Chapter 1

"Buy me flowers after class!" bilin ni Laila nang magpaalam ako na papasok na sa St. Andrew's.

KASALUKUYAN kaming nasa senior high school-Grade 12 to be specific, at katulad ng mga nakaraang araw, hindi na naman siya makakapasok because she's still here at the hospital recovering.

Actually, it's been a week now, and the doctor said she can finally go home tomorrow if her condition remains stable. Thank God, because her plan seems to be working. Yes, isang linggo na rin niya akong boyfriend.

I am doing my best to take good care of her and do whatever she wants, including this request.

"All right, I will," sagot ko.

I simply smiled and turned my back on her, but she didn't let go of my hand. "Hey, hindi ka ba masaya? Ni hindi kita nakikitang ngumingiti. Pwede bang huwag mong ipahalatang napipilitan ka lang?"

"Hindi ako napipilitan, Laila," giit ko.

"Weh? Maniwala? Kilala kaya kita! Come on, give me a little smile, my Jaydel! Gusto mo ba i-kiss kita para ngumiti ka na?"

Mabilis akong napaatras habang nanlalaki ang mga mata. Sa sandaling 'yon, hindi ko alam saan ibabaling ang tingin ko. Mabilis kong tinakpan ang kalahating ibaba ng mukha ko gamit ang likod ng braso ko.

"N-no. Your father might get the wrong idea!" pagprotesta ko.

Sumilip ako sa labas kung saan naroon ang dad ni Laila. Isa lang kasi ang pwedeng bumisita kada oras, kaya naman habang narito ako sa loob ay nasa labas ang dad niya. Mamaya, kapag umalis ako, si Tito Ryan naman ang papasok para magbantay sa batang matigas ang ulo na ito.

Malakas namang tumawa si Laila at saglit akong nakiliti dahil doon. "Ano ka ba? Parang kiss lang, eh! Ang arte mo! 'Di ka pa ba nakikiss-an ng girl?"

Hindi na naman ako nakasagot.

"Right, sabi mo nga pala, hindi ka pa nagkaka-girlfriend. What if i-try natin? Kiss kita sa lips."

"Laila!" sigaw ko na nagpalingon kay Tito Ryan. Mabilis siyang pumasok na para bang nakalimutan niya na ang rule na hindi pwedeng dalawa ang nasa loob ng kwarto.

"Anong nangyari? May problema ba, Jaydel? Bakit ka sumigaw?" puno ng pagkatarantang tanong ni Tito Ryan.

"Ito po kasing anak ninyo, Tito Ryan, pasaway," pagsusumbong ko.

"Laila, anong ginawa mo?"

"Wala naman po, Dad. Hehe," pagpapa-cute ni Laila. Nakahinga naman nang maluwag si Tito Ryan.

"Sige, sige, balik na 'ko sa labas. Baka may makakita pa sa 'ting doctor at pagbawalan na tayong bumisita rito. Jaydel, paalis ka na rin naman, 'di ba? Papasok ka sa school?" tanong niya sa akin.

"Opo, Tito. Actually, papasok na po ako. Maiwan ko na po kayo."

"Sandali, Jaydel! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Dad, may sasabihin pa po ako sa kaniya."

"Gano'n ba? Okay, sige. Bilisan ninyo lang."

Muling bumalik si Tito Ryan sa labas ng kwarto ni Laila at umupo roon sa steel chair. Napabuntong-hininga ako bago lumingon kay Laila na nakakalokong nakangiti sa akin.

"Kung ayaw mo ng kiss sa lips, cheeks na lang?"

"Laila..." may diin kong pagtawag sa kaniya tsaka siya nilapitan. "Huwag ka nang makulit, okay?"

"Why? What's wrong with my request? Boyfriend kita. Ang mag-boyfriend girlfriend, nagki-kiss. Pasalamat ka nga, nagvo-volunteer pa 'ko, 'no? Swerte mo, kissable lips ko," komento niya habang tinataas-baba ang mga kilay. Napatitig ako sa mapupula niyang labi. Napalunok ako sa isiping dadampi ang mga labi ko at mararamdaman kung gaano kalambot ang mga iyon.

"Ano, payag ka na? Kiss na tayo para makaalis ka na." Unti-unti siyang ngumuso at lumapit sa mukha ko. Ako naman ay tila bumabagal ang mundo dahil sa kaba. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko na nagwawala. Agad akong napaatras. Napapikit naman siya sa inis.

"Ano ba, Jaydel?! Ayun na, ih! Bakit ka pa umatras?"

"A-ano kasi, hindi naman alam ng dad mo ang tungkol sa 'tin. Mamaya makita niya tayo, magalit siya. Sinabi pa naman niya sa 'king bantayan ka at huwag hayaang may ibang umaligid pa sa 'yo," pagdadahilan ko habang nakakapit sa dibdib dahil hinahabol ang hininga.

