Chapter 2
"Kinabahan ka ba?" pang-aasar na tanong sa akin ng magaling kong best friend na si Laila.
KANINA lang nang magdagsaan ang mga doctor at nurse dito sa kwarto niya para i-revive siya, pero heto siya at parang himalang nabuhay, at tinatawa-tawanan ako na para bang hindi ako nabaliw at nasiraan ng utak
kakatawag sa pangalan niya, mabuhay lang siya.
"Why wouldn't I?" seryoso kong sambit. Hindi ko kasi maiwasang mainis, kasi kayang-kaya niya talagang paglaruan ang damdamin ko.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, mag-I love you too ka na sa akin! Balak mo bang sabihin 'yon kapag patay na talaga ako katulad kanina?"
I remember how panicked I was earlier because of her sudden death and miraculous survival. I was shouting at the top of my lungs, saying those embarrassing words and begging for her to hear all of my confessions. Kahit nga si Tito Ryan ay hindi makapaniwala sa mga narinig niya, pero dahil mas kailangan niyang bigyan ng atensyon ang anak niya, sinabi niya na lang na mag-uusap raw kami mamaya.
"I love you too, Laila! I love you too! Please wake up!" she mimicked. "Akala mo hindi ko maririnig?"
I shook my head and sat beside her. My shoulders slumped with relief and lingering fear at the thought of losing my only friend in this world. Hindi na ako nakapagsalita dahil ang tumakas sa aking lakas kanina ay hindi pa rin bumabalik.
"Come here. I'm sorry."
She grabbed my head and rested it on her shoulder. She even patted my back, which caused me to cry again. I am so doomed. I'm a guy, yet this woman right here is making me burst into tears.
"Sorry na dahil sa akin hindi ka tuloy nakapasok sa school. Sorry na, hmm? Hindi na mauulit, Jaydel. Patawarin mo na ako..." puno ng paglalambing niyang saad.
I continued whimpering like a boy who didn't know what to do after being abandoned at a playground by his only friend. I wasn't that strong. I couldn't even handle the thought of her leaving me. What am I going to do if that really happens?
Laila caressed my back to comfort me. Her hand was warm, soothing the anxiety that had been creeping into my heart.
"Thank you for saying those words for me, Jaydel. But don't worry, I won't take them seriously. Alam ko namang gusto mo lang sabihin 'yon sa taong gusto mo, kaya hindi mo basta-basta sinasabi. At alam kong nasabi mo lang din 'yon para tuparin ang request ko. Sorry... and thank you. If it weren't for those words, I wouldn't be here right now."
Humiwalay ako para tagpuin ang mga mata niya. Anong ibig niyang sabihin?
I cupped her cheek. "No, I really love you, Laila. I'll tell you that every day from now on."
Ngumiti lang siya. "Okay, okay." Hinawakan niya ang pisngi ko tsaka siya tumango. "I understand."
But I know she doesn't. Sa pagtitig ko sa mga mata niya, alam kong hindi siya naniniwala. She thought my feelings weren't real.
That's exactly why I'm afraid to say those words. I don't want her to think they mean nothing simply because they were spoken at the wrong moment. And the truth is, I always seem to arrive at the wrong time.
"Right person at the wrong time?" rinig kong sabi ng DJ sa radio na kasalukuyan kong pinakikinggan habang binabantayan sa pagtulog si Laila. Hindi na talaga ako nakapasok sa St. Andrew's dahil hindi rin naman ako matatahimik kapag may nangyari sa kaniyang masama sa pag-alis ko. Ayoko na, dito na lang ako.
"No. The right person will always be at the right time. If it's the wrong time, then they're not the right person for you."
Sinulyapan ko si Laila. Mahimbing na siyang natutulog habang ako ay narito at punong-puno ng kabalisahan na baka hindi na siya gumising. Ayokong isipin 'yon. Nasasaktan ako. Sana makalabas na siya sa lugar na ito at pangako, ipapasyal ko siya sa lahat ng lugar na gusto niyang puntahan hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong iyon ni Tito Ryan. Iyon na ang nakasanayan kong tawag sa kaniya. Dahil sa nangyari kanina, pinayagan na kami ng hospital na dalawa kaming magbantay sa anak niya rito sa loob ng kwarto. Ano nga ba naman kasing magagawa ko? Ultimo kanina sa nangyari ay para akong estatwa na nanigas lang sa kinatatayuan habang sinisigaw ang pangalan ni Laila.
