pa. Respetuhin mo na lang sana ang desisyon ko. May ibang laman ang puso ko. At si Laila 'yon," deretso kong sagot sa kaniya habang sinisiguro na walang makakarinig. Ayokong mapahiya siya sa ibang tao.

"Pero ikaw ba? Ikaw ba ang laman ng puso niya?"

Tumigil ang paghinga ko. Parang hinukay ang puso ko at inalis sa pagkakatanim para huminto sa pagsanga at pagbunga.

"Alam mo kasi... kani-kanina lang, nakita ko si Laila na kasama ang ex-boyfriend niyang si Maximo. Nagsabi ba siya sa 'yo na magkikita sila? Magkausap sila sa garden."

Napatiim-bagang ako. Maging ang mga kamao ko'y kumuyom sa galit. Seryoso akong tumingin kay Mikaela at kahit siya ay napaatras.

"S-sorry... p-pero totoo ang sinasabi ko. Hindi ako nagsisinungaling, Jaydel. Promise. May iba pang nakakita bukod sa akin," dagdag pa niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ko siya deretsong sinagot.

"Kung anoman ang nakita mo, it is none of your business. At hindi mo na kailangang ibalita sa akin ang kahit na ano tungkol kay Laila. I don't wanna be rude, but you're pushing me. Huwag mo nang bigyan ng kahulugan ang mga bagay na hindi naman marumi ang intensyon. Baka nag-usap lang sila... baka yun lang 'yon."

Napakagat siya sa labi at ako naman ay napayuko. Bakit pagdating sa dulo, ako pa rin ang talo? Dahil ba sinimulan ko nang wala sa plano? Dahil ba pinilit ko?

Sabagay, kahit anong hadlang ang gawin mo, hindi mo mapipigilan ang dalawang pusong nagmamahal. Kahit pa mas mahalin mo siya, kahit pa mas alagaan. Kahit pa ipagsigawan mo sa mundo ang tunay mong nararamdaman, hindi niya mapapahalagahan, kasi isa lang naman ang kasya sa puwang na meron ang puso niya.

At hindi 'yon ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top