Inirapan niya naman ako. "Tsk. Tapos hindi alam ni Dad na ang binilinan niya 'yong boyfriend ko!"

Napakamot ako sa ulo. "Kaya nga, hindi natin pwedeng gawin ang gusto mo. Huwag ka nang makulit, ha? Ang lakas ng trip mo. Aalis na 'ko."

"Okay, fine! Umalis ka na nga! Baka ma-late ka sa klase, ako pa sisihin mo! Ikumusta mo na lang ako kay Mikaela, ha?" pagtukoy niya sa isa pa niyang kaibigang babae sa St. Andrew's. "At 'yong bilin ko! Bilhan mo ako ng bulaklak, okay?" pag-uulit niya.

"Oo, noted na. Babalikan na lang kita mamaya."

"Kahit bukas na!" pahabol niyang bigkas. "Tutal, lalabas na rin ako. Pupuntahan kita sa bahay mo para kunin. 'Yong bulaklak..."

"Ba't ikaw pupunta sa 'kin, pwede namang ako?"

Natawa siya. "Aba, aba, aba, Jaydel, bumabanat ka na, ha? Pinakikilig mo ba ako? In fairness, effective. Kilig ka rin ba?"

Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko. Ginulo ko ang buhok niya.

"Sira. Hindi naman 'yon pick-up line. Ikaw ang may sakit, kaya ako na ang pupunta sa 'yo para dalhan ka ng bulaklak."

"Eh, hindi naman ako patay, ih! Kaya ako na ang pupunta. Maliwanag ba? Ano? First away na ba natin 'to?"

Napakamot na lang ako sa ulo. "Fine. Whatever you like. See you tomorrow, Laila. I'll buy you flowers. I promise."

"Yes, yes, see you tomorrow, my dear Jaydel! I love you!"

Halos mawalan naman ako ng hininga nang marinig ko iyon. Muntikan nang rumolyo sa dila ang sagot ko, at mabuti na lang natapik ko ang sarili ko.

"Hey, where's my 'I love you too'?" tanong niya habang ako ay hindi pa rin maka-recover sa sinabi niya.

"H-huh?"

"Sabi ko, asan ang sagot mo sa 'I love you' 'ko?"

Napakamot ako sa ulo. Lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Kailangan ba may sagot?"

"Oo naman! Wala na ngang kiss, wala pa ring 'I love you'? Ang boring mo naman! Para saan pa't naging boyfriend kita kung hindi mo naman ako sasagutin?" reklamo niya habang nakahalukipkip. Masama na ang tingin niya sa akin na may halong pagtatampo.

"Eh, hindi naman ako mahilig magsabi ng ganiyan. Kilala mo naman ako," saad ko tsaka nagkibit-balikat.

"Ano ba 'yan? Isa lang, eh! Hirap mo namang kausap!" Inirapan niya ako bago siya bumuntong hininga, pero mayamaya lang ay nagbago ang expression ng mukha niya at sinubukan akong tingnan ng puno ng pagmamakaawa. "Please, Jaydel, isa lang? Sabihin mo ring mahal mo ako," puno ng paglalambing niyang sambit.

"P-pwede bang next time na lang? O kaya bukas," suhestiyon ko. Nauutal pa ako dahil tila napupugto ang hininga ko sa mga pinaggagagawa niya.

"Bakit naman bukas pa kung pwede naman ngayon?" pagpapa-cute niya pa, pero nanatili akong matigas.

"Bakit naman ngayon kung pwede namang bukas?"

"Uggh! Fine! Bahala ka na nga sa buhay mo! Bye!"

Lihim akong natawa sa pag-iinarte niya. Kung ganitong side ang palagi kong makikita sa kaniya, hindi pala masamang maranasan na maging girlfriend siya. Mukhang mas maaga pa akong mamamatay kung araw-araw kong makikita ang naiinis niyang mukha. Napaka-cute.

Humiga na lang siyang muli sa kama habang nakatitig sa akin nang masama. Naka-crossed arms siya na para bang isinusumpa ako.

Napangiwi ako. Bakit ba kasi ginagawa niya 'to? We're best friends, at hindi ako mabilis mag-adjust sa mga ganitong pagbabago, pero aaminin ko, nagugustuhan ko. Although, hindi ko mapigilang mag-isip-why would she force me to say those words as if it were the same as counting one, two, three? I can't even count my heartbeats today because of her.

Kumaway na lamang ako bago tuluyang umalis. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas sa kwarto niya nang may tumunog na matinis.

Agad akong napalingon kasabay ng pagragasa ng kaba sa dibdib ko lalo na nang makita kong mabilis na pumasok si Tito Ryan sa kwarto habang sinisigaw ang pangalan ng best friend ko.

No, this can't be. I should have said what she wanted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top