"Mamaya na po siguro, Tito," simpleng sambit ko.
"Mahal mo talaga ang anak ko, ano?"
Naumid ang dila ko nang hilahin niya ang upuan palapit sa akin. May hawak siyang bimpong basa at dinampi-dampi niya 'yon sa pisngi ni Laila.
"Huwag ka nang magkaila sa akin. Alam ko naman, at napapansin ko rin," giit pa niya.
"S-sorry po..."
"Bakit hindi mo ligawan si Laila?"
Para akong sasamidin nang marinig ko 'yon sa kaniya. "Po?"
"Hindi ba't mahal mo siya? Mukhang noon pa naman. Bakit hindi mo siya pormahan? Kaysa naman napupunta siya sa mga maling tao, tapos lolokohin din. Alam mo, bilang isang tatay... ito na nga yata ang karma ko. Nagkaroon ako ng babaeng anak. Dahil siguro sa mga panloloko ko rin sa mga babae noon, kaya siya ngayon ang nagdurusa."
Nanatili akong nakayuko habang nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng mga hita. Wala akong mahanap na salita para isagot sa kaniya.
"Hindi naman ako magagalit. At least, ikaw, kilala ko, at mabilis kong mapapatay kapag niloko ang anak ko."
"P-po? H-hindi ko po gagawin 'yon kay Laila!"
Natawa siya. "Alam ko. Binibiro lang kita. Pero pag-isipan mo ang sinabi ko. Ayoko nang masaktan pang muli ang anak ko, kaya naman gusto kong ikaw ang mag-alaga sa kaniya. Protektahan mo siya sa mga lalaking sasaktan lang siya, Jaydel. Makakaasa ba ako sa 'yong patuloy mong gagawin 'yon?"
Simula bata pa lang kami ni Laila, iyon na ang ginagawa ko. Para akong aso na buntot nang buntot sa kaniya para lang bantayan siya. Kaso, dahil matalik na kaibigan nga lang ako, may mga pagkakataong kailangan kong dumistansya, lalo na kapag nagseselos na sa akin ang boyfriend niya.
"Lalo na sa Maximo Cuevas na 'yon, Jaydel. Ayoko nang makalapit pa ang lalaking 'yon sa anak ko. Kaya mo bang higitan ang pagmamahal na ibinigay niya sa anak ko, para tuluyan na siyang makalimutan ni Laila? Para hindi na siya masaktan."
Kung alam lang siguro ni Tito Ryan kung gaano ko kamahal si Laila, hindi niya na ako kailangang pakiusapan pa.
***
NANG SUMUNOD na linggo ay natanggap ko ang balitang makakalabas na si Laila sa Hopewell Medical Center, kaya abot langit ang pasasalamat ko sa Diyos. May dala ako sa kaniyang mga bulaklak nang bisitahin ko siya-isang pumpon ng white Gerbera Daisy.
"Ang saya mo, ah?" komento ni Laila nang makalabas na ang doctor kasama ang papa niya. Muli akong naiwan sa piling niya.
"Syempre naman. Makakalabas ka na," tugon ko, tsaka itinaas-baba ang kilay ko habang nakaupo sa tabi niya. Pinagmamasdan ko siya habang yakap niya ang bulaklak na binili ko para sa kaniya. Hindi natuloy ang usapan naming siya ang pupunta sa bahay ko dahil ako na ang pumunta sa kaniya.
"Tsk. Ayoko ngang lumabas, eh!"
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman? Ikaw lang yata ang narinig kong pasyente na gustong mag-stay sa hospital."
Sumulyap siya sa bintana at nasinagan ng sikat ng araw ang maganda niyang mukha.
"Kasi baka sa paglabas ko, iwan mo na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top